Hindi na nagpumilit pa si Sabrina na makisakay sa sasakyan ni Adrian kaya hinayaan niyang umalis ito kasama ang babaeng sakay nito sa passenger seat ng kanyang kotse.
‘Hindi naman ako ganon kakapal no!’ Usal niya sa sarili habang hinahatid ng tanaw ang papalayong sasakyan ng nakaniig na binata. Pero sa kaloob-looban niya, nausal niya iyon para pagtakpan ang kahihiyang naramdaman nang tanggihan siya ng binata at ang masaklap may nakarinig at nakakita sa kanyang ginawang panunukso sa binata.
Kinahapunan ng araw na ‘yon, tumungo si Sabrina para kunin ang kanyang mga gamit sa apartment ng nobyo. Para sa kanya wala ng dahilan pa para manatili ang kanyang mga gamit doon kagaya ng wala na ring dahilan pa para ituloy ang kanilang relasyon kung hindi man lang siya kayang intindhin ng nobyo. Itinaon niyang nasa trabaho pa ang nobyo at pumunta sa inuupahan nito. Iyon ang akala niya dahil pagkabukas ng pintuan ay nakatambad sa kanya ang nobyong kandong ang kababatang si Pia. Halatang kakarating lang nito galing sa trabaho dahil sa suot nito. Magkahawak-kamay pa ang mga ito na kung hindi sila kilala ay mapagkamalang magnobyo ang dalawa.
“Ikaw?” Wika ni Pia sabay alis sa pagkakandong kay Seth na akala mo’y sinilaban ang puwet pero wala na siyang pakialam kahit pa maglampungan ang mga ito. Tinapos na niya ang lahat sa kanila ni Seth. Ngayon niya naramdaman ang kawalan nito ng respeto sa kanilang relasyon. Mas pinahalagahan pa nito ang kababata kaysa sa kanyang damdamin. Naiintindihan niyang malapit ang loob nila sa isa’t isa ni Pia dahil simula bata pa sila ay ganoon na ang kanilang relasyon pero habang iniintindi niya ang nga ito lalo naman siyang naabuso. They crossed over the line na at nagiging dahilan na ng kanilang hindi pag-uunawaan. Naging toxic na ang kanilang relasyon mula dumating si Pia sa syudad kung saan sila nagtatrabaho. Dito na halos nabuhos ang oras ng nobyo dahil sa mga paglalambing nitong minsan ay wala na sa lugar. Parang sinasadya nitong agawin ang atensyon ni Seth sa kanya. Mas madalas pa nga ito ang magkasama na kumain sa labas at mag-isa siyang maghintay sa apartment.
Hindi niya pinansin ang dalawa pero hindi nawaglit sa mapanuri niyang mata ang kalat sa harapan ng mga ito. Nagkalat na sitsirya sa sahig at sofa, ilang pack ng iba pang klaseng snacks na sadyang binuksan pero hindi naman kinain, at mga bote ng softdrinks na nasa coffee table. Basa ang sahig dahil sa mga natapong sofrdrinks kaya kahit sino siguro ay hindi magawang dumaan o makiupo dahil sa rumi ng sala. Pati ang kakabili niyang inumin at sitsirya ay puro packaging na lang ang natira.
“Sabi ni Kuya Seth okay lang daw na kainin at inumin ko ang mga ‘yan,” wika ni Pia na parang nang-uuyam. Sa tono nito parang ipinagmamayabang pa niya na pinagbigyan siya ni Seth. “Mula bata pa kami ganito na si Kuya Seth sa akin, ini-i-spoil ako. Sabi niya parang bahay ko na rin daw dito kaya gawin ko ang gusto ko.” Taas noo pang dagdag nito.
‘Ang kapal ng mukha.’ Sa isip-isip ni Sabrina.
“Wala akong pakialam. I-spoil niya kung sino ang gusto niyang i-spoil. It’s none of my business,” tugon ni Sabrina.
Pagkatapos magsalita ay agad niyang tinungo ang silid ni Seth para kunin ang kaunti niyang gamit doon. Iilang aklat at kaunting damit lang ang gamit niya roon. Kahit pa kasi engaged na sila, hindi pa rin siya pumayag na manirahan sila sa iisang bubong. Kanya-kanya pa rin sila ng tirahan dahil para sa kanya manatili siyang malinis kapag ihaharap na siya nito sa altar. Blessing in disguise na rin siguro dahil kung pumayag siya noon na tumira sila sa iisang bubong, tiyak mahihirapan siyang lumipat dahil sa kinahinatnan ng kanilang relasyon ngayon.
Hindi namalayan ni Sabrina na sinundan pala siya ni Pia sa silid ng nobyo. Akma niyang damputin ang isang notebook nang mamataan niya itong nakahalukipkip habang nakasandal sa hamba ng pintuan na animo’y supervisor na nagmamasid sa kanyang subordinate at naghihintay kung kailan ito magkakamali para kanyang pagalitan.
“Sabrina, pasensiya ka na kung hindi kita inimbita sa birthday ko noong nakaraan ha. Hindi kasi tayo close, isa pa kahit pupunta ka hindi ka rin belong. Ma-out of place ka lang at baka masira mo lang ang kasiyahan namin. So bakit pa kita iimbitahin, ‘di ba?” Sarkastikong wika ni Pia patungkol sa kanya. Hindi niya ito pinatulan. Para ano pa? Tama ito, hindi sila close kaya wala siyang pakialam sa mga sinasabi nito. Nagpatuloy siya sa pagliligpit na hindi man lang ito tinapunan ng tingin at parang hindi narinig.
“Pero ang babaw mo ha para makipagtalo kay Kuya Seth dahil lang sa isang mababaw na dahilan.” Patuloy pa ni Pia. Hindi nakuntento sa pang-uuyam sa kanya.
Nang nailagay sa loob ng dala niyang bag ang lahat ng mga gamit, binitbit na ito ni Sabrina at deretsong tinungo ang pintuan. Bahagya pang binangga ang balikat ng nakaharang na si Pia at nilagpasan pero bago pa man siya makarating ng pintuan ay nilingon niya ito. Nginitian niya ito na may kasamang pang-uuyam.
“Alam mo ba kung bakit hindi man lang nainis o nagalit sa ‘yo si Seth?”
Napatigil sa paghakbang si Pia at iniintindi ang sinabi sa kanya ni Sabrina.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Sino ba kasi ang magagalit sa isang libangan lang? Katulad mo ay isang pusa o tuta na kailangan lambingin kung wala ng pagpipilian?”
Pagkatapos bitiwan ang mga salita ay walang lingon-likod na lumabas si Sabrina sabay malakas na isinara ang pintuan. Gigil na gigil namang naiwan si Pia na hindi man lang nagawang gumanti sa pang-iinsulto ni Sabrina sa kanya.
Hindi inaasahan ni Sabrina na sa kanyang pagbaba ay haharangin siya ni Seth. Hula niya tinawagan ito ni Pia at nag-drama na naman ito sa kanya. Hinablot ni Seth ang dala niyang bag at patakbo itong umakyat sa taas para siguraduhing hindi niya inaway ang kababata nito. Naiwan siya sa gitna ng sala na nakahalukipkip. Walang ibang tao roon o kung mayroon man baka nakasilip lang mula sa kanilang mga silid. Bumalik naman agad si Seth, bitbit pa rin ang kanyang bag.“Akin na ang bag para makaalis na ako,” pilit niyang kinukuha ang bag mula kay Seth. “Wala akong ginawa roon sa kababata mo.” Sabi pa niya. Sa halip na ibigay ang kanyang bag, hinawakan siya nito sa braso at mataas ang boses na nagwika, “ilang beses ko ba sasabihin sa ‘yo na kababata ko si Pia. Kapatid ang turing ko sa kanya. Mahirap bang intindihin ‘yon? Mahirap bang tanggapin ‘yon?” Iwinaksi ni Sabina ang kamay ni Seth na nakahawak sa kanyang braso. “Alam mo Seth, hindi ako ang problema dito eh. Nang maging magkarelasyon ta
Bitbit ang bote ng klarete, patalilis na umalis si Sabrina sa sala kung saan idinaraos ang kaarawan ng kanyang nobyo na si Seth. Parang hindi nga siya napansin nito dahil laging nakakapit na parang tuko ang kababata nitong si Pia sa kanyang braso. Kaninang-kanina lang ay lihim silang nagtalo ng nobyo dahil dito. Kinompronta kasi niya ang nobyo at kagaya ng mga nakaraan nilang pag-uusap, nauwi lamang ito sa pagtatalo dahil laging rason ng nobyo ay kababata nito si Pia at kapatid lang ang turingan nila sa isa’t isa kaya wala siyang ipagselos. Nagseselos siya–’yon ang paratang ng nobyo pero para sa kanya, walang masayang nobya kung kulang na lang maghalikan sila ng kababata sa harapan niya. Nakipaghiwalay siya kay Seth kasi wala nang magandang kahahantungan pa ang kanilang relasyon kung laging mas matimbang lang din dito ang kababata. Iniwan niyang nagkakantahan ang mga ito kasama ang mga kaibigan ng nobyo at ilang nakatira sa apartment. Tumungo siya sa pangalawang palapag. Tiyak ang baw
Kinabukasan, nagising si Sabrina na matindi ang pananakit ng ulo at katawan. Halos hindi niya maigalaw ang mga hita at pagod na pagod ang pakiramdam. Marahas siyang napahugot ng malalim na paghinga at bumangon pero pabagsak na muling nahiga sa kanyang kama. Pakiramdam niya ang umikot ang mundo at bigla siyang nahilo. Hinayaan niya munang ipahinga saglit ang katawan at sa pagitan nito, naalala niya ang nangyari sa pagitan nila ni Adrian nang nakaraang gabi. Maliwanag pa sa sikat ng araw sa kanyang alaala kung paano siya bali-baliktarin ni Adrian sa iba’t ibang posisyon para paligayahin ang sarili. Wala siyang karanasan kaya hindi niya alam ang magiging epekto nito sa kanyang katawan. Nananakit man ang buong katawan, kailangang pilitin ni Sabrina na bumangon para sa kanyang appointment. Agad siyang dumeretso sa banyo para maligo, iniisip na baka maibsan ang pagod na nararamdaman kapag nakapaligo ng maligamgam na tubig. Ilang minuto lang ang kanyang paligo dahil gahol na siya sa oras.
“You can send us the sample photos, Miss Altamirano. Kapag magustuhan namin at pasado sa nakararami, pwede na tayo magpirmahan ng kontrata,” wika ng nakaharap nila ni Alex sa kanilang transaksyon sa eskwelahan. “Wala pong problema, Mrs. Santos. May dala po akong iilan dito pwede niyo pong tingnan,” tugon ni Sabrina sabay kuha ng brown envelope na naglalaman ng ilang kuha niya sa mga nakaraan niyang proyekto. Inabot niya ito kay Mrs. Santos at tiningnan naman ito ng huli. Nagpatango-tango ito na may paghanga sa bawat larawang tinitingnan. Sekreto siyang kinindatan ni Alex at napa-thumbs up pa ito kaya napahiling siyang sana ay sila na ang kukunin ng pamunuan ng eskwelahan para sa kanilang promotional photography. “Well, maganda ang mga kuha mo, Miss Altamirano. Para sa akin, sadya nga’ng magaling ka pero hindi sa akin ang huling desisyon,” wika ni Mrs. Santos pagkatapos pasadahan ang mga sample photos na dala nila. “Tatawagan ka namin kung makapagdesisyon na ang lahat. Kung papayag k

Hindi na nagpumilit pa si Sabrina na makisakay sa sasakyan ni Adrian kaya hinayaan niyang umalis ito kasama ang babaeng sakay nito sa passenger seat ng kanyang kotse. ‘Hindi naman ako ganon kakapal no!’ Usal niya sa sarili habang hinahatid ng tanaw ang papalayong sasakyan ng nakaniig na binata. Pero sa kaloob-looban niya, nausal niya iyon para pagtakpan ang kahihiyang naramdaman nang tanggihan siya ng binata at ang masaklap may nakarinig at nakakita sa kanyang ginawang panunukso sa binata. Kinahapunan ng araw na ‘yon, tumungo si Sabrina para kunin ang kanyang mga gamit sa apartment ng nobyo. Para sa kanya wala ng dahilan pa para manatili ang kanyang mga gamit doon kagaya ng wala na ring dahilan pa para ituloy ang kanilang relasyon kung hindi man lang siya kayang intindhin ng nobyo. Itinaon niyang nasa trabaho pa ang nobyo at pumunta sa inuupahan nito. Iyon ang akala niya dahil pagkabukas ng pintuan ay nakatambad sa kanya ang nobyong kandong ang kababatang si Pia. Halatang kakarating