Tahimik ako na nakatingin sa mga bata na naglalaro sa labas ng bahay. Unti-unti nang dumidilim ngunit hindi ako makakuha ng lakas upang tumayo at pumasok na sa loob ng bahay.Mula nang maikwento sa akin ni Carl ang nangyari sa pagitan nila ni Roy ay hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.Medyo magaling na rin ako matapos akong apuyin sa lagnat noong isang araw dahil sa dami ng nangyari. Mula rin nang araw na iyon ay madalas nang bumibisita si Carl. Siya ang nag-aasikaso sa akin na dapat si Roy ang gumagawa.Hindi ko rin naman maiwasan na mapansin na panay ang tingin sa amin ni Roy. Animo'y gustong lumapit pero pinipigilan niya ang kaniyang sarili. Hindi ko na rin siya ginugulo pa lang.Huli na para pag-usapan ang mga nangyari sa pagitan naming tatlo. Ayos naman na ako sa buhay ko ngayon. I admit na nagugustuhan ko na si Carl noon pero tama lang din ang naging desisyon ni Carl dahil mas nalinaw ko na si Roy pa rin ang mahal ko. Na mas nangibabaw lang ang galit sa puso ko kaya ang
Inalalayan ko si Roy nang magsabi siya na masakit ang kaniyang ulo at parang pinupukpok iyon. "Sobrang sakit ba? Tell me, pupunta tayong hospital." Taranta na kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Mama. "Ma, busy ka ba ngayon?" tanong ko. "Katatapos lang ng duty ko, why?" "Ma, masakit daw ang ulo ni Roy. Inaalala ko si Amari. Walang magbabantay sa kaniya." "Why? What happened?" tanong niya. Umiling ako. "Kaya mo ba maglakad, Roy? Let's go, sa hospital na tayo." "No, I can't. Sobrang sakit, Ina," naluluhang aniya. Natataranta at hindi ko alam kung anong gagawin. "Mama, anong gagawin ko?" "Breath, Dianna. I'm in my car now at diyan na ako didiretso. Don't panic, mas magpa-panic si Roy." Tumango ako. Kagat ang ibabang labi habang pinagmamasdan ko si Roy. Napapapikit na lang ako nang mapasigaw siya. "Roy, kalma lang. Huwag ka mag-panic. Papunta na si Mama," usal ko. Ngunit mas nataranta ako nang ilang sandali pa ay tumahimik na siya at parang walang nangyari na natulala siya
"Paano naman mangyayari 'yon? Iisang tao lang hinahanap niyo pero hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin makita?" hindi maiwasan na tanong ko sa mga police. "Baka naman abutin pa ng isang taon itong kaso na ito bago ma-close o ang tamang tanong yata ay kung mabibigyan pa ba ng hustisya ito?" "Dianna, calm down," pagpapakalma sa akin ni Carl. Naririto kami ngayon sa police station dahil hindi na sila nag-uupdate pa. Ni hindi ko alam kung umuusad pa ba ang kaso namin. "Paano ako kakalma, Carl? Magaling na lahat-lahat 'yung mga naging biktima ni Ate Anne tapos hanggang ngayon wala pang maayos na pag-uusap para sa kaso na 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Mrs. Gomez, we were doing our best to search for Mrs. Annalyn pero hindi ganoon kadali na mahanap siya at idala rito—" "At kung inasikaso niyo na ito at hinanap si Anthony nang mas maaga ay hindi na aabot ng ganito katagal! Ang hirap kasi sa inyo ay mas inuuna niyo pa ang mga bagong file na case kaysa sa amin!" "Dianna." "Mr. U
"Hindi ko kasalanan kung iniwan ka ni Roy, Ate Anne. Lumayo na ako sa inyo at ngayon hindi ako ang dapat mong sisihin diyan sa galit at poot mo!" hindi makapaniwalang sambit ko. "Yes, you should be to blame, Ina. Kasalanan mo dahil inakit mo ang asawa ko! Inakit mo siya at siniraan mo ako sa kaniya—" Natatawa na tiningnan ko siya. "Siniraan? Ate Anne, bakit hindi mo na lang aminin na nangaliwa ka at nagkataon pa na may asawa rin ang kinabit mo? Sige, palagay na natin na nagkamali ako noong una at hindi ikaw ang nakita ko na may kahalikan sa tapat ng bahay niyo pero paano mo pa maipapaliwanag ang pagpunta mo sa condo ni Kuya Erik, na asawa pala ni Mama. Paano mo ipapaliwanag 'yon?!" Dinuro ko siya. "Nang dahil sa'yo muntik na mawala ang anak ko!" Tumulo ang mga luha sa mga mata ko dahil sa galit na nararamdaman. Nang hindi mapigil ang panggigigil sa kaniya ay lumipad ang palad ko sa pisngi niya. "Dianna, kumalma ka," pagpapakalma ni Mama sa akin. Sakto na paalis ako ng bahay nan
"What do you mean?" naguguluhan na tanong ko. "Order in the court! Please let the questioning proceed without interruptions. There will be an opportunity for the victim to speak later during their testimony or when called upon. Mr. Gomez, I understand your emotions, but we must maintain a structured and fair process here," ani ng attorney ng kabila. "Makinig na lang muna tayo," pagkausap ko sa kaniya. "Continue," pagpapatuloy ng judge. Kinalma ko si Roy habang nagpapatuloy na ulit ang pag-uusap ni Ate Anne at ang abogado niya. Ang mas ikinagagalit ko ay pilit pa rin siya na nagsisinungaling kahit napaka-solid na ng ebidensiya na mayroon kami at si Anthony pa ang tumayo na defendant. "Hindi ko alam. Wala na akong koneksiyon pa sa kanila magmula nang ma-approve na ang annulment namin ni Roy kaya imposible ang ibinibintang sa akin," pagtatanggol ni Ate Anne sa sarili niya. "Umamin ka na lang!" halos maiyak na sigaw ko. "Hindi ito ang unang beses na gusto mo akong patayin, Ate Anne
Tahimik ako na nakatanaw sa kabukiran nang yakapin ako ni Roy mula sa likod.Tipid ako na napangiti at saka itinagilid ang ulo ko upang bigyan siya ng espasiyo sa kabilang balikat ko."Anong iniisip mo?" tanong niya.Bahagya ako na nagbuntonghininga. "Sumagi sa isip ko si Lily at Andrei," pag-amin ko.Kahit na sobrang saya ko dahil nasa kulungan na si Ate Anne at alam ko hindi na niya kami magagalaw pa ay hindi ko rin maiwasan na isipin kung ano na ang mangyayari sa magkapatid.Iniisip ko kung gaganti ba sila sa akin at dapat hindi ako maging panatag na mamuhay ng payapa o kaawaan ko dapat silang dalawa dahil inilayo ko ang ina nila sa kanila."They are both grown-ups," aniya.Umiling ako. "Not really. Lily is still on his early twenties and Andrei is still teenager. Hindi pa nila kayang tumayo sa sarili nila—""Lily is more mature than ever. I know she can handle herself and his brother.""Paano kung sila naman ang gumanti sa ginawa natin sa ina nila?" hindi maiwasan na tanong ko.Na
Tahimik ko na pinagmasdan si Anne na abala sa ginagawa niya. "Hindi mo ba talaga ako papansinin?" pag-aagaw ko sa atensiyon niya. Busy siya at wala ng time sa amin ng mga anak niya, especially sa akin. "Roy, come on. I told you not now. I am doing a lot of things right now and I can't afford to lose even a second. Understand me, please." Nagbuntonghininga ako at saka ibinagsak ang katawan sa higaan. We have been like that for three consecutive months now. I missed her so damn much. I miss being with her. "Anne, I am done with this. Para akong isang bagay na kapag ayaw mo ay ayaw mo. Saka mo lang makikita na nandito ako kapag gusto mo magpainit ng katawan. Iyon lang ba ang purpose ko?" hindi maiwasan na tanong ko sa kaniya. Binalingan niya ako. "What?" natatawang aniya. "Roy, I said I am busy! Ano bang sinasabi mo?" "Bakit, hindi ba totoo?" tanong ko. "Lalapitan mo lang ako kapag gusto mo magpainit ng katawan." "Stop being petty! Let me finish all of this and I promise to be wi
"May balita na sa pinapahanap mo. Right now, she's with Carl Uy, a businessman, and his company is not that far from yours. Currently, she's a secretary," balita niya. How great it would be. I am much very close to Carl because we are business partner. After hearing that news nakita ko na lang ang sarili ko na pumpupunta sa company ni Carl kahit na wala naman akong gagawin. "Napadalaw ka?" salubong sa akin ni Carl. Except from being a business partner, tinuturing din namin ang isa't-isa bilang magkaibigan and that really help me. "Boring sa company," sabi ko. I was looking for Ina but I don't see her anywhere. I even asked Eduard kung si Ina ba talaga ang nakita niya but he simply answered me that he's a hundred percent sure about it. I was about to go one afternoon when I saw her sa building. Sinubukan ko... Sinubukan ko na hindi siya lapitan at magkunwari na hindi ko alam na nandito siya at hahayaan na lapitan niya ako pero hindi nangyari iyon dahil napakahirap kuhanin ng aten