Napakurap ako nang marinig ang isang boses na kalmado ngunit tama ang lakas upang marinig ng lahat.Mahigpit ang naging paghawak ni Carl sa aking kamay bago niya iyon binalingan. Hindi makatiis na tiningnan ko ang pinaggalingan ng boses na iyon."What the... Roy?" dinig ko na sambit ni Carl. Walang emosyon ang mga mata ngayon na mas nakikita ko na siya habang lumalakad papalapit.Umingay ang mga nag-uusap sa harapan at doon ako mas nahihilo ngunit hindi ko rin naman magawa na alisin ang mga mata kay Roy na nakatayo lamang sa harapan namin hawak ang isang envelope."Is this a prank? Come on, Roy," pilit na tawang sambit ni ni Carl.Napaatras ako nang balingan ako ni Roy."Tell him, Ina," aniya.Bakas ang kaguluhan sa mukha ni Carl nang balingan ko siya. Kung kanina ay kunot na ang kaniyang noo ay mas lalo na ngayon. "Ina?" tanong niya at saka ako binalingan.Umiling ako bilang sagot dahilan upang matawa siya. "What is this?" "Carl," pagpigil ko sa kaniya nang tanggalin niya ang hawa
"Carl, mag-usap naman tayo oh," pagmamakaawa ko.Isang linggo na ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya makausap. Umuuwi kami sa iisang bahay, nagtatrabaho sa isang building pero napakahirap humanap ng magandang timing para kausapin siya."Ganito na lang ba tayo palagi? Nandiyan ka pero at the same time wala. Paano natin aayusin ito kung ayaw mo makipag-cooperate?"Inis ko na hinila ang coat na hawak niya dahil asta nanaman siya na aalis. Ganito na lang palagi. Para akong may ketong at ayaw niyang mahawa kaya aalis siya."Wala ng dapat ayusin, Dianna," aniya."Ano? Ganoon na lang ang lahat?" tanong ko at bahagya pa na natawa.Sa pagkakataon na ito ay binalingan na niya ako. "Bakit? Ano pa ba ang dapat pag-usapan natin? Itatanggi mo ba ngayon na hindi anak ni Roy si Amari? Na gawa-gawa lang ni Roy ang DNA result na nakita ko noong araw na iyon? Na nagsisinungaling lang siya? Ano pa ba ang usap na gusto mo?" salubong ang mga kilay na tanong niya sa akin."Carl, hin—""Hindi ba d
Hinaplos ko ang buhok ni Amari na ngayon ay mahimbing na ang tulog.Inosente pa rin siya sa nangyayari sa paligid niya dahil hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang lahat.Gusto kong kausapin muli si Carl matapos ang nangyari kanina pero pinipigilan ko ang sarili ko.Ngayon ko napagtanto na marami pala ako dapat na ipaliwanag at sana hindi ko na lang sinayang pa ang oras ko na patulan ang mga sinasabi niya.Gusto kong bigyan ng linaw ang lahat pero paano ko pa magagawa iyon ngayon kung huli na ang lahat.Buntonghininga na tumabi ako kay Amari. Iniisip ko rin na aalis na kami rito dahil masiyado na rin makapal ang mukha ko kung mananatili pa kami rito.Iniisip ko rin na mag-resign na lang sa trabaho at humanap ng iba pero baka isipin naman niya na tumigil talaga ako kaya nais ko manatili kahit isang buwan.Sa mga nagdaang araw ay drain na drain na ako sa mga nangyayari sa akin. Ayos naman na ang buhay ko, nagulo lang nang pumasok muli at magtagpo ang mga
Pagdating na pagdating sa bahay ay inasikaso ko na ang mga dadalhin na gamit. Hindi ako puwede na magtagal dahil kukuhanin ko pa si Amari kay May.Balak ko na ngayong gabi ay sa bago na kami matutulog. Napalinis ko na rin naman iyon kaya lipat na lang nang lipat. Nabilhan ko na rin ng single foam for the mean time na pagtutulugan namin ni Amari ngayon.Nagsalubong ang mga kilay ko at halos magdikit iyon nang makita si Roy na nasa loob na ng gate at lilingon-lingon pa sa paligid."Anong ginagawa mo rito?!"Isinuko niya ang mga palad niya. "Chill," aniya. "I just want to see this place. Dito lumaki ang anak ko," aniya."Hindi mo ba alam na p'wede kang kasuhan ng tresspassing?""I don't think so," aniya.Hindi ko na alam kung saan pa siya kumukuha ng kapal ng mukha para lapitan ako.Inagaw ko sa kaniya ang dala ko na maleta nang kuhanin niya iyon sa akin."Umalis ka na," nagtitimpi pa na utos ko."I won't," pagmamatigas niya.Isang pang-asar na tawa at saka palakpak ang nakaagaw ng atens
Tiningnan ko si Amari na tahimik lang na naglalaro sa isang gilid. Mula pa kanina ay hindi na siya nagtanong pa kung bakit kami nandito.Kanina ko pa hinihintay na kulitin niya ako sa mga kasagutan na alam kong nais niyang malaman pero nanatili siyang tahimik doon."Amari, anak," pag-agaw ko sa atensiyon niya.Binalingan niya ako at saka siya tipid na ngumiti."Come here," utos ko.Kinuha niya ang teddy bear niya at saka lumapit sa akin. Pinaupo ko siya sa mga hita ko."Wala ka bang itatanong kay Mama?" tanong ko.Napatigil siya sa paglalaro sa mga braso ng teddy bear niya at matagal na tinitigan iyon."You know what's the best for me, Mama. I trust you po," aniya at saka ako nginitian. "Ate May said that I should bear with you because you have a lot of problems and I don't want to cause another problem, Mama. If somethings happen again, I am here po. Tell me, I will hug you tightly, Mama."Nag-init ang mga mata ko habang tinitingnan siya. "Sorry," ang kataga na lumabas sa aking mga l
Halos batuhin ko si Roy nang makita siya sa tapat ng pinto na animo'y kakatok pa."Good morning," napipilitan ang ngiti na nakapaskil sa labi niya.Agad ko na isinarado ang pinto ng bahay sa takot na makita siya ni Amari.Bahagya pa na sumilip si Roy sa loob pero tinulak ko na siya. "Ano na naman ba ang ginagawa mo rito?" tanong ko.Ito ang kinakatakot ko, ang makita siya ni Amari kasama ko. Sa murang edad noon ay hindi rin basta ang takbo ng utak niya.Itinaas niya ang hawak na paper bag. "Bumili ako ng pastries. Nag-umagahan na kayo?" tanong niya. "Tara na kainin ito. Lalamig na 'to."Hinila ko siya nang asta siya sa papasok sa loob."Roy, ano ba!" pilit na hinihinaan ang boses.Umiwas siya ng tingin at bahagyang tumango. "Kainin niyo na lang 'to. Masasayang. Marami akong binili e," natatawang aniya at inabot iyon sa akin.Salubong ang mga kilay ko na tiningnan iyon."Kuhanin mo na. Walang gayuma 'yan," biro pa niya at saka niya inipit sa kamay ko iyon.Bahagya niya na ginulo ang bu
Tumingin ako sa gawi ng pinto nang may kumatok doon ngunit kalaunan ay muli kong ibinaling sa ginagawa ko.Wala naman ibang kakatok diyan bukod sa nag-iisang tao na dahilan ng malaking itim sa ilalim ng mga mata ko."Tao po," tawag pa niya.Nagbuntonghininga ako at saka siya pinagbuksan ng pinto.Sumalubong sa akin ang umaalingasaw na pabango niya. Basa pa ang buhok na akala mo ay dumiretso na rito matapos maligo."Pastries," aniya at saka inabot sa akin ang paper bag.Nababagot ko siya ba tiningnan. "Iaabot ko lang 'to. May pasok din ako," aniya."Kumain ka na ba?" alanganin pa na tanong ko. Ako pa ngayon ang nag-aalangan!"Hindi pa pero dadaan na lang ako bago pumasok sa office."Tumango ako bilang sagot. Hindi na rin siya nagtagal pa at umalis na rin habang ako ay naiwan dito sa bahay kasama ni Amari.Inayos ko lang ang mga gawain bahay at saka inayusan na rin si Amari. Maghahanap ako ng trabaho. Hindi naman puwede na ganito na lang ako, baka mamatay kami pareho ng anak ko na dila
Nagpatuloy ang mga araw at hindi nagmintis si Roy. Umaga at gabi ay naroroon siya sa bahay. Unti-unti na rin akong nasasanay sa presensiya niya habang si Amari naman ay wala pa rin kamalay-malay.Sa umaga ay tulog pa siya. Nag-aabot lang din si Roy ng breakfast at aalis na rin dahil papasok pa sa trabaho. Sa gabi naman ay sabay na kami kumakain dahil madalas tulog na si Amari tuwing kukuhanin ko kay May galing sa trabaho.Hindi man tulog ay inaabot naman ng antok pauwi sa bahay kaya hindi rin niya alam na sabay kami kumakain ng papa niya.Pinalobo ko ang pisngi ko at saka itinali ang buhok ko. Kung tutuosin ay mas mabigat pa ang ginagawa ko noong nasa kumpaniya pa ako ni Carl kumpara sa napasukan ko na ito.Medyo maliit nga lang din ang sahod ko dahil hindi naman malaki ang kumpaniya. Ayos naman na sa akin iyon. Ang mahalaga lang ay may trabaho ako at sasapat iyon sa gastusin naming dalawa ni Amari."Hello," sagot ko sa tawag."Out mo na?" tanong niya.Tumango ako na para bang makikit