Share

MML 64 - Sulking

"Saan ba kasi pupunta?" nagsusungit na tanong ko.

"Why are you being like that?" tanong din pabalik sa akin ni Roy. "What did I do again for you to act like this?"

"Stop arguing po," pagsingit ni Amari na muntik ko pang makalimutan na kasama namin sa sasakyan.

Tiningnan ako ni Roy pero inirapan ko lang siya. Hanggang ngayon ay hindi niya makuha kung bakit ako nagkakaganito. Pumunta siya sa bahay kanina na parang wala lang nangyari at kung umasta siya ay parang wala lang talaga ang lahat kaya mas nakakaramdam ako ng tampo.

Kulang na lang ay magsalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa dinaraanan. Sa totoo lang ay ayaw ko sumama kung hindi lang dahil sa anak ko ay wala ako rito.

Inilabas ko ang cellphone ko at kinalikot iyon. Ni-reply-an ko ang iilan na mga bumati sa akin na katrabaho ko. Nagi-scroll ako sa mga messages dahil baka may nakalimutan akong pasalamatan nang lumabas sa screen ko ang pangalan ni Blake.

"Blake," sagot ko.

Nakita ko pa ang bahagyang pagtingin ni Roy sa gawi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status