HINDI rin nakakain ng maayos si Marius. Iniisip niya ang dalagang galit na galit pa rin magpahanggang ngayon sa kanya. Pumunta siya sa sala, magpapaalam siya kay Lola Remedios na aalis na muna. Palalamigin n'ya muna ang ulo ni Blessie.Napatigil siya nang makita niyang nakaupo sa upuan ang dalaga. Naglakad siya palapit kay Blessie at umupo sa tabi nito."Akala ko umalis ka na. Di ba sabi mo may sarili kang lakad?" walang ano ano ay tanong niya kay Blessie.Narinig ni Marius ang pagsinghot nito. Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Blessie. Nagdiwang ang loob niya ng 'di nagreklamo ito nang hawakan niya. Saka iniharap sa kanya."Bakit ka umiiyak? Hindi ko naman sinabi na umiyak ka, Blessie. I want to always see you happy. I'm sorry kung mali ang narinig mo. Sinabi ko lang talaga na hindi kita mahal na niloloko kita dahil kinukulit ako ni Luis. Gusto ko lang na tigilan niya ako at gusto ka niyang agawin sa 'kin. Sa akin ka lang, di ba, Blessie?"Napaismid si Blessie. "Sinabi ko ba n
HAWAK kamay na lumabas ng bahay sina Marius at Blessie. Pupunta sila sa malapit na mall sa kanila para bumili ng ilang damit ng binata. Nagsabi ito na mag-stay pa sa probinsya ang binata ng ilang araw."Ano bang gusto mong bilhin?" tanong ni Blessie. Nasa loob na sila ng kotse ni Marius."Marami. I want to buy everything for you to make you happy. Kahit doon lang maramdaman mong mahalaga ka sa 'kin.""Anong akala mo sa akin materialistic na babae? Marius, binuhay ako ng mga magulang ko na pinagsisikapan ang lahat ng ibinibigay sa akin. Kumakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Hindi rin kami tinuruan nila mama at papa na manghingi." Kontra ni Blessie sa sinabi ng nobyo.Natawa si Marius saka kinabig ng yakap ang dalaga. "Nagbibiro lang ako. Masyado ka namang seryoso."Hinampas ng mahina ni Blessie sa braso si Marius. "Huwag mo kasi akong igaya sa mga girlfriends mo. With 'S' na 'yan dahil alam ko na marami sila.""Sorry na. Nagseselos ka na ba niyan, ha?"Kumawala si Blessie sa ya
"ONE room for two people. And I want an executive suite," sabi ni Marius sa babae na nasa lobby ng hotel."Name, sir?""Marius Martini Centeno." Napaangat ang tingin ng babae at napatitig sa kanya. "Why? May dumi ba ang mukha? Parang hindi ka kumbinsido na ako si Marius Centeno. Call your manager, I want to talk to him." Galit na utos ni Marius. Iniisip siguro ng receptionist na wala siyang pambayad sa pinakamahal na suite nila.Naalarma naman si Blessie sa nakikitang galit sa nobyo niya. "Kumalma ka. Kunin mo na ang card mo at ipamukha mo sa babaeng 'yan. Kung tumingin akala mo kakainin ka ng buhay!" Sabay napa-roll ang kanyang mata. Hindi sa nagyayabang sila. Sa asta ng babae, akala nito walang pambayad si Marius.Kinuha ni Marius ang kanyang ID at gold card at ibinigay sa babae. Tinignan at binasa naman iyon ng babaeng kaharap."Sorry po, sir. Ibabalik ko na po ang card niyo. Enjoy your stay here in Palace Hotel," nakangiti ng saad ng babae at ibinigay ang susi ng suite. Masamang
NAGMAMADALING pumunta ng banyo si Blessie. Sasamantalahin niyang maligo habang wala pa si Marius.Habang si Marius ay nasa lobby at kausap ang babaeng ininsulto siya. Magpapahanap lang siya ng mauutusan na bumili ng mga damit nila ni Blessie. Balak niyang mag-stay sa Baguio ng tatlong araw. Ito ang kanilang unang out of town date ni Blessie bilang opisyal na magkasintahan."Ah, miss, pakisabi sa uutusan mo na puntahan ako sa suite namin. At saka oorder na rin ako ng pagkain para sa amin ng girlfriend ko.""Sige po, sir. Papuntahin ko na lang po ang staff namin," sabi ng babae.Tumango si Marius at lumabas sandali para masilip ang panahon sa labas. Medyo kumulimlim. Nagbabadya pa atang umulan.Nakatapos na maligo si Blessie. Naka-roba lang siya dahil wala siyang pangalawang damit. Naupo siya sa kama at kinuha ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng suot na pantalon. Grabe rin mag-aya si Marius ng lakad, pabigla bigla. Wala siyang naihanda.Isa lang ang ikinakatakot niya, baka malaman ng
NATIGILAN si Blessie. Hindi isa kundi dalawa ang bisita nila ni Marius na madatnan niya sa sala. Pero parang namumukhaan niya ang babae."Miss, 'di ba, ikaw iyong nasa lobby? Sa may reception?" tanong ni Blessie. Nakamulsa naman si Marius na lumalapit sa kanya."Yes, love. Siya nga ang receptionist sa lobby," si Mariis ang sumagot na ikinalingon ni Blessie."Bakit siya andito sa suite natin?""Mamaya ko na i-explain sayo. First, I would like you to meet Judge Frisco Sarmiento. Kilala siyang judge sa buong Baguio," pakilala ni Marius sa lalaki na nakangiti sa kanya.Nagtatakang tinignan ni Blessie si Marius. "Judge? Ano ito? Para saan ang judge? Tapos dinala mo pa sa suite natin si Miss Sungit.""Ah, Ma'am, sorry po sa naging behavior ko kanina 'nong dumating kayo ni sir. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko," sabat ng babae.Bigla naman nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Blessie nang mag-sorry ang babae. "Wala na 'yon. Kalimutan na natin." Saka binalingan muli si Marius. "Explain mong m
Warning: Maselan po ang chapter na ito na bawal sa mga batang mambabasa.----------PAGKATAPOS ng kanilang kasal sa huwes, nagkaroon ng masayang salo salo sa restaurant na inihanda ni Marius. Buong galak na ipinaalam ni Marius sa lahat na sila na ni Blessie.Napakasarap sa pakiramdam ni Blessie na makita ang sobrang kaligayahan ni Marius. Ipinagmamalaki pa nitong siya ang kanyang misis."Hey, love. Tahimik ka," ang puna ni Marius nang mapansin niyang nakatitig lang si Blessie sa kanya."Masaya lang ako na masaya ka," nakangiting sagot ni Blessie.Ngumiti ng malawak si Marius at hinawakan ang kamay ng asawa, dinala ito sa kanyang labi. "I'm happy because I've married the most beautiful woman in my eyes and in my heart. I will not ask for anything but to be with you for the rest of our lives."Maligaya rin si Blessie. Sana hindi matapos ang lahat ng ito. Gusto na rin niyang maging masaya at makasama si Marius nang habang buhay. Wala nang takot at alinlangan. Pero marami pa silang hahara
UMAGA nang magising si Blessie na masakit ang kanyang buong katawan. Animo'y nabugbog siya kagabi. 'Di siya tinigilan ni Marius, parang hindi ito nauubusan ng lakas. Mahina niyang tinapik sa balikat ang asawa. Napangiwi siya nang nagtangka siyang umupo."Marius... Marius...." tawag niya rito. Tulog na tulog ang loko at mababanaag ang saya sa mukha dahil sa nagdaang gabi sa kanila.Muli niyang ginising si Marius. Pero napalakas ang kanyang sampal sa pisngi nito. Bumalikwas ng bangon ito na sapo ang nasaktan mukha."Love, naman. Natutulog pa ako. Bakit ang aga aga nanampal ka?" Iritadong tanong ni Marius."Iihi ako. Hindi ako makatayo kasi masakit ang ano ko. Ikaw naman ang may kasalanan nito." Galit na sagot ni Blessie.Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Marius. "Sorry nabigla lang ako." Bumangon si Marius at walang sabi tinaggal ang kumot na nakatabing kay Blessie. Nabigla naman ang asawa niya sa ginawa niya. Wala siyang pakialam kung tumambad ang kanyang hubad na katawan kay Blessie
NATAPOS ang isang linggo nilang bakasyon sa Baguio. Pabalik na ng Isabela ang bagong kasal."Are you happy, my love?" Natanong ni Marius."Parang baliktad ata. Dapat ako ang nagtatanong niyan. Are you happy, husband?"Malawak na ngumiti si Marius. Kita lng kita naman sa mukha niya ang saya. Sobra sobrang nag uumapaw ang kaligayahan sa puso niya. This week that they have shared is so amazing. Sana mag-stay na lang silang masaya ni Blessie. Hindi niya makakayanan, kung bigla na lang mawala ang kaligayahan nilang dalawa."I'm happy because you're now my wife. Siyempre kapag masaya si mister dapat masaya rin si misis. A happy marriage life is when the wife is happy." Buladas ni Marius at muling tumingin sa daan."Masaya naman ako. Pero hindi naman tama ata ang sinabi mo. Mas masaya ang marriage kung kuntento si mister. Happy si misis.""Kuntento ako. Ikaw lang sapat na, kaya nga kita pinakasalan." Hinawakan ni Marius ang kamay ni Blessie. Saka dinala sa labi. Dinampian ng magaang halik sa