“Ganyan ka na lang ba ka desperada o kababaw, Sabrina? Paano kung wala itong mesa? Anong gagawin mo? Paano kung ibang tao kagaya ng pumasok kanina?” Agad na binanatan ni Adrian ng sermon si Sabrina. “Oh, bakit? Kasalanan ko na naman? Una, pumasok ka dito na hindi man lang kumatok. Pangalawa, malay ko ba na pupunta ‘yon dito. Pangatlo, basa ang pantalon ko, kasalanan ko rin ba kung bakit nadulas ako, eh nilulumot ‘yung lupa at hindi ko napansin kaya ako nadulas.” Nanggigigil na tugon ni Sabrina. Taas-baba ang dibdib nito sa bilis ng kanyang pagpapaliwanag kay Adrian kahit alam niyang walang halaga para rito ang lahat ng kanyang paliwanag. Napangisi si Adrian. “Talaga ba? So, kasalanan ko na hindi ka nag-lock ng pinto? Kasalanan ko na hindi ko alam na nandito ka? Nandito ka sa opisina ni Alex; isang lalaki tapos ganyan ang ayos mo?” Angil muli ni Adrian kay Sabrina. “So, what if hinintay talaga kita dito?” Muling tugon ni Sabrina at lumapit kay Adrian sabay lingkis ng isang binti sa
Pabagsak na nahiga si Sabrina sa kanyang kama nang marating ang kanyang silid. Buong araw siyang nasa ospital dahil nadulas sa hagdan si Aling Milagros at kinailangan ng agarang lunas. Walang bakanteng kama sa silid kung saan naroroon si Mang Arnulfo kaya sa ward muna inilagay si Aling Milagros. Sabrina was so exhausted running up and down to look after her parents in turns. Wala siyang maayos na tulog at iniyak na lamang ang sobrang pagod at isiping paubos na ang gamot ng kanyang ama. Hindi na niya alam ang gagawin para muling makakuha ng gamot. Si Adrian lamang ang tanging pag-asa para matugunan ang pangangailangan ng ama sa gamot. Kinuha niya ang mobile phone at nag-send ng mensahe kay Adrian. Pero biglang nalaglag ang kanyang balikat nang hindi na niya magawang mag-send ng message dahil naka-block na siya sa binata. “Alex?” Tugon niya nang sa gitna ng hindi matawarang pag-iisip kung paanong makakuhang muli ng gamot kay Adrian nang tumawag ang kaibigan. “Ready ka na ba para
“Ano ba kasing nangyari?” Muling usisa ni Alex nang sila na lamang dalawa ni Sabrina. Dinala niya si Sabrina sa isang bahagi ng garden, may kaunting layo mula sa main venue. “Ewan ko sa babaeng, ‘yon!” “Iwasan mo na lamang siya at magtrabaho na tayo,” saad ni Alex. “Siya naman itong lumapit, eh. Tapos nagdrama na naman at pinaniwalaan na naman ng kababata niyang walang bayag,” tugon ni Sabrina. May halong inis at galit sa kanyang boses. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung maliban sa mga iniiwasan niyang tao ang nandoon, binastos pa siya ng mga ito pero tila siya pa ang may kasalanan base sa mga tingin ng mga ito. Hindi man nagsalita kanina ang iba, pero dahil sa kabilang sa sosyudad nila sina Pia at Seth, syempre sa kanila kakampi ang mga ito. “Nandito rin pala si Adrian. Nakita mo ba ang mga tingin niya sa ‘yo?” Untag ni Alex na bitbit ang mga gamit nila sa kanilang trabaho bilang photographer nang gabing ‘yon. Hayaan mo sila, gawin na lang natin ang ating trabaho ng m
“He is so fast!”Biglang dumilim ang mukha ni Adrian na nakakubli sa likod ng mayayabong na halaman sa kabila lamang kung saan nakaupo sina Sabrina at Alex. Patapos na ang event kaya hindi na gaanong maingay ang tugtugan kaya dinig na dinig niya ang usapan ng dalawa. “What do you mean by ‘he is so fast’?“Basta mabilis. . .kaya parang ang useless.”“Useless? Gwapo siya, matangkad, may trabaho, paanong naging useless?” Magkasalubong ang kilay na tanong ni Alex kay Sabrina. Natahimik saglit si Sabrina nang inulit ni Alex ang kanyang sinabi. That’s not what she meant, baka iba ang pagkakaunawa ng kaibigan niya. “I mean, mabilis sa kama.” Napahagikhik pang wika ni Sabrina. Si Adrian naman sa oras na ‘yon ay umalis na sa pinagkukublihan kaya hindi na narinig ang mga huling sinabi ng dalaga. Ayaw niyang dumalo sa mga ganoong okasyon pero dahil kabilang siya sa sirkulasyon ng mga alta, kinakailangan niyang dumalo. Pagkatapos ng program para sa debutante at ilang serve ng alak, naisipan n
Itinapon ni Sabrina sa damuhan ang coat ni Seth na ipinasuot sa kanya ng binata pagkatapos marinig ang sinabi ni Adrian. Itinaas ang kilay at kumindat pa kay Adrian pagkatapos ng ginawa. “Gusto mo itong coat mo ang isusuot ko?” Wika ni Sabrina sabay pinagapang ang mga kamay sa collar ng suot na coat ni Adrian at umaktong huhubarin ito. Sa isip ni Adrian, may taglay na ibang charisma si Sabrina sa mga lalaki. Hindi ito sobrang ganda, average lang ang ganda nito. May kakaiba lang talaga sa dalaga para magustuhan ng mga lalaki kagaya ng kaibigan niyang si Seth. Nanatili lamang nakatitig si Adrian kay Sabrina. Sa isip niya, ang lakas ng loob ni Sabrina para siluin ang sinumang lalaki na magustuhan niya. Kagaya niyang kahit alam nitong kaibigan siya ng kanyang nobyong si Seth. Mula sa malamlam na liwanag na nagmumula sa ilaw ng pinakamalapit na poste, kita ni Sabrina ang walang ekspresyong mukha ni Adrian. Bahagya siyang nasaktan sa pambabalewala ng binata pero dahil wala naman silang
Lumipas ang ilang araw pagkatapos ng huling pagkikita nina Sabrina at Adrian, hindi na muli pang nagkita o nagkausap pa ang dalawa dahil naka-block pa rin ito sa social media ng binata. Sabrina was resting in her bedroom when she received a message from the hospital. “Miss Altamirano, your father’s condition is deteriorating. Kung hindi ito maagapan, I’m sorry to say pero wala na kaming magagawa. You know this—” Walang paalam na ini-OFF ni Sabrina ang telepono at dali-daling inayos ang sarili para pumunta ng hospital. Puno ng kaba at mangiyak-ngiyak siyang bumaba ng taxi pagdating ng hospital. Muntik na niyang makalimutang ibigay ang pamasahe sa sobrang pagmamadali. Pagkatapos itong iabot sa driver ay lakad-takbo siyang pumasok ng hospital deretso sa intersive care unit kung saan naroroon si Mang Arnulfo. Pagliko niya sa pasilyo patungong ICU, nakita niyang lumabas ang isang attendant nurse bitbit ang ilang aparatu sa kamay nito. Lalo siyang binundol ng kaba at binilisan ang pag
Si Mang Arnulfo ay isang mabuting ama. A provider of their family. Responsableng ama para kay Sabrina. Ginawa nito ang lahat para pag-aralin si Sabrina sa kabila ng hirap ng kanilang buhay. Gusto ni Sabrina noon na mag-working student para mabawasan man lang ang paghihirap ng mga magulang pero si Mang Arnulfo ang tumanggi. Ayon sa kanya, obligasyon ng mga magulang ang bigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Prinsesa ang turing ng ama kay Sabrina kaya bilang ganti sa mga magulang ay nagsumikap siyang makatapos ng pag-aaral. Si Mang Arnulfo rin ang nagregalo sa kanya ng camera na siyang ginagamit niya sa trabaho. Naglalakad sa pasilyo ng hospital si Sabrina nang biglang may humila sa kanya–ang nurse na nag-aasikaso sa mga magulang. “Sabrina, nalaman ng tatay mo na mahal ang gamot kaya may time na ayaw niya itong inumin at nito lang, dinamihan niya ng inom para raw gumaling siya kaagad. Ayaw niya raw na mahihirapan ka sa pagtatrabaho para bilhin ang napakamahal na gamot na ‘yo
Umaambon nang dumating si Adrian sa harap ng kanyang bahay. Sa labas niya lamang ipinarada ang sasakyan dahil safe naman at nasa loob ng isang ekslusibong subdibisyon siya nakatira. Malamig ang simoy ng hangin kaya napahigpit siya ng hawak sa suot na jacket at tinungo na ang gate. Ilang hakbang bago niya marating ang gate ay napatigil si Adrian. Napansin niyang may tao sa tabi ng gate, nakayukyok ito sa isang sulok sa pagitan ng gate at pader. Nakadantay ang noo nito sa yakap-yakap na tuhod. “Sabrina?” Mahinang usal ni Adrian na humakbang papalapit sa pamilyar na pigura. Nakumpirma niyang si Sabrina ito nang tumapat siya sa dalaga. Sinipa niya nang bahagya sa bahaging paa ang dalaga para magising ito. Kitang-kita niyang nanginginig ito sa ginaw ng magkahalong ginaw ng kalaliman ng gabi at basang damit dulot ng ambon. “Sabrina!” May inis na tawag niya dito sabay mahinang sinipa ulit ito sa paa para magising kung talagang nakatulog ito. Dahan-dahang umangat ang ulo ng dalaga par
Chapter 51:Tulog na ang lola ni Sabrina kaya halos ‘di makabasag pinggan ang kanilang mga kilos. Halos magbulungan na rin sila sa hina ng kanilang mga aboses. Dahil sa matanda na, maiksi na lang madalas ang oras ng tulog ng kanyang lola kaya oras na makatulog ito ay iniiwasan nilang maestorbo ito sa kanyang pamamahinga.Napagkasunduan nilang lahat na sa reunion nila na ito ay magkakaroon sila ng bonfire at doon magtitipon para magkumustahan ng kani-kanilang buhay habang nakikipagsapalaran sa iba’t ibang lugar at nakikipaglaban sa hamon ng buhay. Napagkasunduan din nilang mag-ihaw habang nagkakasayahan. Halos isang beses lang kada taon sila nagkikita-kita kaya sinasamantala nila ang pagkakataon na ang halos lahat ay nandoon. Tradisyon na ng kanilang pamilya na magtipon-tipon sa bahay ng kanilang lola na ngayoý ipinamana na sa kapatid ng kanyang ama.“Nasaan na ang iihawin natin?” naitanong ni Sabrina nang wala siyang nakikitang inihanda ng kanyang mga pinsan.“Maghintay ka lang, Sab,
Chapter 50: “Hello?”“Nasaan ka?” tanong ng nasa kabilang linya.“Bakit mo naman naitanong?” balik tanong ni Sabrina na medyo napasimangot.“Galit ka ba?”“At bakit naman ako magagalit?” nakaramdam man ng galit ay saglit lamang iyon kay Sabrina. Ayaw niyang sirain ang mood niya o awra niya para lang magalit sa mga taong hindi naman siya pinapahalagahan.“Bakit hindi ka bumalik ng ospital. Hindi ba’t kailangan mo pa ng isa?”Sasagot na sana si Sabrina nang marinig ang kasama ni Adrian. “Kuya Adrian, tikman mo ‘to oh, ako ang may gawa nito,” boses ni Anne na papalapit.Hindi na nagtagal pa si Sabrina at pinutol na ang tawag. Wala rin naman siyang balak sabihin kay Adrian kung nasaan siya at kung bakit hindi siya bumalik ng ospital kaninang umaga. Paubos na ang laman ng bote ng gamot kaya pumunta si Sabrina sa nurse station para ipatanggal na ang karayom na nakakabit sa kanya. Kaunti ang tao sa ospital dahil hapon na kaya napabilis ang lahat kay Sabrina.“Ang pogi nong kaibigan mo saka
Kinabukasan, nagising si Sabrina sa tindi ng sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha mula sa siwang ng kurtina. Napabalikwas siya ng bangon at napatingin sa orasan. Ika-sampu na ng umaga. Inikot niya ang tingin sa kabuuan ng silid pero ni kaluskos ay walang bakas na nandoon si Adrian kagaya ng pangako nitong babalikan siya para ihatid sa bahay ng kanyang tiyahin. Napabagsak ni Sabrina ang sarili pabalik sa kama dahil sa sobrang inis. Umuwi si Sabrina sakay ng taxi. Matagal din bago siya nakakuha ng masakyan dahil sa dami ng pasahero. Bago pa man nag-antay ng masakyan ay dumaan na siya sa malapit na botica para bumili ng gamot para hindi magbunga ang ginawa nila ni Adrian. Ayaw ni Adrian na gumamit ng proteksyon kaya si sabrina na ang bumibili para sa sarili. Itinapon niya rin ang nurse uniform na pinasuot sa kanya ng nakaraang gabi para walang makakaalam ng kanyang pinaggagawa.“Mabuti naman at naalala mo pang umuwi.!” May galit na salubong ni Arnulfo sa anak nang dumating ito. Ka
Pagkatapos maihatid si Anne ay bumyahe na ulit sina Adrian pabalik para ihatid si Sabrina. Gabi na kaya hindi makita ni Sabrina kung nasaan na sila banda. Iniisip niya nag mga magulang na tiyak ay nag-aalala na sa kanya.“Twenty minutes lang ang biyahe mula sa ospital pauwi sa bahay ng tiyahin ko eh, bakit ka pa kasi lumayo? Kung sana ako ang una mong hinatid,” reklamo ni Sabrina sa backseat ng sasakyan.“Ito pabalik na nga tayo, ‘di ba?” sagot ni Adrian na hindi man lang sinulayapan ang dalagang nasa likuran.Pinili na lamang ni Sabrina na muling humiga sa upuan ng sasakyan. Pagkalipas ng mahigit isang oras ay muli siyang nagising at nagulat na nasa kahabaan pa rin sila ng kalsada at naglalakbay na parang walang direksyon. “Nandito pa rin tayo sa kalsada?” tanong niya kay Adrian habang kinusot-kusot ang mata para tuluyan na siyang magising.“Masyado ng malalim ang gabi. Bukas na lang kita ihahatid. Hindi ko na matandaan ang mga dinaanan natin eh,” wika na Adrian na parang wala lang
“You said that because you are thinking nobody is taking care of you. Akala mo dahil sinaktan ka ng isang lalaki, lahat na dinamay mo na akala mo ay wala ng nag-aalala sa ‘yo. Tama ba ako, Sabrina?” panunuya ni Adrian sa dalaga.Hindi na tumugon si Sabrina, pinaikot na lang ang matang tinalikuran ang dalawa. Si Anne naman ay walang mahagilap na salita para isingit sa sagutan nina Adrian at Sabrina kaya napapatingin na lamang siya sa dalawa.Nauna man sa ospital si Sabrina ay halos magkasunod lang sila ni Anne na lumabas ng ospital. Dalawang bote ang naubos ni Sabrina at isa naman kay Anne. Nauna itong lumabas na inalalayan ni Adrian at si Sabrina naman ay kasalukuyan pang tinatanggal ng nurse ang karayom na nakakabit sa kanya.Hirap pa rin si Sabrina sa paglalakad dahil masakit pa rin ang kanyang balakang pero kahit dahan-dahan ay pinilit niyang maglakad para makarating sa sakayan ng bus. Hawak ang balakang na paliko si Sabrina sa pasilyo nang biglang may kumabig sa kanya at sumalikop
“Adrian?!” bulalas ni Sabrina nang mamukhaan ang lalaki. At bago pa siya makapagtanong kung sino ang kasama ng binata sa lugar ng pamilya nila ay bumangon na sa pagkakahiga ang babaeng kasama nito. “Sabrina, hanggang ba dito sinusundan mo kami?” mataray ang pagkakatanong ni Anne sa kanya kaya napataas ang kanyang kilay na nagwika;“Excuse me, nauna ako dito at isa pa lugar namin ‘to. At sino ka para susundan ko?” mataray ding tugon ni Sabrina.“Kuya Adrian. . .” pabebeng reklamo ni Anne. Tumulis ang nguso nito na parang batang nagmamaktol. “Huwag mong pansinin ang mga taong hindi mo kilala. Magpahinga ka na.” pigil ni Adrian kay Anne nang nagsumbong itong parang bata sa kanya. Nakanguso na akala mo’y puwet ng manok sa tulis.Napaismid naman si Sabrina dahil sinuyo naman ito ni Adrian na akala mo’y anak lang si Anne kung lambingin nito. “Sabrina, tumigil ka na!” Saway ni Adrian sa kanya na parang kasalanan pa niyang nandoon siya at nagkatagpo silang tatlo.Pinili na lamang ni Sabrin
Iniinda ni Sabrina ang sakit ng kanyang balakang. Nangngingitngit pa rin siya para kay Adrian dahil sa pagtulak nito sa kanya na dahilan para sumakit lalo ang kanyang balakang. Sumasakit na nga dahil sa pagiging wild nito sa kama lalo pa itong nadagdagan dahil sa pagkakahulog.Masakit man ang balakang kailangang ipag-drive ni Sabrina ang mga magulang pauwi ng probinsya dahil hindi pa kaya ni Mang Arnulfo na magkikilos llao na sa pagmamaneho ng sasakyan.Walang nagawa si Sabrina kundi tiisin ang sakit. Dumaan naman siya sa doktor at binigyan lamang siya ng pain reliever na saglit lang huhupa ang sakit at babalik na naman kapag nawala na ang epekto ng gamot.Pagdating sa bahay ng kanyang tiyuhin ay agad ipinarada ni Sabrina ang sasakyan\. Tinulungang bumaba ang kanyang mga magulang. Nagtakbuhan palapit ang kanilang kamag-anakan para kumustahin ang kanilang pagbabalik. Simula kasi na nasa syudad na sila ay bihira na silang umuuwi dahil busy siya sa trabaho at hindi rin bassta maiwan ng Pa
Kinabukasan, maagang nagising si Sabrina. Ipinangako niya kay Aling Milagros na sasamahan niya ang mga itong umuwi sa probinsiya sa lugar kung saan naninirahan ang kanyang mga lola at lolo. Nagising siyang nakaunan sa braso ni Adrian, at ang isa nitong braso ay nakadantay sa kanyang katawan. Napangiti ng mapait si Sabrina nang makita ang kanilang posisyon. Kung sana lang ay nagkakamabutihan sila sa ngalan ng pagmamahal pero hindi kaya may halong lungkot ang sayang naramdaman ni Sabrina sa pagkakaunan sa braso ng binata. Dahan-dahan niyang inalis ang bisig nitong nakadantay sa kanyang katawan at akmang babangon na nang ibinalik ni Adrian ang braso sa pagkakadantay sa kanyang katawan.“Saan ka pupunta?” tanong nitong pikit pa rin ang mga mata.“Uuwi na!”“Bakit, pinayagan na ba kita?”Napangisi si Sabrina at marahang pinitik ang noo ni Adrian. “Professor Reyes, nakalimutan mo yatang may bisita kang prinsesa sa kabilang silid. Gusto mo bang magising siya na wala ka sa silid mo at hahanap
Pagkaalis kina Sabrina ay dinala agad ni Adrian si Anne sa hospital para mabigyan ng pangunahing lunas dahil sa pamamaga ng pisngi nitong pinadapuan ni Sabrina ng malutong na mag-asawang sampal. Hinatid din niya ito sa kanilang bahay para makapagpahinga. Pagdating sa sariling bahay ay agad din niyang tinawagan ito para siguraduhing nagpapahinga na pero heto at nasa harapan na niya ang dalaga. Deretos ito sa loob ng kanyang bahay dahil may sarili itong susi mabuti na lamang at kakatapos lang nila ni Sabrina nng ilang rounds nang kumatok ito sa pinto.“Kuya Adrian, dito ako matulog, pwede?” nakanguso itong nakiusap kay Adrian at humakbang papasok sa loob. Siya namang paggalaw ni Sabrina na nakatalukbong ng comforter. Nakaharap si Anne kay Adrian kaya hindi niya nakita ang paglabas ng ulo ni Sabrina mula sa ilalim ng makapal na kumot. Pasekretong sumenyas dito si Adrian kaya muli itong nagtago doon. Nahiling naman ni Adrian na sana hindi gagawa ng gulo si Sabrina dahil hindi niya alam k