"Tagay na! Woohhh!" Itinaas ni Amber ang basong hawak niya bago niya iyon itungga.
"Woohhhh! Isa pa please." Muli nitong itinulak ang kanyang kopita sa harap ng bartender.
Muli namang sinalinan ng bartender ang baso nito. Kaagad rin iyong kinuha ng babae ngunit mabilis na nahawakan ni Indigo ang kanyang kamay upang pigilan.
"Lasing ka na, Amber."
Inalis naman ng dalaga ang kamay nitong nakahawak sa kanya at mabilis na itinungga ang kanyang baso.
"Tama na 'yan, lasing ka na." Mahinahong saway nito sa kanya.
"Hindi pa ako lasing." Umiling-iling Ito. "Kung lasing na sana ako, edi sana limot ko na si tanders."
Napabuntong-hininga na lamang si Dark Indigo. Hindi niya alam kung anong nangyari, basta nang kumatok ang babae sa kanyang silid at nagyaya itong uminom ay para siyang tuod na pumayag. Nagyaya itong mag-bar sila na hindi naman niya tinanggihan.
Hindi niya nagawang mag-usisa habang nasa biyahe sila ngun
"Sino ka ba?" Nakakunot-noong tumitig si Amber kay Ashton Blumentrint habang pangko-pangko siya nito. "Sinakay mo ako sa kotse mo tapos hindi ka man nagpakilala."Nang hindi pa rin umimik ang lalaki ay gigil niya itong idinuro sa dibdib."Bigla mo na lang akong inilayo sa kasama ko."Nailing na lamang si Ashton Blumentrint."Baka magalit 'yon at 'di na niya ako pakasalan." Nakanguso itong sumubsob sa matipunong dibdib ng lalaki."And you think I will let him marry you?"Lalong namang siniksik ng dalaga ang mukha nito sa kanyang leeg."Gusto ko siyang pakasalan."Parang sinaksak ang puso niya sa tinuran niyang iyon."Pagkatapos, happy family na kami kasama si Hyde."Napabuga na lamang ng hangin si Ashton. Aniya, kung alam sana nito gaano siya nasasaktan sa mga sinasabi niya.Nanatili lamang siyang walang imik. Nagpatuloy ito sa pagpasok sa loob ng house of Blumentrint. Maya-ma
Bago pa makahuma si Amber sa sinabi ni Ashton ay mabilis na tinawid ng bata ang kanilang distansya at mahigpit na niyakap ang kanyang binti. Lalo tuloy siyang natigagal."Mommy."Napaawang na lamang ang kanyang bibig. Para siyang nananaginip, mahigpit ang pagkakayakap sa kanya ng batang kamukha ni Hyde. Yakap siya nito na tila ba labis na nanabik. At ang matindi ay tinawag siya nitong mommy.Gusto sana niyang kurutin ang kanyang sarili baka sakaling magising siya kung isa iyong panaginip ngunit tila naestatwa na siya habang nakatitig sa bata."You're finally home, mom." Maluha-luhang tumingala ang bata sa kanya.Para siyang robot na napalingon kay Ashton Blumentrint. Gumuhit sa mga mata ng dalaga ang pagkalito."A-Ashton--" Hindi na niya nagawang naituloy ang gusto niyang sabihin. Tila wala na siyang maapuhap na salita subalit tila naintindihan naman siya nito.Umupo ito upang pantayan ang batang nakayakap sa kanya. Maraha
Mabilis na kinarga ni Amber ang bata pagkatapos ay agad rin siyang tumayo. Tila bigla siyang nakaramdam ng pagkabalisa sa sinabi ng bata na dapat siyang halikan ni Ashton. Bigla kasing rumagasa sa alaala niya ang ginawang paghalik sa kanya nito noong nasa resort sila. "Uwi na tayo. Puntahan na natin si Hyde." Taranta niyang turan. Nagpatiuna na rin ito ng paglabas ng silid. Ni hindi na rin niya nagawang lingunin si Ashton Blumentrint, pakiramdam niya kasi ay pulang-pula na siya dahil sa tumatakbo sa kanyang isip. Napabuntong-hininga naman si Ashton na sumunod sa kanila dahil sa inasta nito. Nang magsimula silang bumiyahe ay itinuon na ni Amber ang kanyang atensiyon kay Hade. Pakiramdam tuloy ni Ashton ay para siyang hangin na hindi nakikita ng dalaga. Naramdaman ni Amber ang paninitig ni Ashton sa kanyang ngunit tinatagan niya ang sariling huwag lingunin ito. Itinuon niya ang kanyang buong atensiyon sa mga kwento ni Hade. Nagkwento
Tila sinaksak ang puso ni Ashton Blumentrint nang iwanan siya ni Amber Velez. Walang kalingon-lingon itong lumapit sa mga batang naglalaro.Napabuntong-hininga na lamang siya. Mabigat ang kanyang dibdib na sinundan ng tingin ang babae.Aniya sa sarili, ano bang dapat niyang gawin upang mapatawad siya nito.Nang makita niya kung paano ito kasaya habang kalaro ang dalawang bata ay pinili na lamang niyang tumalikod. Aniya, ayaw niyang sirain ang araw nito.Nahagip naman ng paningin ni Amber ang paglabas ng silid ni Ashton Blumentrint. Palihim na lamang siyang nag-ikot ng mata.Nang tuluyang makalabas ang lalaki ay itinuon na niya ang atensiyon niya sa mga bata. Sinamahan niya ang mga ito sa paglalaro.Maligaya siya. Sa labis na ligaya ay hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. Kung hindi pa sila hinatiran ng pagkain ng katulong ay hindi nila maiisip ang gutom.Sobra niyang na-enjoy ang araw na iyon. Ma
"Alam niyo, mabuti pa tulog na tayo. Gabi na." Pilipit maghikab ni Amber para ipakitang inaantok na talaga siya. Bago pa makahuma ang mga bata ay muli siyang nagsalita. "Antok na ako."Nang madako ang tingin niya kay Ashton ay hindi niya naiwasang magtaas ng kilay."At ikaw naman, tanders. Magbihis ka na. Masyado ka ng rated-SPG sa harap namin."Ilang sandali pa siya nitong tinitigan kaya lalo siyang napasimangot."Alis na!"Nang tumalikod si Ashton Blumentrint patungo sa walk in closet ay saka siya bumaling sa dalawang bata na nakahiga sa kanyang tabi."Tulog na para maaga kayong magising bukas dahil papasyal tayo.""Together with daddy, mommy?"Hindi na niya nagawang sumagot nang makita niyang bumalik si Ashton. Nakasuot na ito ng sando at boxer short. Dumeretso itong binuksan ang lampshade. Matapos iyon ay pinatay na nito ang ilaw"Let's sleep now kids. Tomorrow we will go somewhere
Pagkababa nila sa sinakyan nila ay kaagad na iginala ni Amber ang paningin. Sa 'di kalayuan ay makikita ang dalawang swimming pool. Sa mas maliit na swimming pool ay may mangilan-ngilang nagsisilangoy. Karamihan sa kanila ay mga batang nasa grade school na. May mga open cottage rin sa paligid. Ang ilan roon ay okupado na. "We will be staying here overnight. I already rented a room for us." Walang kangiti-ngiting turan ni Ashton Blumentrint. "Papa, mag-swim ba tayo ulit?" Kumilislap ang mga mata ng bata, kitang-kita ang excitement. "Mamaya, son, pahinga muna tayo ng konti." Mahinahong saad ni Ashton kasabay ng paghaplos niya sa ulo ng bata. "Tara na muna sa cottage natin." Sunod nitong turan matapos niyang panandaliang sulyapan si Amber. Hindi niya tuloy mawari kung sa kanya niya iyon sinasabi o sa mga bata. Hindi rin alam ni Amber kung galit ba ito sa kanya. Matapos kasi ang binitiwan niyang masakit na salita ay walang pasabi niyang iniwan ang lalaki sa silid. Magkakasabay s
Kumabog ang dibdib ni Amber sa sinserong titig ni Dark Indigo. Tila tumagos iyon sa kanyang puso."Payagan mo akong ligawan ka, please." Tila nag-echo iyon sa pandinig niya.Napakurap na lamang si Amber. Hindi siya makapaniwala sa narinig."Gusto akong ligawan ni Dark Indigo Villacorda?" Ugong ng kanyang isipan."Mommy!" Tila bumalik si Amber sa reyalidad sa pagtawag na iyon mula kay Hade. Mabilis siyang bumitaw mula sa pagkakahawak sa kanya ni Indigo."T-tinatawag na ako ng anak ko." Kandautal niyang saad. Gumuhit ang kiming ngiti sa labi ng dalaga bago umatras ang kanyang mga paa."Next time na ulit tayo mag-usap."Bago pa makaimik si Dark Indigo ay mabilis nang tumakbo si Amber patungo sa park. Wala na siyang nagawa. Napabuntong-hininga na lamang siyang hinatid ng tingin ng babae.Hindi na nagawa pang lingunin ni Amber si Indigo. Basta nagpatuloy lamang ito sa paglayo. Humihingal siya nang makar
Bago pa makaimik si Amber ay dumapo na ang malakas na suntok sa mukha ni Dark Indigo. Sa lakas ay bumagsak ang lalaki sa sahig. Hindi pa nakuntento si Ashton sa pagsuntok, marahas niyang hinatak ang damit ni Indigo. Nang maitayo niya ito ay umamba ulit ito ng suntok. Kitang-kita ang panggagalaiti sa mukha nito."Tama na!" Nagawang mahawakan ni Amber ang kanyang kamay kaya natigil ang padapo ng kamao nito sa mukha ng kanyang pamangkin.Hindi niya gusto ang ginawang paghalik sa kanya ni Dark Indigo ngunit hindi naman niya maaatim na makita itong sinasaktan ni Ashton."Huwag mo na siyang saktan."Matalim naman ang titig ni Ashton Blumentrint na bumaling sa kanya. Tila dismayado rin itong umiling. Pagkatapos ay marahas nitong ipiniksi ang kanyang kamay."Hindi pa tayo tapos, Indigo! Hindi ko mapapalampas ang ginawa mong 'to!" Mariing saad ni Ashton Blumentrint kasabay ng marahas na pagtulak niya sa kanyang pamangkin. Muntikan
Hello, everyone! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa My Little Trophy, handog ko sa inyo ang special chapter na ito. Special dedication to Sally Aragon Llanillo, Victor Borja, Saima Bunka, Mar Formentera Ostria, Jamleedar Pautin Daromimbang, Ronel Derama, Nieves Gawat Juvy, Analiza Monterey, Fel, Pring Ogra at Flory Tamtam. ---------------------------------------- "Tatay Tado, saan po tayo pupunta? Baka po hanapin ako ng mama ko." Nakangusong niyugyog ni Hyde ang kamay ni Tadeo na hawak-hawak niya upang makuha ang atensiyon nito. Kaagad naman siyang nilingon nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad. "Sandali lang naman tayo eh." Tila balewalang turan nito. Lalo namang napanguso si Hyde. "Baka magalit ang mama ko." Ungot niya na muling niyugyog ang kamay ni Tadeo. Huminto naman ang lalaki sa paglalakad at saka hinarap ang bata. "Huwag kang mag-alala, sagot kita." Lalo namang humaba ang nguso ng tatlong taong gulang na si Hyde. "Eh saan po ba kasi tayo p
Iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa loob ng mausoleo. Nasa five by five meters ang lawak nito. Gawa sa kulay itim na marmol ang sahig. Sa pinakadulo ay makikita ang isang nitso. Sa magkabilang gilid nito ay makikita ang rebulto ng dalawang anghel. Gawa sa salamin ang magkabilaang dingding nito dahilan upang makita ang namumukadkad na mga bulaklak na nasa labas. Nagsimulang humakbang palapit si Ashton patungo sa libingan. At habang papalapit siya ng papalapit ay tila tumitindi ang kirot sa puso na kanyang nadarama. "We missed you so much our beloved." Mabigat ang dibdib ni Ashton na ipinatong ang isang bungkos ng puting chrysanthemums sa lapida ng kanyang minamahal. "I'm so sorry." Mahinang usal niya, puno iyon ng sinseridad. Kaagad rin niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata. "I am very sorry, kasalanan ko ang lahat ng 'to." Tila naluluha niyang turan. Nagpakawala siya ng hangin upang gumaan ang bigat ng dibdib na kanyang nadarama. Sandali ring siyang tum
Mahigpit na hinawakan ni Ashton ang kamay ni Amber. "Please stay awake, Amber. Be strong for us." Lumuluhang dinampian ni Ashton ng halik ang likod ng kamay ng kanyang misis. "A-Ashton."Naghihina at hirap na hirap na saad ni Amber. " Ang m-mga ba-ta" "They are very safe, my beloved. Don't worry about them, okay?" Mahinang umungol si Amber bilang tugon. Lalo namang umusbong ang pag-aalala ni Ashton. "Drive even faster, Tadeo. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa asawa ko." "Opo, master." Nang muling ibalik ni Ashton ang tingin sa kanyang misis nagtama ang kanilang mga mata. "A-Ashton." Kitang-kita ni Ashton Blumentrint ang panunubig ng mga mata nito. "Ma-hal k-kita, tanders. Ma-hal n-na m-ma-hal." Lalo namang naluha si Ashton gayunpaman ay pinilit pa rin niyang magsalita. "If you love me, fight, Amber. Malapit na tayo sa hospital kaya kapit ka lang, okay?" Hindi umumik ang kanyang misis, sa halip ay ipinikit nito ang kanyang mga mata. Kitang-kita ang paghihirap n
Nang bumaling si Amber sa kanyang mister ay nakita niyang sapo-sapo nito ang kanyang balikat. Lalong nag-alala si Amber nang makita niya ang pag-agos ng dugo mula roon. "Ashton!" Mangiyak-ngiyak siyang humawak sa balikat ng kanyang mister. "I'm alright, my beloved." Hinawakan naman ng isang kamay ni Ashton ang kamay ni Amber na nasa kanyang balikat at saka marahang pinisil iyon "Ang sweet." Mapaklang turan ni Dindi dahilan upang pareho silang mapatingin sa kanya. "Pero sayang dahil malapit nang magwakas ang kwento niyo. At sisiguraduhin kong magtatapos iyon sa trahedya!" Mariing saad nito habang matalim ang titig sa kanila. "Please don't do that, Dindi." Puno ng sinseridad na turan ni Ashton ngunit hindi naman siya pinakinggan ng babae. Sandaling dumako ang tingin nito kay Amber, unti-unti ring gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago nito ibalik ang tingin kay Ashton. "Buong akala ko noon, si Amber na ang magiging daan upang maisakatuparan ko ang paghihiganti ko. Buong ak
Pinagpawisan ng malapot si Amber. Matapos niyang marinig ang usapan sa cellphone nina Dindi at ang kanyang mister ay wala siyang sinayang na sandali. Mabilis niyang tinungo ang pintuan ng sala. Ngunit gano'n na lamang ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang hindi niya mapihit ang doorknob. "Saan ka pupunta, Lady? Gabi na po para lumabas ka pa." Tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo sa narinig. Gayunpaman ay pilit niyang kinalma ang kanyang sarili bago niya hinarap ang katulong. Pinilit niyang ngumiti upang huwag itong makahalata. "Gusto ko sanang magpahangin." Hindi naman umimik si Dindi. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. "Buryong-buryo na kasi ako sa loob eh. Gusto ko sana magpahangin at mag-star gazing." Pinilit lawakan ni Amber ang kanyang ngiti ngunit nanatili namang seryoso ang mukha ng babae. "Sana tinawag mo ako, Lady." Hindi naman nabura ang pekeng ngiti sa labi ni Amber kahit tila sasabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito. "Akala ko kasi tulog ka n
Walang sinayang na sandali si Ashton Blumentrint. Kahit tila naghihina siya sa natuklasan ay pinilit niyang magpakatatag. Aniya, walang mangyayari kung hindi siya kumilos. Kaagad niyang inayos ang camera na gagamitin niya sa kanyang live video sa iba't-ibang social media sites. Sa kabilang panig, napaayos naman ng upo si Dindi sa kanyang nakita sa screen ng kanyang cellphone. Blumentrint Villacorda is live. Makikita sa video ang nakaupong si Ashton sa kanyang swivel chair. Bagama't limitadong parte lamang ng lugar ang makikita sa video ay makukuhalang nasa loob siya ng study roon o opisina. Makikita ang magulo nitong buhok at nangingitim na ilalim ng mata, tanda na wala itong matinong tulog. "Hello, everyone. I know that most of you knows me. Pero magpapakilala pa rin ako. I am Ashton Blumetrint Villacorda, ang bunsong anak ni Flacido Villacorda. I am also the owner of ABV Empire. I know, I have my name in the business industry but today I wanna stoop down and sincerely give my ap
"Ayos ka lang ba, sir? Untag sa kanya ng imbestigador nang mapansin nito ang pamumuo ng pawis sa kanyang noon matapos nitong mabasa ang natanggap na mensahe. "I'm fine. Nasa'n na nga tayo?" Pinilit niyang itago ang kanyang pagkabalisa. "Tungkol po sa posibleng matibo ni Dendilyn Tuca." Noon na naaalala ni Ashton ang inilapag niyang papeles sa ibabaw ng mesa. Awtomatiko niyang dinampot iyon at pinasadahan ng tingin. Isa iyong pulis record sa nangyaring pananaksak sa kanya noon. Hindi niya naiwasan ang mapakunot-noo nang mapasadahan niya ang family background ng sumaksak sa kanya noon. Kumabog ang kanyang dibdib nang maisip niya ang kaugnayan ng mga ito kay Dindi. "Maaari pong naghihinganti si Dendilyn kaya niya po dinukot ang iyong asawa." Lalo namang lumalim ang gitla sa noo ni Ashton. "Paghihiganti? Sila ang may atraso sa akin, detective." Hindi umimik ang imbestigador ngunit inilapag nito ang cellphone nito
Nagising ang diwa ni Rigo dahil sa pagbuhos ng nagyeyelong tubig sa kanyang katawan."Gising na!" Marahas na sigaw ng isang lalaki.Nang igala niya ang kanyang paningin ay natagpuan ng kanyang mga mata ang kapatid niyang si Dencio na nakatali paitaas ang kamay katulad niya. Kitang-kita rin niyang gaya niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig."Gising na! Nandito na si Big boss!"Maya-maya pa ay tumunog ang pagbukas ng lumang pintuan. Bumungad kay Rigo ang pagpasok ng makintab na sa sapatos. Nang itaas niya ang kanyang tingin ay nakita niyang ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Medyo kulubot na ang balat, naglalaro sa singkwenta ang edad nito. Hitsura pa lamang nito ay makikita nang nagmula ito sa mayamang pamilya. Patunay roon ang suot niyang gintong relo at singsing."Sila ba ang mga pangahas na nanakit sa anak ko?" Diretso ang matalim na titig nito sa kanila. Para itong leon na anumang oras ay susugurin sila at lalapain.&nb
Flash back... Ten years ago... "Kuya Rigo, sigurado ka ba sa gagawin natin?" Hindi naiwasan ni Dencio ang paglabas ng butil-butil niyang pawis sa kanyang noo. Sandali namang siyang binalingan ng kanyang kuya Rigo na kasabay niyang naglalakad. "Ito na lang ang paraan para ipagamot natin si bunsoy." Gumuhit naman ang pag-aalinlangan sa mukha ni Dencio. "Baka may iba pang paraan, Kuya." "Magpakapraktikal tayo, Dencio. Ito ang pinakamabilis na paraan." Napabuntong-hininga siya sa determinasyon ng kanyang kuya. "Kutsilyo lang ang meron tayo, Kuya. Paano tayo manghoholdap ng bangko kung ito lang ang armas natin?" Ngunit hindi siya tinapunan ng tingin ni Rigo. Sa halip ay huminto ito sa paglalakad. "Shhhh." Itipat ni Rodrigo ang ang kanyang hintuturo sa sarili niyang bibig. Kaagad namang natahimik si Dencio at agad na sinundan ang tingin ng kanyang nakakatandan