"Mauna ka na, Carl. Comfort room lang ako," ako. "Samahan ba kita?" tanong niya. Natatawa ako na umiling. "Hindi na. Mauna ka na para pagkatapos mo ay umuwi na rin tayo," sabi ko. "Si Amari?" Tinuro niya ang anak ko. "Isasama ko. Isa pa baka makagulo lang 'to roon," sagot ko. May nakita ako kanina na comfort room sa ibaba pero nang nandito na kami ni Amari ay hindi ko na makita. Masiyadong malawak dito sa ibaba kaya naman ay nakailan na liko pa ako. "Mama," si Amari. "Wait lang po," sabi ko at saka lumiko na naman. Kanina kasi nang pumasok kami rito sa building ay nakita ko pa iyon. Ngayon na pagbaba wala na. Nag-early leave kami ni Carl ngayon. Matapos niya kausapin ang designer na pinapunta niya sa opisina ay nag-aya na rin siya na umuwi. Nais magpahinga. Paano hindi mapapagod, tinotoo niya ang kaniyang sinabi. Halos hindi ko na masabayan ang mga pangyayari. Isang araw nagising na lang ako na may pupunta sa office na designer at may iilan din na mga organize
Dumaan ang mga araw matapos ang pag-aaway namin na iyon ni Carl ay nakipagmatigasan siya na hindi ako kibohin. Ako na rin ang naiilang dahil kasa-kasama pa namin si Amari sa bahay. Ni isa sa amin ay wala man lang humingi ng sorry. Alam ko sa sarili ko na wala akong nagawa na mali kaya kung mayroon man sa aming dalawa na dapat humingi ng tawad ay siya iyon dahil bigla-bigla na lang siyang mag-aaway. Napapaisip na nga lang ako kung itutuloy ko pa ba ang pagpapakasal sa kaniya. Ngayon pa lang ay ganito na, paano pa kaya kung kasal at mag-asawa na kaming dalawa? Minsan nga ay parang labag pa sa kalooban niya na magsabay kami pauwi. Kulang na lang ay isumbat na sa akin. Sa sobrang inis ko ay walang paalam na binitbit ko ang bag at bumaba na. Uwian na rin naman. Sinundo ko si Amari at saka kami kumain sa labas. Wala akong lakas na magluto.
Nanginginig ang mga kamay at nagmamadali na bumaba sa sasakyan. "Ina!" tawag niya ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Nagmamadali ako na pumara ng masasakyan at nakahinga ng maluwag nang makasakay rin. Ang hawak na folder ay sapilitan ko na pinagkasiya sa bag ko. "Ate, pasok," si May nang katukin ko sila sa bahay nila. "Tulog," puna ko nang makita si Amari na mahimbing ang tulog at nakayakap pa sa pamangkin ni May. Kinuha ko ang cellphone ko nang mag-ring iyon. Natatakot na baka magising ang mga bata. Napabuga na lang ako ng hangin nang makita ang pangalan ni Carl sa screen. Pinatay ko ang cellphone ko at doon na iyon inilagay sa bag. "Miryenda ka muna, Ate." Inabot ko na ang plato na nilagyan niya ng tinapay. "Nag-abala ka pa," sabi ko. Tipid siya na tumawa. Nang lumubog ang araw ay umuwi na rin kami ni Amari. Natigilan ako nang makita si Carl na naririto sa living room at tumayo na
"Ayaw mo ba na mabuo ang pamilya natin, Ina? Ayaw mo ba na magkaroon ng ama ang anak natin?" tanong ni Roy. "Roy, may ama na si Amari. Buo na ang pamilya namin kaya kung puwede lang, tama na," pagpapatigil ko sa kaniya. Ang kinatatakutan ko na makita siya sa Building ay nangyari na. Sa labas pa lang ay naghihintay na siya at hindi na ako nakakuha ng oras para makatakas. Hindi umuwi si Carl kagabi dahilan upang mag-commute ako kinabukasan. Medyo inaasahan ko na... there is possibility na pumunta si Roy rito ngunit ang hindi ko inakala na umagang-umaga. Wala akong choice. Tiningnan ko ang palaruan sa harapan ko. Dinala niya ako sa isang park. Hindi pa ako nakakapasok sa building ay hinila na niya ako palayo roon. "I am the biological father, Ina!" "Bakit?" tanong ko nang mabalingan siya. "Nasaan ka noong mga panahon na lumalaki siya? Nasaan ka, Roy?" tanong ko. "Hindi ko alam!" sagot niya. "Hindi ko alam n
"What are you doing here, Roy?" tanong ni Carl.Lumayo na rin ako sa kaniya."I have something to say. Are you free?" tanong din niya pabalik.Umiling si Carl. "May meeting ako," sagot niya."A minute?" tanong ni Roy.Napabuga ng hangin si Carl at saka ako binalingan. "Puwede mo ba kami na iwan muna?"Tiningnan ko pa si Roy sandali bago walang nagawa na tumango na lang kay Carl. May pangamba man na nararamdaman dahil baka tungkol ito sa napag-usapan namin ay hindi ko na lang pinansin.Tinaasan pa ako ni Roy ng kaniyang kaliwang kilay nang magtagal ang tingin ko sa kaniya.Napairap na lang ako at nagpaalam na kay Carl. Balak ko pa sana tumambay sa labas upang making ngunit sinarado ni Roy ang pinto.Masama ang tingin sa pinto na lumakad ako paalis doon. Wala naman siguro siyang sasabihin na kung ano.Sa isipin na iyon ay halos ako lang din ang mahilo kakalakad sa opisina ko. Hindi ako mapakali.Napatayo na lang ako mula sa sandali na pagkakaupo sa swivel chair nang makita si Roy na dum
Napakurap ako nang marinig ang isang boses na kalmado ngunit tama ang lakas upang marinig ng lahat.Mahigpit ang naging paghawak ni Carl sa aking kamay bago niya iyon binalingan. Hindi makatiis na tiningnan ko ang pinaggalingan ng boses na iyon."What the... Roy?" dinig ko na sambit ni Carl. Walang emosyon ang mga mata ngayon na mas nakikita ko na siya habang lumalakad papalapit.Umingay ang mga nag-uusap sa harapan at doon ako mas nahihilo ngunit hindi ko rin naman magawa na alisin ang mga mata kay Roy na nakatayo lamang sa harapan namin hawak ang isang envelope."Is this a prank? Come on, Roy," pilit na tawang sambit ni ni Carl.Napaatras ako nang balingan ako ni Roy."Tell him, Ina," aniya.Bakas ang kaguluhan sa mukha ni Carl nang balingan ko siya. Kung kanina ay kunot na ang kaniyang noo ay mas lalo na ngayon. "Ina?" tanong niya at saka ako binalingan.Umiling ako bilang sagot dahilan upang matawa siya. "What is this?" "Carl," pagpigil ko sa kaniya nang tanggalin niya ang hawa
"Carl, mag-usap naman tayo oh," pagmamakaawa ko.Isang linggo na ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya makausap. Umuuwi kami sa iisang bahay, nagtatrabaho sa isang building pero napakahirap humanap ng magandang timing para kausapin siya."Ganito na lang ba tayo palagi? Nandiyan ka pero at the same time wala. Paano natin aayusin ito kung ayaw mo makipag-cooperate?"Inis ko na hinila ang coat na hawak niya dahil asta nanaman siya na aalis. Ganito na lang palagi. Para akong may ketong at ayaw niyang mahawa kaya aalis siya."Wala ng dapat ayusin, Dianna," aniya."Ano? Ganoon na lang ang lahat?" tanong ko at bahagya pa na natawa.Sa pagkakataon na ito ay binalingan na niya ako. "Bakit? Ano pa ba ang dapat pag-usapan natin? Itatanggi mo ba ngayon na hindi anak ni Roy si Amari? Na gawa-gawa lang ni Roy ang DNA result na nakita ko noong araw na iyon? Na nagsisinungaling lang siya? Ano pa ba ang usap na gusto mo?" salubong ang mga kilay na tanong niya sa akin."Carl, hin—""Hindi ba d
Hinaplos ko ang buhok ni Amari na ngayon ay mahimbing na ang tulog.Inosente pa rin siya sa nangyayari sa paligid niya dahil hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang lahat.Gusto kong kausapin muli si Carl matapos ang nangyari kanina pero pinipigilan ko ang sarili ko.Ngayon ko napagtanto na marami pala ako dapat na ipaliwanag at sana hindi ko na lang sinayang pa ang oras ko na patulan ang mga sinasabi niya.Gusto kong bigyan ng linaw ang lahat pero paano ko pa magagawa iyon ngayon kung huli na ang lahat.Buntonghininga na tumabi ako kay Amari. Iniisip ko rin na aalis na kami rito dahil masiyado na rin makapal ang mukha ko kung mananatili pa kami rito.Iniisip ko rin na mag-resign na lang sa trabaho at humanap ng iba pero baka isipin naman niya na tumigil talaga ako kaya nais ko manatili kahit isang buwan.Sa mga nagdaang araw ay drain na drain na ako sa mga nangyayari sa akin. Ayos naman na ang buhay ko, nagulo lang nang pumasok muli at magtagpo ang mga