Nanginginig ang mga kamay at nagmamadali na bumaba sa sasakyan.
"Ina!" tawag niya ngunit hindi ko na siya nilingon pa.Nagmamadali ako na pumara ng masasakyan at nakahinga ng maluwag nang makasakay rin.Ang hawak na folder ay sapilitan ko na pinagkasiya sa bag ko."Ate, pasok," si May nang katukin ko sila sa bahay nila."Tulog," puna ko nang makita si Amari na mahimbing ang tulog at nakayakap pa sa pamangkin ni May.Kinuha ko ang cellphone ko nang mag-ring iyon. Natatakot na baka magising ang mga bata.Napabuga na lang ako ng hangin nang makita ang pangalan ni Carl sa screen. Pinatay ko ang cellphone ko at doon na iyon inilagay sa bag."Miryenda ka muna, Ate."Inabot ko na ang plato na nilagyan niya ng tinapay. "Nag-abala ka pa," sabi ko.Tipid siya na tumawa. Nang lumubog ang araw ay umuwi na rin kami ni Amari. Natigilan ako nang makita si Carl na naririto sa living room at tumayo na"Ayaw mo ba na mabuo ang pamilya natin, Ina? Ayaw mo ba na magkaroon ng ama ang anak natin?" tanong ni Roy. "Roy, may ama na si Amari. Buo na ang pamilya namin kaya kung puwede lang, tama na," pagpapatigil ko sa kaniya. Ang kinatatakutan ko na makita siya sa Building ay nangyari na. Sa labas pa lang ay naghihintay na siya at hindi na ako nakakuha ng oras para makatakas. Hindi umuwi si Carl kagabi dahilan upang mag-commute ako kinabukasan. Medyo inaasahan ko na... there is possibility na pumunta si Roy rito ngunit ang hindi ko inakala na umagang-umaga. Wala akong choice. Tiningnan ko ang palaruan sa harapan ko. Dinala niya ako sa isang park. Hindi pa ako nakakapasok sa building ay hinila na niya ako palayo roon. "I am the biological father, Ina!" "Bakit?" tanong ko nang mabalingan siya. "Nasaan ka noong mga panahon na lumalaki siya? Nasaan ka, Roy?" tanong ko. "Hindi ko alam!" sagot niya. "Hindi ko alam n
"What are you doing here, Roy?" tanong ni Carl.Lumayo na rin ako sa kaniya."I have something to say. Are you free?" tanong din niya pabalik.Umiling si Carl. "May meeting ako," sagot niya."A minute?" tanong ni Roy.Napabuga ng hangin si Carl at saka ako binalingan. "Puwede mo ba kami na iwan muna?"Tiningnan ko pa si Roy sandali bago walang nagawa na tumango na lang kay Carl. May pangamba man na nararamdaman dahil baka tungkol ito sa napag-usapan namin ay hindi ko na lang pinansin.Tinaasan pa ako ni Roy ng kaniyang kaliwang kilay nang magtagal ang tingin ko sa kaniya.Napairap na lang ako at nagpaalam na kay Carl. Balak ko pa sana tumambay sa labas upang making ngunit sinarado ni Roy ang pinto.Masama ang tingin sa pinto na lumakad ako paalis doon. Wala naman siguro siyang sasabihin na kung ano.Sa isipin na iyon ay halos ako lang din ang mahilo kakalakad sa opisina ko. Hindi ako mapakali.Napatayo na lang ako mula sa sandali na pagkakaupo sa swivel chair nang makita si Roy na dum
Napakurap ako nang marinig ang isang boses na kalmado ngunit tama ang lakas upang marinig ng lahat.Mahigpit ang naging paghawak ni Carl sa aking kamay bago niya iyon binalingan. Hindi makatiis na tiningnan ko ang pinaggalingan ng boses na iyon."What the... Roy?" dinig ko na sambit ni Carl. Walang emosyon ang mga mata ngayon na mas nakikita ko na siya habang lumalakad papalapit.Umingay ang mga nag-uusap sa harapan at doon ako mas nahihilo ngunit hindi ko rin naman magawa na alisin ang mga mata kay Roy na nakatayo lamang sa harapan namin hawak ang isang envelope."Is this a prank? Come on, Roy," pilit na tawang sambit ni ni Carl.Napaatras ako nang balingan ako ni Roy."Tell him, Ina," aniya.Bakas ang kaguluhan sa mukha ni Carl nang balingan ko siya. Kung kanina ay kunot na ang kaniyang noo ay mas lalo na ngayon. "Ina?" tanong niya at saka ako binalingan.Umiling ako bilang sagot dahilan upang matawa siya. "What is this?" "Carl," pagpigil ko sa kaniya nang tanggalin niya ang hawa
"Carl, mag-usap naman tayo oh," pagmamakaawa ko.Isang linggo na ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya makausap. Umuuwi kami sa iisang bahay, nagtatrabaho sa isang building pero napakahirap humanap ng magandang timing para kausapin siya."Ganito na lang ba tayo palagi? Nandiyan ka pero at the same time wala. Paano natin aayusin ito kung ayaw mo makipag-cooperate?"Inis ko na hinila ang coat na hawak niya dahil asta nanaman siya na aalis. Ganito na lang palagi. Para akong may ketong at ayaw niyang mahawa kaya aalis siya."Wala ng dapat ayusin, Dianna," aniya."Ano? Ganoon na lang ang lahat?" tanong ko at bahagya pa na natawa.Sa pagkakataon na ito ay binalingan na niya ako. "Bakit? Ano pa ba ang dapat pag-usapan natin? Itatanggi mo ba ngayon na hindi anak ni Roy si Amari? Na gawa-gawa lang ni Roy ang DNA result na nakita ko noong araw na iyon? Na nagsisinungaling lang siya? Ano pa ba ang usap na gusto mo?" salubong ang mga kilay na tanong niya sa akin."Carl, hin—""Hindi ba d
Hinaplos ko ang buhok ni Amari na ngayon ay mahimbing na ang tulog.Inosente pa rin siya sa nangyayari sa paligid niya dahil hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang lahat.Gusto kong kausapin muli si Carl matapos ang nangyari kanina pero pinipigilan ko ang sarili ko.Ngayon ko napagtanto na marami pala ako dapat na ipaliwanag at sana hindi ko na lang sinayang pa ang oras ko na patulan ang mga sinasabi niya.Gusto kong bigyan ng linaw ang lahat pero paano ko pa magagawa iyon ngayon kung huli na ang lahat.Buntonghininga na tumabi ako kay Amari. Iniisip ko rin na aalis na kami rito dahil masiyado na rin makapal ang mukha ko kung mananatili pa kami rito.Iniisip ko rin na mag-resign na lang sa trabaho at humanap ng iba pero baka isipin naman niya na tumigil talaga ako kaya nais ko manatili kahit isang buwan.Sa mga nagdaang araw ay drain na drain na ako sa mga nangyayari sa akin. Ayos naman na ang buhay ko, nagulo lang nang pumasok muli at magtagpo ang mga
Pagdating na pagdating sa bahay ay inasikaso ko na ang mga dadalhin na gamit. Hindi ako puwede na magtagal dahil kukuhanin ko pa si Amari kay May.Balak ko na ngayong gabi ay sa bago na kami matutulog. Napalinis ko na rin naman iyon kaya lipat na lang nang lipat. Nabilhan ko na rin ng single foam for the mean time na pagtutulugan namin ni Amari ngayon.Nagsalubong ang mga kilay ko at halos magdikit iyon nang makita si Roy na nasa loob na ng gate at lilingon-lingon pa sa paligid."Anong ginagawa mo rito?!"Isinuko niya ang mga palad niya. "Chill," aniya. "I just want to see this place. Dito lumaki ang anak ko," aniya."Hindi mo ba alam na p'wede kang kasuhan ng tresspassing?""I don't think so," aniya.Hindi ko na alam kung saan pa siya kumukuha ng kapal ng mukha para lapitan ako.Inagaw ko sa kaniya ang dala ko na maleta nang kuhanin niya iyon sa akin."Umalis ka na," nagtitimpi pa na utos ko."I won't," pagmamatigas niya.Isang pang-asar na tawa at saka palakpak ang nakaagaw ng atens
Tiningnan ko si Amari na tahimik lang na naglalaro sa isang gilid. Mula pa kanina ay hindi na siya nagtanong pa kung bakit kami nandito.Kanina ko pa hinihintay na kulitin niya ako sa mga kasagutan na alam kong nais niyang malaman pero nanatili siyang tahimik doon."Amari, anak," pag-agaw ko sa atensiyon niya.Binalingan niya ako at saka siya tipid na ngumiti."Come here," utos ko.Kinuha niya ang teddy bear niya at saka lumapit sa akin. Pinaupo ko siya sa mga hita ko."Wala ka bang itatanong kay Mama?" tanong ko.Napatigil siya sa paglalaro sa mga braso ng teddy bear niya at matagal na tinitigan iyon."You know what's the best for me, Mama. I trust you po," aniya at saka ako nginitian. "Ate May said that I should bear with you because you have a lot of problems and I don't want to cause another problem, Mama. If somethings happen again, I am here po. Tell me, I will hug you tightly, Mama."Nag-init ang mga mata ko habang tinitingnan siya. "Sorry," ang kataga na lumabas sa aking mga l
Halos batuhin ko si Roy nang makita siya sa tapat ng pinto na animo'y kakatok pa."Good morning," napipilitan ang ngiti na nakapaskil sa labi niya.Agad ko na isinarado ang pinto ng bahay sa takot na makita siya ni Amari.Bahagya pa na sumilip si Roy sa loob pero tinulak ko na siya. "Ano na naman ba ang ginagawa mo rito?" tanong ko.Ito ang kinakatakot ko, ang makita siya ni Amari kasama ko. Sa murang edad noon ay hindi rin basta ang takbo ng utak niya.Itinaas niya ang hawak na paper bag. "Bumili ako ng pastries. Nag-umagahan na kayo?" tanong niya. "Tara na kainin ito. Lalamig na 'to."Hinila ko siya nang asta siya sa papasok sa loob."Roy, ano ba!" pilit na hinihinaan ang boses.Umiwas siya ng tingin at bahagyang tumango. "Kainin niyo na lang 'to. Masasayang. Marami akong binili e," natatawang aniya at inabot iyon sa akin.Salubong ang mga kilay ko na tiningnan iyon."Kuhanin mo na. Walang gayuma 'yan," biro pa niya at saka niya inipit sa kamay ko iyon.Bahagya niya na ginulo ang bu
Dear readers,As we reach the final pages of this book, I want to take a moment to express my heartfelt gratitude to each and every one of you for embarking on this journey with Dianna and Roy. Your presence and support have meant the world to me.Together, we've laughed, cried, and experienced the ups and downs of their story. It's been an incredible adventure, and I hope you've found some inspiration, joy, or solace within these pages.Though this may be the end of their tale, it's not goodbye forever. Characters and stories have a way of staying with us, tucked in the corners of our hearts. I encourage you to carry Dianna and Roy's adventures with you, and may their memories continue to inspire your own.Thank you, dear readers, for being a part of this wonderful journey. I look forward to sharing more stories with you in the future.With gratitude and warm regards,Jeadaya_Kiya18
ROY POV I hugged Ina from her back. "You should've asked me first what I want to eat," nakanguso na bulong ko.Natigilan siya sa pagpiprito ng bacon. "Ayaw mo ba nito?" alanganin na tanong niya. "Ano ba gusto mo?"Nakapikit na hinalikan ko ang gilid ng leeg niya. I can't help but to get addicted to it."Meat," maikling sagot ko. "Your meat down there," pang-iinis ko sa kaniya."Gusto mo?" tanong niya dahilan upang ako naman ang matigilan."Don't tease me like that, Ina," usal ko. Gigil ko na pinugpog ng halik ang balikat niya at saka ibinaon ang aking mukha sa leeg niya.She's in her month of giving birth and she know na hindi ko siya magagalaw kahit na asarin niya ako dahil delikado para sa baby na nasa sinapupunan niya.Natatawa na pinatay niya ang stove at saka inilipat ang mga niluto niya sa pinggan. Nakayakap lang ako sa kaniya hanggang sa maibaba niya sa lamesa ang mga hawak.Nakangiti siya nang balingan niya ako at pinatakan ng halik sa labi ko. Hinayaan ko siya ngunit ako rin
I was blaming myself after that confrontation between me and Ina. I didn't know that about her. Days and weeks have passed pero hindi ko nagawang pumasok muna. I was bawling my eyes out. I don't know how should I feel after knowing what happened to her. I didn't have any strength to face her but still, I collected myself and had the courage to face her. There's no way that she will get away from me now. And by that, I saw myself waiting for her. I am always in front of Carl's building after running out of excuses to appoint a meeting with him. I have hope that we can still fix all of this but knowing the news that they will be marrying each other soon makes my hope shattered into pieces. I don't know how hopeless I am while in front of Carl. I was bawling my eyes out again while asking for him to give up Ina. I even got down on my knees if that can make him give Ina back to me. I brainwashed him, I made him guilty, I made him feel the worst thing that he could feel just so I could
"May balita na sa pinapahanap mo. Right now, she's with Carl Uy, a businessman, and his company is not that far from yours. Currently, she's a secretary," balita niya. How great it would be. I am much very close to Carl because we are business partner. After hearing that news nakita ko na lang ang sarili ko na pumpupunta sa company ni Carl kahit na wala naman akong gagawin. "Napadalaw ka?" salubong sa akin ni Carl. Except from being a business partner, tinuturing din namin ang isa't-isa bilang magkaibigan and that really help me. "Boring sa company," sabi ko. I was looking for Ina but I don't see her anywhere. I even asked Eduard kung si Ina ba talaga ang nakita niya but he simply answered me that he's a hundred percent sure about it. I was about to go one afternoon when I saw her sa building. Sinubukan ko... Sinubukan ko na hindi siya lapitan at magkunwari na hindi ko alam na nandito siya at hahayaan na lapitan niya ako pero hindi nangyari iyon dahil napakahirap kuhanin ng aten
Tahimik ko na pinagmasdan si Anne na abala sa ginagawa niya. "Hindi mo ba talaga ako papansinin?" pag-aagaw ko sa atensiyon niya. Busy siya at wala ng time sa amin ng mga anak niya, especially sa akin. "Roy, come on. I told you not now. I am doing a lot of things right now and I can't afford to lose even a second. Understand me, please." Nagbuntonghininga ako at saka ibinagsak ang katawan sa higaan. We have been like that for three consecutive months now. I missed her so damn much. I miss being with her. "Anne, I am done with this. Para akong isang bagay na kapag ayaw mo ay ayaw mo. Saka mo lang makikita na nandito ako kapag gusto mo magpainit ng katawan. Iyon lang ba ang purpose ko?" hindi maiwasan na tanong ko sa kaniya. Binalingan niya ako. "What?" natatawang aniya. "Roy, I said I am busy! Ano bang sinasabi mo?" "Bakit, hindi ba totoo?" tanong ko. "Lalapitan mo lang ako kapag gusto mo magpainit ng katawan." "Stop being petty! Let me finish all of this and I promise to be wi
Tahimik ako na nakatanaw sa kabukiran nang yakapin ako ni Roy mula sa likod.Tipid ako na napangiti at saka itinagilid ang ulo ko upang bigyan siya ng espasiyo sa kabilang balikat ko."Anong iniisip mo?" tanong niya.Bahagya ako na nagbuntonghininga. "Sumagi sa isip ko si Lily at Andrei," pag-amin ko.Kahit na sobrang saya ko dahil nasa kulungan na si Ate Anne at alam ko hindi na niya kami magagalaw pa ay hindi ko rin maiwasan na isipin kung ano na ang mangyayari sa magkapatid.Iniisip ko kung gaganti ba sila sa akin at dapat hindi ako maging panatag na mamuhay ng payapa o kaawaan ko dapat silang dalawa dahil inilayo ko ang ina nila sa kanila."They are both grown-ups," aniya.Umiling ako. "Not really. Lily is still on his early twenties and Andrei is still teenager. Hindi pa nila kayang tumayo sa sarili nila—""Lily is more mature than ever. I know she can handle herself and his brother.""Paano kung sila naman ang gumanti sa ginawa natin sa ina nila?" hindi maiwasan na tanong ko.Na
"What do you mean?" naguguluhan na tanong ko. "Order in the court! Please let the questioning proceed without interruptions. There will be an opportunity for the victim to speak later during their testimony or when called upon. Mr. Gomez, I understand your emotions, but we must maintain a structured and fair process here," ani ng attorney ng kabila. "Makinig na lang muna tayo," pagkausap ko sa kaniya. "Continue," pagpapatuloy ng judge. Kinalma ko si Roy habang nagpapatuloy na ulit ang pag-uusap ni Ate Anne at ang abogado niya. Ang mas ikinagagalit ko ay pilit pa rin siya na nagsisinungaling kahit napaka-solid na ng ebidensiya na mayroon kami at si Anthony pa ang tumayo na defendant. "Hindi ko alam. Wala na akong koneksiyon pa sa kanila magmula nang ma-approve na ang annulment namin ni Roy kaya imposible ang ibinibintang sa akin," pagtatanggol ni Ate Anne sa sarili niya. "Umamin ka na lang!" halos maiyak na sigaw ko. "Hindi ito ang unang beses na gusto mo akong patayin, Ate Anne
"Hindi ko kasalanan kung iniwan ka ni Roy, Ate Anne. Lumayo na ako sa inyo at ngayon hindi ako ang dapat mong sisihin diyan sa galit at poot mo!" hindi makapaniwalang sambit ko. "Yes, you should be to blame, Ina. Kasalanan mo dahil inakit mo ang asawa ko! Inakit mo siya at siniraan mo ako sa kaniya—" Natatawa na tiningnan ko siya. "Siniraan? Ate Anne, bakit hindi mo na lang aminin na nangaliwa ka at nagkataon pa na may asawa rin ang kinabit mo? Sige, palagay na natin na nagkamali ako noong una at hindi ikaw ang nakita ko na may kahalikan sa tapat ng bahay niyo pero paano mo pa maipapaliwanag ang pagpunta mo sa condo ni Kuya Erik, na asawa pala ni Mama. Paano mo ipapaliwanag 'yon?!" Dinuro ko siya. "Nang dahil sa'yo muntik na mawala ang anak ko!" Tumulo ang mga luha sa mga mata ko dahil sa galit na nararamdaman. Nang hindi mapigil ang panggigigil sa kaniya ay lumipad ang palad ko sa pisngi niya. "Dianna, kumalma ka," pagpapakalma ni Mama sa akin. Sakto na paalis ako ng bahay nan
"Paano naman mangyayari 'yon? Iisang tao lang hinahanap niyo pero hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin makita?" hindi maiwasan na tanong ko sa mga police. "Baka naman abutin pa ng isang taon itong kaso na ito bago ma-close o ang tamang tanong yata ay kung mabibigyan pa ba ng hustisya ito?" "Dianna, calm down," pagpapakalma sa akin ni Carl. Naririto kami ngayon sa police station dahil hindi na sila nag-uupdate pa. Ni hindi ko alam kung umuusad pa ba ang kaso namin. "Paano ako kakalma, Carl? Magaling na lahat-lahat 'yung mga naging biktima ni Ate Anne tapos hanggang ngayon wala pang maayos na pag-uusap para sa kaso na 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Mrs. Gomez, we were doing our best to search for Mrs. Annalyn pero hindi ganoon kadali na mahanap siya at idala rito—" "At kung inasikaso niyo na ito at hinanap si Anthony nang mas maaga ay hindi na aabot ng ganito katagal! Ang hirap kasi sa inyo ay mas inuuna niyo pa ang mga bagong file na case kaysa sa amin!" "Dianna." "Mr. U