Share

Chapter 7

Simpleng dinner with the family lang ang inihanda ni mommy Mariel para i-celebrate ang wedding anniversary nila ng kanyang kabiyak.

Nandito ang panganay na anak niyang si Lance kasama ang asawa nitong si Freeshia. His other son, Lander ay dumating kaninang tanghali lang dahil may inasikaso pa daw ito sa opisina.

Si Lander ang katuwang ng Kuya niya sa pagpapatakbo ng negosyo and she was always proud of them dahil napalago nila lalo ang negosyong ipinundar ng kabiyak niya.

“Let’s eat!” masayang aya niya sa mga anak niya matapos silang batiin ng mga ito

Naramdaman niya ang tension sa pagitan ng asawa niya at ng panganay na anak niyang si Lance kaya hindi niya mapigilang mag-alala. She thought na baka may problema lang ang dalawa sa negosyo pero habang tumatagal ay iba ang kutob niya.

“Mom hindi ba kayo magbabakasyon ni Daddy abroad?” tanong ni Lander sa mommy niya

“Hindi na muna iho! Alam mo namang hindi pa fully recovered ang Daddy mo.” sagot ni mommy Mariel  sa bunsong anak niya

“I was just thinking baka naiinip na si Daddy dito sa farm and wants to go somewhere!” dagdag pa ni Lance pero umiling pa rin ang matandang lalaki

“I’d rather stay here, Lance.” pinal na sabi ng ama nila kaya hindi na ipinilit ni Lance ang suggestion niya

The dinner went well kahit pa nakakaramdam ng kakaiba si Mrs.Villavicencio. Nadagdagan pa iyon nang maagang magpaalam ang asawa niya para umakyat sa kwarto nila. 

Dati-rati naman ay excited itong makipagkwentuhan sa mga anak nila lalo pa at matagal bago sila mauwi sa farm dahil na din sa busy schedules nila.

Pumasok na din si Freeshia sa kwarto na ginagamit nilang mag-asawa sa twing nauuwi sila dito matapos niyang magpaalam sa mga biyenan niya. Pagod na din siya at gusto na niyang magpahinga.

She cleaned herself saka siya nahiga sa kama para makatulog na. Kausap niya kanina si Herea at may mga bago silang kliyente kaya gusto niyang makabalik agad sana sa metro first thing in the morning.

Nakaidlip na siya ng maramdaman niya ang magaan na halik ni Lance sa balikat niya. Nangilabot siya lalo pa at basa ang mga labi nito isabay pa ang pagdila nito sa balat niya.

Napabalikwas siya ng bangon saka niya bahagyang itinulak ang asawa niya.

“Lance ano ba?!” asik niya dito and she smelled liquor in his breath

“Why? Hindi ba natin susubukan yung supplement na binigay ni Mommy!” pakiramdam ni Freeshia ay iniinsulto siya ni Lance kaya lalo siyang nakaramdam ng galit dito

Ang balak niyang pagtayo ay hindi natuloy nang ihiga siyang muli ni Lance at sakupin ang mga labi niya. Ayaw niyang tugunin ang halik nito dahil hindi na dapat dahil sa nalalapit na paghihiwalay nila.

“Umpph!” protesta niya habang tinutulak si Lance but he grabbed her arms at inilagay iyon sa ulunan niya

Gustong umiyak ni Freeshia dahil sa ginagawa ni Lance sa kanya. Kung noon ay nasasabik siya sa twing ganito si Lance, ngayon nakakaramdam siya ng pandidiri! 

Imagining him, pleasuring Celestine with the same lips and hands makes her sick!

Napunta sa leeg niya ang mapusok na  labi ni Lance kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataong magsalita.

“Kung gusto mo ng anak, pumunta ka sa kabit mo at siya ang buntisin mo!” 

Napahinto si Lance sa ginagawa niya dahil sa mga narinig niya.

Nararamdaman niya ang bigat sa bawat salitang binitiwan ni Freeshia kaya lumuwag ang hawak niya sa kamay ng asawa. 

Kinuha ni Freeshia ang pagkakataon na yun at marahas na tinabig si Lance na noon ay nasa ibabaw pa niya. Tumayo siya at saka siya naglakad papunta sa pinto.

Pero bago siya tuluyang lumabas ay nilingon niya si Lance na ngayon ay nakaupo na sa kama at nakatulala.

“Aasahan ko na pagbalik natin sa Manila, hawak ko na Divorce papers, Lance. Ibigay mo na ang kalayaan ko dahil hindi na natin maaayos ang isang bagay na matagal ng sira!” 

Nagmartsa si Freeshia palabas ng kwarto at iniwan na niya si Lance sa kwarto. Mabigat ang loob na tinahak niya ang terasa ng bahay ng mga Villavicencio.

Tahimik na ang paligid kaya naman napanatag siya na walang makakakita sa kanya. Pinigilan niyang umiyak dahil para sa kanya, pagod na siyang gawin iyon. 

Apat na taon na siyang umiiyak at kinakaawaan ang sarili. And this has to stop! At matatapos lang ang lahat kapag ibinigay na ni Lance ang kailangan niya.

“Hindi ka makatulog?” napahawak si Freeshia sa dibdib niya pero hindi naman siya natakot dahil kilala niya kung kanino nanggaling ang tinig na iyon

“Medyo…” nilingon ni Freeshia si Lander na nakapantulog na din

Mukhang bumaba lang ito sa kusina para kumuha ng tubig dahil may dala siya bote sa kamay niya.

“Nakita kitang papunta dito kaya sinundan kita.” sabi pa nito saka siya tumabi kay Freeshia na nakaupo ngayon sa mahabang upuan sa harap ng terasa

“Totoo bang maghihiwalay na kayo ni Kuya?” 

Biglang napalingon si Freeshia sa sinabi ni Lander. Nandoon ang pagtataka kung bakit alam niya ang bagay na ito. Sinabi kaya ng kuya niya? 

“Paano mo nalaman?” tanong niya 

Natawa ng mahina si Lander saka nito hinuli ang mga mata niya.

“Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman, Freeshia. If I am in your shoe, I would have done the same thing!” 

“So you knew about his affair?” manghang tanong niya sa binata

Ni hindi man lang kaya pinigilan ni Lander ang kapatid niya?

“Nakita ko silang magkasama once at hindi naman lingid sa kaalaman ko kung sino siya sa buhay ni Kuya.” 

Humugot muna ng malalim na buntong-hininga si Lander bago siya magpatuloy.

“I asked him pero hindi niya ako sinagot. And I’m not that stupid para hindi ko maintindihan ang lahat. Sinabihan ko siya but I guess hindi siya nakinig.” 

“It’s been a year, Lance! Ang tanga-tanga ko!” naghihinanakit na sabi ni Freeshia in a soft manner

“Pumayag ba siya sa gusto mo?” tanong pagdaka ni Lance after some moment of silence

“Kahit hindi siya pumayag, hihiwalayan ko pa rin siya, Lander. He should be happy dahil pinapalaya ko na siya, right?” malungkot na sagot niya sa brother- in-law niya

“Gulo to, Freeshia! Naiisip mo ba yun?” 

“Blame your brother! Kung magkagulo man ang mga pamilya natin, kasalanan niya yan! Dahil niloko niya ako!” 

Buo na ang pasya ni Freeshia dahil hindi na niya kayang magtiis. Masaktan na ang masasaktan! 

Sa ngayon, sarili naman niya ang iisipin niya. Masyado na siyang nabulag sa ideyang mamahalin din siya ni Lance basta magtiis siya.

May mahal si Lance at hindi siya iyon!

“Kung ano ang sa tingin mong tama, gawin mo, Freeshia!”

Naramdaman ni Freeshia ang hawak ni Lander sa mga kamay niya. And somehow she felt na hindi siya nag-iisa.

“Thank you, Lander!” hinilig ni Freeshia ang ulo niya sa balikat nito dahil pakiramdam niya bibigay na naman ang mga luha niya

When they were kids, hanggang magdalaga at magbinata sila, she and Lander are very close lalo pa at magka-edad sila. They were the best of friends.

But when she married Lance, dumistansya ito sa kanya. Siguro dahil asawa na siya ni Lance at hindi na magandang makita na close pa rin sila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status