Share

MML 56 - Cold

Hinaplos ko ang buhok ni Amari na ngayon ay mahimbing na ang tulog.

Inosente pa rin siya sa nangyayari sa paligid niya dahil hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang lahat.

Gusto kong kausapin muli si Carl matapos ang nangyari kanina pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Ngayon ko napagtanto na marami pala ako dapat na ipaliwanag at sana hindi ko na lang sinayang pa ang oras ko na patulan ang mga sinasabi niya.

Gusto kong bigyan ng linaw ang lahat pero paano ko pa magagawa iyon ngayon kung huli na ang lahat.

Buntonghininga na tumabi ako kay Amari. Iniisip ko rin na aalis na kami rito dahil masiyado na rin makapal ang mukha ko kung mananatili pa kami rito.

Iniisip ko rin na mag-resign na lang sa trabaho at humanap ng iba pero baka isipin naman niya na tumigil talaga ako kaya nais ko manatili kahit isang buwan.

Sa mga nagdaang araw ay drain na drain na ako sa mga nangyayari sa akin. Ayos naman na ang buhay ko, nagulo lang nang pumasok muli at magtagpo ang mga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status