Share

Chapter 32

HINDI rin nakakain ng maayos si Marius. Iniisip niya ang dalagang galit na galit pa rin magpahanggang ngayon sa kanya. Pumunta siya sa sala, magpapaalam siya kay Lola Remedios na aalis na muna. Palalamigin n'ya muna ang ulo ni Blessie.

Napatigil siya nang makita niyang nakaupo sa upuan ang dalaga. Naglakad siya palapit kay Blessie at umupo sa tabi nito.

"Akala ko umalis ka na. Di ba sabi mo may sarili kang lakad?" walang ano ano ay tanong niya kay Blessie.

Narinig ni Marius ang pagsinghot nito. Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Blessie. Nagdiwang ang loob niya ng 'di nagreklamo ito nang hawakan niya. Saka iniharap sa kanya.

"Bakit ka umiiyak? Hindi ko naman sinabi na umiyak ka, Blessie. I want to always see you happy. I'm sorry kung mali ang narinig mo. Sinabi ko lang talaga na hindi kita mahal na niloloko kita dahil kinukulit ako ni Luis. Gusto ko lang na tigilan niya ako at gusto ka niyang agawin sa 'kin. Sa akin ka lang, di ba, Blessie?"

Napaismid si Blessie. "Sinabi ko ba n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status