KINABUKASAN ay ipinalipat ni Marius ng ospital si Lola Remedios sa Manila. Tinawagan niyang isang doktor na kilala niya para ipa-second opinion ang kalagayan ng matanda at dahil mas advanced ang kagamitan. Ibibiyahe si Lola Remedios gamit ang helicopter na pinarentahan ni Marius para mas mabilis na makarating ng Manila.'Di pa rin iniimik ng mag asawa ang anak nila. Wala silang nasa isip kundi ang kalagayan ng kanilang ina. Pero masama pa rin ang loob nila kay Blessie dahil sa ginawa nito."Salamat sa tulong mo, Marius. At pasensiya ka na dahil nhindi naging maganda ang turing nila mama at papa sayo."Inakbayan ni Marius ang asawa at inihilig ang ulo nito sa balikat niya."Wala 'yon. Asawa na kita. Kaya kung ano ang problema mo, problema ko rin. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya para lamang gumaling si Lola Remedios.""Nahihiya na nga ako sayo. Hindi ka tanggap ng mga magulang ko. Masakit sa akin 'yon pero pilit ko lang nilalabanan ang nararamdaman ko."Naramdaman ni Marius ang p
"BLESSIE, ikaw na muna ang magbantay kay nanay. Uuwi lang kami ng papa mo sa bahay. Anuman ang mangyari ay itawag mo kaagad sa amin," bilin na sabi ni Belinda sa anak. Kadarating lang ni Blessie at hinatid lang siya ni Marius.Malamig pa rin ang pakikitungo ng kanyang ina sa kanya. Kinakausap man siya ay tungkol lang iyon kay Lola Remedios. Iniintindi na lang niya dahil masama ang loob nila sa kanya dahil sa ginawa niya. Maigi na lang at hindi siya sinisisi ng mga ito sa nangyari sa lola niya. Miss na niya ang maglambing sa ina."Okay po, ma." Ang sagot ni Blessie na malamlam na nakatingin sa kanyang papa. Para lang siyang ibang tao kung daan daanan ng sariling ama.Umalis ang kanyang mga magukang at naiwan siya na nakaupo sa tabi ng nakaratay pa ring lola niya. Malungkot na pinagmamasdan ni Blessie ang matanda."Lola, sorry po. Kung pakiramdam niyo nawalan ako ng respeto sa inyo nina mama at papa. Dahil sa pagpapakasal ko kay Marius ng biglaan. Alam ko naman pong mali ang ginawa ko.
GABI, sinundo ni Marius ang asawa niya sa ospital. Galit man sa kanya ang mga magulang ni Blessie ay 'di siya matatakot na pakiharapan sila ng tama may paggalang.Sa pagkapasok niya sa loob ay nakita na niya kaagad ang nakangiting si Blessie. Sa sopa ay nakaupo ang tahimik na mga biyenan. Nauna niyang nilapitan ang mga magulang ng asawa. Saka nagmano. Tila nagdiwang ang loob niha nang hindi niya nakitaan ng pagtutol ang mga ito. Pero wala pa ring reaksyon ang malamig na tingin nila sa kanya."Susundiin ko lang po si Blessie," magalang na sabi ni Marius sa kanyang mga biyenan. Pero wala siyang nakuhang tugon sa mga ito.Nilapitan ni Blessie si Marius. At kumapit sa braso ng asawa. "Halika na, Marius. Umuwi na tayo."Napatingin si Marius sa asawa niya. Nababanaag niya ang pagod at lungkot sa mukha nito. "Magpaalam lang tayo kay Lola Remedios." Tumango si Blessie at pilit na ngumiti. Magkasabay silang naglakad papunta sz kama ng matandang nakaratay sa higaan. Hinalikan ni Blessie sa pis
NAPADAING si Marius dahil sa sakit ng pagkakaipit ng kamay. Nag alala naman si Blessie para sa asawa niya na namimilipit sa sakit ng kamay."Ikaw kasi, e. Ang kulit mo. Sinabi nang 'wag ng pumasok. Papasok pa rin talaga, naipit ka tuloy.""Gusto lang naman kitang makasabay maligo. Namula na ang daliri ko. Hipan mo nga, love."Naawa lalo si Blessie nang makitang namumula nga ang bahagi ng daliri ni Marius na naipit. Kaagad na hinipan niya iyon."Okay na ba? Lagyan ko na lang ng yelo para hindi na mamaga." Nawika ni Blessie na hinihipan pa rin ang daliri ng asawa."Oo, love. I'm okay already. Halika na maligo na tayo," hinawakan agad ni Marius ang kamay ni Blessie para pumunta sa shower."Hindi na ba talaga masakit?" Nag aalalang tanong pa rin ni Blessie."Hindi na nga. Saka malayo naman ito sa bituka," pamimilisopong sagot ni Marius.Sa inis ni Blessie ay hinawakan niya ang daliri ni Marius na naipit ng pintuan. Saka pinisil iyon ng may pagkadiin."A-Aray! Love, naman," reklamo ni Mari
BUMALIKWAS ng bangon si Marius nang makapang wala siyang katabi. Kqahad hinanap ng kanyang mga mata si Blessie sa kabuuan ng kanilang silid. Tumayo siya at pumunta sa banyo. Pero pagkabukas niya ay walang tao sa loob.Magdamag na inangkin niya si Blessie kaya tiyak niyang pagod na pagod ang asawa. At halos 'di ito makakalakad ng maayos. Ngunit, ang nakakataka ay hindi niya ito makikita pagkamulat na pagkamulat ng kanyang mga mata.Mabilisan siyang naligo at nang makapagbihis ay agad siyang bumaba sa sala. Andoon ang mga magulang niya at ang kapatid na si Rimo."Oh, Marius, tulog pa ba si Blessie?" Bungad na tanong ng ina sa kanya.Nagulat si Marius na wala pa palang nakapansin kay Blessie. "Huh? Hindi pa po ba nakababa ang asawa ko?""Hindi pa. Sabi ko nga sa daddy mo baka napasarap ang tulog ninyong mag asawa," sagot ni Marina.Napasuklay si Marius ng kanyang buhok. Frustrated kaagad ang rumehistro sa kanyang mukha. Umalis ang asawa niya ng hindi nagpaalam sa kanya. Parang hindi iyon
UMIIYAK si Belinda habang pinagmamasdan niya ang biyenan na nakahiga pa rin at walang malay. Kaalis lang ni Marius. Nagpaalam ito na pupunta sa presinto para ireport ang nawawalang asawa. "Ma, tumahan ka na. 'Wag mong isipin masyado ang bunso mo. Saka ginagawa naman ni Marius ang lahat," alo ni Jose sa asawa. Ina siya at mahal niya ang kanyang anak. "Hindi mo maiaalis sa akin ang mag alala kay Blessie. Anak ko 'yon. Sana hindi ako nagalit sa kanya. Dapat inintindi ko siya. Jose, 'di ko alam kung ano ang nangyayari sa anak natin." Niyakap na ni Jose si Belinda. Hinagod ang likod nito saka bumitaw at iniharap sa kanya. "Hihingi tayo kaagad ng tawad sa kanya 'pag nakauwi na siya. Saka alam kong hindi siya pababayaan ni Marius. Gagawin nito ang lahat para sa anak natin." "Nahihiya ako sa binatang 'yon. Pinagduduhan natin ang pagmamahal niya para kay Blessie. Kilala lang natin siya sa nakaraan niyang ugali. At ang anak natin ang mas nakakakilala sa kanya." "Mali lang ang interpretasyo
MAKALIPAS ang isang linggo, 'di tumitigil si Marius sa paghahanap sa asawa niya. Ipinagtanong tanong na rin niya si Blessie sa mga kakilala nito."Marius, may balita na ba sa anak ko?" tanong ni Belinda. Dinalaw ni Marius si Lola Remedios sa ospital at para makita na rin ang kalagayan nito."Wala pa po, ma. Nag-hire na po kami ng magaling na imbestigador. Wala pa rin po siyang nakukuha na lead kung nasaan si Blessie." Malungkot na sagot ni Marius."E, saan kaya nagpunta ang batang 'yon? Sana nakipag usap na lang siya sa amin ng papa niya. Nabigla lang talaga kami nang malaman na nagpakasal kayo ng hindi hinihingi ang aming basbas. Patawarin mo kami, Marius, sa mga nangyari," umiiyak na sabi ni Belinda sa manugang niya. Pinauwi niya muna sa bahay ang asawa niya para makapagpahinga. Sila ang nagsasalitan sa pagbabantay sa kanilang ina."Huwag po kayong humingi ng tawag sa akin. Wala po kayong kasalanan at naiintindihan ko ang nararamdaman niyo. Naging careless po ako at insensitive. 'Di
"HERE is the result. At kakasuhan ko talaga 'yang mag-lolo na 'yan!" Inihagis ni Reynaldo ang hawak na envelope sa ibabaw ng lamesa ni Marius. Nagtataka itong kinuha ang envelope. Naggagalaiti ang kanyang ama sa galit. Sinong mag-lolo ang sinasabi nito?"Nanlaki ang mga mata ni Marius sa gulat. Napakuyom siya ng kanyang kamao. Noon pa man ay ramdam na niya. Pero binalewala niya ito. Buti na lang at lumabas din ang katotohanan."See. Pati ikaw sobrang nagulat. You're so careless! Paano na nalinlang ka ng isang babae? And, look what she done to your life? Nabuhay ka sa takot na ikasal kay Tessa. Pagkatapos ay iniwan ka ng ngayon ng asawa mo dahil sa babaeng 'yan. I got footage from the hospital. At doon ay nakita na nag usap sina Tessa at Blessie. Your wife is crying while walking away," galit na galit pa rin na dugtong ni Reynaldo.Umigting ang panga ni Marius. Matalim ang mga mata na nakatingin sa paternity test results ni Tessa. At ang sabi ay 99.9% na hindi niya anak ang ipinagbubun