“You can send us the sample photos, Miss Altamirano. Kapag magustuhan namin at pasado sa nakararami, pwede na tayo magpirmahan ng kontrata,” wika ng nakaharap nila ni Alex sa kanilang transaksyon sa eskwelahan.
“Wala pong problema, Mrs. Santos. May dala po akong iilan dito pwede niyo pong tingnan,” tugon ni Sabrina sabay kuha ng brown envelope na naglalaman ng ilang kuha niya sa mga nakaraan niyang proyekto. Inabot niya ito kay Mrs. Santos at tiningnan naman ito ng huli. Nagpatango-tango ito na may paghanga sa bawat larawang tinitingnan. Sekreto siyang kinindatan ni Alex at napa-thumbs up pa ito kaya napahiling siyang sana ay sila na ang kukunin ng pamunuan ng eskwelahan para sa kanilang promotional photography.
“Well, maganda ang mga kuha mo, Miss Altamirano. Para sa akin, sadya nga’ng magaling ka pero hindi sa akin ang huling desisyon,” wika ni Mrs. Santos pagkatapos pasadahan ang mga sample photos na dala nila. “Tatawagan ka namin kung makapagdesisyon na ang lahat. Kung papayag ka, mas maigi kung iwanan mo dito itong mga larawan para maipakita ko sa meeting namin ng committee para sa nalalapit na foundation day ng paaralan,” pagpatuloy ni Mrs. Santos.
“Ah, sige po. Wala po’ng problema. Mas mainam nga ang ganon para may maipakita ka po na sample sa kanila,” masayang tugon ni Sabrina.
“Iyan po talaga ang nararapat, Mrs. Santos para po may patunay po kayo na hindi niyo lang nakita ang magagandang larawan na ‘yan kung ‘di may bitbit pa po kayong para sila mismo ang makapagpatunay,” magiliw namang singit ni Alex na tuwang-tuwa sa positibong puna ni Mrs. Santos.
“Maraming salamat, Miss Altamirano. Nakakatiyak akong magkikita pa ulit tayo sa susunod na linggo,” muling wika ni Mrs. Santos sabay tayo at inilahad ang kamay una kay Sabrina at sumunod kay Alex.
“Maraming-maraming salamat din po, Mrs. Santos. Ikinagagalak ka po naming makilala at makausap,” halos sabay na wika ng magkaibigan na nakangiti.
“Walang anuman sa inyo.”
Pagkatapos ng meeting nina Sabrina kay Mrs. Santos ay gumayak na rin sila para umalis.
“Girl, sana makuha ka sa raket na ‘to,” wika ni Alex habang naglalakad sila papuntang elevator.
“Sana nga, Alex.”
Dalawang araw ang nakalipas, nakatanggap ng tawag si Sabrina mula sa pamunuan ng St. Martin Institute of Science and Discovery at masayang-masaya siya sa balitang pasado siya bilang official photographer para sa nalalapit na foundation day ng institusyon.
“Congratulations, Miss Altamirano!” Bati ni Mrs. Santos kay Sabrina pagkatapos nilang magpirmahan ng kontrata ng mga opisyal na lupon ng nalalapit na okasyon ng eskwelahan.
“Maraming salamat po, Mrs. Santos. Napakalaking tulong po ng rekomendasyon ninyo sa grupo para po matanggap ang proposal ko,” tugon ni Sabrina. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa lahat na naroroon para saksihan ang kanilang kasunduan.
Masayang umalis si Sabrina bitbit ang napakagandang resulta ng kanyang pagsisikap.
“Finally!” Kulang na lang ay magsisigaw siya sa sobrang tuwa. Halos maluha-luha pa siya sa tuwing naisip na kailangang-kailangan niya ang pera para sa maysakit niyang ama. Kahit papaano, malaki rin ang kikitain niya sa magiging trabaho niya sa eskwelahan. Katunayan, bitbit na niya ang halos kalahati ng kabuuang kabayaran para sa kanyang serbisyo gayong ilang linggo pa bago ang naturang okasyon.
Lakad-takbo siya patungong gate nang mamataan niya ang sasakyan ni Adrian palapit sa direksyon niya.
“Prof. Reyes!” Tawag niya dito at kumaway pa sakaling makita siya ng binata ngunit nilagpasan lang siya nito na parang hindi siya nakita.
Napangisi si Sabrina dahil bigla siyang may naisip para pansinin ng batang professor. Binilisan niya ang lakad para maabutan ito malapit sa gate kahit na halos natatapilok na siya dahil sa taas ng takong ng kanyang sapatos.
Agad niyang kinatok ang bintana ng sasakyan nang maabutan niya ito. Agad naman itong bumukas ng bahagya kaya kita niya ang seryosong mukha ni Adrian na nasa maneho. Matiim lang itong nakatingin sa kanya, walang maaninag na kung anong emosyon; naghihintay siguro ng kanyang sasabihin.
“Adrian. . . I mean, Prof. Reyes, pwede bang makisakay kahit hanggang sa sakayan lang? Ang sakit na kasi ng paa ko eh,” malambing niyang pakiusap dito. Sinadya niyang akitin ito gamit ang kanyang boses at napakagandang ngiti bakasakaling may epekto ito sa binata.
Lalong ibinaba ni Adrian ang bintana ng kotse kaya tumambad sa kanya ang nakayukong si Sabrina. Maluwang ang neckline ng suot nitong blusa kaya lumantad ang maputi at makinis nitong dibdib na may bakas pa ng mga pantal na si Adrian mismo ang may gawa ilang araw ang nakalipas.
“Please. . .” Pinapungay ni Sabrina ang mga mata na muling nakiusap kay Adrian at bahagya pang binabaan ang pagkakayuko para lalong pang lumantad dito ang dibdib. Ito naman talaga ang pakay niya–ang akitin ang binata.
Napabuntonghininga si Adrian at ibinaling ang tingin sa harapan ng kotse na lihim namang ikinatuwa ni Sabrina dahil alam niyang apektado ito sa panunukso na kanyang ginawa. Bato na ang binata kung walang epekto sa kanya ang pasimple niyang panunukso.
“Nakakaabala ka lang!” Wika ni Adrian makaraan ang ilang sandali. Tila sumabog ang lahat ng lakas ng loob na inipon ni Sabrina sa oras na ‘yon. Another rejection from Adrian. Naalala niya ang gabing isinuko niya ang sarili dito. Kulang na lang ay sabihin nitong napakarumi niyang babae pagkatapos galugarin ang buo niyang katawan na animo’y memoryado niya ang bawat parte nito.
Hindi pa rin sumuko si Sabrina kaya muling naglakas-loob na magtanong, “paano akong nakaabala, Prof. Reyes?”
Akmang isasara na ni Adrian ang bintana ng kotse nang may nagsalita. Boses ng isang babae.
“Sino siya, Adrian?”
Napasilip si Sabrina sa pinanggalingan ng boses. Lumantad sa kanya ang isang malaking laso na kulay pula hanggang bahagya niyang maaninag ang mukha.
Isang bata at napakagandang babae ang nakaupo sa passenger seat.
Hindi na nagpumilit pa si Sabrina na makisakay sa sasakyan ni Adrian kaya hinayaan niyang umalis ito kasama ang babaeng sakay nito sa passenger seat ng kanyang kotse. ‘Hindi naman ako ganon kakapal no!’ Usal niya sa sarili habang hinahatid ng tanaw ang papalayong sasakyan ng nakaniig na binata. Pero sa kaloob-looban niya, nausal niya iyon para pagtakpan ang kahihiyang naramdaman nang tanggihan siya ng binata at ang masaklap may nakarinig at nakakita sa kanyang ginawang panunukso sa binata. Kinahapunan ng araw na ‘yon, tumungo si Sabrina para kunin ang kanyang mga gamit sa apartment ng nobyo. Para sa kanya wala ng dahilan pa para manatili ang kanyang mga gamit doon kagaya ng wala na ring dahilan pa para ituloy ang kanilang relasyon kung hindi man lang siya kayang intindhin ng nobyo. Itinaon niyang nasa trabaho pa ang nobyo at pumunta sa inuupahan nito. Iyon ang akala niya dahil pagkabukas ng pintuan ay nakatambad sa kanya ang nobyong kandong ang kababatang si Pia. Halatang kakarating
Hindi inaasahan ni Sabrina na sa kanyang pagbaba ay haharangin siya ni Seth. Hula niya tinawagan ito ni Pia at nag-drama na naman ito sa kanya. Hinablot ni Seth ang dala niyang bag at patakbo itong umakyat sa taas para siguraduhing hindi niya inaway ang kababata nito. Naiwan siya sa gitna ng sala na nakahalukipkip. Walang ibang tao roon o kung mayroon man baka nakasilip lang mula sa kanilang mga silid. Bumalik naman agad si Seth, bitbit pa rin ang kanyang bag. “Akin na ang bag para makaalis na ako,” pilit niyang kinukuha ang bag mula kay Seth. “Wala akong ginawa roon sa kababata mo.” Sabi pa niya. Sa halip na ibigay ang kanyang bag, hinawakan siya nito sa braso at mataas ang boses na nagwika, “ilang beses ko ba sasabihin sa ‘yo na kababata ko si Pia. Kapatid ang turing ko sa kanya. Mahirap bang intindihin ‘yon? Mahirap bang tanggapin ‘yon?” Iwinaksi ni Sabina ang kamay ni Seth na nakahawak sa kanyang braso. “Alam mo Seth, hindi ako ang problema dito eh. Nang maging magkarela
Sinamantala ni Sabrina ang hindi agad pagsagot ni Seth kung pakakasalan pa ba siya nito at tumalilis palabas pero napatigil siya nang makitang nakaparada ang sasakyan ni Adrian sa labas. Nakasandal ang batang professor sa sasakyan nito. Hinuha ni Sabrina ay kanina pa ito nandoon. Kaya siguro hindi pumasok ay dahil narinig nito ang nagtaasang boses nila ni Seth. Sa naisip saka pa lang siya natauhan na magkaibigan pala ang dalawa. Mabuting magkaibigan at parehong nakatira sa apartment na ‘yon. Nakaramdam siya ng kaunting pagsisisi dahil sa nangyari. Nakaramdam siya ng pagkapahiya nang nagkasalubong ang mga tingin nila ni Adrian.‘Nangyari na ang nangyari.’ Kausap niya sa sarili at muling iniwas ang tingin kay Adrian. Plano niyang umalis na nang pinigilan siya ni Seth sa pamamagitan ng paghawak nito sa kanyang braso. Hindi niya namalayang sumunod pala ito sa kanya sa labas. Muling pumasok si Adrian sa sasakyan nito. Nanatili lang ito doon na parang walang nakita o walang alam sa nangya
Agad napaangat at umupo ng maayos si Adrian at bahagyang ibinaba ang bintana ng sasakyan. “Bakit boss?” Gwardiya ng parke ang nasa labas ng sasakyan na nag-iikot tuwing gabi dahil sa iilang insidente ng bukas-kotse. “Sinisiguro ko lang Sir kung may tao. Sige pasensiya na sa abala,” tugon ng gwardiya bago umalis. Napansin ni Sabrina na iilan lamang ang sasakyang nakaparada roon at sila lamang ang nakaparada sa may kadilimang bahagi ng parking lot. Pagkatapos maisara ang bintana ng sasakyan ay agad kinabig ni Adrian si Sabrina at marahas na inangkin ang mga labi nito. Ang kamay ay mabilis na ipinasok sa kanyang panloob at nilaro ang kanyang pagkababae. Walang nagawa si Sabrina kungdi napakapit sa leeg ng binata na tila sarap na sarap sa ginagawa. Salitan nitong inangkin ang kanyang dibdib at labas-masok ang mga daliri sa kanyang pagkababae. “Adrian, please.” Hindi malaman ni Sabrina kung ano ang gusto, ang alam niyang higit pa sa ginagawa ni Adrian ang hanap ng kanyang katawan. N
Kinabukasan ay maagang umalis si Sabrina at pumunta sa isang pampublikong ospital sa Lungsod ng Maynila kung saan nakaratay ang kanyang ama. Ilang linggo na itong namalagi sa ospital para ma-monitor ang kanyang kalusugan. Bago pa man siya dumeretso ng ospital ay dumaan muna siya sa lugar kung saan makakuha ng hiningi niyang gamot kay Adrian. Isipin man ng kahit na sino na mababang klase ng babae siya dahil sa nagawa niyang isuko ang pagkakabae niya kay Adrian, ang importante para sa kanya ay ang mabuhay pa ang kanyang ama. “Anak, bakit ang aga mo? Wala ka bang trabaho?” Salubong ni Aling Milagros kay Sabrina. Agad itong tumayo nang mamataan siyang papalapit. Nasa ward sila ng ospital na may nakahelirang sampung kama para sa mga pasyente. “Mamaya pa ho, Nay!” Tugon ni Sabrina saka yumukod para abutin ang kamay ng ina at nagmano. “Kumusta si Tatay?” Magkahawak ang mga kamay na lumapit sila sa hospital bed ni Arnulfo; ang pangalan ng ama ni Sabrina. “Hindi pa rin bumubuti a
Pagkatapos ng huling pagkikita nina Adrian at Sabrina, hindi na muling nag-usap pa ang dalawa. May mga pagkakataong nagkakasalubong ang kanilang landas sa unibersidad pero iniiwasan ni Adrian si Sabrina. May mga panahon ding nagkakatinginan sila pero walang emosyon at malamig pa sa yelo ang tinging ipinupukol ni Adrian sa dalaga. Nasasaktan ang dalaga dahil sa pakikitungo ni Adrian hanggang napag-alaman niyang nasa dalawang buwang bakasyon ito. Sa kabila ng matabang na pakikitungo ni Adrian, lihim pa rin na nagpapasalamat si Sabrina dahil sa gamot na bigay ng binata, bumalik ang dating sigla ng kanyang ama. Kung hindi man ito tuluyang gumaling, ang mahalaga nakalabas na ito ng ospital at bumuti-buti ang karamdaman. Minsan, nakararamdam ng guilt si Sabrina dahil sa pamaraan niya para matulungan ang ama para gumaling. Hindi alam ng mga ito ang kanyang ginawa at wala siyang balak na magtapat sa mga ito. Huwarang anak ang turing ng mga magulang sa kanya kaya ayaw niyang bigyan ito ng ka
Patakbong lumabas si Sabrina mula sa opisina ni Adrian. Naiwan naman ang binata na naisuklay ang mga daliri sa sariling buhok bago muling hinarap ang gawain sa computer. Walang tiyak na pupuntahan si Sabrina pagkalabas ng opisina ni Adrian. Bumaba siya sa ground na mabilis ang lakad. Walang pakialam sa paligid habang dinama ang labing nasaktan dahil sa mga mapagparusang halik ni Adrian. Nakaramdam siya ng hapdi sa ibabang labi kaya hinaplos niya ito. Nang tiningnan ang daliri ay may kaunting dugo na kumapit dito. Lalong sumidhi ang paghihimagsik ng kanyang kalooban laban kay Adrian. Ganon na ba siya kababa dito para wala na siyang pakialam sa kanyang damdamin? Muli siyang naglakad ng mabilis, nakalimutang basa ang lupa dahil sa pag-ulan nang nakaraang ilang oras. Paliko na siya nang madulas sa damuhan. Hindi napansin ang nilulumot na bahagi ng daanan kaya madulas. Bumagsak ang kanyang puwetan sa damuhan at napuno ng putik ang kanyang suot na pants. Agd tumayo si Sabrina at napalingon
“Ganyan ka na lang ba ka desperada o kababaw, Sabrina? Paano kung wala itong mesa? Anong gagawin mo? Paano kung ibang tao kagaya ng pumasok kanina?” Agad na binanatan ni Adrian ng sermon si Sabrina. “Oh, bakit? Kasalanan ko na naman? Una, pumasok ka dito na hindi man lang kumatok. Pangalawa, malay ko ba na pupunta ‘yon dito. Pangatlo, basa ang pantalon ko, kasalanan ko rin ba kung bakit nadulas ako, eh nilulumot ‘yung lupa at hindi ko napansin kaya ako nadulas.” Nanggigigil na tugon ni Sabrina. Taas-baba ang dibdib nito sa bilis ng kanyang pagpapaliwanag kay Adrian kahit alam niyang walang halaga para rito ang lahat ng kanyang paliwanag. Napangisi si Adrian. “Talaga ba? So, kasalanan ko na hindi ka nag-lock ng pinto? Kasalanan ko na hindi ko alam na nandito ka? Nandito ka sa opisina ni Alex; isang lalaki tapos ganyan ang ayos mo?” Angil muli ni Adrian kay Sabrina. “So, what if hinintay talaga kita dito?” Muling tugon ni Sabrina at lumapit kay Adrian sabay lingkis ng isang binti sa
“Buntis ka ba?” Inulit ni Adrian ang pagtatanong dahil akaal niya hindi siya narinig ni Sabrina pero sadyang nagulat lamang siya ng mabungaran ang binata at sa klase ng tanong nito.Ipinilig ni Sabrina nang bahagya ang ulo bago nagpakawala ng isang malapad na ngiti. “Bakit? Excited ka bang magiging daddy?” balik tanong niya sa binata.“Sabrina, I’m serious!” mahina ngunit may diing sabi ni Adrian. Iniiwasan niyang may makarinig sa usapan nilang dalawa.Sa halip na sagutin ay nagpatiunang naglakad si Sabrina kaya sinundan ito ni Adrian. Nais lamang niyang asarin si Adrian at naasar naman ang huli kaya hinawakan nito sa braso ang dalaga at isinandal sa pader. Wala na siyang pakialam kung pagtitinginan sila ng mga dumadaan ang importante malaman niya ang dahilan kung bakit bumisita si Sabrina sa ob-gynecologist nito.“Kapag nabuntis ba ako, pananagutan mo? Ikaw lang naman ang ama kung mabubuntis ako kasi ikaw lang naman ang lalaking naging kasiping ko wala ng iba.” diretso ang tinging tan
Umalis na si Veronica, ang ina ni Seth pagkatapos itong ipagtabuyan ni Adrian. Naiwan sa opisina ng binata sina Anne at Sabrina. Nasa gilid naman ang huli para gamutin ang kamay na napaso ng pagkaing dala sana para kay Adrian. Balewala sa kanya ang nangyari sa kamay at braso, ang ikinaiinis niya ay parang wala man lang pag-aalala mula kay Adrian at mas dinaluhan pa nito si Anne at inaalo pagkatapos sabihin dito na may relasyon sila ni Adrian. “Ito ang petroleum jelly, ipahid mo diyan para hindi magkaroon ng blisters or konti lang,” wika ni Adrian habang inaabot ang pansamantalang gamot kay Sabrina.“Salamat.”“Kuya, we’re going for lunch later, right?” tanong ni Anne na ayaw patalo sa atensyon ni Adrian.Napaismid naman si Sabrina na bahagyang sinulyapan ang dalawa. Nakakapit si Anne sa braso ni Adrian na akala moý takot maiwan.“Oo naman. Where do you want to eat?” tugon at balik-tanong ni adrian na tila nakalimutang nakapangako na ito kay Sabrina na sabay silang kumain sa labas.“A
Natapos ang bakasyon at muli na namang nagbukas ang St. Martin Institute para sa susunod na pasukan. Maaga palang ay nasa opisina na si Adrian para asikasuhin ang lahat ng kakailanganin para sa susunod na semestre ng kanilang departamento. Kagaya rin ng iba na may kanya-kanyang pinagkakaabalahan sa kani-kanilang opisina. Si Sabrina naman ay pumunta rin ng institusyon para sa commitment niya rito kaakibat ng obligasyon niya noong anibersaryo nila. Napagkasunduan rin nila ni Alex na magkita sa opisina ng huli dahil may katagalan din na hindi sila nagkita. “So may plano ka na kung saan tayo kakain mamaya?” tanong ni Alex kay Sabrina pagkaupong-pagkaupo nito sa silyang katapat ng kanyang mesa. “Excited? Ang aga pa no. almusal muna ang pag-usapan natin,” masayang tugon ng dalaga. “Speaking of almusal, ano iyang bitbit mo? Para sa akin ba ‘yan?” “Bakit kakain ka ba ng luto ko?” nangingiti niyang tanong din kay Alex. alam ni Sabrina na wala itong tiwala sa kanya kapag pagluluto ang usapan
“Saan ba dito ang pinakamalapit na police station?” “Bakit anong gagawin mo don?” napabangon si Adrian dahil sa naging interesado siya sa tanong ni Sabrina. May duda na siya kung bakit nagtatanong ito ng police station pero kailangan niyang makasiguro. “Kakasuhan mo si Seth?” “Oo. Bakit? Ayaw mo?” balik tanong ni Sabrina sa kanya. “Hindi mo siyang pwedeng i-demanda, Sabrina,” wika ni Adrian na gustong pigilan ang dalaga sa pinaplano nito. “At bakit naman hindi? Dahil ba mayaman siya? Makapangyarihan sila dahil may perang kagaya mo?” Natameme bigla si Adrian dahil sa mga sinabi ni Sabrina pero at some point, tama naman ang dalaga. Sa panahon ngayon, pera na ang batas. Naging bulag ang batas dahil sa pera. “Pero wala pa rin akong pakialam. Whether kakasuhan niya ako o hindi, ako ang magdedemanda sa kanya,” hirit pa ni Sabrina. Hindi itinuro ni Adrian ang direksyon papunta sa pinakamalapit na police sttaion kaya kusa niya itong hinanap gamit ang kanyang mobile phone. “Got it!”” wi
Hindi nagustuhan ni Adrian ang mga sinabi ni Sabrina kaya tumigil ito sa ginagawa sa likuran ng dalaga. Lumipat ito ng pwesto kung saan nakaharap si Sabrina at hinarap niya nag dalaga. Tinitigan niya ito diretso sa mga mata para siguraduhin kung seryoso ito sa mga sinasabi nito. “You don't believe me? Wala ng free sa panahon ngayon Adrian, even sex. You have to pay,”dagdag pa ng dalaga. “Fuckbuddies are called when a man and a woman willingly agree to have sex. I am not willing now.” Ilang minuto munang tinitigan siya ni Adrian bago ito nagsalita. “Are you sure that you don’t want me to be your fuck buddy anymore?” mapaglarong ngiti ang nakapagkit sa kanyang mga labi. “Ÿes!” mabilis pa sa alas-kwatrong tugon ni Sabrina. Wala pa ring katinag-tinag ito sa pagkakatagilid kaharap si Adrian. “Be my girlfriend then.” Napakurap-kurap ang mga mata ni Sabrina dahil sa narinig. Hindi niya inaasahan ang sinabi ng binata. Si Adrian naman ay tila gustong bawiin ang sinabi. Bumalatay sa mukha
Sabrina hated herself. Pakiramdam niya napakawala niyang kwentang babae. Nainsulto siya sa mga pinagsasabi ni Adrian sa kanya pero may punto naman ito dahil siya itong babae at siya rin itong unang lumapit kay Adrian. Ngayon naisip niya ang magiging reaksyon ng mga magulang oras na malaman ng mga ito ang ginawa niyang pang-aakit kay Adrian. Baka isumpa siya ng mga ito sa kahihiyang kanyang ginagawa. Sa ginawa ni Adrian na ipagsabi sa ibang tao ang tungkol sa kanila, hindi malayong makakarating ito sa kanyang mga magulang. “Sa palagay mo Adrian, anong gagawin ko sa sitwasyon ng pamilya ko?” ibinaling niya ang tingin muli sa binata na nakatayo, ilang hakbang mula sa kanya. “So kasalanan ko kung may pinagdadaanan ang pamilya mo? Alam mo Sabrina, para kang p****k na basta na lang isuko ang pagkababae sa isang lalaki na hindi mo naman ka-relasyon.” May diin ang bawat katagang winika ni Adrian na parang tumarak sa dibdib ni SAbrina. Nasaktan siya pero tama naman si Adrian. “Aarte-arte kan
Nagising na lamang si Sabrina sa hindi pamilyar na silid. Babangon na sana siya nang maalala ang ginawa ni Seth sa kanya. Nag-uunahan sa pag-agos ang mga luha ni Sabrina kasabay ng kanyang mahihinang paghikbi.nakayuko at nakalugay ang kanyang buhok sa harapan habang ibinubuhos ang mabigat na emosyong kinimkim simula pa ng nakaraang gabi nang ipinagkanulo siya ni Adrian sa kahihiyan. Ilang saglit pa ay bigla siyang napatigil nang isang kamay na may hawak na panyo ang hinawi ang kanyang buhok at iniabot sa kanya ang hawak na maliit na tela. “Punasan mo ang mga luha mo at ayusin ang sarili mo,” wika nito sa kanya. Nang makilala ang boses ay mabilis na hinawi ni Sabrina ang kamay nito at mabilis na pumanaog ng kama. “Bakit nandito ka? Anong kailangan mo sa akin? Hindi pa ba sapat na ipinahiya mo ako, Adrian?” agad niya itong hinarap at tinanong. Prenteng nakaupo si Adrian sa silyang malapit lang sa kama at may binabasang libro. “Pamamahay ko ‘to.” kaswal na tugon nito sa dalaga. “Baki
“Sabrina? Anong ibig sabihin nito?” hinawakan ni Seth sa magkabilang balikat si Sabrina at niyuyogyog para bumalik ang huwesyo nito. Nakatulala ang dalaga nakahalukipkip sa gilid, sa loob ng booth. “I’m sorry, Seth. Akala ko kasi si Anne siya. Hindi naman kasi siya tumanggi at nagpakilala noong inangkin ko ang mga labi niya,” pahayag ni Adrian na parang kasalanan pa ni Sabrina ang nangyari. Naikuyom ni Seth ang mga kamay at mabilis na napalingon kay Sabrina. “ Totoo ba, Sabrina?” Hindi sumagot si Sabrina. Dahan-dahan siyang gumalaw habang hawak sa dibdib ang napunit na damit at lumakad palabas. Puno ng galit ang kanyang dibdib. Dinig na dinig niya ang mga sinabi ni Adrian pero hindi na niya ito itinanggi pa dahil wala namang maniniwala sa kanya dahil sa hitsura niya. “Disgusting!” “Ang landi!” “May jowa na nakipaglampungan pa sa iba.” “At sa kaibigan pa ng jowa niya.” “Pwe!” Iilan lamang sa mga narinig na pangungutya ni Sabrina mula sa mga bisitang nadadaanan niya papunta ng
Inihatid nina Sabrina at Seth si Mr. Ignacio sa kanyang sasakyan pagkatapos nila magpalitan ng lahta ng detalyeng kakailanganin nila sa transaksyon. Hindi pa man sila nakakaupo para sana magpahinga ay pumailanlang ang boses ng host. May gagawin silang palaro at sina Seth at Sabrina ang unang napili dahil sa kanilang pagkakabalikan. Naghiyawan ang lahat para wala na silang ligtas pa at tanggihan ang imbitasyon ng host na pangunahan nila ang palaro. “Tara na!” yaya ni Seth kay Sabrina na nakaupo na. Walang ganang sumali at gusto ng umuwi dahil hindi niya gusto ang ganitong klaseng pagtitipon. Napilitan lamang siya dahil nga para pagbigyan ang kasintahan. “Go, Sabrina!” Sigaw ng iba pang mga bisita kaya walang nagawa si Sabrina kaya tumayo na siya at sumunod kay Seth na kanina pa nakahawak sa kanya. “Kami rin, sasali! Ako at si Kuya Adrian.” Sabi ni Anne na itinaas pa ang kamay para mapansin ng host. Ni hindi man lang nito tinanong si Adrian kung payag itong sunali sa laro. “Let’s g