NASA labas pa din siya ng bahay nina Blessie. Bigla naman tumunog ang phone niya. Si Blessie. Mabilis niyang sinagot ang tawag at itinapat sa tenga niya."Marius,""Blessie, where are you? Kanina pa ako naghihintay sayo sa opisina. Kung nasaan ka, sabihin mo para mapuntahan kita. Hindi ka ba papasok? Maysakit ka ba? Baaka napagod ka sa pagpunta natin sa Davao?" puno ng pag-aalalang mga tanong ni Marius sa kabilang linya.Naririnig niya ang mga malalim na paghinga ni Blessie."Puwede ba tayong mag-usap? Wala ako sa bahay ngayon. Isend ko ang address kung nasaan ako," ramdam ni Marius ang lungkot sa boses ni Blessie."Mukha seryoso 'yan. Sige, pupunta ako."Nang magpaalam si Blessie ay pinatay na nito ang tawag. Nagtataka si Marius sa naging gawi ni Blessie. Parang maayos pa naman sila noong ihatid niya ito sa bahay nila. Bakit bigla ang pagbabago ng pakitutungo ng dalaga sa kanya?Binuhay niya ang makina ng kotse niya at agad na umalis sa harapan ng bahay nina Blessie.Nakuha na niya a
MAGDAMAG na nag inom si Marius sa kanyang condo. Masama ang loob niya na iniwan siya ni Blessie. 'Di man lang nito inalam ang lahat sa kanya."Mahal na mahal kita, Blessie. Sana binigyan mo ako ng chance to explain everything. Hindi 'yong basta basta aalis ka na walang paalam!" Hinanakit niyang malakas na sigaw.Why should she leave? Puwede nilang pag usapan. Kung anuman ang narinig niya ay hindi narinig ni Blessie ng buo.Umaga nang magising si Marius dahil sa tunog ng kanyang phone. Nakatulog pala siya sa sahig dahil sa sobrang kalasingan.Pupungas pungas pa siyang bumango. At kinuha ang phone sa bulsa ng kanyang pantalon."Yes," pagalit na sabi niya sa knilang linya."Sir, dinala po si Miss Blessie sa probinsya. Nasa Isabela po nakatira ang Lola ni Ma'am," imporma ng inutusan niyang mag imbestiga sa pamilya ng dalaga.Napatayo bigla si Marius. "Send to me the address. Ako ang pupunta at haharapin ko si Blessie. Thank you sa info." Saka pinatay ang tawag.Nagmamadaling siyang pumunt
UMABOT na ang gabi, hindi pa rin umuuwi sina Blessie. Naiinip na si Marius sa paghihintay sa dalaga. Lumalapit naman si Lola Remedios sa kanya. Inilapag nito ang isang tasa ng kape sa lamesita."Inumin mo para hindi ka antukin. Baka nagkasayahan pa ang mga iyon kaya late na uuwi. Alam mo matagal na hindi napasyal ang apo kong 'yon dito sa Aurora. At namiss nila ni Andrew ang isa't isa."Napaayos ng upo si Marius. Naiinip na rin siya at inaantok na. Napagod siya sa mahabang biyahe niya kanina habang papunta sa Isabela."Hijo, magkape ka muna. Mukhang napasarap sa pamamasyal ang apo ko at hindi kaagad nakauwi," sabi ni Lola Remedios at inilapag ang tasa ng kape sa center table na kahoy."Salamat po, 'la."Nakangiting tumango naman ang matanda sa binata.'Wag kang mag alala dahil hindi pababayaan ni Andrew si Blessie. Magkababata ang dalawang 'yon. At kilala kong mabait na bata si Andrew. Naasahan ko nga sa manggahan, ako lang naman mag isa rito sa bahay.""Okay po, 'la. Pero gabing gabi
"ILANG beses ko nang narinig 'yan, Marius? Simula kay Luis at pari sa'yo. Katulad ka rin ng pinsan mo na manloloko! Wala na akong tiwala sayo at kahit kailan 'di kita minahal!" Pagkasabi niyon ni Blessie ay tumalikod siya sa binata. Ikinukubli ang pagdaloy ng masaganang luha sa mata.Natigilan si Marius. Wala nga silang pinagkaiba ni Luis, na walang ginawa kundi ang manakit ng mga babae. Iyon lamang ay nagbago siya, mula 'nong mabuo maging fake girlfriend niya si Blessie. Wala na siyang ibang babaeng ninais kundi ang dalaga na lamang."I'm sorry. Hayaan mo muna akong magpaliwanag, Blessie. Hindi totoo lahat ng narinig mo. Totoong sinabi ko 'yon pero hindi mo narinig ang buo naming pinag usapan ni Luis."Si Andrew ang lumapit kay Marius at mahinahon niya ng kinausap ang binata."Pare, try to understand, Blessie. Nasasaktan siya. Mas maganda na bigyan mo ng pagkakataon na maging mahinahon muna siya bago mo siya kausapin." Napatingin si Andrew sa gawi ng kaibigan niya. Umiiyak pa rin ito
PAGKALABAS ni Blessie ng bahay ay may napansin siyang kotse sa harapan ng bahay nila. Mukhang mamahalin. Sinilip pa niya kung may tao sa loob. Nang biglang bumukas ang pinto."Marius?!""Good morning, love. Nagising ba kita?" Todo ang ngiti ni Marius na binati siya."What are you still doing here? Di ba, umuwi ka na kagabi?"Mabilis na umiling si Marius. "Sinabi ko na kagabi na hindi ako uuwi ng Manila na hindi ka kasama," ang sabi nito na seryosong tumingin kay Blessie.Napairap si Blessie. "Hindi nga ako sasama sayo pabalik sa Manila. Kaya mauna ka na umuwi. Sige na, alis na!" Taboy nito sa binata.Nagyuko ng ulo si Marius. Gan'on na lang siya ipagtabuyan ni Blessie. Para lang siyang hindi kilala nito at parang pinandidirihan."Puwede bang kumain muna ako? Nagugutom na kasi ako. May pagkain ba d'yan?" biglang natanong ni Marius saka hinimas ang tiyan na ipinapahiwatig na masakit ang tiyan dahil sa gutom."Ang yaman yaman mo, hindi ka makabili ng pagkain mo. Hala, sige! Pumasok ka sa
HINDI rin nakakain ng maayos si Marius. Iniisip niya ang dalagang galit na galit pa rin magpahanggang ngayon sa kanya. Pumunta siya sa sala, magpapaalam siya kay Lola Remedios na aalis na muna. Palalamigin n'ya muna ang ulo ni Blessie.Napatigil siya nang makita niyang nakaupo sa upuan ang dalaga. Naglakad siya palapit kay Blessie at umupo sa tabi nito."Akala ko umalis ka na. Di ba sabi mo may sarili kang lakad?" walang ano ano ay tanong niya kay Blessie.Narinig ni Marius ang pagsinghot nito. Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Blessie. Nagdiwang ang loob niya ng 'di nagreklamo ito nang hawakan niya. Saka iniharap sa kanya."Bakit ka umiiyak? Hindi ko naman sinabi na umiyak ka, Blessie. I want to always see you happy. I'm sorry kung mali ang narinig mo. Sinabi ko lang talaga na hindi kita mahal na niloloko kita dahil kinukulit ako ni Luis. Gusto ko lang na tigilan niya ako at gusto ka niyang agawin sa 'kin. Sa akin ka lang, di ba, Blessie?"Napaismid si Blessie. "Sinabi ko ba n
HAWAK kamay na lumabas ng bahay sina Marius at Blessie. Pupunta sila sa malapit na mall sa kanila para bumili ng ilang damit ng binata. Nagsabi ito na mag-stay pa sa probinsya ang binata ng ilang araw."Ano bang gusto mong bilhin?" tanong ni Blessie. Nasa loob na sila ng kotse ni Marius."Marami. I want to buy everything for you to make you happy. Kahit doon lang maramdaman mong mahalaga ka sa 'kin.""Anong akala mo sa akin materialistic na babae? Marius, binuhay ako ng mga magulang ko na pinagsisikapan ang lahat ng ibinibigay sa akin. Kumakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Hindi rin kami tinuruan nila mama at papa na manghingi." Kontra ni Blessie sa sinabi ng nobyo.Natawa si Marius saka kinabig ng yakap ang dalaga. "Nagbibiro lang ako. Masyado ka namang seryoso."Hinampas ng mahina ni Blessie sa braso si Marius. "Huwag mo kasi akong igaya sa mga girlfriends mo. With 'S' na 'yan dahil alam ko na marami sila.""Sorry na. Nagseselos ka na ba niyan, ha?"Kumawala si Blessie sa ya
"ONE room for two people. And I want an executive suite," sabi ni Marius sa babae na nasa lobby ng hotel."Name, sir?""Marius Martini Centeno." Napaangat ang tingin ng babae at napatitig sa kanya. "Why? May dumi ba ang mukha? Parang hindi ka kumbinsido na ako si Marius Centeno. Call your manager, I want to talk to him." Galit na utos ni Marius. Iniisip siguro ng receptionist na wala siyang pambayad sa pinakamahal na suite nila.Naalarma naman si Blessie sa nakikitang galit sa nobyo niya. "Kumalma ka. Kunin mo na ang card mo at ipamukha mo sa babaeng 'yan. Kung tumingin akala mo kakainin ka ng buhay!" Sabay napa-roll ang kanyang mata. Hindi sa nagyayabang sila. Sa asta ng babae, akala nito walang pambayad si Marius.Kinuha ni Marius ang kanyang ID at gold card at ibinigay sa babae. Tinignan at binasa naman iyon ng babaeng kaharap."Sorry po, sir. Ibabalik ko na po ang card niyo. Enjoy your stay here in Palace Hotel," nakangiti ng saad ng babae at ibinigay ang susi ng suite. Masamang