Kinabukasan, nagising si Sabrina na matindi ang pananakit ng ulo at katawan. Halos hindi niya maigalaw ang mga hita at pagod na pagod ang pakiramdam. Marahas siyang napahugot ng malalim na paghinga at bumangon pero pabagsak na muling nahiga sa kanyang kama. Pakiramdam niya ang umikot ang mundo at bigla siyang nahilo. Hinayaan niya munang ipahinga saglit ang katawan at sa pagitan nito, naalala niya ang nangyari sa pagitan nila ni Adrian nang nakaraang gabi. Maliwanag pa sa sikat ng araw sa kanyang alaala kung paano siya bali-baliktarin ni Adrian sa iba’t ibang posisyon para paligayahin ang sarili. Wala siyang karanasan kaya hindi niya alam ang magiging epekto nito sa kanyang katawan.
Nananakit man ang buong katawan, kailangang pilitin ni Sabrina na bumangon para sa kanyang appointment. Agad siyang dumeretso sa banyo para maligo, iniisip na baka maibsan ang pagod na nararamdaman kapag nakapaligo ng maligamgam na tubig. Ilang minuto lang ang kanyang paligo dahil gahol na siya sa oras.
Pagkatapos maligo ay agad gumayak na si Sabrina. Simpleng bestida at high heels ang suot nito papuntang St. Martin Institute of Science and Discovery kung saan ay may shoot sila para sa isang ‘promotional film’. Kasama niya ang kaibigang si Alex na katulong niya para sa proyekto. Isa itong oportunidad sa kanya at sa tinatrabuang studio dahil isa itong malaking proyekto. At tiyak ring kikita sya ng malaki kung matagumpay nila itong magawa.
Napag-usapan nila ni Alex na sa school na sila magkikita. Inantay niya ito sa lugar kung saan ang daan paakyat sa opisina ng pamunuan ng paaralan. Habang hinihintay ang kaibigan, namataan niya si Adrian sa ‘di kalayuan. Panaka-naka itong nakatingin sa kanyang relo at tila hindi man lang siya nito nakita dahil nakaharang ang mga kasama nito. Mukhang may inaantay ang mga ito dahil kita sa mukha nito ang pagkainip.
Hindi inaasahan ay narinig ni Sabrina ang tanong ng isa niyang kasamahan para siguro ibaling ang inip nila sa paghihintay.
“May girlfriend ka ba, Professor Reyes?” Tanong ng kasama nito na tila hindi inisip kung magugustuhan ba ni Adrian ang kanyang katanungan o hindi.
“Wala!” Maiksi at mabilis na tugon ni Adrian na nakataas ang kilay.
“Sa mga kaibigan mo. . .” Saglit na napatigil ang kasama nito bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. “Ah, naintindihan ko na. Kaya ka walang girlfriend kasi may inaantay ka? At kaya ka walang panahon sa ibang babae?”
Matamang nakikinig si Sabrina sa usapan ng mga ito. Kunwari balewala sa kanya ang presensiya ng mga ito pero dinig na dinig niya ang lahat.
Wala siyang narinig na tugon mula kay Adrian.
Hindi pa rin nakuntento ang kasama ni Adrian at patuloy ito sa pagsasalita. “Pero ilang taon na siya sa ibang bansa, siguro hindi masamang maghanap ka ng magiging libangan habang siya’y nasa malayo? Huwag mong sayangin ang panahon, Prof. Reyes.”
Lihim na naikuyom ni Adrian ang kanang kamao na nakatago sa kanyang bulsa at ang kaliwa ay mahigpit na napahawak sa bitbit na gamit. Naasar siya sa mga kasama pero pinipigilan lang ang sarili dahil ayaw niya ng gulo. Biglang bumalik sa kanyang isipan ang nangyari sa pagitan niya at sa nobya ng kaibigan.
“Oh, it’s Seth’s girlfriend!” Bulalas ng isa pang kasama ni Adrian nang mapansin si Sabrina na nakatayo sa ‘di kalayuan. Biglang napaawang nang bahagya ang mga labi ni Adrian pagkarinig ng pangalan ni Sabrina. Hindi naman kasi nakapagtatakang walang nakakilala kay Seth dahil kaibigan ito ni Adrian at sa iisang paupahan pa sila nakatira.
Pero bago pa man makapagsabi ulit ng kung ano ang kanyang mga kasamahan, agad na nagsalita si Adrian.
“Ikakasal na siya,” wika ni Adrian na hindi man lang tinapunan ng tingin ang direksyon kung nasaan si Sabrina nakatayo.
“You’re going to—”
“Sabrina!”
Naputol ang balak na pagtatanong ng isang kasama ni Adrian nang marinig nilang may tumawag kay Sabrina.
“Hi, Alex!” Ikinaway ni Sabrina at
iwinaksi ang pakikinig sa tsismisan ng kasamahan ni Adrian at sinalubong ang kaibigang kakarating lang.
Dumaan siya sa harapan ng grupo ni Adrian, sa mismong harapan nito. Ramdam niyang tiningnan siya nito pero hindi niya ito pinansin at binilisan ang lakad palapit kay Alex.
“Shall we go?” Agad na tanong ni Alex nang tuluyang makalapit si Sabrina.
“Let’s go! Sakto lang ang dating mo, may natitira pang ilang minuto bago ang napagkasunduan nating oras,” tugon ni Sabrina na nagpatiuna nang lumakad patungo ng elevator.
“Dala mo ba lahat ng kailangan natin?” Usisa ni Alex na bahagyang sinulyapan ang bitbit ni Sabrina.
“Of course naman! Once in a lifetime opportunity ito kaya hindi pwedeng makaligtaan ko ang mga bagay na makakatulong para aprubahan nila ang ating mga gawa,” tugon ni Sabrina at matipid na ngumiti kay Alex.
“Pero bakit mukha ka ng pagod kahit wala pa tayong nagawa?”
Hindi inaasahan ni Sabrina na mapansin ng kaibigan ang nararamdaman niyang pagod bunga ng kalokohan niya ng nakaraang gabi pero alerto siyang nakapag-isip agad ng isasagot dito.
“Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dala ng kinakabahan ako sa magiging resulta ng lakad natin ngayon.” Pagsisinungaling niya sa kaibigan.
Magsasalita pa sana si Alex pero nasa tapat na sila ng elevator. Bumukas ito at sa hindi inaasahan ni Sabrina, bumungad sa kanila ang grupo ni Adrian na nasa loob na ng elevator. Agad silang pumasok ni Alex. Tila hindi siya kilala ni Adrian na seryosong nakatayo sa kanyang gilid. Ramdam ni Sabrina ang natural na init na nagmumula sa katawan nito at ang natural na bango nito dahil sa gapulgadang distansya ng kanilang katawan.
“Oh, paakyat din pala kayo?” tanong ng isang kasama ni Adrian.
Si Alex ang sumagot ilang segundo ang makalipas na ‘di tumugon si Sabrina.
“Ah, yes po! May appointment po kami sa taas para sa isang promotional video ng school po,” paliwanag ni Alex.
“Ah, kami naman ay may conference sa taas,” wika ulit ng lalaki–ang pinakamadaldal sa grupo dahil kanina pa ito mula sa baba salita ng salita.
“Siya nga pala ang kasama ko si Sabrina. Isa siyang photographer at siya ang kumuha ng promotional photos ng school. Napakagaling na photographer at ilan na sa mga gawa niya ang naipanalo niya ng awards,” diretsong sabi ni Alex kahit nilingon ito at pinandilatan ni Sabrina na ginantihan lang nito ng sikretong pakalabit.
Hindi pa nakuntento si Alex, hinarap nito si Adrian at inalok. “Professor Reyes, sa parating na college foundation pwede niyo pong tawagan si Sabrina kung nais niyo po ng magandang kuha para sa selebrasyon.” Nakangiting wika ni Alex.
Sinenyasan din nito si Sabrina para ibigay kay Adrian ang kanyang business card. Nag-atubili si Sabrina pero nanaig pa rin sa kanya ang magkapera kaya binuksan niya ang bag at inabot sa binata ang card.
May bitbit si Adrian kaya ang kasama nito ang kumuha ng card. Nagpatuloy ito sa pambabalewala kay Sabrina na animo’y hindi niya ito kilala.
“You can send us the sample photos, Miss Altamirano. Kapag magustuhan namin at pasado sa nakararami, pwede na tayo magpirmahan ng kontrata,” wika ng nakaharap nila ni Alex sa kanilang transaksyon sa eskwelahan. “Wala pong problema, Mrs. Santos. May dala po akong iilan dito pwede niyo pong tingnan,” tugon ni Sabrina sabay kuha ng brown envelope na naglalaman ng ilang kuha niya sa mga nakaraan niyang proyekto. Inabot niya ito kay Mrs. Santos at tiningnan naman ito ng huli. Nagpatango-tango ito na may paghanga sa bawat larawang tinitingnan. Sekreto siyang kinindatan ni Alex at napa-thumbs up pa ito kaya napahiling siyang sana ay sila na ang kukunin ng pamunuan ng eskwelahan para sa kanilang promotional photography. “Well, maganda ang mga kuha mo, Miss Altamirano. Para sa akin, sadya nga’ng magaling ka pero hindi sa akin ang huling desisyon,” wika ni Mrs. Santos pagkatapos pasadahan ang mga sample photos na dala nila. “Tatawagan ka namin kung makapagdesisyon na ang lahat. Kung papayag k
Hindi na nagpumilit pa si Sabrina na makisakay sa sasakyan ni Adrian kaya hinayaan niyang umalis ito kasama ang babaeng sakay nito sa passenger seat ng kanyang kotse. ‘Hindi naman ako ganon kakapal no!’ Usal niya sa sarili habang hinahatid ng tanaw ang papalayong sasakyan ng nakaniig na binata. Pero sa kaloob-looban niya, nausal niya iyon para pagtakpan ang kahihiyang naramdaman nang tanggihan siya ng binata at ang masaklap may nakarinig at nakakita sa kanyang ginawang panunukso sa binata. Kinahapunan ng araw na ‘yon, tumungo si Sabrina para kunin ang kanyang mga gamit sa apartment ng nobyo. Para sa kanya wala ng dahilan pa para manatili ang kanyang mga gamit doon kagaya ng wala na ring dahilan pa para ituloy ang kanilang relasyon kung hindi man lang siya kayang intindhin ng nobyo. Itinaon niyang nasa trabaho pa ang nobyo at pumunta sa inuupahan nito. Iyon ang akala niya dahil pagkabukas ng pintuan ay nakatambad sa kanya ang nobyong kandong ang kababatang si Pia. Halatang kakarating
Hindi inaasahan ni Sabrina na sa kanyang pagbaba ay haharangin siya ni Seth. Hula niya tinawagan ito ni Pia at nag-drama na naman ito sa kanya. Hinablot ni Seth ang dala niyang bag at patakbo itong umakyat sa taas para siguraduhing hindi niya inaway ang kababata nito. Naiwan siya sa gitna ng sala na nakahalukipkip. Walang ibang tao roon o kung mayroon man baka nakasilip lang mula sa kanilang mga silid. Bumalik naman agad si Seth, bitbit pa rin ang kanyang bag.“Akin na ang bag para makaalis na ako,” pilit niyang kinukuha ang bag mula kay Seth. “Wala akong ginawa roon sa kababata mo.” Sabi pa niya. Sa halip na ibigay ang kanyang bag, hinawakan siya nito sa braso at mataas ang boses na nagwika, “ilang beses ko ba sasabihin sa ‘yo na kababata ko si Pia. Kapatid ang turing ko sa kanya. Mahirap bang intindihin ‘yon? Mahirap bang tanggapin ‘yon?” Iwinaksi ni Sabina ang kamay ni Seth na nakahawak sa kanyang braso. “Alam mo Seth, hindi ako ang problema dito eh. Nang maging magkarelasyon ta
Bitbit ang bote ng klarete, patalilis na umalis si Sabrina sa sala kung saan idinaraos ang kaarawan ng kanyang nobyo na si Seth. Parang hindi nga siya napansin nito dahil laging nakakapit na parang tuko ang kababata nitong si Pia sa kanyang braso. Kaninang-kanina lang ay lihim silang nagtalo ng nobyo dahil dito. Kinompronta kasi niya ang nobyo at kagaya ng mga nakaraan nilang pag-uusap, nauwi lamang ito sa pagtatalo dahil laging rason ng nobyo ay kababata nito si Pia at kapatid lang ang turingan nila sa isa’t isa kaya wala siyang ipagselos. Nagseselos siya–’yon ang paratang ng nobyo pero para sa kanya, walang masayang nobya kung kulang na lang maghalikan sila ng kababata sa harapan niya. Nakipaghiwalay siya kay Seth kasi wala nang magandang kahahantungan pa ang kanilang relasyon kung laging mas matimbang lang din dito ang kababata. Iniwan niyang nagkakantahan ang mga ito kasama ang mga kaibigan ng nobyo at ilang nakatira sa apartment. Tumungo siya sa pangalawang palapag. Tiyak ang baw

Kinabukasan, nagising si Sabrina na matindi ang pananakit ng ulo at katawan. Halos hindi niya maigalaw ang mga hita at pagod na pagod ang pakiramdam. Marahas siyang napahugot ng malalim na paghinga at bumangon pero pabagsak na muling nahiga sa kanyang kama. Pakiramdam niya ang umikot ang mundo at bigla siyang nahilo. Hinayaan niya munang ipahinga saglit ang katawan at sa pagitan nito, naalala niya ang nangyari sa pagitan nila ni Adrian nang nakaraang gabi. Maliwanag pa sa sikat ng araw sa kanyang alaala kung paano siya bali-baliktarin ni Adrian sa iba’t ibang posisyon para paligayahin ang sarili. Wala siyang karanasan kaya hindi niya alam ang magiging epekto nito sa kanyang katawan. Nananakit man ang buong katawan, kailangang pilitin ni Sabrina na bumangon para sa kanyang appointment. Agad siyang dumeretso sa banyo para maligo, iniisip na baka maibsan ang pagod na nararamdaman kapag nakapaligo ng maligamgam na tubig. Ilang minuto lang ang kanyang paligo dahil gahol na siya sa oras.