Busy si Freeshia sa trabaho sa sumunod na mga araw kaya naman nawaglit kahit sandali sa isip niya ang tungkol sa divorce nila ni Lance.Kakatapos lang niyang gawin ang isang subject na hawak niya at ipinasa na niya iyon kay Herea for the approval ng client.Panay ang tawag ni Lance sa kanya kahapon pero hindi niya ito sinasagot. Hanggang ngayon, ramdam na ramdam pa rin niya ang galit sa buong sistema niya para sa asawa. Her phone rang at hindi niya sana papansinin iyon pero nakita niya na si Lander ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot.“Hello?” “Freeshia si Daddy, nasa ospital ulit!” Naramdaman ni Freeshia ang takot sa boses ni Lander kaya naman napatuwid din siya ng upo.“Saan? Kailan pa?” nag-aalalang tanong niya kay Lander“Kahapon pa. Dinala na siya dito sa Manila! Freeshia natatakot ako! This is bad!” “Nasaan ka? Pupunta ako ngayon din!” Freeshia felt sacred too. Wala namang kinalaman ang daddy ni Lance sa gulo nila at father-in-law pa rin niya ito kaya naman kailanga
Nakaligtas naman ang daddy ni Lance sa pangalawang atake niya and luckily ay wala naman itong natamong mas malalang pinsala.Makalipas ang isang linggo ay hinayaan na ito ng mga doktor na lumabas ng ospital matapos niyang ma-clear sa mga laboratory tests niya. Hindi pa siya pwedeng bumyahe pauwi ng farm kaya naman sa mansion ng mga Villavicencio dito sa metro muna siya tutuloy habang nagpapagaling.Mas mabuti na din ito dahil malapit lang ang mansion sa ospital para sa mga check-ups niya in the coming days. Hindi kagaya sa probinsya na kailangan pang bumyahe ng ilang oras para makaluwas.Pinagbigyan ni Freeshia ang pakiusap ni Lance na i-delay ang divorce at pansamantala, doon muna sila titira ng asawa sa mansion at magpapanggap sa harap ng magulang nito na okay sila.Hindi na maintindihan ni Freeshia ang nangyayari pero malinaw naman sa kanya na ginagawa niya ito para sa biyenan niya. Bago pa ito lumabas sa ospital ay naglipat na sila ni Lance ng mga gamit nila. At kahit tutol si H
Hindi maipinta ang mukha ni Celestine nang dumating si Lance sa condo unit nito. Nagluto kasi siya ng lunch pero kanina pa siya tawag ng tawag dito pero hindi ito dumating.Pagod na naupo si Lance sa couch nang tuluyan siyang makapasok sa unit. Puyat siya dahil hindi siya nakatulog ng maayos sa ospital kagabi at inasikaso pa niya ang paglabas ng daddy niya sa ospital.“Dumating ka pa!” bulyaw ni Celestine mula sa dining area kaya napapikit na lang si LanceKanina, inaway na siya ni Freeshia, pati ba naman dito?“Ano bang problema Tine?” inis na sagot niya sa dalaga dahil pagod na pagod na ang utak niya sa hindi malamang dahilan“What? Tinatanong mo ako kung ano ang problema? Kanina pa ako tawag ng tawag pero hindi ka sumasagot!” inis na sumbat ni Celestine“Alam mo naman na ngayon ko ilalabas sa ospital ang daddy, hindi ba?!” inis na balik ni Lance dito Naiirita na siya sa nagging ni Celestine pero ano bang magagawa niya? He involved himself with her again kaya kailangan niyang tangg
“So kamusta naman ang pagtira mo sa mansion? Hindi ka ba inaaway ng asawa mong kampon ng demonyo?” nakataas ang kilay na tanong ni Herea sa kaibigan nito habang nilalantakan ang pasalubong nito sa kanyaTamang-tama ang dating ni Freeshia dahil nagugutom na si Herea dahil sa dami ng inaasikaso niya.“Hindi naman! Takot lang niya na sabihin ko sa mommy niya ang totoo!” sagot ni Freeshia sa kaibiganAyaw na niyang magkwento pa dito dahil lalo lang itong magagalit at ayaw na niyang idamay pa si Herea sa mga gulo ng buhay niya.“By the way, mabuti na din at dumaan ka dito!” sabi ni Herea habang binubuksan ang drawer ng mesa niyaMay inabot siyang invitation kay Freeshia at binasa naman iyon ng huli.“Invitation from Damon Santiago?” gulat na tanong niya and Herea smiled“Yes my dear! At pupunta tayo dyan! Magandang pagkakataon yan para mapromote ang Aesthetika.” Ang imbitasyon ay galing kay Damon Santiago. Isa siya sa maimpluwensyang tao sa metro at lahat ng madikit sa kanya o sa kumpany
Magbibihis na sana si Freeshia nang biglang pumasok si Lance sa kwarto nila. Matalim ang mga mata nito at agad niyang hinaklit ang braso ng asawa dahil sa matinding selos na nararamdaman niya.“Sabihin mo sa akin kung saan ka galing!” utos niya dito pero ni hindi man lang niya nakitaan ng kaba ang asawa“Lance, pwede ba! Hindi na ako bata para tanungin mo pa ako kung saan ako galing!” inis na sagot ni Freeshia habang pilit siyang kumakawala sa hawak ni Lance“Hindi pa tayo hiwalay! Isaksak mo yan sa kukote mo Freeshia kaya may karapatan akong tanungin kung saan ka galing!” “Matagal na tayong hiwalay Lance! Huwag kang magmalinis na akala mo santo ka dahil sa ating dalawa ikaw ang nangaliwa!” balik naman sa kanya ni FreeshiaLumuwag ang hawak niya sa asawa niya kaya padaskol na binawi ni Freeshia ang braso niya. Masakit iyon dahil sa higpit ng hawak ni Lance pero pinilit niyang huwag ipakita iyon sa asawa niya.“Paulit-ulit mo mang isumbat yan sa akin Freeshia, lalake ako! At hindi yun
Nagmamadaling umalis si Freeshia kinabukasan dahil may client meeting siya ng alas-otso ng umaga. Hindi daw kasi makakapunta si Herea kaya siya ang pinakiusapan nitong humarap sa kliyente.Naabutan niya sa baba ng sala si mommy Mariel habang umiinom ito ng kape.“Good morning po Mommy!” pagbibigay galang ni Freeshia dito“Good morning iha! May lakad ka ba?” tanong ng ginang dito “Yes po Mommy! May aasikasuhin lang po ako!”“Hindi ka muna kakain ng breakfast?” tanong nitong muli sa kanya at ewan ba ni Freeshia dahil parang may kakaiba ngayon sa biyenan niya“Nagmamadali po ako mommy!” “May problema ba kayo ni Lance?” direktang tanong ni mommy Mariel sa manugang niyaNapatda naman si Freeshia at hindi niya alam kung bakit ito tinatanong sa kanya all of a sudden.“W-wala naman po!” pagsisinungaling niya pa dito“Nakita ko ang anak ko, sa guest room natulog! Nag-away ba kayo?” Hindi malaman ni Freeshia kung ano ang isasagot sa pagtatanong ng biyenen niya. Hanggang sa maramdaman niya a
Napalingon si Freeshia sa gawing likuran niya at napamura siya sa isip niya nang makita si Lance at kasama pa ang babae nito.Pilit niyang kinalma ang sarili dahil hindi siya entitiled na sugurin ang mga ito since wala namang nakakaalam sa tunay na relasyon nila.At maghihiwalay na sila kaya naman kailangan niyang manahimik dahil ang pagkakaroon ni Lance ng babae ang magiging grounds niya para mapabilis ang divorce.Nagpunta na sila sa designated table nila at mabuti na lang malayo ang table ni Lance. Hindi niya alam na imbitado din pala ito sa party.Samantalang si Lance ay hindi mapakali sa upuan niya dahil panay ang libot ng mata niya. Hindi siya maaring magkamali dahil natitiyak niya na si Freeshia ang nakita niya kanina.“Hon, may problema ba?” nag-aalala namang tanong ni Celestine sa nobyo niyaTumango lang si Lance pero panay pa rin ang paghahanap ng mga mata niya.Dinner was served at masaya namang kumakain si Freeshia at si Herea. Panay din ang pakikipagkwentuhan nila sa kas
Pagkatapos ng sayaw ay inihatid ni Damon si Freeshia sa mesa nito. Habang nagsasayaw ay napagkasunduan nilang mag-dinner sa labas and Freeshia guessed na makakabuti ito para sa negosyo nila.“I’ll call you again!”Sabi ni Damon and Freeshia just nodded at him bago ito tumalikod. Nakasalubong niya ang isang waiter at may ibinulong ito sa kanya kaya napangisi pa siya.Lumabas siya sa garden kung saan nandoon ang taong naghihintay sa kanya. Natanaw ni Damon ang malapad na likod ng kaibigan at alam na niya kung bakit siya gustong makausap nito.Nakaharap ito sa pool at naninigarilyo habang may hawak na baso ng alak sa kabilang kamay niya.“Lance….”Napalingon si Lance nang marinig niya ang tinig ni Damon. Nakatayo ito sa likuran niya at nakapamulsa ang kamay sa pantalon niya.“What was that?” gigil na tanong ni Lance sa kaibigan niya kaya ipinakita ni Damon ang pagtataka“Ano ba yun? Nasa loob ang party at hindi dito!” Binitawan ni Lance ang sigarilyo at nalaglag iyon sa semento. Inapak
Nakabalik na si Troy sa Cebu mula sa lakad niya sa Maynila at kulang na lang talaga hilahin niya ang oras para mas mapadali ang pagtigil niya dito. Gustong -gusto na niyang makauwi sa Cebu dahil balak niyang dalawin si Isa sa bahay nila. NAndoon ang pananabik niyang makitang muli ang babae pati na ang anak niya.Yes! He definitely believes na anak niya si Basty.Hindi lang niya natitigan ng mabuti ang bata pero nakasisiguro naman siya na kahit papano may features siya na nakuha ng bata.At dahil wala pa si Jorge ay sinarili niya muna ang excitement na nararamdaman niya. Wala namang nakakaalam dito ng tungkol sa kanila ni Kute, maliban kay Jorge. Hindi lang niya alam kung nabanggit na ba ito ni Jorge kay Mae bilang mag-asawa naman na silang dalawa.Siguro kailangan lang niyang sanayin na ang sarili niya tawagin siyang Isa pero kapag kumportable na ito sa kanya, unti-unti ipapaalala niya dito si Kute. Sumakay na siya ng kotse niya at bago siya makarating sa bahay nila Aliyah ay duma
“Ate!” masayang salubong ni Aliyah sa bagong dating na babaeSi Troy naman ay nabato na sa kinatatayuan niya mula sa pagkakatitig sa kapatid ni Aliyah.“Kute…” mahinang bulong niya at hindi na magkamayaw ang puso niya sa pagtibok ng malakasNapakurap lang siya nung kumapit sa braso niya si Aliyah at hilahin para ipakilala sa taong sinundo nila.“By the way, ate, this is Troy Celestino, special friend ko. Troy, siya si Ate Isadora, yung kapatid ko! And of course. ang cute na pamangkin ko, si Basty!”Ngumiti si Isadora sa kanya saka niya inabot ang kanyang kamay. “Nice meeting you, Troy! Call me Isa!”Pilit pinaglabanan ni Troy ang kagustuhan niyang yakapin ang babaeng nasa harap niya ngayon.At isa lang ang naglalarong tanong sa isipan niya, yun ay bakit hindi siya kilala ni Kute, rather than Isadora.“Wait, have we met before? You look familiar?” tanong pa ni Isadora sa kanya kaya si Aliyah naman ang nagsalita“Well, baka kilala niya yung boyfriend mo ate! Pasensya ka na Troy, hindi
Dahil bagong kasal si Jorge ay umalis ang mga ito ng bansa ni Mae para sa kanilang honeymoon.Sa Netherlands sila magtutungo at regalo sa kanila iyon ni Aliyah at ng Daddy niya.Naging mabuti din sa kanila ang Daddy nito palibhasa ay madalas silang imbitahan ni Aliyah sa mga okasyon sa kanilang tahanan.Her Mom is also great at welcome na welcome din sila dito dahil may taga-tikim daw siya sa mga bagong recipes niya.Paluwas siya ng Manila ngayon dahil may kailangan siyang asikasuhin at isasabay na din niya ang pagdalaw sa mga kaibigan niya.Nakarating naman na sa resort niya si Freeshia at si Lance last year for the summer at tuwang-tuwa nga dito ang anak nila na si Gabriel at si Lavander. Kasama nila si Damon at Mint pati na ang kambal na anak nilang si Ashley at si Anton.May ibinilin lang siya sa manager ng resort na si Zaldy bago siya nagpahatid sa airport for his flight.After two hours ay nakarating na siya sa Manila at buhat doon at nag-taxi na siya papunta sa unit niya. Na
“Congrats Pare!” Niyakap ni Troy ang kaibigan niya matapos ang seremonyas ng kasal nila ni Mae na ginanap sa isang simbahan na malapit sa resort. Masaya naman din siyang niyakap ni Jorge dahil malaking tulong sa kanya si Troy noong inaasikaso nila ni Mae ang kanilang kasal.“Salamat Pare! Sana sa susunod, ikaw naman ang ikasal!” sabi pa niya kaya tinapik na lang ni Troy ang balikat niya“Ikaw talaga! Okay na akong ganito! Huwag mo na akong intindihin!” sagot naman niya sa kanyang kaibiganTatlong taon na rin ang nakakaraan at hanggang ngayon, hindi pa rin masabi ni Troy na okay na talaga siya matapos ang pagkawala ni Kute sa buhay niya.Siguro kasi, may isang parte ng puso niya na umaasa na sana, isang araw, babalik pa rin sa kanya ang dalaga. Na tutuparin nito ang kanyang pangako pero kapag iniisip niya kung gaano na katagal siyang naghihintay, unti-unti ng nawawala ang pag-asang pinanghahawakan niya.“Pare, tatlong taon na din naman! Hindi naman siguro masama kung pagbibigyan mo
Kagabi pa tawag ng tawag si Troy kay Kute pero nakapatay ang telepono nito. He was worried lalo na nung mabasa niya ang mensahe nito kagabi na para bang nagpapaalam.Halos ibalibag niya ang kanyang telepono out of frustration idagdag pa ang pag-aalala niya.‘Kute don’t do this to me’ bulong niya habang sapo ang ulo niyaAt wala siyang magagawa ngayon kung hindi ang magdasal na sana, makabalik sa kanya ang babaeng mahal niya.Kung kay Herea nakaya niya, baka ngayon, tuluyan na siyang bumigay kung mawawala din ito sa kanya.Nakarinig siya ng katok mula sa labas kaya napilitan siyang tumayo lalo at malakas ang paraan ng pagkatok ng kung sinong taong nasa likod ng pinto.“Pare…” hinihingal na sabi ni Jorge habang papasok ito sa pinto nung tuluyan niya itong buksan“Napano ka?!” tanong ni Troy sa kaibigan niyaTinabihan niya ito sa couch matapos niya itong abutan ng tubig. Para kasing tumakbo ito ng kay layo-layo.“Alam mo na ba ang balita?” tanong ni Jorge sa kanya matapos niyang uminom n
Nilingon ni Kute ang nasusunog na bahay bago siya tuluyang umalis sa lugar na iyon. Kanina, pinahirapan niya muna si Ralph ng todo para maipaghiganti ang mga babaeng sinaktan nito ng dahil sa kanyang buktot na pagmamahal para kay Carlitos.Halos hindi na makilala ni Kute si Ralph matapos niyang parusahan ito at habang buhay pa ito at humihinga, sinimulan na niyang sabuyan ng gasolina ang bahay. Panay ang ungol ni Ralph dahil alam na niya ang gagawin ni Kute pero dahil nakatali siya at hinang-hina, wala na siyang magawa kung hindi hintayin ang kamatayan niya.Mabilis na pinaandar ni Kute ang motorsiklong dala niya at bago siya umalis ay nakausap na niya si Jazz na nasa mansion na. Okay pa daw ang lahat at hanggang ngayon natutulog pa rin daw si Carlitos.Sa resort ni Troy siya nagpunta dahil tinawagan niya na ito kanina pa. Miss na miss na niya si Troy at konting panahon na lang, makakasama na niya ito. Konting tiis na lang, magagawa na nila ang plano para mailigpit si Carlitos dela
Agad na itinulak ni Ralph si Jazz sa sofa nung alisin niya ang kanyang damit na pang itaas. Nakaramdam siya ng kasabikan lalo at nakita niya ang matipunong katawan ng binata.Naupo siya sa kandungan ni Jazz at agad niyang hinalikan ang leeg ng binata kaya napapikit na lang si Jazz dahil ito ang unang beses na gagawin niya ang bagay na ito. “Sandali lang!” bulong ni Jazz kay Ralph kaya naman tumigil ito sa ginagawa niya at halata ang pagkabitin sa kanyaPinaalis niya muna si Ralph saka siya tumayo para magpunta sa kusina.“Ano ba!” inis na sabi ni Ralph at matalim na tingin ang ipinukol niya sa lalakiGusto na ngang tapusin ni Jazz ang taong ito at kung hindi lang sa usapan nila ni Kute, kanina pa sana ito nakabulagta sa kanya.Ngumisi si Ralph saka siya kumuha ng dalawang wineglass sa cupboard at saka niya inilabas ang wine, Sinalinan niya ang mga baso at saka siya muling lumapit kay Ralph.“Ang init naman ng ulo! Pampagana lang!” aniya saka niya inabot ang isang baso kay RalphNgum
“Saan kayo pupunta?” Napalingon si Kute at si Carlitos nung marinig nila ang galit na boses ni Ralph mula sa kanilang likuran.Hindi naman kumibo si Kute kaya naman si Carlitos na ang sumagot. Ilang araw magbuhat nung saktan ni Ralph si Kute ay hindi kinakausap ni Carlitos si Ralph.Sa kwarto na din niya natutulog ang dalaga at kapag umaalis siya ay palagi niya itong isinasama na siyang lalong nagpasiklab sa galit ni Ralph sa babae.“Ngayon aalis ang shipment papuntang Thailand, sumunod ka na lang kung gusto mo!” saad ni Carlitos kay RalphNagulat pa si Kute nung hilahin ni Ralph si Carlitos pero sinenyasan siya nito na okay lang siya kaya hindi na siya sumunod.“Nasisira na ba talaga ang ulo mo, Carlitos? Isasama mo yang babae na yan sa mga operasyon natin?” anito pero nagkibit balikat na lang ito“Oo naman! Bakit hindi?” sagot niya kaya napailing na lang si Ralph“Magsisisi ka, Carlitos! Inilalagay mo sa alanganin ang lahat ng pinaghirapan natin!” gigil niyang bulong dito pero hind
“Ano bang problema niyang si Ralph? Bakit ba galit na galit siya sa akin?!” tanong ni Kute nung mailapag na siya ni Carlitos sa kama matapos siyang buhatin nito at ilayo sa galit na galit na si Ralph“Carlitos, babalik na lang ako sa bar kesa naman ganito! Wala akong ginagawa sa kanya pero sobra na ang ginagawa niya! Nagkakapisikalan na!” dagdag pa ni Kute habang umiiyak siyaNilapitan naman siya ni Carlitos na galing sa labas. May dala itong basang bimpo at icepack na rin para sa mukha ni Kute.“Mas gugustuhin mo pa ba doon, Pen?” tanong naman sa kanya ni Carlitos na hindi naman sangayon sa gusto niya“Kesa naman ganito! Doon walang mananakit sa akin!” sinapo ni Kute at mukhan niya sabay hagulgol para maging mas kapani-paniwala ang drama niyaPero sa totoo lang, masakit ang mga tinanggap niyang sampal mula kay Ralph at panigurado, magkakapasa ang mukha niya pero okay lang yun. Parte yan ng trabaho!Kung hindi lang, sisigurihin niyang hindi na sisikatan ng araw ang lalaking iyon.“Kin