Umalis din kaagad si Luis pagkatapos nila mag usap. Agad na sinundan ni Marius si Blessie sa banyo. Nasa may pintuan pa lang ay dinig na ni Marius ang mga pag iyak ni Blessie."Blessie, please open the door," katok ni Marius sa pintuan."Please, gusto ko munang mag isa. Hayaan mo muna ako, Sir Marius," sagot ni Blessie na umiiyak pa din."Buksan mo ang pinto at mag usap tayo. Puwede mo naman sabihin sa akin ang lahat. Please, open the door," pamimilit ni Marius.Walang narinig na sagot si Marius. Maya maya ay narinig niya ang pagpihit ng pintuan. Nabuksan ang pinto at naawa si Marius sa nakitang mga luha sa mga mata ni Blessie. Inilahad ni Marius ang kanyang kamay. Kinuha iyon ni Blessie. At iginiya siya ni Marius pabalik sa kanyang opisina.Pinaupo ni Marius si Blessie sa sopa. Kumuha siya ng tubig at ibinigay sa dalaga. Lumuhod siya sa harapan ni Blessie para mapatayan ito."Do you want to go home? And take some rest. Puwede ka namang bumalik dito sa opisina. Kaoag okay ka na," mala
Namangha si Blessie sa paligid. Ang ganda ng tanawing nakikita niya at sariwa ang hangin. Maraming puno at kita ang bughaw na kalangitan. Sa baba naman ay makikita ang mga bahay at sa malayo ay ang Taal Volcano na bapapaligiran ng tubig."Do you like it here?" tanong ni Marius nang makalapit siya kay Blessie. Tumango nang ulo si Blessie na hindi humaharap kay Marius. Lahat nang makita niya ay namamangha siya sa sobrang ganda."Ang ganda dito at ang tahimik ng lugar na ito. Parang gusto kong dito na tumira," sabi pa ni Blessie. Nakikita niya na perfect place ang lugar na ito para tirhan."Really?" hindi makapaniwalang tanong ni Marius. Mas lumapit pa siya kay Blessie. Itinukod ang kamay sa bakod na nakapalibot sa buong lugar. Ramdam ni Blessie ang katawan ni Marius sa kanyang likuran."Oo. Naisip ko lang na dito walang polusyon. Walang ingay ng mga sasakyan. Walang masyadong kapitbahay. I mean hindi lapit lapit ang bahay. May katahimikan ka at may privacy." rason ni Blessie. Mas inila
Walang kibuan sina Marius at Blessie habang binabagtas ang daan papunta sa bahay nina Blessie. Nagpapakiramdaman silang dalawa. Pagkatapos ng insidente ng halikan nila kanina ay nagkailangan na silang dalawa. Hindi na nagtangka pang tumingin si Blessie kay Marius. Inihinto ni Marius ang sasakyan niya sa gilid ng daan. Hindi napansin ni Blessie na nasa tapat na sila nang bahay nina Blessie. Bubuksan na sana ni Blessie ang pintuan nang hawakan ni Marius ang kamay kamay niya."Can we talk?""Bukas na tayo mag usap, Sir Marius. Pagod na ako," iwas na sagot ni Blessie. Hindi siya tumitingin sa mga mata ni Marius."May gusto lang akong linawin. Sana hindi mo masamain 'yong halik kanina," sabi ni Marius. Mali siya na ginawa niya iyon. Alam niyang nagpapanggap lang sila."Sa opisina na lang tayo mag usap." pag iiwas pa ni Blessie."Okay. Goodnight, Baby. And see you tomorrow sa office," may lungkot na sabi ni Marius. Talagang iniiwasan ni Blessie na pag usapan ang tungkol sa kanila.Siya na
Trenta minutos nang inianunsiyo ng piloto na maglanding na ang eroplano. Nag antanda si Blessie. Saka kumapit nang mahigpit sa upuan. Mariin siyang napapapikit. Nagtaka siya nang may mainit na kamay na pumatong sa kanyang kamay. Napamulat siya nang mata. Nasilayan ang guwapong mukha ni Marius. Napatitig siya at biglang nagrambulan ang pagtibok ng puso niya.Napahawak siya sa dibdib niya na hindi inaalis ang tingin kay Marius. Naramdaman na niya ang pagbaba ng eroplanong sinasakyan nila."See, nawala ang takot mo. Next time sabihin mo sa akin para akong bahala." narinig niyang usal ni Marius. May matamis na ngiti itong lumabas sa labi.Naihilig ni Blessie ang kanyang ulo. Nagitla siya nang hinila ni Marius ang kamay niya patayo.Lumapit ang stewardess sa kanila. "Goodbye, Sir, Ma'am. And take care." tumango at ngumiti lamang silang dalawa ni Marius. Iginiya na sila sa pinto. Tila nawala sa isip ni Blessie na hawak pa din ni Marius ang kamay niya.Pagkalabas nila nang airport ay may sum
Hindi nagpaalam si Marius kay Blessie nang pumunta sa stage. Nakatanga lang din siya kay Marius na naglalakad palayo sa kanya.Bagay na bagay dito ang suot nitong tuxedo. Kita ang tikas nang katawan ng binata. Guwapo talaga. Kaya maraming nahuhumaling. At isa na siya sa mga babaeng iyon. Pero, nuon 'yun. Hindi na ngayon. Nasa isip ni Blessie. Totoo na bang nuon 'yun o hanggang ngayon pa din? Umamin ka na..."Good afternoon everyone. Thank you for coming in this special day of ours. May I call in my fiance, Blessilda Magsino." namilog ang mga mata ni Blessie sa pagkabigla. Hindi siya nakagalaw sa kanyang kinauupuan. "Baby, come here." malambing na paanyaya ni Marius sa kanya. "Baby, please join me here." pakiusap pa nito. Nakatingin lang ito sa kanya. Hindi alam ni Blessie ang gagawin. Inilinga niya ang mata sa paligid. Napuno ang buong hall nang mga tao mula sa mayayaman. Para siyang nanliliit sa lahat ng mga taong andito na nakatingin sa kanya.Napasinghap si Blessie nang may humawak
Ilang oras na nang nasa unit ni Blessie ang binatang si Marius. Dumating na ang pagkain na inorder nito. Gaya nang napag usapan nila kanina. Sabay silang kakain ng hapunan."Bakit ang dami mong inorder na pagkain? Dadalawa lang tayo. Mauubos mo ba lahat 'yan?" tanong ni Blessie na matiim na nakatingin kay Marius. Nakaupo lang ang binata na nakahalukipkip. "We will eat all of this food. Wala akong pakialam kung busog ka na. Basta, uubusin natin 'to." may pinal na sagot ni Marius sa kanya. Namilog ang mata ni Blessie."Hindi ko kayang ubusin 'yan. Baka ikaw.. Kaya mong uubusin lahat ito." mariing tanggi ni Blessie. "Kumain ka lang nang kumain, Blessie. Tignan mo nga 'yang katawan mo. Ang payat payat. Baka pinababayaan mo na ang sarili mo at palaging dieta ka. Hindi mo na kailangan na magpasexy. Gusto pa din kita. Kahit tumaba ka pa. At kahit ano pa ang itsura mo. Mamahalin pa din kita." seryosong sabi ni Marius. Matiim siyang nakatingin kay Blessie.Pinagkrus ni Blessie ang kanyang ka
Dinala si Blessie ni Marius sa isang sikat na pasyalan sa Davao. Ang Malagos Garden Resort. Laking tuwa ni Blessie ng makita ang buong paligid sa resort. First time niyang makapunta sa ganitong lugar. Sa Baguio pa lang naman ang unang pinuntahan niyang lugar. Ni minsan ay hindi pa siya ay hindi pa siya nakapag bakasyon sa ganito kaganda na lugar. Napakaganda, sariwa ang hangin at ang aliwalas sa paningin ng maalon at asul na dagat. Parang gusto niyang dito na lang pansamantala mamalagi. Napakatahimik at simple lang ang buhay. Malayo sa lahat ng ingay at gulo sa siyudad.Napasinghap si Blessie nang may yumakap sa kanyang beywang mula sa likuran. Ramdam niya ang init ng katawan nito sa kanyang likod. Tumatama din ang mainit na hangin mula sa ilong ng bintana. Hinawakan niya ang mga brasong nakapulupot sa kanyang beywang. "Do you like the view?" tanong ni Marius sa kanya at isiniksik pa ang mukha sa leeg ni Blessie. Sinisinghot ang mabangong amoy sa kanyang leeg. Nakikiliti ang dalaga
NASA labas pa din siya ng bahay nina Blessie. Bigla naman tumunog ang phone niya. Si Blessie. Mabilis niyang sinagot ang tawag at itinapat sa tenga niya."Marius,""Blessie, where are you? Kanina pa ako naghihintay sayo sa opisina. Kung nasaan ka, sabihin mo para mapuntahan kita. Hindi ka ba papasok? Maysakit ka ba? Baaka napagod ka sa pagpunta natin sa Davao?" puno ng pag-aalalang mga tanong ni Marius sa kabilang linya.Naririnig niya ang mga malalim na paghinga ni Blessie."Puwede ba tayong mag-usap? Wala ako sa bahay ngayon. Isend ko ang address kung nasaan ako," ramdam ni Marius ang lungkot sa boses ni Blessie."Mukha seryoso 'yan. Sige, pupunta ako."Nang magpaalam si Blessie ay pinatay na nito ang tawag. Nagtataka si Marius sa naging gawi ni Blessie. Parang maayos pa naman sila noong ihatid niya ito sa bahay nila. Bakit bigla ang pagbabago ng pakitutungo ng dalaga sa kanya?Binuhay niya ang makina ng kotse niya at agad na umalis sa harapan ng bahay nina Blessie.Nakuha na niya a