Share

Chapter 42

"BLESSIE, ikaw na muna ang magbantay kay nanay. Uuwi lang kami ng papa mo sa bahay. Anuman ang mangyari ay itawag mo kaagad sa amin," bilin na sabi ni Belinda sa anak. Kadarating lang ni Blessie at hinatid lang siya ni Marius.

Malamig pa rin ang pakikitungo ng kanyang ina sa kanya. Kinakausap man siya ay tungkol lang iyon kay Lola Remedios. Iniintindi na lang niya dahil masama ang loob nila sa kanya dahil sa ginawa niya. Maigi na lang at hindi siya sinisisi ng mga ito sa nangyari sa lola niya. Miss na niya ang maglambing sa ina.

"Okay po, ma." Ang sagot ni Blessie na malamlam na nakatingin sa kanyang papa. Para lang siyang ibang tao kung daan daanan ng sariling ama.

Umalis ang kanyang mga magukang at naiwan siya na nakaupo sa tabi ng nakaratay pa ring lola niya. Malungkot na pinagmamasdan ni Blessie ang matanda.

"Lola, sorry po. Kung pakiramdam niyo nawalan ako ng respeto sa inyo nina mama at papa. Dahil sa pagpapakasal ko kay Marius ng biglaan. Alam ko naman pong mali ang ginawa ko.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status