Blessilda Magsino's POV
"Hi, everyone!" ubod tamis na bati ko sa lahat ng nakakasalubong ko at kumaway ng bonggang bongga habang poise na poise na naglalakad.
"Ang ganda ng araw pero hindi kasing ganda ko! Ang unfair talaga" nalulungkot na sambit ko sa sarili ko.
"Bakit gan'on ang unfair ng buhay? Iniisip ko kung bakit gan'on kasi seksi naman ako. At seksi ulit ako pero wala akong jowa!" kunwari'y umiiyak na hinanakit ko sa sarili ko.
I'm Blessilda Magsino, 24 years old. My vital statistics 36-24-36. An Admin assistant at MMC, Metropolitan Manila Company. Ay joke! Hehehe. Marius Martini Company. Isa ito sa mga kompanya dito sa bansa na gumagawa ng imported na alak. Ito ay pag aari ng pamilya Centeno, na kilalang maraming business sa bansa. Pinamamahalaan ito ng anak ng mag asawang Centeno, si Marius Martini Centeno, ang pinakagwapong CEO sa balat ng lupa, ang aking Papa, jowa, at aking Myloves. Crush ko lang siya. No! What I mean is my super duper crush. Kaya lang ang mga type niya eh iyong mga pang Miss Universe ang datingan. Eh seksi lang ako.
Tingnan niyo na lang ako sa katawan ko huwag na lang sa mukha. Isa akong hipon kung tawagin nila, maganda lang daw ako pag nakatalikod. May straight at lagpas balikat na buhok, makapal na kilay, may brace sa ngipin at matangos na ilong. May salamin din ako sa mata na hindi naman ganon kataas ang grado. Wala lang feeling ko lang magsalamin. But, hataw ang maliit kong beywang, malaking dibdib at matambok na puwet. Pang coca cola na katawan ika nga. Maputi din ako at makinis ang skin ko na alaga ko sa skin care. Isa ito sa pinagmamalaki ko sa aking katawan kaya alagang alaga ko ito.
Andito ako sa mall suot ko ang bistidang kulay skin tone ko at hapit sa katawan ko. May imemeet ako na kachat ko sa isang dating app. Kung ano anong dating app ang sinasalihan ko para makatagpo ng magiging jowable ko.
His name is Carlo San Juan, gwapo and hot na guy. Matagal na kaming magkachat ni Carlo. Kaya pumayag na din akong makipag kita sa kanya nuong niyaya niya akong makipag meet. Habang palinga linga ako at hinahanap si Carlo ay may tumawag sa akin mula sa aking likuran. Pagharap ko.
"Blessie!" sigaw ni Carlo sa akin. Pero napangiwi ang mukha niya nung humarap na ako.
"Si Carlo!" masayang sabi ko sa sarili ko na halos gusto kong magtatalon sa saya dahil ang hot niya. Lumapit ako sa kanya. Nakita ko na parang umaatras siya. Habang ako ay lumalapit umaatras siya ng umaatras.
"I'm sorry. I think I'm wrong" natatakot na sabi niya sa akin na akala mo nakakita ng isang white lady. At lumakad na sa akin papalayo.
"Huh. Akala ko ako ang---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakita ko siyang masyadong malayo na sa akin. At palabas na ng mall. Nadisappoint talaga ako na basta na lang niya ako tinakbuhan. Ang sabi pa niya sa akin nuon.
"It's really okay to me, if you are not beautiful. What I really want is, you" ganun pa ang pagkakasabi sa akin ni Carlo sa phone nung nagkausap kami. Ang sarap sana pakinggan sa tenga pero ngayon na nakita niya ako bigla niya akong tinabukhan at iniwasan na parang may nakakadiring sakit.
Oh diba! Tumalon ang puso ko nun. Pero ngayon parang gusto ko ng umiyak. Nakakahiya kasi yung reaksiyon niya nung nakita ko siya. Lumabas na lang ako ng mall at umuwi sa bahay namin.
Pagdating ko naabutan ko si Mama na naghahanda ng tanghalian namin. Nilingon niya ako nuong pumasok ako ng kusina.
"Oh, ang bilis mo naman nakauwi. Kakaalis mo pa lang ah. Akala ko ba pupunta ka sa mall eh bakit umuwi ka kaagad?" sunod sunod na sabi ni Mama sa akin. Napansin niya na nakasimangot ako. Lumapit siya sa akin at tinanggal ang salamin ko sa mata. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.
"Anak, sige na magpalit ka na ng damit mo. At kakain na tayo. Niluto ko ang paborito mong ulam" nakangiting sabi niya sa akin. Natunaw ang broken hearted kong puso. Magkaroon ka ba naman ng Nanay na mabait at maganda pa. Nasa lahi eh.
Isang simpleng maybahay lang si Mama at si Papa naman ay nagtatrabaho sa factory ng stinelas sa Marikina. Kahit isang factory worker lang si Papa ay nakapagtapos kaming lahat ng pag aaral. Nakatulong din sa akin ang scholarship na nakuha ko nuong College. At ngaulyon nga nagtatrabaho na ako sa MMC. Sina Kuya naman na sina Kuya Ben at Kuya Benjie ay parehong nasa ibang bansa nagtatrabaho.
Ngumiti ako ng peke kay Mama.
"Really Mama!" Kunwari excited na sagot ko at tumango ng ulo si Mama sa akin. Si Mama talaga ang nagpapagaan ng loob ko every time na nakikita niya na malungkot ako or naiinis ako sa mga tumutukso sa akin na hindi daw ako maganda.
"Anak, ikaw ang pinakamaganda sa akin." Iyan ang lagi niyang sinasabi isa akin. Siyempre anak niya ako kaya nasasabi niya iyon sa akin. At saka gusto lang niyang pagaanin ang loob ko. Niyakap ko si Mama.
"I love you Mama" nakangiting sabi ko sa kanya.
"I love you too, Anak" sagot niya sa akin ni Mama.
************
Marius Martini Centeno, CEO of Marius Martini Company. Gwapo, matangkad, mayaman, at super hot. Ganyan ito kung idescribe ng mga babaeng nagkakandarapa na pansinin ko. Pero kung maganda ang babae at seksi eh, pasok kana sa standards niya. Hindi naman siya mapili basta ba maganda ka, ayos na iyon sa kanya. Simpleng palikero pero mataas ang standard sa mga babae. He not a typical guy na basta maiinlove sa isang magandang babae. Mas gusto niya, ay yung mabilis lang maiiwan pag ayaw na niya. Kapag nagsawa na siya.
"Tessa, ready the conference room now!" bulyaw na utos niya sa sekretarya niya. Kararating niya lang sa opisina at bigla uminit ang ulo niya dahil sa kapalpakan ng mga tauhan niya.
"Right away, Sir" natatarantang sagot ng sekretarya niya. Maganda din ito at seksi. Hindi siya tumatanggap ng empleyado na hindi maganda at seksi. Nagtataka nga ang iba kung bakit tinanggap niyang Admin Assistant si Blessie, seksi lang naman ito.
"Sir, the conference room is ready and they are all waiting for you" sabi ni Tessa habang kausap ang amo sa intercom.
"Okay. I will be right there" sagot niya.
"Ah, Tessa can you come inside my office?" pahabol na utos niya sa sekretarya niya. At pilyong ngumiti.
"Okay po, Sir" at pinatay na ang intercom.
Dali dali naman na pumasok sa opisina ni Marius si Tessa, hindi na ito nagtangka pa na kumatok. At nang makita ni Marius ang sekretarya ay lumapit ito dito. Hinawakan niya ito sa beywang, hinapit niya ito para ilapit ang katawan sa kanya.
Hindi naman halos nakapagsalita si Tessa sa ginawa ng amo. Natuwa din siya na ganito kalapit sa kanya ang gwapong amo.
"Tessa, are you aware that you are hot? Malambing na sabi ni Marius habang namumungay ang mata. Umiral na naman ang pagiging baabe. At tinitigan ang babaeng halos nkayakap na sa kanya.
Napaawang naman ang labi ni Tessa. At ikinabigla niya ng halikan siya sa labi ng amo. Hingal na hingal sila ng tumigil sa mapusok na halikan.
"I will be waiting for you in my condo" malambing nitong sabi at namumungay ang mga mata. Binitawan na niya si Tessa at walang lingon na umalis para pumunta ng conference room.
Pagpasok ni Marius sa conference room ay natigilan siya ng makita niya agad si Blessie.
"Why she is here?!" inis na tanong ni Marius sa isip at tinuro ng tingin si Blessie. Lumakad na siya diretso sa unahang upuan katabi ang mga may posisyon sa kompanya niya.
--------
"What a tired day!" Nawika ni Marius sa sarili habang nakaupo sa sopa. Napagod kasi siya sa sobrang dami ng trabaho niya pagkatapos ng meeting. Hindi pa nga din siya nakakapagpalit ng damit na pambahay. Pakiramdam niya pagod na pagod ang katawan niya ngaun. Nasa condo niya siya para magpahinga at antayin si Tessa. Ang seksi at maganda niyang secretary.
At ng makarinig siyang may nagdoorbell ay tumayo siya at niluwagan ang tie niya pagkatapos ay pumunta sa pintuan para buksan.
"Hi, Baby" nakangting bati ni Marius sa taong pinagbuksan niya ng pintuan ng condo niya. Pero nagulat siya sa nakita.
"Hello, Sir" nahihiyang bati din ni Blessie. Si Blessie nga ang dumating para ibigay ang naiwang mamahaling cellphone ni Marius.
"Ibigay ko lang po itong cellphone niyo. Naiwan niyo po kasi sa conference room, hindi ko naman po nakita si Tessa sa opisina kaya ako na po ang nagdala para ibalik ang cellphone niyo" mahabang paliwanag ni Blessie. Hindi siya makatingin ng diretso sa among crush niya na sobrang gwapo. Pakiramdam niya malalaglag ang panty niya sa sobrang kilig.
"Puwede na kayang himatayin sa harap niya para naman masalo niya ako at mayakap ko siya" pilyong sabi nito sa isip na sinusubukang tumingin sa amo. Namumungay ang mata na tumingin si Blessie sa mga mata ni Marius. Ngayon lang nakita ni Blessie ang kabuuan ng mukha ni Marius sa malapitan.
"Wow! Ang gwapo niya talaga!" buong paghangang nasambit ni Blessie sa sarili. Namumungay na din ang mga mata niya sa kakatitig sa amo. Napataas naman ang kilay ni Marius sa mga nakikita na galaw ng empleyado niyang panget. Napilitan na lang siyang ngitian ito sa ginawang paghatid ng mamahaling cellphone niya.
"Thank you" tipid nitong sabi at pekeng ngumiti kay Blessie. Kinuha nito ang cellphone niya na inaabot ni Blessie. Pagkakuha ng cellphone ay hindi na niya hinintay na magsalita si Blessie at isinara na ang pintuan.
"Huh! Anong nangyari doon? Akala ko pa naman bukal sa loob ang pasasalamat. Bigla na lang akong pinagsarhan ng pinto!" naiinis na sabi ni Blessie sa sarili at tumalikod na para umalis.
Pagdating niya sa harap ng elevator ay iniluwa nito ang bulto ni Tessa. Nakangiti si Tessa kay Blessie na lumalabas ng elevator. Gumanti naman ng ngiti si Blessie dito. Hindi niya muna isinara ang pinto ng elevator at sinundan ng tingin ang bulto ni Tessa. Nagulat siya na nasa harap ito ng condo ng amo niyang gwapo. Kaya maya ay nakita niyang lumabas ang amo niya sa loob ng condo nito at ngumiti kay Tessa. Nanlaki lalo ang mga mata niya ng makitang naghahalikan ang dalawa.
"Ang sakit sakit naman!" umiiyak na sabi ni Blessie sa sarili. Feeling jowang niloloko na ngumangawa.
"Akala ko pa naman stick to one ka sa akin, Baby Marius!" galit na dugtong nito sa sarili na feeling jowa ng gwapong si Marius. Sinara na niya ang pinto ng elevator at pinindot ang G para makababa ng ground floor. Inayos niya ang sarili at pinunasan ang mga luha na pumatak sa mata niya. Naisipan na lang niyang pumunta sa kaibigan niya. Pakiramdam niya gusto niya ng taong makakausap sa panahon na ito na broken hearted siya.
Schoolmate sila Sarah at Blessie. Walang mag aakalang magiging magbestfriend silang dalawa dahil hindi naman sila magkaklase o magkakilala nuon. One time na nakita ni Sarah si Blessie na binubully sa eskwelahan nila ay ipinagtanggol niya ito. At pagkatapos ng nangyari ay naging matalik na silang magkaibigan. Kahit na mataas ang confidence ni Blessie sa sarili ay hindi naman siya ganoong katapang katulad ni Sarah. Hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya mag isa. Kaya si Sarah ang naging tagapagtanggol nito sa lahat ng mga nanunukso at nangbubully sa kanya.
Kumakatok si Blessie sa pintuan ng bahay nina Sarah. Pinagbuksan naman ito ng kaibigan niyang si Sarah. Nakita niya na malungkot ang kaibigan at bagsak ang mg balikat. Niyakap nito si Blessie at doon na umiyak sa balikat ni Sarah.
"Anong nangyari sayo? Bakit ka umiyak ng ganyan?" Punang sabi ni Sarah sa kaibigan habang hinahaplos ang likod. Pinaharap ni Sarah si Blessie, hinawakan nito ang isang kamay ni Blessie at iginiya papasok sa loob ng bagay nila. Magkatabi silang naupo sa sopa sa sala ng bahay nina Sarah. Nakahawak pa din ang kamay ni Sarah kay Blessie.
"Sabihin mo sa akin, anong problema?" halata ang pag alala na boses ni Sarah. Napa buntong hininga naman si Blessie.
"Okay lang ako" pagsisinungaling na sagot ni Blessie.
"Blessilda, umiiyak ka ng ganyan tapos sasabihin mo na okay ka lang!" galit na sabi ni Sarah. Nagulat naman si Blessie sa sigaw ng kaibigan.
"Si Baby Marius kasi nakita kong may kahalikan" nakasimangot na amin ni Blessie sa kaibigan. Bilang natawa naman si Sarah sa narinig kay Blessie na problema. Pinandilatan naman ito ng mata ni Blessie.
"Akala ko naman eh kung ano. Kung makaatungal ka, parang hiniwalayan ng jowa" pinipigilan na matawang sabi ni Sarah. Nainis si Blessie sa narinig kay Sarah.
"Jowa ko naman talaga si Baby Marius" seryosong sagot ni Blessie at inirapan pa si Sarah.
"In your dreams friend! Sige magpantasya ka pa" naiinis na saway ni Sarah kay Blessie.
"Akala ko ba kaibigan kita. Bakit ngayon ayaw mong suportahan yung pangarap ko?" Hinanakit nitong tanong sa kaibigan.
"Kaibigan mo nga ako kaya sinasabi ko ang totoo. Huwag mong pangarapin yung amo mo, Blessie. Yung ganong lalaki bagay sa mga kapareho niya, gwapo siya at dapat maganda din ang bagay sa kanya. Hindi katulad natin na hindi maganda. At masasaktan ka lang dahil diyan sa pangarap mo" mahabang payo ni Sarah. Para namang tinamaan si Blessie sa sinabi ni Sarah. Oo nga naman, ang gwapo para lang sa maganda at ang mayaman para lang sa mayaman. Napatitig naman si Blessie sa kawalan. Gusto niyang pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata niya. At ayaw niya iyon ipakita sa kaibigan. Napansin naman ni Sarah ang pagtahimik ni Blessie. Nilapitan niya ito at itinayo sa pagkakaupo. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Blessie.
"Blessie, sorry kung nasaktan ko ang damdamin mo. Mahal kita at kaibigan mo ako kaya sinasabi ko lang ang katotohanan" madamdaming sabi ni Sarah kay Blessie. Yumakap naman si Blessie kay Sarah. Alam niya ang nararamdaman ng kaibigan niyang si Sarah at kaya nga maswerte siya sa pagkakaroon ng isang kaibigan na kagaya ni Sarah. Humarap si Blessie kay Sarap.
"Mahal din kita, Friend. Salamat at lagi kang andito para sa akin" nakangiting sabi ni Blessie. Niyakag naman ni Sarah si Blessie para kumain ng hapunan sa kusina.
"Halika na, kumain na muna tayo bago ka umuwi sa inyo" yaya ni Sarah kay Blessie. Magkaakbay silang naglakad na magkaibigan patungo sa kusina.
----------
Samantala sa condo ni Marius ay biglang nasagi sa isip niya si Blessie. Kinuha lang niya ang kanyang cellphone at biglang sinarado ang pintuan ng condo niya. Alam niyang naging rude siya sa harap ng empleyado. Hindi niya kasi mapigilan ang sarili na hindi maging presko sa harap ni Blessie. Hindi niya gustong makausap at makaharap ang mukhang iyon ni Blessie.
"In all people pa na makikita ko iyon pang panget na iyon" naiinis na sabi ni Marius sa sarili. Akala niya kasi ay si Tessa na ang dumating. Ang ikinabigla pa niya ay ang pagpapacute nito sa kanya.
"Ang lakas ng loob magpacute eh panget naman! Wala akong balak na patulan ang panget na babae na yun. Kahit pa siya na lang ang natitirang babae sa mundo, hinding hindi ko siya papatulan!" sumpang sabi ni Marius sa sarili. Nabigla naman siya ng makarinig ng doorbell sa pintuan. Ayaw niya sanang buksan iyon pero iniisip niya na baka si Tessa na iyon. Kaya napilitan na din siyang buksan ang pinto. Napangiti naman si Marius ng makita ang magandang si Tessa.
Walang sabi sabi na hinalikan niya sa labi si Tessa. Nagulat naman si Tessa sa ginawa ng gwapong amo. Hindi na din siya tumanggi na magpahalik dahil gustong gusto naman ni Tessa si Marius. Tumigil sil sa paghahalikan na hingal na hingal. At hinawakan ni Marius sa beywang si Tessa at hinila sa loob ng condo niya.
"I know you will come" nakangising sabi ni Marius sa babae.
Bigla niya ulit ito hinalikan aggresively, na parang wala ng bukas. Naglakad sila na magkahinang ang mga labi nila papasok sa loob ng kwarto ni Marius. Naging malikot na ang mga kamay ni Marius sa katawan ni Tessa at mapanghanap ang mga haplos niya.
"Ohh" hindi na pigilan na ungol ni Tessa. Napatingin si Marius sa babaeng kaulaw niya nakapikit ito at sarap na sarap sa ginagawa niya. Nang nilubayan muna ni Marius ang labi ni Tessa ay sinimulan na niya itong hubaran ng damit at pagkatapos ay naghubad na din siya ng mga damit niya sa harapan ng babae. Napa "Oh" naman ng labi si Tessa sa nakitang itinatago ni Marius sa loob ng slacks nito. Itinulak ni Marius si Tessa para mapahiga sa kama. At gumapang palapit sa mukha ni Tessa at kinubabawan.
"This is life" nakangising sabi ni Marius sa sarili.
Isa lang si Tessa sa mga naging babae ni Marius. Napansin niya kasing parang pinapantasya siya ng bagong sekretarya. Limang buwan palang nagtatrabaho si Tessa sa kompanya ni Marius. Umalis kasi ng unang sekretarya niya dahil sa hindi nito nakayanan ang pakikipaghiwalay ni Marius sa kanya. Halos lahat ng sekretarya ni Marius ay naging nobya niya pero umaalis silang lahat dahil sa ugali ni Marius na ayaw sa commitment. In short, takot siyang magpatali sa isang relasyon ng matagal. Madali lang siyang magsawa sa relasyon. At hindi ang klase ng mga babaeng iyon ang gusto niyang magtali sa kanya sa isang relasyon. Yun lang hindi niya alam talaga ang tunay na gusto niya sa isang babae. Tama na sa kanya, ung seksi at magandang babae.
Kinabukasan ay nagising si Marius na katabi sa higaan si Tessa. Ginising niya ito para makaalis na ng condo niya.
"Hey wake up!" gising ni Marius kay Tessa. Kumislot ito sa higaan at inimulat ang mga mata. Nakangiti naman na binati ni Tessa si Marius.
"Good morning, Babe" malambing na bati ni Tessa kay Marius. Hahalik sana ito sa pisngi ni Marius pero iniwas nito ang mukha sa babae.
"Hindi ka pa nagsisipilyo!" iritang sabi ni Marius. Nagulat naman si Tessa sa sinabi ni Marius.
"Put on your clothes and please leave" naiinis na sabi ni Marius. Nanlaki naman ang mata ni Tessa. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng nangyari sa kanila ay basta na lang siya nito paaalisin.
"Early in the morning you are rude! What happen?!" galit na din na tanong ni Tessa.
"Nothing! I just want you to leave my condo!" bulyaw ni Marius. Tumayo naman agad si Tessa at isa isang dinampot ang mga damit sa sahig. Nagbihis na ito ng damit. Ngaun niya napatunayan na totoo ang lahat ng mga sinasabi ng kasama niya sa trabaho pati na ang kagaspangan ng ugali ni Marius at ang pagiging babaero nito.
"You will pay for it! Galit na banta ni Tessa at naglakad na paalis ng condo ni Marius.
Nakauwi na si Blessie sa bahay nila. At kasalukuyang nakahiga sa kama niya. Iniisip niya ang mga sinabi ng kaibigan niya. Tama nga naman talaga si Sarah sa mga sinabi nito sa kanya. Na ang guwapong katulad ni Marius Martini Centeno ay hindi kailanman magkakagusto sa isang katulad niyang panget. Nakakalungkot isipin na ang lalaking pinapangarap niya ay hanggang pangarap na lamang. Siguro ay kakalimutan na lamang niya ang nararamdaman para sa Boss niya. At itutuon ang atensyon sa pagtatrabaho. Bukas ng umaga ay isang panibagong araw para sa kanya. Bagong umagang para sa bagong pag-asa."Kaya mo 'to Blessie!" pampalakas ng loob na sabi nito sa sarili sabay cross finger. At nakatulog na si Blessie sa pag iisip tungkol kay Marius. "Blessie! Bumaba ka na diyan at malalate ka na sa opisina" sigaw na sabi ng Mama ni Blessie na si Aling Belinda."Opo Ma, baba na po" sagot naman ni Blessie na nagmamadaling mag asikaso sa pagpasok. Dali dali siyang bumaba ng hagdan at pumunta ng kusina para kum
Sabay na pumasok ng kompanya sina Mr. Reynaldo Centeno at Marius. May napili na ang matandang Reynaldo na bagong magiging sekretarya ng anak na si Marius. Hindi maipinta ang mukha ni Marius dahil ang Daddy nito ang pumili ng bagong sekretarya niya. Ayaw ni Marius na kontrahin ang Ama sa pagpili ng bagong sekretarya niya. Ang gusto kasing mangyari ng Daddy niya ay pumili na lamang sa mga empleyado nila. At gusto niyang kontrahin ang gusto nito kahit pa marami sa mga empleyado niyang babae ang magaganda at seksi at siya lahat ang naghire niyon except kay Blessie. Nakaupo si Mr. Reynaldo sa swivel chair ng CEO at nakaupo si Marius sa unahang upuan dahil ipinatawag na nito ang magiging bagong sekretarya ni Marius. Ang Daddy niya naman talaga ang amo sa kompanya. At pinili lang siya nito para pamahalaan ang MMC. "I'm hoping na maganda at seksi ang napili ni Daddy na bagong sekretarya ko. Katuld ng mga dati kong sekretarya na hindi lang matatalino ay magaganda at seksi pa" nakangiting naw
Araw ng Linggo, medyo tinanghali ng gising si Blessie. Late na sila nakauwi ni Sarah. Si Sarah na din ang naghatid kay Blessie dahil may sasakyan naman ito. Nagising siya na groggy ang pakiramdam niya at may hang over sa dami ng nkainom nila kagabi. Kaya ayaw niya uminom dahil hindi na niya alam ang ginagawa niya. Nagpunta siya sa banyo para magsipilyo at maghilamos ng mukha. Kailangan niya ng pampatanggal ng hang over."Ang sakit ng ulo ko, arghh!" usal ni Blessie sa sarili habang bumababa ng hagdan at lumakad papunta sa kusina. Nakita naman siya ng Mama niya na nakahawak sa ulo."Blessie, anong nangyari sayo?" nagtatakang tanong ni Mama Belinda."Wala po ito, Mama. Hang over po" sagot ni Blessie. Pumunta naman ng tokador si Mama Belinda para kumuha ng gamot sa sakit sa ulo."Maupo ka na at mag almusal" utos ng Mama ni Blessie. Sinunod ni Blessie ang ina na maupo at hinintay ang Papa niya para mag almusal. Inilagay naman ni Mama Belinda ang gamot sa mesa na katapat ni Blessie. Ang Pa
Sobrang nag enjoy si Blessie kasama si Luis kahit na parang awkward dahil nandoon din ang mga amo niyang Centeno. Nagprisinta pa kasi ito na ihatid si Blessie hanggang sa pag uwi sa bahay nila puwede naman siyang sumakay sa taxi tutal maaga pa naman.Nang makarating sila sa bahay nila Blessie ay inaya niya muna si Luis na pumasok sandali sa bahay nila. Nadatnan nila ang Mama nito na nanood ng T.V. Napalingon naman si Mama Belinda sa pumasok na si Blessie. Nagtaka siya na nasa likod ni Blessie ang isang gwapong binata. Ipinakilala ni Blessie si Luis sa Mama niyang kanina pa nakatingin dito. Marahil nagtataka ito na may lalaking kasama si Blessie at gwapo pa ito. Kaya hindi napigilan ni Mama Belinda na magtanong sa anak na si Blessie."Blessie, boyfriend mo ba itong si Luis?" usisang tanong ni Aling Belinda habang mataman na nakatingin kay Luis. Nabigla si Blessie sa tinanong ng Mama niya. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon kadiretsong magtatanong ang Mama niya kay Luis."Ma, hindi
"Blessie, hindi ka pa ba tapos magbihis?!" malakas na sigaw ni Mama Belinda sa anak."Mama, patapos na po!" sigaw ding sagot ni Blessie."Dalian mo at andito na sundo mo!" malakas pa din na sigaw ulit ni Mama Belinda."Hay! Itong batang ito talaga sobrang ang tagal magbihis" inis na sabi ni Mama Belinda sa sarili. Habang pabalik ito ng kusina. Maaga pa pero nasa bahay na nila Blessie si Luis."Luis, halika at sumabay ka na kumain sa amin" alok na sabi ni Papa Jose. Ngumiti si Luis sa Papa ni Blessie at tumayo na ito para pumunta ng kusina.Hindi na din nakatanggi si Luis at sumabay na din kumain sa mga magulang ni Blessie habang hinihintay ang dalaga. Maigi na lang at hindi na siya kinulit pa ng kanyang pinsan kagabi nuong hinatid siya nito sa bahay nila. Masyado talagang malihim ang pinsan niyang iyon. At masyado ding babaero. Samantalang siya ay nakakadalawa pa lamang na nobya sa buong buhay.Hindi niya inaasahan na magiging ganito kalalim ang mararamdaman niya para kay Blessie. Iba
Nagtataka si Blessie sa hindi pagpasok ng amo sa trabaho. Buong araw na naicancel niya lahat ng meeting ni Marius. Kanina pa din niya ito tinatawagan sa cellphone niyo. Pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Kahit ang pinsan nitong si Luis ay walang alam kung anong nangyayari kay Marius. Na lalong ipinagtaka niya. Malihim siguro ang amo niya. Kaya kahit sa sariling pinsan ay hindi it nagsasabi ng saloobin nito."Nakakamiss din pala ang parang leon kong amo. Ang tahimik ng araw ko kapag hindi niya ako sinusungitan. Pati ang pag sigaw niya sa akin nakakapanibago" usal ni Blessie sa sarili. Saka naitukod ang siko sa lamesa niya. At nakapalumbaba na nagpakawala ng buntong hininga. Buong araw na walang ginagawa si Blessie kundi ang humarap sa kanyang laptop. Tapos na kasi ang mga trabaho niya na naibigay ni Marius sa kanya nuong isang araw. At sobrang bored na siya sa kanyang desk dahil sa hindi pagpasok ng kanyang leon na amo.Sumapit ang uwian na matamlay na inililigpit ni Blessie an
Hindi mawala ang malawak na ngiti ni Luis habang tutok ang mga mata niya sa daan. Masayang masaya siya dahil sa wakas ay sila na ni Blessie. Walang katumbas ang kasiyahan niya ngayon. Hawak niya ang isang kamay ni Blessie at palaging hinahalikan ito.Namumula ang pisngi at kinikilig naman si Blessie. Alam niyang napakabilis ng mga pangyayari. At ngayon nga ay sila na ni Luis. Hindi na siya nakapag isip at hindi napigilang sagutin kaagad ang binata. It's official. May jowa na siya ngayon. Ang kauna unahang lalaking inalayan niya ng puso niya. Hindi niya alam na ganito pala ang feeling ng may nobyo. Masarap sa pakiramdam. "Masaya kaba talaga?" tanong ng sarili niyang utak. Kinapa niya ang sarili. "Very happy." sagot niya sa sariling tanong."Pero bakit ang ngiti mo hindi umabot sa mata? Kapag masaya ka. Ang ngiti mo nakaplaster na at lumalagpas pa sa mata mo" sita ng sariling isip. Napaisip si Blessie. Pagsisihan na ba niya ang naging desisyon niya? But Luis is a nice guy. At deserved
Pagkatapos nila Luis at Blessie na kumain ay umalis na din si Luis. May meeting pa daw itong dadaluhan. Kaya inabala na lamang ni Blessie ang sarili sa trabaho. Napaigtad siya ng magring bigla ang intercom.Mabilis na dinampot ni Blessie ang reciever. "Hello, Sir Marius.""Come inside my office" may diing utos na sabi ng amo niya sa kanya."Okay, Sir" mabilis na sagot ni Blessie. At ibinaba na ang telepono. Tumayo siya kaagad at kumatok sa pinto ng opisina ng amo niya."Come in" hudyat na puwede na siyang pumasok sa loob. Maliliit ang hakbang na pumasok siya sa loob ng opisina ni Marius. Kaagad siya humarap kay Marius na prenteng nakaupo sa swivel chair niya. "May kailangan po ba kayo?" seryosong nakatingin si Blessie sa amo."Yes. Step forward" sagot ni Marius. Tumango ng ulo si Blessie. Saka isang hakbang ang ginawa niya palapit kay Marius. Mataman na nakatitig lang si Marius sa kanya. Kinabahan si Blessie sa klase ng tingin ni Marius sa kanya. Animo'y isa siyang masarap na pagka