Pagkatapos nila Luis at Blessie na kumain ay umalis na din si Luis. May meeting pa daw itong dadaluhan. Kaya inabala na lamang ni Blessie ang sarili sa trabaho. Napaigtad siya ng magring bigla ang intercom.Mabilis na dinampot ni Blessie ang reciever. "Hello, Sir Marius.""Come inside my office" may diing utos na sabi ng amo niya sa kanya."Okay, Sir" mabilis na sagot ni Blessie. At ibinaba na ang telepono. Tumayo siya kaagad at kumatok sa pinto ng opisina ng amo niya."Come in" hudyat na puwede na siyang pumasok sa loob. Maliliit ang hakbang na pumasok siya sa loob ng opisina ni Marius. Kaagad siya humarap kay Marius na prenteng nakaupo sa swivel chair niya. "May kailangan po ba kayo?" seryosong nakatingin si Blessie sa amo."Yes. Step forward" sagot ni Marius. Tumango ng ulo si Blessie. Saka isang hakbang ang ginawa niya palapit kay Marius. Mataman na nakatitig lang si Marius sa kanya. Kinabahan si Blessie sa klase ng tingin ni Marius sa kanya. Animo'y isa siyang masarap na pagka
Kinabukasan ay nangingitim ang gilid ng dalawang mata ni Blessie. Alas tres na siya nang madaling araw nakatulog. Kaya naman ngayon puyat na puyat siya at gusto nang humiga sa kama niya para matulog. Buwisit na buwisit talaga siya. Kasalanan ito ng amo niya. Na walang ginawa kundi guluhin ang buong sistema niya. Bumaba na siya para mag almusal."Blessie, anong nangyari sayo?" tanong ng Mama niya sa kanya na nakatingin sa mukha niya. Napansin nito ang pangingitim ng paligid ng mata ng anak. "Wala po. Marami po kasing lamok kaya hindi ako nakatulog kagabi" pagsisinungaling na sagot ni Blessie. Sana lang ay hindi napansin ng Mama niya ang pagsisinungaling na sinabi niya.Napaawang ang labi ni Belinda. Nagtataka na tumingin sa anak."Hayaan mo mag ispray ako ng Baygon pagkauwi natin bukas galing Baguio" aniya. Tumango ng ulo si Blessie at pilit na ngumiti."Handa na ba ang mga gamit na dadalhin mo?" dugtong na tanong ni Belinda."Opo, Ma" umupo siya sa katapat ng Mama niya. At nagsimula
Masayang nagkukumpulan sila na nakapalibot sa bonfire. Ang Mama at Papa ni Blessie ay parehong nakabalot ng iisang kumot habang si Sarah ay yakap ang sarili. Pero may suot itong jacket. Si Luis ay nakaakbay kay Blessie habang ang isang kamay naman nito ay nakapalibot sa beywang ng dalaga. Habang si Marius ay nakatingin kina Luis at Blessie na umiinom ng beer.They tour around in Baguio. Nagpunta sila sa Burnham Park at Igorot Stone Kingdom. Bukas naman pupunta sila sa Botanical Garden. Ito ang unang trip ni Blessie. Kaya nag enjoy talaga siya sa pagkuha ng mga litrato. Souvenir sa mga napasyalan nilang lugar dito sa Baguio. Hindi humihiwalay si Luis sa kanya. Palagi itong nakahawak sa kamay niya o kaya ay nakaakbay.Naghihimutok ang kalooban ni Marius. Dahil kanina pa siya kating kati na kausapin si Blessie. Hindi nilulubayan ni Luis si Blessie. Paano siya makakakuha ng tiyempo na makausap ang dalaga? Kung makabakod si Luis kay Blessie. Akala mo aagawin sa kanya si Blessie."Dammit it
Madami nang naiinom na alak si Blessie. Pero ayaw pa din niyang tumigil. Tequila pa ang nilaklak niya. Lalag naman ang panga ni Sarah na nakatingin lang sa kaibigan niya. Akala mo tubig kung inumin ang tequila. Walang pakundangan din ito na kumukuha ng asin. Saka lalaklakin ang tequila. Ngayon lang niyang nakitang ganito si Blessie. Nag iinom sila. Pero hindi ganito kawild. Akala mo wala nang bukas kung uminom.Talagang iniisip pa din ng kaibigan niya ang amo niyang si Marius. Hindi na siya magtataka. Crush ni Blessie si Marius. Nuon pa man. Ngayon nahahati si Blessie. Ang boyfriend ba niya o ang ulimate crush niya? Kahit siya magiging tuliro din. Sa dalawang guwapo at binata ang nasa pagitan niya"Blessie, tama na 'yan. Lasing kana" saway ni Sarah sa kanya. Hinawakan na niya ang baso na dinadala na ni Blessie sa bibig niya. Lumingon si Blessie sa kanya. Saka ibinaba ang baso sa table. Tinanggal niya ang salamin at inilapag din sa lamesa. At muling tumingin sa kaibigan niya."Shhhh...
Naawa ang puso ni Blessie. May malaking pitak din sa puso niya si Marius. Ito ang unang lalaking minahal niya nuon. Dito siya unang nagmahal at unang nasaktan. Ngunit iba na ang sitwasyon nila ngayon. Mayroong mga taong mas masasaktan kapag itinuloy ang anomang gusto ni Marius at ang idinidikta ng puso niya. Nilapitan niya si Marius. Niyakap niya ito at hinaplos sa likod. Gumanti ng yakap na mahigpit si Marius sa kanya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Kapag ganito kalapit sa kanya ang amo. Ang kanyang first love at ang kanyang ultimate crush.Bumitaw sa yakap si Marius at humarap kay Blessie. Tinitigan niya ang mukha ng dalaga. Wala itong suot na salamin sa mata."You're beautiful without glass. Puwede ka namang mag contact lense na lang kung nahihirapan ka sa mga mata mo?" sabi ni Marius na nakapagpakaba kay Blessie.This is the first time that she hear coming from the mouth of Marius Martini Centeno. That she is beautiful. Pumalakpak ang mga tenga niya. Lumipad ang mga par
"What is this Blessie?!" nakatiim bagang na tanong ni Luis sa kanya. Halos mapapikit ng mata si Blessie sa lakas ng sigaw ni Luis.Tumunghay ng ulo si Blessie. Malungkot na tumingin sa mga mata ni Luis. "I'm sorry. Hindi ko naman alam na dinala ako ng pinsan mo sa condo niya," pagdadahilan ni Blessie"Hindi mo alam?! Kung di sana tinawagan mo ako. Sana alam ko na andoon ka sa bar at sinamahan kitang mag inom. Kahit magpakalunod ka pa, Blessie! Hindi iyong gagawa ka ng bagay na gusto mo lang. Pagkatapos hindi mo sasabihin sa akin!"Napabuga ng hangin ni Luis. Saka nakapamaeywang na nakaharap kay Blessie. Halatang pinipigilan ang galit. Tinititigan lang niya ang dalaga. Halata ang takot sa mga mata mga mata ni Blessie."I want you to filed resignation in MMC! I want it, now! Ayoko nang magtrabaho ka pa ulit sa kompanya ni Marius! Ayoko nang makita kapang kasama ng pinsan ko. Sundin mo naman ako, please. Kung mahal mo ako. Sundin mo ang gusto kong mangyari," dagdag na sabi ni Luis.Nanla
Umuwi si Blessie na umiiyak. Nadaanan niya ang Mama at Papa niya. Pero hindi niya binati ang mga ito."Blessie" tawag ng Mama niya sa kanya. Hindi pinansin ang pagtawag ng Mama niya. At dire-diretsong tumakbo si Blessie papunta sa kuwarto niya."Anong nangyari sa anak natin, Jose?" nag-aalalang sabi ni Belinda. Inalo naman ni Jose ang asawa."Hayaan mo kakausapin ko ang bunso natin" sagot ni Jose sa asawa.Humahagulgol nang iyak na nakadapa si Blessie sa kanyang kama. "Niloko nila ako." tinanggal ni Blessie ang kanyang salamin sa mata."Blessie, Anak. Pakibukas ang pintuan" katok ni Jose sa pinto ng kuwarto ni Blessie.Agad na pinunasan ni Blessie ang mga luha niya. Saka pinuntahan ang pinto at pinagbuksan ang ama. *Papa, bakit po?""Puwede bang pumasok sa kuwarto mo?" pakiusap ni Jose kay Blessie. Niluwagan ni Blessie ang pagkakabukas ng pinto. Pumasok si Jose at umupo sa kama. Tinapik nj Jose ang tabi niya. Senyas na umupo si Blessie sa tabi niya. Umupo si Blessie. At agad inakbaya
Iniisip pa din ni Marius ang mga sinabi ni Luis. Hindi kaya— Totoo iyon? Hindi naman siguro magpapakalasing si Luis ng todo kung walang nangyari ng hindi maganda.Si Blessie lang ang makakasagot ng mga tanong niya. Bukas na bukas ay aalamin niya ang nangyari. Kung sila pa ba ni Luis?Hindi dinalaw nang antok si Marius sa sobrang pag-iisip. Sa kaiisip kay Blessie. Ngayon palang nasasabik na siyang makausap si Blessie. Hindi na siya makapaghintay sa umaga na muling makikita si Blessie. Sana lang ay bumalik siya sa kompanya at muling maging sekretarya niya. Kapag nangyari na bumalik si Blessie. Laking tuwa niya kapag nakita niyang muli si Blessie sa loob ng opisina niya.Maaga lang nagising si Blessie. Simula nuong maghiwalay sila ni Luis. Hindi na siya nakakatulog nang maayos. Palaging bumabalik sa isipan niya ang tagpong iyon nina Luis at Sarah. Naiimagine niya ang lahat. Sobrang trauma ang naiwan nito sa kanya.Pagkababa ni Belinda sa sala ay nadatnan na niya si Blessie na nagkakape s