Naaalimpungatan ako nagmulat ng aking mga mata. Dahan-dahan ko na tinanggal ang braso ni Carl na nakayakap kay Amari at umabot pa hanggang sa akin.Dito na siya nakatulog sa kuwarto namin. Nilapit ko sa lamp shade ang relo ko at tiningnan ang oras. Alas-singko.Tumayo na ako roon at saka inayos ang kumot sa kanilang dalawa. Mukhang hindi sinasadya na rito siya makatulog dahil suot pa niya ang kaniyang suit at sapatos.Napailing na lang ako at dahan-dahan na tinanggal ang sapatos niya.Pumunta ako ng banyo upang maghilamos at nang matapos ay bumaba na rin.Matagal pa ako na natulala habang hawak ang baso ng tubig bago ko tuluyan na mahila ang sarili sa katinuan.Sinangag ko ang kanin na hindi naman naubos. Hindi man lang nabawasan ang kanin na natira namin ni Amari.Nagluto na rin ako ng egg at bacon upang isama iyon sa ininit na adobong ulam kagabi."Mama," si Amari na naabutan ko na gising na at hawak ang kaniyang manika na binigay ko noong mag-tatlong taon siya.Inginuso niya si Car
Tulala ako na nakatingin sa paper na hawak-hawak ko. Napahikab na lang ako sa antok.Hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari kagabi. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi ko na iyon masundan pa.Flashback.Umaasa ang mga mata ni Carl habang nakatingin sa akin nang angatan ko siya ng tingin mula sa pagkakatingin sa kumikinang na singsing na nasa box."Hindi ito ang pinangarap ko na engagement proposal sa'yo, Dianna. I know that you deserve the best pero kung ito ang makakapagpanatili sa'yo ay gagawin ko.""Hindi natin gusto ang isa't-isa, Carl. Isa pa ay kaibigan lang ang turing ko sa'yo," sambit ko. "Baka nape-pressure ka lang kaya ka nagkakaganiyan."Natatawa na nailing siya. "At sino ang nagsabi na hindi kita gusto? Dianna, hindi ako kasing manhid mo. Alam ko sa sarili ko kung kailan ako nagkakagusto sa isang tao. Alam ko kung ano ang gusto ko at ramdam ko ang nararamdaman ng tao para sa akin.""Pero kaibigan lang talaga ang nararamdaman ko,
Nagbuntonghininga pa muna ako bago pumasok sa opisina ni Carl. Naabutan ko siya na nakatalikod at nakaharap sa kaniyang bintana."Carl," pag-agaw ko sa intensiyon niya.Binalingan niya ako. Tipid siya na ngumiti. "Maupo ka," aniya.Tahimik ako na naupo sa sofa at hinintay siya."Siya ba ang dahilan?" tanong niya.Nagsalubong ang mga kilay ko. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.Lumakad siya palapit sa akin. "Si Roy... siya ba ang gusto mo kaya ayaw mo tanggapin ang wedding proposal ko?" tanong niya.Napaiwas ako ng tingin. Mukhang alam na niya ang nakaraan namin. Hindi na ako magugulat pa kung dahil iyon kay Roy. "How?" tanong niya muli ngunit hindi ko na sinubukan pa na tingnan siya. "How come na," natawa siya. "Kailan mo lang siya nakita at hindi mo pa nakausap pero nagkagusto ka sa kaniya?" dagdag niya dahilan upang balingan ko siya.Hindi ko mawari kung ano ang nasa isipan niya. Umupo siya sa harapan ko."Carl, wala naman kinalaman si Mr. Gomez sa hindi ko pagtanggap. Isa pa ay
Tiningnan ko si Amari na mahimbing na ang tulog sa kama. Paano ko ipaliliwanag sa kaniya na hindi naman talaga si Carl ang ama niya? Na hindi naman talaga si Carl ang tunay na ama niya na siyang pinaniniwalaan niya?Napayuko na lang ako nang ilagay ang sarili sa sitwasyon ng anak ko. Panigurado ay maguguluhan din ako. Masiyado pa na bata si Amari para sa ganitong mga bagay. Matalino si Amari pero...Magiging masakit sa akin kung nasa kalagayan niya ako. Mula nang isilang ako ay si Carl na ang ama ko tapos sasabihin sa akin ay hindi pala siya ang biological.Napapunas ako ng luha nang dumausdos iyon sa aking mga pisngi. Kung hindi lang siya naging bunga ng karahasan ay hindi sana magiging ganito ang lahat. Hindi magiging ganito kahirap. "Ina, wala rin naman mawawala kung tanggapin mo na lang wedding proposal ni Carl. Para naman sa anak mo ito."Sino ba ang nais mo na ipakilala sa anak mo na tatay niya? Ang mga nanggahasa sa'yo?Napatakip na lang ako sa aking bibig at muling tinalikura
Tahimik ako na nakaupo sa harapan ni Carl. Ilang minuto na pero hindi naman siya nagsasalita.Pinaglaruan ko ang mga kamay ko dahil naiilang sa ginagawa niya na paninitig."Are you playing with me, Dianna?" tanong niya.Kumunot ang noo ko at binalingan siya. Hindi makuha kung ano ang nais niya na ipahiwatig."Noong una ay tinatanggihan mo ang proposal ko nang dahil sa kaniya tapos ngayon?""Sino ba may sabi sa'yo na dahil sa kaniya kung bakit ko tinatanggihan ang proposal mo?" tanong ko rin pabalik."Nakita ko kayo na sumakay sa elevator," aniya.Natawa ako. "Alam mo rin ba kung saan kami pumunta at kung ano ang pinag-usapan namin?" tanong ko."Hindi pero sigurado ako na walang kinalaman sa trabaho," aniya.Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko magawa na sumagot dahil wala naman talaga iyon kinalaman sa trabah
"Mauna ka na, Carl. Comfort room lang ako," ako. "Samahan ba kita?" tanong niya. Natatawa ako na umiling. "Hindi na. Mauna ka na para pagkatapos mo ay umuwi na rin tayo," sabi ko. "Si Amari?" Tinuro niya ang anak ko. "Isasama ko. Isa pa baka makagulo lang 'to roon," sagot ko. May nakita ako kanina na comfort room sa ibaba pero nang nandito na kami ni Amari ay hindi ko na makita. Masiyadong malawak dito sa ibaba kaya naman ay nakailan na liko pa ako. "Mama," si Amari. "Wait lang po," sabi ko at saka lumiko na naman. Kanina kasi nang pumasok kami rito sa building ay nakita ko pa iyon. Ngayon na pagbaba wala na. Nag-early leave kami ni Carl ngayon. Matapos niya kausapin ang designer na pinapunta niya sa opisina ay nag-aya na rin siya na umuwi. Nais magpahinga. Paano hindi mapapagod, tinotoo niya ang kaniyang sinabi. Halos hindi ko na masabayan ang mga pangyayari. Isang araw nagising na lang ako na may pupunta sa office na designer at may iilan din na mga organize
Dumaan ang mga araw matapos ang pag-aaway namin na iyon ni Carl ay nakipagmatigasan siya na hindi ako kibohin. Ako na rin ang naiilang dahil kasa-kasama pa namin si Amari sa bahay. Ni isa sa amin ay wala man lang humingi ng sorry. Alam ko sa sarili ko na wala akong nagawa na mali kaya kung mayroon man sa aming dalawa na dapat humingi ng tawad ay siya iyon dahil bigla-bigla na lang siyang mag-aaway. Napapaisip na nga lang ako kung itutuloy ko pa ba ang pagpapakasal sa kaniya. Ngayon pa lang ay ganito na, paano pa kaya kung kasal at mag-asawa na kaming dalawa? Minsan nga ay parang labag pa sa kalooban niya na magsabay kami pauwi. Kulang na lang ay isumbat na sa akin. Sa sobrang inis ko ay walang paalam na binitbit ko ang bag at bumaba na. Uwian na rin naman. Sinundo ko si Amari at saka kami kumain sa labas. Wala akong lakas na magluto.
Nanginginig ang mga kamay at nagmamadali na bumaba sa sasakyan. "Ina!" tawag niya ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Nagmamadali ako na pumara ng masasakyan at nakahinga ng maluwag nang makasakay rin. Ang hawak na folder ay sapilitan ko na pinagkasiya sa bag ko. "Ate, pasok," si May nang katukin ko sila sa bahay nila. "Tulog," puna ko nang makita si Amari na mahimbing ang tulog at nakayakap pa sa pamangkin ni May. Kinuha ko ang cellphone ko nang mag-ring iyon. Natatakot na baka magising ang mga bata. Napabuga na lang ako ng hangin nang makita ang pangalan ni Carl sa screen. Pinatay ko ang cellphone ko at doon na iyon inilagay sa bag. "Miryenda ka muna, Ate." Inabot ko na ang plato na nilagyan niya ng tinapay. "Nag-abala ka pa," sabi ko. Tipid siya na tumawa. Nang lumubog ang araw ay umuwi na rin kami ni Amari. Natigilan ako nang makita si Carl na naririto sa living room at tumayo na