Share

MML 48 - Proposal

Naaalimpungatan ako nagmulat ng aking mga mata. Dahan-dahan ko na tinanggal ang braso ni Carl na nakayakap kay Amari at umabot pa hanggang sa akin.

Dito na siya nakatulog sa kuwarto namin. Nilapit ko sa lamp shade ang relo ko at tiningnan ang oras. Alas-singko.

Tumayo na ako roon at saka inayos ang kumot sa kanilang dalawa. Mukhang hindi sinasadya na rito siya makatulog dahil suot pa niya ang kaniyang suit at sapatos.

Napailing na lang ako at dahan-dahan na tinanggal ang sapatos niya.

Pumunta ako ng banyo upang maghilamos at nang matapos ay bumaba na rin.

Matagal pa ako na natulala habang hawak ang baso ng tubig bago ko tuluyan na mahila ang sarili sa katinuan.

Sinangag ko ang kanin na hindi naman naubos. Hindi man lang nabawasan ang kanin na natira namin ni Amari.

Nagluto na rin ako ng egg at bacon upang isama iyon sa ininit na adobong ulam kagabi.

"Mama," si Amari na naabutan ko na gising na at hawak ang kaniyang manika na binigay ko noong mag-tatlong taon siya.

Inginuso niya si Car
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status