Share

Chapter 14.1

"Hindi gano'n kadali ang magpatawad, Mister Villacorda."

Ginagap nito ang kanyang kamay. Nagtangka siyang bawiin iyon ngunit hinigpitan ni Ashton ang pagkakahawak sa kanya.

"Ashton. Call me on my name. And regarding that matter, that's why I'm asking a chance. Hayaan mo akong patunayan ang sarili ko. Baka sakaling unti-unti mo rin akong mapatawad." Mahinahon at puno ng sinseridad ang tinig nito. 

Akmang bubuka na sana ang bibig ng dalaga ngunit natigil siya nang tumalon-talon sa kama si Hyde. Parehong napunta ang tingin nila sa bata.

"Mama, papa. Tara na po, swimming na tayo." Pangungulit niya.

Buntong-hininga na lamang na bumaling si Amber kay Ashton.

"Mamaya na tayo mag-usap. Asikasuhin ko muna ang anak ko." Mabilis nitong binawi ang kanyang kamay na hawak nito. Pagkatapos ay walang pasabi itong tumayo sa pagkakaupo.

"Anak natin, Amber." Pahabol ni Ashton sa kanya.

Sandali lang niyang nilingon ang lalaki ng

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status