“Ano ba kasing nangyari?” Muling usisa ni Alex nang sila na lamang dalawa ni Sabrina. Dinala niya si Sabrina sa isang bahagi ng garden, may kaunting layo mula sa main venue. “Ewan ko sa babaeng, ‘yon!” “Iwasan mo na lamang siya at magtrabaho na tayo,” saad ni Alex. “Siya naman itong lumapit, eh. Tapos nagdrama na naman at pinaniwalaan na naman ng kababata niyang walang bayag,” tugon ni Sabrina. May halong inis at galit sa kanyang boses. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung maliban sa mga iniiwasan niyang tao ang nandoon, binastos pa siya ng mga ito pero tila siya pa ang may kasalanan base sa mga tingin ng mga ito. Hindi man nagsalita kanina ang iba, pero dahil sa kabilang sa sosyudad nila sina Pia at Seth, syempre sa kanila kakampi ang mga ito. “Nandito rin pala si Adrian. Nakita mo ba ang mga tingin niya sa ‘yo?” Untag ni Alex na bitbit ang mga gamit nila sa kanilang trabaho bilang photographer nang gabing ‘yon. Hayaan mo sila, gawin na lang natin ang ating trabaho ng m
“He is so fast!”Biglang dumilim ang mukha ni Adrian na nakakubli sa likod ng mayayabong na halaman sa kabila lamang kung saan nakaupo sina Sabrina at Alex. Patapos na ang event kaya hindi na gaanong maingay ang tugtugan kaya dinig na dinig niya ang usapan ng dalawa. “What do you mean by ‘he is so fast’?“Basta mabilis. . .kaya parang ang useless.”“Useless? Gwapo siya, matangkad, may trabaho, paanong naging useless?” Magkasalubong ang kilay na tanong ni Alex kay Sabrina. Natahimik saglit si Sabrina nang inulit ni Alex ang kanyang sinabi. That’s not what she meant, baka iba ang pagkakaunawa ng kaibigan niya. “I mean, mabilis sa kama.” Napahagikhik pang wika ni Sabrina. Si Adrian naman sa oras na ‘yon ay umalis na sa pinagkukublihan kaya hindi na narinig ang mga huling sinabi ng dalaga. Ayaw niyang dumalo sa mga ganoong okasyon pero dahil kabilang siya sa sirkulasyon ng mga alta, kinakailangan niyang dumalo. Pagkatapos ng program para sa debutante at ilang serve ng alak, naisipan n
Itinapon ni Sabrina sa damuhan ang coat ni Seth na ipinasuot sa kanya ng binata pagkatapos marinig ang sinabi ni Adrian. Itinaas ang kilay at kumindat pa kay Adrian pagkatapos ng ginawa. “Gusto mo itong coat mo ang isusuot ko?” Wika ni Sabrina sabay pinagapang ang mga kamay sa collar ng suot na coat ni Adrian at umaktong huhubarin ito. Sa isip ni Adrian, may taglay na ibang charisma si Sabrina sa mga lalaki. Hindi ito sobrang ganda, average lang ang ganda nito. May kakaiba lang talaga sa dalaga para magustuhan ng mga lalaki kagaya ng kaibigan niyang si Seth. Nanatili lamang nakatitig si Adrian kay Sabrina. Sa isip niya, ang lakas ng loob ni Sabrina para siluin ang sinumang lalaki na magustuhan niya. Kagaya niyang kahit alam nitong kaibigan siya ng kanyang nobyong si Seth. Mula sa malamlam na liwanag na nagmumula sa ilaw ng pinakamalapit na poste, kita ni Sabrina ang walang ekspresyong mukha ni Adrian. Bahagya siyang nasaktan sa pambabalewala ng binata pero dahil wala naman silang
Lumipas ang ilang araw pagkatapos ng huling pagkikita nina Sabrina at Adrian, hindi na muli pang nagkita o nagkausap pa ang dalawa dahil naka-block pa rin ito sa social media ng binata. Sabrina was resting in her bedroom when she received a message from the hospital. “Miss Altamirano, your father’s condition is deteriorating. Kung hindi ito maagapan, I’m sorry to say pero wala na kaming magagawa. You know this—” Walang paalam na ini-OFF ni Sabrina ang telepono at dali-daling inayos ang sarili para pumunta ng hospital. Puno ng kaba at mangiyak-ngiyak siyang bumaba ng taxi pagdating ng hospital. Muntik na niyang makalimutang ibigay ang pamasahe sa sobrang pagmamadali. Pagkatapos itong iabot sa driver ay lakad-takbo siyang pumasok ng hospital deretso sa intersive care unit kung saan naroroon si Mang Arnulfo. Pagliko niya sa pasilyo patungong ICU, nakita niyang lumabas ang isang attendant nurse bitbit ang ilang aparatu sa kamay nito. Lalo siyang binundol ng kaba at binilisan ang pag
Si Mang Arnulfo ay isang mabuting ama. A provider of their family. Responsableng ama para kay Sabrina. Ginawa nito ang lahat para pag-aralin si Sabrina sa kabila ng hirap ng kanilang buhay. Gusto ni Sabrina noon na mag-working student para mabawasan man lang ang paghihirap ng mga magulang pero si Mang Arnulfo ang tumanggi. Ayon sa kanya, obligasyon ng mga magulang ang bigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Prinsesa ang turing ng ama kay Sabrina kaya bilang ganti sa mga magulang ay nagsumikap siyang makatapos ng pag-aaral. Si Mang Arnulfo rin ang nagregalo sa kanya ng camera na siyang ginagamit niya sa trabaho. Naglalakad sa pasilyo ng hospital si Sabrina nang biglang may humila sa kanya–ang nurse na nag-aasikaso sa mga magulang. “Sabrina, nalaman ng tatay mo na mahal ang gamot kaya may time na ayaw niya itong inumin at nito lang, dinamihan niya ng inom para raw gumaling siya kaagad. Ayaw niya raw na mahihirapan ka sa pagtatrabaho para bilhin ang napakamahal na gamot na ‘yo
Umaambon nang dumating si Adrian sa harap ng kanyang bahay. Sa labas niya lamang ipinarada ang sasakyan dahil safe naman at nasa loob ng isang ekslusibong subdibisyon siya nakatira. Malamig ang simoy ng hangin kaya napahigpit siya ng hawak sa suot na jacket at tinungo na ang gate. Ilang hakbang bago niya marating ang gate ay napatigil si Adrian. Napansin niyang may tao sa tabi ng gate, nakayukyok ito sa isang sulok sa pagitan ng gate at pader. Nakadantay ang noo nito sa yakap-yakap na tuhod. “Sabrina?” Mahinang usal ni Adrian na humakbang papalapit sa pamilyar na pigura. Nakumpirma niyang si Sabrina ito nang tumapat siya sa dalaga. Sinipa niya nang bahagya sa bahaging paa ang dalaga para magising ito. Kitang-kita niyang nanginginig ito sa ginaw ng magkahalong ginaw ng kalaliman ng gabi at basang damit dulot ng ambon. “Sabrina!” May inis na tawag niya dito sabay mahinang sinipa ulit ito sa paa para magising kung talagang nakatulog ito. Dahan-dahang umangat ang ulo ng dalaga par
“Don’t provoke me, Sabrina.”“Hindi pa ba?” Idiniin ng dalaga ang katawan lalo na ang dibdib para lalong tuksuhin ang binata. Adrian took a deep breath, trying to control the urge to ride on to Sabrina’s temptation, but he inhaled her scent instead. Ang mabangong halimuyak ng dalaga ang nag-udyok sa kanya para dali-daling buhatin ito at ipatong sa kitchen counter. Agad hinaklit ang suot na blusa ng dalaga at walang pagpigil na inangkin ang magkabilaang dibdib nito habang ang dalawang kamay ay mapangahas na salitang naglalakbay sa kanyang katawan. Napangiti si Sabrina sa pagitan ng mahinang pag-ungol habang salitang inaangkin ni Adrian ang kanyang mga dibdib. Alam niyang may karupukan ang binata at hindi nito matanggihan ang inihain niyang grasya sa kanyang harapan. “Ipapatikim ko sa ‘yo ang hindi naibigay ni Seth, Sabrina.”Agad binuhat ni Adrian si Sabrina sa kanyang silid at pabagsak na inihiga sa kanyang kama. Agad hinubaran ang dalaga at tanging ang maliit na saplot lamang ang
Ilang buwan ang nakalipas, patuloy si Sabrina sa kanyang trabaho. Laging nakaalalay si Alex sa kanya kagaya ng nakagawian nilang dalawa. Simula nang pinutol niya ang ugnayan kay Adrian, bumuhos ang biyaya kay Sabrina. She was promoted in her job, given a salary increment and was able to buy a car. Higit sa lahat naging maayos na ang kalagayan ng kanyang ama at mailalabas na ito sa ospital. Malaki ang naitulong ng mga gamot na ibinigay ni Adrian sa mabilisang paggaling ng kanyang ama. Kailangan pa rin nitong ipagpatuloy ang pag-inom ng gamot pero hindi na nababahala pa si Sabrina dahil tama si Alex, hindi lang si Adrian ang makakatulong sa kanya para makahanap ng gamot para sa ama. May mga bansang may availability na ang gamot at marami na rin silang sources or connection para makabili nito. Ipinangako na rin niya sa sarili na hindi na lalapit pa kay Adrian. “Hoy, why are you spacing out?” Unrag ni Alex kay Sabrina nang maabutan siya nitong nakasandal sa kanyang sasakyan. “Wala! Naii
Kinabukasan, maagang ginising ni Adriian si Sabrina. Nilalaro nito ang tungki ng ilong ng dalaga gamit ang ilang hibla ng buhok nito habang ang isang kamay ay sa ilalim ng ulo ng dalaga na nagsilbing unan nito. “Mmmnn.” pinalis ni Sabrina ang nagdulot ng kati sa tungki ng kanyang ilong at tumagilid para bumalik ng tulog. Inaantok pa rin siya dahil sa malalim na ang gabi sila nakatulog dahil dalawang beses muna siyang inangkin ni Adrian.“Gising na!” muling ginising ni Adrian si Sabrina. This time niyugyog na niya sa balikat ang dalaga.“Maaga pa,” reklamo nitong nakapikit pa ang mga mata.“May pupuntahan tayo,” muling saad ni Adrian na pilit ibinabangon ang dalaga gamit ang braso niyang nasa ilalim ng ulo nito.“Pero maaga pa nga.”“Alam ko pero dahil babiyahe pa tayo mamaya kaya kailangan nating agahan ang pagpunta roon,” tugon ni Adrian. Siniguro nitong hindi na siya mulimg babalik sa pagtulog kaya inalisan siya nito ng kumot at hinila pababa ng kama.“Sige, bababa na! Huwag mo na
Pagkatapos makatanggap ng rejection kay Adrian, pinilit ni Sabrina ang sarili na kalimutan ang nararamdaman para sa binata. Iniisip na baka kapag matured na siya ay makakalimutan niya ito at maaring mabaling sa iba ang kanyang atensyon. Nang bumalik nga siya galing ng ibang bansa pagkatapos niyang magtapos sa kolehiyo ay muling nagkasalubong ang landas nila ni Seth. isa ito sa kanyang mga kababata at dating magkakaibigan ang kanilang mga magulang kaya madali lang silang nagkapalagayang loob. Wala rin naman siyang masabi noon laban kay Seth hanggang sa dumating nga sa gitna ng relasyon nila si Pia.“Bakit hindi ka na makagalaw diyan? Dumidilim na, oh.” Napapiksi si Sabrina nang marinig ang boses ni Adrian. Saglit siyang nawala sa kasalukuyan dahil sa mga alaala ng nakaraan.“Huh?!” “Are you okay, Sabrina?” tanong ni Adrian na may pag-alala.Hindi naman inaasahan ni Sabrina ang naging reaksyon ng binata. Naikurap niya ang mga mata ng ilang beses para siguraduhing hindi siya nananaginip
Pakiramdam ni Sabrina, namanhid ang kanyang katawan ng sarkastikong tanong na iyon ni Adrian uminit ang kanyang mukha sa hiyang naramdaman. Naririnig niya ang tawanan sa paligid pero pakiramdam niya blangko ang kanyang isip ng ilang saglit. Nang mahimasmasana ay itinulak niya si Adrian. “Bata pa ako noon ay hindi alam kung ano ang nararapat. Kagaya ng ibang kabataan ay dumaan rin sa ganoong sitwasyon. Nakalipas na iyon kaya huwag mo ng isipin, Adrian,” seryoso niyang wika dito.Tumango naman si Adrian na sumang-ayon sa kanya. “Mas mabuti kung ganon.”Naging awkward ang paligid dahil sa nnagyari pagkatapos silang tudyuhin ng mga kaibigan. Nakaramdama ng pagkaasiwa ang mga naroroon pero hinayaan na nila at nagpatuloy sa kwentuhan sa iba pa nilang mga kaibigan.Pagkatapos nag pagtitipon ay sinamahan ni Sabrina si Fate na magligpit ng mga natanggap na regalo at iba pang gamit nto. “Alam mo Sabrina, gusto ko talagang maging kayo ni Mr. Reyes. Bagay kayo at kung kayo ang magkatuluyan, sig
Natapos ang seremonya at nagiging abala na ang bagong kasal sa pagharap sa kanilang mga bisita. Sina Adrian and Sabrina naman ay umaalalay sa bride and groom bilang maid of honor and bestman ng mga ikinasal. Silang dalawa ang tagabigay ng mga giveaways ng mga ikinasal para sa mga bisita bilang token sa pagdalo sa kanilang kasal.Hindi nagtagal at isa-isang nagpaalam ang mga bisita kaya sila na lamang na mga abay sa kasal ang naiwan at iilang mga kakilala at kamag-anak na ayaw pang magsiuwi dahil nasa malapit lang naman ang sa kanila. “Guys, alam kong hindi kayo nakakain ng maayos kanina kaya nagpahanda ako ng pagsaluhan natin,” malakas na wika ni Fate nang bumalik ito pagkatapos nilang magbihis na mag-asawa. Agad nitong tinawag ang mga waiter para ipasok ang ipinahanda niyang pagkain at inumin para sa kanila. Pahapyaw na sinuyod ni Sabrina ng tingin ang lahat at halos ang mga naroroon ay mga kaklase nila noong high school. May iilan na hindi familiar sa kanya. Naiisp niya baka kaklas
Kagaya ng sabi ng doktor, hindi na nag-alala pa si Sabrina ng kanyang nararamdaman. Psychological ‘ika nga. Iniisip niya ito ng sobra kaya siya nauunahan ng takot kapag nasa dilim. Umpisahan na niyang iwaglit sa isipan ang takot para mawala ang kanyang nararamdaman. Sabi nga ng doktor, malaki ang maitulong niya sa sarili para makawala sa phobia.Palabas na siya ng clinic nang makatanggap ng magkasunod na message. Auto-messages na galing sa bangko na nagsasabing nakatanggap siya ng magkahiwalay na halaga ng pera. Buong 3000,000.00 galing kay Adrian at ang 20,000.00 ay galing naman kay Kevin. “Hi, Sabrina. Maraming salamat nga pala sa concept natin at sa maganda mong kuha. Nanalo po ako and I’ve sent you the full payment for it.”Kasunod ng dalawang naunang messages ay may message ulit siyang natanggap at mula ito kay Kevin. Nagpasalamat ito sa ginawa nilang photoshoot kinaumagahan mula napag-usapan nila ang concept nito.“No worries, Kevin. It’s my job to do it so I can get more clien
“Sabrina!” Mabilis na nilapitan ni Adrian si Sabrina gamit ang muntik liwanag na nagmumula sa kanyang mobile phone. Tila nanigas ang dalaga sa kinatayuan na hindi man lang gumalaw kahit bahagya lamang. Hinawakan ito ni Adrian kaya ramdam niyang nanginginig ito sa takot. “Takot ka ba sa dilim?” Isinandal niya ito sa kanyang dibdib pero wala pa ring tugon mula dito. Pinailawan niya ang mukha nito kaya kitang-kita niya ang pamumutla ng dalaga. Wala ng magawa si Adrian kung hindi buhatin ito at inihiga sa kama. Tulala itong nakatitig sa kisame na mukhang takot na takot.Nang hindi pa rin tumutugon si Sabrina ay inalalayan niya itong makabangon. Umupo na rin siya sa tabi nito at tinapik-tapik ito sa likod sa takot na baka kung anong mangyari sa dalaga sa pamamahay niya.“Sabrina, huwag kang matakot. Nandito ako. Hindi kita iiwan.” pang-aalo ni Adrian kay Sabrina.Illang minuto lang ay dahan-dahan itong gumalaw at diretsong tumingin sa kanya. Siya ring pagbalik ng kuryente at agad kumala
Inabangan ni Sabrina sa oras ng uwian si Adrian para kunin ang kanyang commission sa trabaho niya sa institusyon. Ikalima ng hapon nang mamataan niya itong lumabas sa conference hall dahil may meeting raw ito hinggil sa lakad nilang mga delegado papuntang Estados Unidos. Seryoso ang mukha nitong naglalakad habang bitbit ang ilang folders at laptop nito. Hindi yata siya naapansin dahil diretso lang ang tingin nito sa direksyon kung saan ang labasan papunta sa paradahan ng mga sasakyan.“Adrian!” tawag dito ni Sabrina nang ilang metro na lamang ang layo nito sa kanya pero tila wala itong narinig. Hindi man lamang siya nito nilingon o sinulyapan man lang kaya sinabayan ito ni Sabrina sa paglalakad nang matapat na sa kanya. “Tulungan na kita sa mga dala mo,” pagmamagandang-loob ni Sabrina pero inilayo ni Adrian ang mga dala-dalahan. Wala pa rin itong imik hanggang marating nila ang sasakyan nito.Tiningnan lang siya ng binata mula sa kinatatayuan nito sa gilid ng driver’s seat. Hindi niy
Sa isip ni Alex dahil sa kapangyarihan ng pamilya nina Adrian at ng pamilya rin mismo ni Anne kaya muli itong nagkaroon ng chance na makapag-exam ulit. Tanging buntonghininga na lamang ang naging sagot ni Alex kay Bernard.“So si Professor Reyes na rin ang nag-suggest na mag-exam ulit si Anne?” tanong ni Alex kay Bernard pagkalipas ng ilang saglit ng kanilang pananhimik.“Ang Board na rin mismo ng institusyon pero sumang-ayon siya syempre. Kailan ba iyon gumawa ng bagay na hindi pabor sa batang ‘yon?” tugon naman ni Bernard.Napaismid si Alex sa mga sinabi ni Bernard dahil alam niyang puro katotohanan ang mga sinabi ng kaharap. Kahit boyfriend ito ng kaibigan niyang si Sabrina, kailanman ay hindi pareho ang naging trato nito kagaya kung paano nito tratuhin si Anne.“Anyway, speaking of Professor Reyes, nakita namin pareho si Sabrina na may kausap na lalaki. Bata pa at parang ang close na nila. Akala ko nga noong una ay si Seth o kapatid niya pero hindi ito si Seth at lalong hindi ito
“Sino?” tanong ni Sabrina kay Alex nang mabanggit nitong may naalala siya. Nag-uusap sila kung paano makalikom ang dalaga ng pera para sa biyahe nito papuntang Amerika.“Kevin.”“Kevin? Sino ‘yon?” napakunot ang noo ni Sabrina dahil pilit niyang inaalalan kung sinong Kevin ang sinasabi ni Alex.“Si Kevin, iyung model na minsan mo na ring naging kliyente. Last year mo yata na naging subject ‘yon, eh,” tugon ni Alex.Napakagat-labi naman habang inaalala ni Sabrina ang sinasabi ni Alex hanggang napapitik ito sa hangin nang maalala ito.“Tama, naalala ko na siya. sure ka na nangangailangan siya ng photographer ngayon?” paniniguro ni Sabrina sa kaibigan.“So, okay ka na? I-confirm ko na sa kanya?”“Yes, please!”Kinabukasan, nagkita sina Sabrina at ang taong sinabi ni Alex. busy si Alex sa trabaho kaya mag-isa si Sabrina na nakipagkita dito.“Hi, Kevin!” “Hi!”Nasa St. Martin Institute lang sila nagkitang dalawa dahil nandoon an si Sabrina at si Kevin ay nasa malapit lang din kaya napagkas