UMAGA nang magising si Blessie na masakit ang kanyang buong katawan. Animo'y nabugbog siya kagabi. 'Di siya tinigilan ni Marius, parang hindi ito nauubusan ng lakas. Mahina niyang tinapik sa balikat ang asawa. Napangiwi siya nang nagtangka siyang umupo."Marius... Marius...." tawag niya rito. Tulog na tulog ang loko at mababanaag ang saya sa mukha dahil sa nagdaang gabi sa kanila.Muli niyang ginising si Marius. Pero napalakas ang kanyang sampal sa pisngi nito. Bumalikwas ng bangon ito na sapo ang nasaktan mukha."Love, naman. Natutulog pa ako. Bakit ang aga aga nanampal ka?" Iritadong tanong ni Marius."Iihi ako. Hindi ako makatayo kasi masakit ang ano ko. Ikaw naman ang may kasalanan nito." Galit na sagot ni Blessie.Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Marius. "Sorry nabigla lang ako." Bumangon si Marius at walang sabi tinaggal ang kumot na nakatabing kay Blessie. Nabigla naman ang asawa niya sa ginawa niya. Wala siyang pakialam kung tumambad ang kanyang hubad na katawan kay Blessie
NATAPOS ang isang linggo nilang bakasyon sa Baguio. Pabalik na ng Isabela ang bagong kasal."Are you happy, my love?" Natanong ni Marius."Parang baliktad ata. Dapat ako ang nagtatanong niyan. Are you happy, husband?"Malawak na ngumiti si Marius. Kita lng kita naman sa mukha niya ang saya. Sobra sobrang nag uumapaw ang kaligayahan sa puso niya. This week that they have shared is so amazing. Sana mag-stay na lang silang masaya ni Blessie. Hindi niya makakayanan, kung bigla na lang mawala ang kaligayahan nilang dalawa."I'm happy because you're now my wife. Siyempre kapag masaya si mister dapat masaya rin si misis. A happy marriage life is when the wife is happy." Buladas ni Marius at muling tumingin sa daan."Masaya naman ako. Pero hindi naman tama ata ang sinabi mo. Mas masaya ang marriage kung kuntento si mister. Happy si misis.""Kuntento ako. Ikaw lang sapat na, kaya nga kita pinakasalan." Hinawakan ni Marius ang kamay ni Blessie. Saka dinala sa labi. Dinampian ng magaang halik sa
BUMAGSAK sa sahig si Marius. At si Blessie ay mabilis na inawat ang ama. Natataranta na nilapitan ni Belinda ang asawa. Nagulat din si Remedios sa mga nasaksihan. Napahawak ito sa dibdib niya. Para siyang kinakapusan ng hininga. Pero pilit niyang nilalabanan ang sakit ng dibdib."Pa! Hayaan niyo na po kami. Mahal ko po si Marius. Nasa hustong gulang na po ako. May sariling isip! Alam ko na ang tama at mali. Hayaan niyo naman akong maging masaya kasama si Marius. Kung lolokohin niya man ako, okay lang. Naiparamdam ko naman kung gaano ko siya kamahal. Masasaktan ako pero hindi ko pagsisisihan na minahal mo siya. Please po, hayaan niyo po akong makasama ang lalaking mahal ko," umiiyak na mga sigaw ni Blessie. Hindi napigilan ang sarili na hindi pagsalitaan ang sariling ama sa ginawa nito kay Marius.Naestatwa si Jose. 'Di niya akalain na sisigawan siya ng bunsong anak. Nang dahil lamang kay Marius ay natuto itong suwayin sila na mga magulang nito."Blessie, papa mo ang sinisigawan mo. An
KINABUKASAN ay ipinalipat ni Marius ng ospital si Lola Remedios sa Manila. Tinawagan niyang isang doktor na kilala niya para ipa-second opinion ang kalagayan ng matanda at dahil mas advanced ang kagamitan. Ibibiyahe si Lola Remedios gamit ang helicopter na pinarentahan ni Marius para mas mabilis na makarating ng Manila.'Di pa rin iniimik ng mag asawa ang anak nila. Wala silang nasa isip kundi ang kalagayan ng kanilang ina. Pero masama pa rin ang loob nila kay Blessie dahil sa ginawa nito."Salamat sa tulong mo, Marius. At pasensiya ka na dahil nhindi naging maganda ang turing nila mama at papa sayo."Inakbayan ni Marius ang asawa at inihilig ang ulo nito sa balikat niya."Wala 'yon. Asawa na kita. Kaya kung ano ang problema mo, problema ko rin. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya para lamang gumaling si Lola Remedios.""Nahihiya na nga ako sayo. Hindi ka tanggap ng mga magulang ko. Masakit sa akin 'yon pero pilit ko lang nilalabanan ang nararamdaman ko."Naramdaman ni Marius ang p
"BLESSIE, ikaw na muna ang magbantay kay nanay. Uuwi lang kami ng papa mo sa bahay. Anuman ang mangyari ay itawag mo kaagad sa amin," bilin na sabi ni Belinda sa anak. Kadarating lang ni Blessie at hinatid lang siya ni Marius.Malamig pa rin ang pakikitungo ng kanyang ina sa kanya. Kinakausap man siya ay tungkol lang iyon kay Lola Remedios. Iniintindi na lang niya dahil masama ang loob nila sa kanya dahil sa ginawa niya. Maigi na lang at hindi siya sinisisi ng mga ito sa nangyari sa lola niya. Miss na niya ang maglambing sa ina."Okay po, ma." Ang sagot ni Blessie na malamlam na nakatingin sa kanyang papa. Para lang siyang ibang tao kung daan daanan ng sariling ama.Umalis ang kanyang mga magukang at naiwan siya na nakaupo sa tabi ng nakaratay pa ring lola niya. Malungkot na pinagmamasdan ni Blessie ang matanda."Lola, sorry po. Kung pakiramdam niyo nawalan ako ng respeto sa inyo nina mama at papa. Dahil sa pagpapakasal ko kay Marius ng biglaan. Alam ko naman pong mali ang ginawa ko.
GABI, sinundo ni Marius ang asawa niya sa ospital. Galit man sa kanya ang mga magulang ni Blessie ay 'di siya matatakot na pakiharapan sila ng tama may paggalang.Sa pagkapasok niya sa loob ay nakita na niya kaagad ang nakangiting si Blessie. Sa sopa ay nakaupo ang tahimik na mga biyenan. Nauna niyang nilapitan ang mga magulang ng asawa. Saka nagmano. Tila nagdiwang ang loob niha nang hindi niya nakitaan ng pagtutol ang mga ito. Pero wala pa ring reaksyon ang malamig na tingin nila sa kanya."Susundiin ko lang po si Blessie," magalang na sabi ni Marius sa kanyang mga biyenan. Pero wala siyang nakuhang tugon sa mga ito.Nilapitan ni Blessie si Marius. At kumapit sa braso ng asawa. "Halika na, Marius. Umuwi na tayo."Napatingin si Marius sa asawa niya. Nababanaag niya ang pagod at lungkot sa mukha nito. "Magpaalam lang tayo kay Lola Remedios." Tumango si Blessie at pilit na ngumiti. Magkasabay silang naglakad papunta sz kama ng matandang nakaratay sa higaan. Hinalikan ni Blessie sa pis
NAPADAING si Marius dahil sa sakit ng pagkakaipit ng kamay. Nag alala naman si Blessie para sa asawa niya na namimilipit sa sakit ng kamay."Ikaw kasi, e. Ang kulit mo. Sinabi nang 'wag ng pumasok. Papasok pa rin talaga, naipit ka tuloy.""Gusto lang naman kitang makasabay maligo. Namula na ang daliri ko. Hipan mo nga, love."Naawa lalo si Blessie nang makitang namumula nga ang bahagi ng daliri ni Marius na naipit. Kaagad na hinipan niya iyon."Okay na ba? Lagyan ko na lang ng yelo para hindi na mamaga." Nawika ni Blessie na hinihipan pa rin ang daliri ng asawa."Oo, love. I'm okay already. Halika na maligo na tayo," hinawakan agad ni Marius ang kamay ni Blessie para pumunta sa shower."Hindi na ba talaga masakit?" Nag aalalang tanong pa rin ni Blessie."Hindi na nga. Saka malayo naman ito sa bituka," pamimilisopong sagot ni Marius.Sa inis ni Blessie ay hinawakan niya ang daliri ni Marius na naipit ng pintuan. Saka pinisil iyon ng may pagkadiin."A-Aray! Love, naman," reklamo ni Mari
BUMALIKWAS ng bangon si Marius nang makapang wala siyang katabi. Kqahad hinanap ng kanyang mga mata si Blessie sa kabuuan ng kanilang silid. Tumayo siya at pumunta sa banyo. Pero pagkabukas niya ay walang tao sa loob.Magdamag na inangkin niya si Blessie kaya tiyak niyang pagod na pagod ang asawa. At halos 'di ito makakalakad ng maayos. Ngunit, ang nakakataka ay hindi niya ito makikita pagkamulat na pagkamulat ng kanyang mga mata.Mabilisan siyang naligo at nang makapagbihis ay agad siyang bumaba sa sala. Andoon ang mga magulang niya at ang kapatid na si Rimo."Oh, Marius, tulog pa ba si Blessie?" Bungad na tanong ng ina sa kanya.Nagulat si Marius na wala pa palang nakapansin kay Blessie. "Huh? Hindi pa po ba nakababa ang asawa ko?""Hindi pa. Sabi ko nga sa daddy mo baka napasarap ang tulog ninyong mag asawa," sagot ni Marina.Napasuklay si Marius ng kanyang buhok. Frustrated kaagad ang rumehistro sa kanyang mukha. Umalis ang asawa niya ng hindi nagpaalam sa kanya. Parang hindi iyon