Iniisip pa din ni Marius ang mga sinabi ni Luis. Hindi kaya— Totoo iyon? Hindi naman siguro magpapakalasing si Luis ng todo kung walang nangyari ng hindi maganda.Si Blessie lang ang makakasagot ng mga tanong niya. Bukas na bukas ay aalamin niya ang nangyari. Kung sila pa ba ni Luis?Hindi dinalaw nang antok si Marius sa sobrang pag-iisip. Sa kaiisip kay Blessie. Ngayon palang nasasabik na siyang makausap si Blessie. Hindi na siya makapaghintay sa umaga na muling makikita si Blessie. Sana lang ay bumalik siya sa kompanya at muling maging sekretarya niya. Kapag nangyari na bumalik si Blessie. Laking tuwa niya kapag nakita niyang muli si Blessie sa loob ng opisina niya.Maaga lang nagising si Blessie. Simula nuong maghiwalay sila ni Luis. Hindi na siya nakakatulog nang maayos. Palaging bumabalik sa isipan niya ang tagpong iyon nina Luis at Sarah. Naiimagine niya ang lahat. Sobrang trauma ang naiwan nito sa kanya.Pagkababa ni Belinda sa sala ay nadatnan na niya si Blessie na nagkakape s
Umuwi si Marius sa bahay ng magulang niya. He need them. Kailangan niya nang makakausap at mahihingahan ng sama ng loob."Marius?" nagtatakang sambit ni Marina."Mom" nasabi ni Marius at agad yumakap sa ama. Para itong batang umiiyak sa balikat ng ina. Hinaplos ni Marina ang buhok ng anak."Come inside." aya ni Marina sa anak. Bumitaw si Marius sa pagkakayakap sa ina at pinunasan ang mga luha niya sa kanyang mata.Pumasok si Marina, kasunod ang anak niyang si Marius. Inalok niyang maupo muna ito at ipagtitimpla niya lang ng kape ang bunsong anak. May pakiramdam siyang may problema si Marius. Hindi susuhod ng gabing gabi sa bahay ang anak. Kung walang iniinda na problema. Ilang sandali pa ay bumalik si Marina sa sala tangan ang kape. At ibinigay kay Marius. Umupo siya sa tabi ni Marius. "Tell me what happen? May problema ba sa kompanya mo? May malaking problema ka bang bumabagabag sayo, Anak?" nag-aalalang mga tanong ni Marina. Ngayon lang napasugod si Marius sa bahay nila ng dis ora
Pagkagaling ni Blessie sa saloon ay dumiretso na siya pauwi nang bahay nila. Magaan ang pakiramdam niyang nabago ang itsura niya. Hindi na siya ang dating si Blessie na pangit. Hindi na din siya isang "Hipon". Tinatawanan na nga niya ngayon na may mga tao nang humahanga sa kanya kanina. Habang naglalakad pauwi nang bahay nila. "Mama! Papa! Andito na po ako." tawag niya sa magulang niya. Pabagsak na naupo sa sopa. Lumalapit ang Mama niya sa kanya.Napaawang ang labi nito at mas inilapit pa ang mukha para matitigan ang mukha nang babaeng ngayon lang nakita. Napatakip ng kanyang bibig si Belinda."Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa loob ng aming bahay? Trespassing ka! Hala, tumayo ka diyan! Lumabas ka ngayon din nang aming pamamahay. Kung hindi tatawag ako nang pulis. Ipapakulong kita. Basta ka na lang pumapasok sa bahay nang may bahay." galit na taboy ni Belinda sa pag-aakalang may ibang taong nakapasok sa loob ng kanilang bahay.Napanganga si Blessie sa tinuran ng ina sa kanya. "Ma, a
Inihinto ni Marius ang kotse niya sa tapat ng bahay nina Blessie. Tinatanggal na ni Blessie ang seatbelt na nakakabit sa kanya. Nang pigilan ito ni Marius."Can we talk? Sandali lang."Napatingin si Blessie kay Marius. "Ano naman ang pag-uusapan natin, Sir Marius?""Stop calling me Sir. Wala na tayo sa opisina. Gusto ko lang malaman kung bakit nagbago ang isip mo. Ang hirap talagang basahin ang nasa utak mo, Blessie."Napairap si Blessie. At tumingin kay Marius ng nakakaloko. "Kahit na amo pa din kita. Saka hindi mo na kailangan pang malaman lahat ng iniisip ko. Bumalik na ako sa pagiging sekretarya mo. Hindi ka pa din ba masaya doon?""But you aren't the same Blessie I know. Masyado ka nang palaban. Isang araw ka na sa opisina ko. Masyado mataas na ang pride mo. Mataray, masungit at hindi palangiti.""Walang patutunguhan iyong pinag uusapan natin, Sir Marius." diin nito sa huling kataga."Hindi na ba talaga kita mapapaamo sa akin, Blessie? Do I'm not attractive to you? Parang ang bab
Umalis din kaagad si Luis pagkatapos nila mag usap. Agad na sinundan ni Marius si Blessie sa banyo. Nasa may pintuan pa lang ay dinig na ni Marius ang mga pag iyak ni Blessie."Blessie, please open the door," katok ni Marius sa pintuan."Please, gusto ko munang mag isa. Hayaan mo muna ako, Sir Marius," sagot ni Blessie na umiiyak pa din."Buksan mo ang pinto at mag usap tayo. Puwede mo naman sabihin sa akin ang lahat. Please, open the door," pamimilit ni Marius.Walang narinig na sagot si Marius. Maya maya ay narinig niya ang pagpihit ng pintuan. Nabuksan ang pinto at naawa si Marius sa nakitang mga luha sa mga mata ni Blessie. Inilahad ni Marius ang kanyang kamay. Kinuha iyon ni Blessie. At iginiya siya ni Marius pabalik sa kanyang opisina.Pinaupo ni Marius si Blessie sa sopa. Kumuha siya ng tubig at ibinigay sa dalaga. Lumuhod siya sa harapan ni Blessie para mapatayan ito."Do you want to go home? And take some rest. Puwede ka namang bumalik dito sa opisina. Kaoag okay ka na," mala
Namangha si Blessie sa paligid. Ang ganda ng tanawing nakikita niya at sariwa ang hangin. Maraming puno at kita ang bughaw na kalangitan. Sa baba naman ay makikita ang mga bahay at sa malayo ay ang Taal Volcano na bapapaligiran ng tubig."Do you like it here?" tanong ni Marius nang makalapit siya kay Blessie. Tumango nang ulo si Blessie na hindi humaharap kay Marius. Lahat nang makita niya ay namamangha siya sa sobrang ganda."Ang ganda dito at ang tahimik ng lugar na ito. Parang gusto kong dito na tumira," sabi pa ni Blessie. Nakikita niya na perfect place ang lugar na ito para tirhan."Really?" hindi makapaniwalang tanong ni Marius. Mas lumapit pa siya kay Blessie. Itinukod ang kamay sa bakod na nakapalibot sa buong lugar. Ramdam ni Blessie ang katawan ni Marius sa kanyang likuran."Oo. Naisip ko lang na dito walang polusyon. Walang ingay ng mga sasakyan. Walang masyadong kapitbahay. I mean hindi lapit lapit ang bahay. May katahimikan ka at may privacy." rason ni Blessie. Mas inila
Walang kibuan sina Marius at Blessie habang binabagtas ang daan papunta sa bahay nina Blessie. Nagpapakiramdaman silang dalawa. Pagkatapos ng insidente ng halikan nila kanina ay nagkailangan na silang dalawa. Hindi na nagtangka pang tumingin si Blessie kay Marius. Inihinto ni Marius ang sasakyan niya sa gilid ng daan. Hindi napansin ni Blessie na nasa tapat na sila nang bahay nina Blessie. Bubuksan na sana ni Blessie ang pintuan nang hawakan ni Marius ang kamay kamay niya."Can we talk?""Bukas na tayo mag usap, Sir Marius. Pagod na ako," iwas na sagot ni Blessie. Hindi siya tumitingin sa mga mata ni Marius."May gusto lang akong linawin. Sana hindi mo masamain 'yong halik kanina," sabi ni Marius. Mali siya na ginawa niya iyon. Alam niyang nagpapanggap lang sila."Sa opisina na lang tayo mag usap." pag iiwas pa ni Blessie."Okay. Goodnight, Baby. And see you tomorrow sa office," may lungkot na sabi ni Marius. Talagang iniiwasan ni Blessie na pag usapan ang tungkol sa kanila.Siya na
Trenta minutos nang inianunsiyo ng piloto na maglanding na ang eroplano. Nag antanda si Blessie. Saka kumapit nang mahigpit sa upuan. Mariin siyang napapapikit. Nagtaka siya nang may mainit na kamay na pumatong sa kanyang kamay. Napamulat siya nang mata. Nasilayan ang guwapong mukha ni Marius. Napatitig siya at biglang nagrambulan ang pagtibok ng puso niya.Napahawak siya sa dibdib niya na hindi inaalis ang tingin kay Marius. Naramdaman na niya ang pagbaba ng eroplanong sinasakyan nila."See, nawala ang takot mo. Next time sabihin mo sa akin para akong bahala." narinig niyang usal ni Marius. May matamis na ngiti itong lumabas sa labi.Naihilig ni Blessie ang kanyang ulo. Nagitla siya nang hinila ni Marius ang kamay niya patayo.Lumapit ang stewardess sa kanila. "Goodbye, Sir, Ma'am. And take care." tumango at ngumiti lamang silang dalawa ni Marius. Iginiya na sila sa pinto. Tila nawala sa isip ni Blessie na hawak pa din ni Marius ang kamay niya.Pagkalabas nila nang airport ay may sum