"B-Bumalik ka na sa b-bahay, a-apo," nakikiusap na sabi ni Remedios kay Blessie. Hawak nito ang kamay niya."La, gusto ko man po. Pero hindi pa po ito ang tamang panahon. Masyado pong maraming nangyari na ako po ang may gawa. Na-ospital pa kayo. Nagmahal lang po ako. Pero, bakit lahat ay 'di umaayon? Gusto ko pong malayang mahalin si Marius. 'Yong walang taong masasaktan. Hangga't hindi naayos ang gusot ni Marius, 'di kami magiging masaya na magkasama."Muling tumulo ang luha ni Remedios. Naawa siya para sa kanyang apo. Nagmamahal lang ito pero marami ang humahadlang.Napatingin si Blessie sa kanyang relo. Oras na para siya'y magpaalam."Lola, 'wag niyo pong babanggitin kina Kuya Benjie at Kuya Ben na pumunta ako rito. Please po...." pagmamakaawa ni Blessie. Nagmamadali na siyang isinuot ang face mask sa kanyang mukha. Pero bago siya umalis ay humalik pa muna siya sa noo ng kanysng Lola Remedios. Pinunasan niya ang mga luha nito sa mata."Babalik po ako para dalawin kayo. Pangako po,"
Marius's POVTIME goes by quickly. My firstborn son is now one year old. 'Di ako pumayag sa gusto ng asawa ko na walang party sa 1st birthday ni Merius. Ang tapagmana ng Marius Martini Corp. Pagkatapos hindi ko man lang mabigyan ng enggrandeng birthday party. Nakakahiya sa ibang tao.My son's name is obvious that came from my name. His full name is Merius Martin Magsino Centeno. Panay ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang tuwang tuwa na anak at asawa ko na nakikipaglaro sa clown. Lahat ng mga anak ng empleyado ko sa MMC ay imbitado. Maging ang mga tauhan ni daddy sa factory.Napalingon ang magandang asawa ko sa puwesto ko. Ngumiti ito. Biglang kumislot ang aking harapan. Shit! Siya lamang ang nakakagawa nito sa akin. Magdadalawa na ang anak namin. And she's three months pregnant to our second baby. Pinaspasan ko para makarami kami.Napatingin ako sa may gate. Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang dalawang pamilyar na tao— sina Luis at Sarah.Kaagad ko silang nilapitan. Ngi
Blessilda Magsino's POV"Hi, everyone!" ubod tamis na bati ko sa lahat ng nakakasalubong ko at kumaway ng bonggang bongga habang poise na poise na naglalakad. "Ang ganda ng araw pero hindi kasing ganda ko! Ang unfair talaga" nalulungkot na sambit ko sa sarili ko."Bakit gan'on ang unfair ng buhay? Iniisip ko kung bakit gan'on kasi seksi naman ako. At seksi ulit ako pero wala akong jowa!" kunwari'y umiiyak na hinanakit ko sa sarili ko. I'm Blessilda Magsino, 24 years old. My vital statistics 36-24-36. An Admin assistant at MMC, Metropolitan Manila Company. Ay joke! Hehehe. Marius Martini Company. Isa ito sa mga kompanya dito sa bansa na gumagawa ng imported na alak. Ito ay pag aari ng pamilya Centeno, na kilalang maraming business sa bansa. Pinamamahalaan ito ng anak ng mag asawang Centeno, si Marius Martini Centeno, ang pinakagwapong CEO sa balat ng lupa, ang aking Papa, jowa, at aking Myloves. Crush ko lang siya. No! What I mean is my super duper crush. Kaya lang ang mga type niya
Nakauwi na si Blessie sa bahay nila. At kasalukuyang nakahiga sa kama niya. Iniisip niya ang mga sinabi ng kaibigan niya. Tama nga naman talaga si Sarah sa mga sinabi nito sa kanya. Na ang guwapong katulad ni Marius Martini Centeno ay hindi kailanman magkakagusto sa isang katulad niyang panget. Nakakalungkot isipin na ang lalaking pinapangarap niya ay hanggang pangarap na lamang. Siguro ay kakalimutan na lamang niya ang nararamdaman para sa Boss niya. At itutuon ang atensyon sa pagtatrabaho. Bukas ng umaga ay isang panibagong araw para sa kanya. Bagong umagang para sa bagong pag-asa."Kaya mo 'to Blessie!" pampalakas ng loob na sabi nito sa sarili sabay cross finger. At nakatulog na si Blessie sa pag iisip tungkol kay Marius. "Blessie! Bumaba ka na diyan at malalate ka na sa opisina" sigaw na sabi ng Mama ni Blessie na si Aling Belinda."Opo Ma, baba na po" sagot naman ni Blessie na nagmamadaling mag asikaso sa pagpasok. Dali dali siyang bumaba ng hagdan at pumunta ng kusina para kum
Sabay na pumasok ng kompanya sina Mr. Reynaldo Centeno at Marius. May napili na ang matandang Reynaldo na bagong magiging sekretarya ng anak na si Marius. Hindi maipinta ang mukha ni Marius dahil ang Daddy nito ang pumili ng bagong sekretarya niya. Ayaw ni Marius na kontrahin ang Ama sa pagpili ng bagong sekretarya niya. Ang gusto kasing mangyari ng Daddy niya ay pumili na lamang sa mga empleyado nila. At gusto niyang kontrahin ang gusto nito kahit pa marami sa mga empleyado niyang babae ang magaganda at seksi at siya lahat ang naghire niyon except kay Blessie. Nakaupo si Mr. Reynaldo sa swivel chair ng CEO at nakaupo si Marius sa unahang upuan dahil ipinatawag na nito ang magiging bagong sekretarya ni Marius. Ang Daddy niya naman talaga ang amo sa kompanya. At pinili lang siya nito para pamahalaan ang MMC. "I'm hoping na maganda at seksi ang napili ni Daddy na bagong sekretarya ko. Katuld ng mga dati kong sekretarya na hindi lang matatalino ay magaganda at seksi pa" nakangiting naw
Araw ng Linggo, medyo tinanghali ng gising si Blessie. Late na sila nakauwi ni Sarah. Si Sarah na din ang naghatid kay Blessie dahil may sasakyan naman ito. Nagising siya na groggy ang pakiramdam niya at may hang over sa dami ng nkainom nila kagabi. Kaya ayaw niya uminom dahil hindi na niya alam ang ginagawa niya. Nagpunta siya sa banyo para magsipilyo at maghilamos ng mukha. Kailangan niya ng pampatanggal ng hang over."Ang sakit ng ulo ko, arghh!" usal ni Blessie sa sarili habang bumababa ng hagdan at lumakad papunta sa kusina. Nakita naman siya ng Mama niya na nakahawak sa ulo."Blessie, anong nangyari sayo?" nagtatakang tanong ni Mama Belinda."Wala po ito, Mama. Hang over po" sagot ni Blessie. Pumunta naman ng tokador si Mama Belinda para kumuha ng gamot sa sakit sa ulo."Maupo ka na at mag almusal" utos ng Mama ni Blessie. Sinunod ni Blessie ang ina na maupo at hinintay ang Papa niya para mag almusal. Inilagay naman ni Mama Belinda ang gamot sa mesa na katapat ni Blessie. Ang Pa
Sobrang nag enjoy si Blessie kasama si Luis kahit na parang awkward dahil nandoon din ang mga amo niyang Centeno. Nagprisinta pa kasi ito na ihatid si Blessie hanggang sa pag uwi sa bahay nila puwede naman siyang sumakay sa taxi tutal maaga pa naman.Nang makarating sila sa bahay nila Blessie ay inaya niya muna si Luis na pumasok sandali sa bahay nila. Nadatnan nila ang Mama nito na nanood ng T.V. Napalingon naman si Mama Belinda sa pumasok na si Blessie. Nagtaka siya na nasa likod ni Blessie ang isang gwapong binata. Ipinakilala ni Blessie si Luis sa Mama niyang kanina pa nakatingin dito. Marahil nagtataka ito na may lalaking kasama si Blessie at gwapo pa ito. Kaya hindi napigilan ni Mama Belinda na magtanong sa anak na si Blessie."Blessie, boyfriend mo ba itong si Luis?" usisang tanong ni Aling Belinda habang mataman na nakatingin kay Luis. Nabigla si Blessie sa tinanong ng Mama niya. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon kadiretsong magtatanong ang Mama niya kay Luis."Ma, hindi
"Blessie, hindi ka pa ba tapos magbihis?!" malakas na sigaw ni Mama Belinda sa anak."Mama, patapos na po!" sigaw ding sagot ni Blessie."Dalian mo at andito na sundo mo!" malakas pa din na sigaw ulit ni Mama Belinda."Hay! Itong batang ito talaga sobrang ang tagal magbihis" inis na sabi ni Mama Belinda sa sarili. Habang pabalik ito ng kusina. Maaga pa pero nasa bahay na nila Blessie si Luis."Luis, halika at sumabay ka na kumain sa amin" alok na sabi ni Papa Jose. Ngumiti si Luis sa Papa ni Blessie at tumayo na ito para pumunta ng kusina.Hindi na din nakatanggi si Luis at sumabay na din kumain sa mga magulang ni Blessie habang hinihintay ang dalaga. Maigi na lang at hindi na siya kinulit pa ng kanyang pinsan kagabi nuong hinatid siya nito sa bahay nila. Masyado talagang malihim ang pinsan niyang iyon. At masyado ding babaero. Samantalang siya ay nakakadalawa pa lamang na nobya sa buong buhay.Hindi niya inaasahan na magiging ganito kalalim ang mararamdaman niya para kay Blessie. Iba