Nagbuntonghininga pa muna ako bago pumasok sa opisina ni Carl. Naabutan ko siya na nakatalikod at nakaharap sa kaniyang bintana."Carl," pag-agaw ko sa intensiyon niya.Binalingan niya ako. Tipid siya na ngumiti. "Maupo ka," aniya.Tahimik ako na naupo sa sofa at hinintay siya."Siya ba ang dahilan?" tanong niya.Nagsalubong ang mga kilay ko. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.Lumakad siya palapit sa akin. "Si Roy... siya ba ang gusto mo kaya ayaw mo tanggapin ang wedding proposal ko?" tanong niya.Napaiwas ako ng tingin. Mukhang alam na niya ang nakaraan namin. Hindi na ako magugulat pa kung dahil iyon kay Roy. "How?" tanong niya muli ngunit hindi ko na sinubukan pa na tingnan siya. "How come na," natawa siya. "Kailan mo lang siya nakita at hindi mo pa nakausap pero nagkagusto ka sa kaniya?" dagdag niya dahilan upang balingan ko siya.Hindi ko mawari kung ano ang nasa isipan niya. Umupo siya sa harapan ko."Carl, wala naman kinalaman si Mr. Gomez sa hindi ko pagtanggap. Isa pa ay
Tiningnan ko si Amari na mahimbing na ang tulog sa kama. Paano ko ipaliliwanag sa kaniya na hindi naman talaga si Carl ang ama niya? Na hindi naman talaga si Carl ang tunay na ama niya na siyang pinaniniwalaan niya?Napayuko na lang ako nang ilagay ang sarili sa sitwasyon ng anak ko. Panigurado ay maguguluhan din ako. Masiyado pa na bata si Amari para sa ganitong mga bagay. Matalino si Amari pero...Magiging masakit sa akin kung nasa kalagayan niya ako. Mula nang isilang ako ay si Carl na ang ama ko tapos sasabihin sa akin ay hindi pala siya ang biological.Napapunas ako ng luha nang dumausdos iyon sa aking mga pisngi. Kung hindi lang siya naging bunga ng karahasan ay hindi sana magiging ganito ang lahat. Hindi magiging ganito kahirap. "Ina, wala rin naman mawawala kung tanggapin mo na lang wedding proposal ni Carl. Para naman sa anak mo ito."Sino ba ang nais mo na ipakilala sa anak mo na tatay niya? Ang mga nanggahasa sa'yo?Napatakip na lang ako sa aking bibig at muling tinalikura
Tahimik ako na nakaupo sa harapan ni Carl. Ilang minuto na pero hindi naman siya nagsasalita.Pinaglaruan ko ang mga kamay ko dahil naiilang sa ginagawa niya na paninitig."Are you playing with me, Dianna?" tanong niya.Kumunot ang noo ko at binalingan siya. Hindi makuha kung ano ang nais niya na ipahiwatig."Noong una ay tinatanggihan mo ang proposal ko nang dahil sa kaniya tapos ngayon?""Sino ba may sabi sa'yo na dahil sa kaniya kung bakit ko tinatanggihan ang proposal mo?" tanong ko rin pabalik."Nakita ko kayo na sumakay sa elevator," aniya.Natawa ako. "Alam mo rin ba kung saan kami pumunta at kung ano ang pinag-usapan namin?" tanong ko."Hindi pero sigurado ako na walang kinalaman sa trabaho," aniya.Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko magawa na sumagot dahil wala naman talaga iyon kinalaman sa trabah
"Mauna ka na, Carl. Comfort room lang ako," ako. "Samahan ba kita?" tanong niya. Natatawa ako na umiling. "Hindi na. Mauna ka na para pagkatapos mo ay umuwi na rin tayo," sabi ko. "Si Amari?" Tinuro niya ang anak ko. "Isasama ko. Isa pa baka makagulo lang 'to roon," sagot ko. May nakita ako kanina na comfort room sa ibaba pero nang nandito na kami ni Amari ay hindi ko na makita. Masiyadong malawak dito sa ibaba kaya naman ay nakailan na liko pa ako. "Mama," si Amari. "Wait lang po," sabi ko at saka lumiko na naman. Kanina kasi nang pumasok kami rito sa building ay nakita ko pa iyon. Ngayon na pagbaba wala na. Nag-early leave kami ni Carl ngayon. Matapos niya kausapin ang designer na pinapunta niya sa opisina ay nag-aya na rin siya na umuwi. Nais magpahinga. Paano hindi mapapagod, tinotoo niya ang kaniyang sinabi. Halos hindi ko na masabayan ang mga pangyayari. Isang araw nagising na lang ako na may pupunta sa office na designer at may iilan din na mga organize
Dumaan ang mga araw matapos ang pag-aaway namin na iyon ni Carl ay nakipagmatigasan siya na hindi ako kibohin. Ako na rin ang naiilang dahil kasa-kasama pa namin si Amari sa bahay. Ni isa sa amin ay wala man lang humingi ng sorry. Alam ko sa sarili ko na wala akong nagawa na mali kaya kung mayroon man sa aming dalawa na dapat humingi ng tawad ay siya iyon dahil bigla-bigla na lang siyang mag-aaway. Napapaisip na nga lang ako kung itutuloy ko pa ba ang pagpapakasal sa kaniya. Ngayon pa lang ay ganito na, paano pa kaya kung kasal at mag-asawa na kaming dalawa? Minsan nga ay parang labag pa sa kalooban niya na magsabay kami pauwi. Kulang na lang ay isumbat na sa akin. Sa sobrang inis ko ay walang paalam na binitbit ko ang bag at bumaba na. Uwian na rin naman. Sinundo ko si Amari at saka kami kumain sa labas. Wala akong lakas na magluto.
Nanginginig ang mga kamay at nagmamadali na bumaba sa sasakyan. "Ina!" tawag niya ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Nagmamadali ako na pumara ng masasakyan at nakahinga ng maluwag nang makasakay rin. Ang hawak na folder ay sapilitan ko na pinagkasiya sa bag ko. "Ate, pasok," si May nang katukin ko sila sa bahay nila. "Tulog," puna ko nang makita si Amari na mahimbing ang tulog at nakayakap pa sa pamangkin ni May. Kinuha ko ang cellphone ko nang mag-ring iyon. Natatakot na baka magising ang mga bata. Napabuga na lang ako ng hangin nang makita ang pangalan ni Carl sa screen. Pinatay ko ang cellphone ko at doon na iyon inilagay sa bag. "Miryenda ka muna, Ate." Inabot ko na ang plato na nilagyan niya ng tinapay. "Nag-abala ka pa," sabi ko. Tipid siya na tumawa. Nang lumubog ang araw ay umuwi na rin kami ni Amari. Natigilan ako nang makita si Carl na naririto sa living room at tumayo na
"Ayaw mo ba na mabuo ang pamilya natin, Ina? Ayaw mo ba na magkaroon ng ama ang anak natin?" tanong ni Roy. "Roy, may ama na si Amari. Buo na ang pamilya namin kaya kung puwede lang, tama na," pagpapatigil ko sa kaniya. Ang kinatatakutan ko na makita siya sa Building ay nangyari na. Sa labas pa lang ay naghihintay na siya at hindi na ako nakakuha ng oras para makatakas. Hindi umuwi si Carl kagabi dahilan upang mag-commute ako kinabukasan. Medyo inaasahan ko na... there is possibility na pumunta si Roy rito ngunit ang hindi ko inakala na umagang-umaga. Wala akong choice. Tiningnan ko ang palaruan sa harapan ko. Dinala niya ako sa isang park. Hindi pa ako nakakapasok sa building ay hinila na niya ako palayo roon. "I am the biological father, Ina!" "Bakit?" tanong ko nang mabalingan siya. "Nasaan ka noong mga panahon na lumalaki siya? Nasaan ka, Roy?" tanong ko. "Hindi ko alam!" sagot niya. "Hindi ko alam n
"What are you doing here, Roy?" tanong ni Carl.Lumayo na rin ako sa kaniya."I have something to say. Are you free?" tanong din niya pabalik.Umiling si Carl. "May meeting ako," sagot niya."A minute?" tanong ni Roy.Napabuga ng hangin si Carl at saka ako binalingan. "Puwede mo ba kami na iwan muna?"Tiningnan ko pa si Roy sandali bago walang nagawa na tumango na lang kay Carl. May pangamba man na nararamdaman dahil baka tungkol ito sa napag-usapan namin ay hindi ko na lang pinansin.Tinaasan pa ako ni Roy ng kaniyang kaliwang kilay nang magtagal ang tingin ko sa kaniya.Napairap na lang ako at nagpaalam na kay Carl. Balak ko pa sana tumambay sa labas upang making ngunit sinarado ni Roy ang pinto.Masama ang tingin sa pinto na lumakad ako paalis doon. Wala naman siguro siyang sasabihin na kung ano.Sa isipin na iyon ay halos ako lang din ang mahilo kakalakad sa opisina ko. Hindi ako mapakali.Napatayo na lang ako mula sa sandali na pagkakaupo sa swivel chair nang makita si Roy na dum