Share

Chapter 50

"B-Bumalik ka na sa b-bahay, a-apo," nakikiusap na sabi ni Remedios kay Blessie. Hawak nito ang kamay niya.

"La, gusto ko man po. Pero hindi pa po ito ang tamang panahon. Masyado pong maraming nangyari na ako po ang may gawa. Na-ospital pa kayo. Nagmahal lang po ako. Pero, bakit lahat ay 'di umaayon? Gusto ko pong malayang mahalin si Marius. 'Yong walang taong masasaktan. Hangga't hindi naayos ang gusot ni Marius, 'di kami magiging masaya na magkasama."

Muling tumulo ang luha ni Remedios. Naawa siya para sa kanyang apo. Nagmamahal lang ito pero marami ang humahadlang.

Napatingin si Blessie sa kanyang relo. Oras na para siya'y magpaalam.

"Lola, 'wag niyo pong babanggitin kina Kuya Benjie at Kuya Ben na pumunta ako rito. Please po...." pagmamakaawa ni Blessie. Nagmamadali na siyang isinuot ang face mask sa kanyang mukha. Pero bago siya umalis ay humalik pa muna siya sa noo ng kanysng Lola Remedios. Pinunasan niya ang mga luha nito sa mata.

"Babalik po ako para dalawin kayo. Pangako po,"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status