Tiningnan ko si Amari na tahimik lang na naglalaro sa isang gilid. Mula pa kanina ay hindi na siya nagtanong pa kung bakit kami nandito.Kanina ko pa hinihintay na kulitin niya ako sa mga kasagutan na alam kong nais niyang malaman pero nanatili siyang tahimik doon."Amari, anak," pag-agaw ko sa atensiyon niya.Binalingan niya ako at saka siya tipid na ngumiti."Come here," utos ko.Kinuha niya ang teddy bear niya at saka lumapit sa akin. Pinaupo ko siya sa mga hita ko."Wala ka bang itatanong kay Mama?" tanong ko.Napatigil siya sa paglalaro sa mga braso ng teddy bear niya at matagal na tinitigan iyon."You know what's the best for me, Mama. I trust you po," aniya at saka ako nginitian. "Ate May said that I should bear with you because you have a lot of problems and I don't want to cause another problem, Mama. If somethings happen again, I am here po. Tell me, I will hug you tightly, Mama."Nag-init ang mga mata ko habang tinitingnan siya. "Sorry," ang kataga na lumabas sa aking mga l
Halos batuhin ko si Roy nang makita siya sa tapat ng pinto na animo'y kakatok pa."Good morning," napipilitan ang ngiti na nakapaskil sa labi niya.Agad ko na isinarado ang pinto ng bahay sa takot na makita siya ni Amari.Bahagya pa na sumilip si Roy sa loob pero tinulak ko na siya. "Ano na naman ba ang ginagawa mo rito?" tanong ko.Ito ang kinakatakot ko, ang makita siya ni Amari kasama ko. Sa murang edad noon ay hindi rin basta ang takbo ng utak niya.Itinaas niya ang hawak na paper bag. "Bumili ako ng pastries. Nag-umagahan na kayo?" tanong niya. "Tara na kainin ito. Lalamig na 'to."Hinila ko siya nang asta siya sa papasok sa loob."Roy, ano ba!" pilit na hinihinaan ang boses.Umiwas siya ng tingin at bahagyang tumango. "Kainin niyo na lang 'to. Masasayang. Marami akong binili e," natatawang aniya at inabot iyon sa akin.Salubong ang mga kilay ko na tiningnan iyon."Kuhanin mo na. Walang gayuma 'yan," biro pa niya at saka niya inipit sa kamay ko iyon.Bahagya niya na ginulo ang bu
Tumingin ako sa gawi ng pinto nang may kumatok doon ngunit kalaunan ay muli kong ibinaling sa ginagawa ko.Wala naman ibang kakatok diyan bukod sa nag-iisang tao na dahilan ng malaking itim sa ilalim ng mga mata ko."Tao po," tawag pa niya.Nagbuntonghininga ako at saka siya pinagbuksan ng pinto.Sumalubong sa akin ang umaalingasaw na pabango niya. Basa pa ang buhok na akala mo ay dumiretso na rito matapos maligo."Pastries," aniya at saka inabot sa akin ang paper bag.Nababagot ko siya ba tiningnan. "Iaabot ko lang 'to. May pasok din ako," aniya."Kumain ka na ba?" alanganin pa na tanong ko. Ako pa ngayon ang nag-aalangan!"Hindi pa pero dadaan na lang ako bago pumasok sa office."Tumango ako bilang sagot. Hindi na rin siya nagtagal pa at umalis na rin habang ako ay naiwan dito sa bahay kasama ni Amari.Inayos ko lang ang mga gawain bahay at saka inayusan na rin si Amari. Maghahanap ako ng trabaho. Hindi naman puwede na ganito na lang ako, baka mamatay kami pareho ng anak ko na dila
Nagpatuloy ang mga araw at hindi nagmintis si Roy. Umaga at gabi ay naroroon siya sa bahay. Unti-unti na rin akong nasasanay sa presensiya niya habang si Amari naman ay wala pa rin kamalay-malay.Sa umaga ay tulog pa siya. Nag-aabot lang din si Roy ng breakfast at aalis na rin dahil papasok pa sa trabaho. Sa gabi naman ay sabay na kami kumakain dahil madalas tulog na si Amari tuwing kukuhanin ko kay May galing sa trabaho.Hindi man tulog ay inaabot naman ng antok pauwi sa bahay kaya hindi rin niya alam na sabay kami kumakain ng papa niya.Pinalobo ko ang pisngi ko at saka itinali ang buhok ko. Kung tutuosin ay mas mabigat pa ang ginagawa ko noong nasa kumpaniya pa ako ni Carl kumpara sa napasukan ko na ito.Medyo maliit nga lang din ang sahod ko dahil hindi naman malaki ang kumpaniya. Ayos naman na sa akin iyon. Ang mahalaga lang ay may trabaho ako at sasapat iyon sa gastusin naming dalawa ni Amari."Hello," sagot ko sa tawag."Out mo na?" tanong niya.Tumango ako na para bang makikit
Nagdaan ang linggo na iyon at bumalik ako sa kinagawian ko. Trabaho at pag-aasikaso kay Amari.Nakakapagod at ramdam ko ang pagka-drain ko. Mahirap pero kakayanin ko naman. Isa pa ay ginagawa ko naman ito para sa anak ko.Binitbit ko ang basura namin sa kusina upang itapon iyon sa labas. Medyo maayos na rin ang bahay. Paunti-unti ay nalalagyan ko na ng mga gamit na kailangan namin sa pang-araw-araw iyon nga lang ay hindi ko rin isinasantabi ang pag-iipon. Pinagpatuloy ko iyon dahil ilang taon na rin si Amari.Natigil ako sa pagtatali ng buhok ko nang makita ang pamilyar na sasakyan na pumarada sa tapat ng bahay.Akalain mo na buhay pa pala siya.Agad na akong pumasok sa bahay at saka ni-lock iyon. Nginitian ko si Amari na napatingin sa akin dahil medyo napalakas pa ang pagkakasara ko sa pinto."Doon na tayo sa kuwarto," aya ko sa kaniya.Wala naman siyang reklamo na sumunod sa akin."Maliligo muna si Mama. Maasim na ako. Dito ka lang muna sa loob maglaro. Huwag ka na lumabas pa sa sal
"Amari, magagalit ka ba sa akin kung may secret ako?" kasuwal na tanong ko sa anak ko.Hapon na at pareho kami na nanunuod ng cartoons sa cellphone ko. Wala naman kaming puwedeng mapanuoran bukod doon."Amari," pag-agaw ko sa atensiyon niya nang hindi man lang siya nag-abala na balingan ako."Mama?" inosenteng tanong niya.Ngumuso ako dahilan upang tuluyan niya ibigay sa akin ang atensiyon. Tutok siya masiyado sa pinapanood. Kulang na lang ay ayaw na akong pansinin! "What did you say po? I'm sorry," aniya."Magagalit ka ba kung may secret ako na hindi sinasabi sa'yo?" pag-uulit ko sa tanong ko kanina.Nagsalubong ang maliliit niyang mga kilay. "It depends po. What is your secret po?"Tiningnan ko siya na unti-unti na namang nawawala ang atensiyon sa akin at lumilipat doon sa pinapanood niya."Daddy," panimula ko na naging dahilan upang balingan niya ako."I miss him," malungkot na aniya. Sa isang iglap ay naging malungkot ang mga mata niya. Tipid ako na ngumiti. "Amari, anak. Hindi k
Dumaan ang mga araw at hindi na nagmintis pa si Roy na ihatid na rin ako sa umaga patungo sa pinagt-trabahuan ko.Naging masungit man ako pero tiniis niya at ramdam ko ang kagustuhan niya na magkaayos kami. Bumalik na rin ang pagdadala niya ng mga pastries na hinahanap-hanap ni Amari tuwing magigising siya kaya naman kahit papaano ay natutuwa na lang din ako."May gagawin ka ba bukas?" maya-maya ay tanong ko kay Roy.Pareho kami na narito sa tapat ng bahay. Nakaupo at nakatingin sa mga dumaraan na iilang sasakyan.Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin. Pinalobo ko naman ang mga pisngi ko."I'm always free kapag ikaw," banat niya. "Why?" tanong niya.Napairap na lang ako sa kawalan. "Magpapasama sana ako sa mall. May bibilhin lan—""Sure. What time?" pagpuputol niya sa sasabihin ko."Huwag mo na akong sunduin. May dadaanan pa rin ako, didiretso lang ako roon," dagdag ko.Ilang gabi ko pinag-isipan ito. Ilang beses na rin kasi ako tinanong ni Amari kung kailan niya puwede ma-meet si
"Mama, where are we going po?" tanong ni Amari nang makasakay kami sa taxi. Papunta na kami ngayon sa mall. Ang totoo ay wala naman akong daraanan. Kapag sinabi ko kasi na bibili lang ako diretso ay baka sunduin pa ako ni Roy at ayaw ko na mangyari iyon.Wala silang kamalay-malay na dalawa sa plano ko na ipakilala na sila sa isa't-isa. Umiiwas lang din ako na baka umasa ang isa sa kanila kung sakali na hindi naman matuloy ang pagkikita ngayong araw."Nasaan ka?" tanong ko nang sagutin ni Roy ang tawag."Still on my way. Heavy traffic, wait me there," sagot niya."Sabi ko agahan mo," reklamo ko.Dinig ko ang pagsinghap niya. "Maaga ka lang sobra," aniya."Malayo ka pa ba?" tanong ko.Ang usapan ay aagahan niya. Mukhang kami pa ni Amari ang maghihintay sa kaniya."Medyo?" hindi rin sigurado na sagot niya.Napabuga na lang ako ng hangin. "Hintayin kita sa garden," sabi ko.May garden sa itaas kaya roon na lang siguro kami maghihintay ni Amari."Yeah, sure. Bibilisan ko," aniya.Ipinasok