Chapter: Chapter 194 Nakabalik na si Troy sa Cebu mula sa lakad niya sa Maynila at kulang na lang talaga hilahin niya ang oras para mas mapadali ang pagtigil niya dito. Gustong -gusto na niyang makauwi sa Cebu dahil balak niyang dalawin si Isa sa bahay nila. NAndoon ang pananabik niyang makitang muli ang babae pati na ang anak niya.Yes! He definitely believes na anak niya si Basty.Hindi lang niya natitigan ng mabuti ang bata pero nakasisiguro naman siya na kahit papano may features siya na nakuha ng bata.At dahil wala pa si Jorge ay sinarili niya muna ang excitement na nararamdaman niya. Wala namang nakakaalam dito ng tungkol sa kanila ni Kute, maliban kay Jorge. Hindi lang niya alam kung nabanggit na ba ito ni Jorge kay Mae bilang mag-asawa naman na silang dalawa.Siguro kailangan lang niyang sanayin na ang sarili niya tawagin siyang Isa pero kapag kumportable na ito sa kanya, unti-unti ipapaalala niya dito si Kute. Sumakay na siya ng kotse niya at bago siya makarating sa bahay nila Aliyah ay duma
Last Updated: 2025-03-25
Chapter: Chapter 193“Ate!” masayang salubong ni Aliyah sa bagong dating na babaeSi Troy naman ay nabato na sa kinatatayuan niya mula sa pagkakatitig sa kapatid ni Aliyah.“Kute…” mahinang bulong niya at hindi na magkamayaw ang puso niya sa pagtibok ng malakasNapakurap lang siya nung kumapit sa braso niya si Aliyah at hilahin para ipakilala sa taong sinundo nila.“By the way, ate, this is Troy Celestino, special friend ko. Troy, siya si Ate Isadora, yung kapatid ko! And of course. ang cute na pamangkin ko, si Basty!”Ngumiti si Isadora sa kanya saka niya inabot ang kanyang kamay. “Nice meeting you, Troy! Call me Isa!”Pilit pinaglabanan ni Troy ang kagustuhan niyang yakapin ang babaeng nasa harap niya ngayon.At isa lang ang naglalarong tanong sa isipan niya, yun ay bakit hindi siya kilala ni Kute, rather than Isadora.“Wait, have we met before? You look familiar?” tanong pa ni Isadora sa kanya kaya si Aliyah naman ang nagsalita“Well, baka kilala niya yung boyfriend mo ate! Pasensya ka na Troy, hindi
Last Updated: 2025-03-25
Chapter: Chapter 192Dahil bagong kasal si Jorge ay umalis ang mga ito ng bansa ni Mae para sa kanilang honeymoon.Sa Netherlands sila magtutungo at regalo sa kanila iyon ni Aliyah at ng Daddy niya.Naging mabuti din sa kanila ang Daddy nito palibhasa ay madalas silang imbitahan ni Aliyah sa mga okasyon sa kanilang tahanan.Her Mom is also great at welcome na welcome din sila dito dahil may taga-tikim daw siya sa mga bagong recipes niya.Paluwas siya ng Manila ngayon dahil may kailangan siyang asikasuhin at isasabay na din niya ang pagdalaw sa mga kaibigan niya.Nakarating naman na sa resort niya si Freeshia at si Lance last year for the summer at tuwang-tuwa nga dito ang anak nila na si Gabriel at si Lavander. Kasama nila si Damon at Mint pati na ang kambal na anak nilang si Ashley at si Anton.May ibinilin lang siya sa manager ng resort na si Zaldy bago siya nagpahatid sa airport for his flight.After two hours ay nakarating na siya sa Manila at buhat doon at nag-taxi na siya papunta sa unit niya. Na
Last Updated: 2025-03-24
Chapter: Chapter 191“Congrats Pare!” Niyakap ni Troy ang kaibigan niya matapos ang seremonyas ng kasal nila ni Mae na ginanap sa isang simbahan na malapit sa resort. Masaya naman din siyang niyakap ni Jorge dahil malaking tulong sa kanya si Troy noong inaasikaso nila ni Mae ang kanilang kasal.“Salamat Pare! Sana sa susunod, ikaw naman ang ikasal!” sabi pa niya kaya tinapik na lang ni Troy ang balikat niya“Ikaw talaga! Okay na akong ganito! Huwag mo na akong intindihin!” sagot naman niya sa kanyang kaibiganTatlong taon na rin ang nakakaraan at hanggang ngayon, hindi pa rin masabi ni Troy na okay na talaga siya matapos ang pagkawala ni Kute sa buhay niya.Siguro kasi, may isang parte ng puso niya na umaasa na sana, isang araw, babalik pa rin sa kanya ang dalaga. Na tutuparin nito ang kanyang pangako pero kapag iniisip niya kung gaano na katagal siyang naghihintay, unti-unti ng nawawala ang pag-asang pinanghahawakan niya.“Pare, tatlong taon na din naman! Hindi naman siguro masama kung pagbibigyan mo
Last Updated: 2025-03-23
Chapter: Chapter 190Kagabi pa tawag ng tawag si Troy kay Kute pero nakapatay ang telepono nito. He was worried lalo na nung mabasa niya ang mensahe nito kagabi na para bang nagpapaalam.Halos ibalibag niya ang kanyang telepono out of frustration idagdag pa ang pag-aalala niya.‘Kute don’t do this to me’ bulong niya habang sapo ang ulo niyaAt wala siyang magagawa ngayon kung hindi ang magdasal na sana, makabalik sa kanya ang babaeng mahal niya.Kung kay Herea nakaya niya, baka ngayon, tuluyan na siyang bumigay kung mawawala din ito sa kanya.Nakarinig siya ng katok mula sa labas kaya napilitan siyang tumayo lalo at malakas ang paraan ng pagkatok ng kung sinong taong nasa likod ng pinto.“Pare…” hinihingal na sabi ni Jorge habang papasok ito sa pinto nung tuluyan niya itong buksan“Napano ka?!” tanong ni Troy sa kaibigan niyaTinabihan niya ito sa couch matapos niya itong abutan ng tubig. Para kasing tumakbo ito ng kay layo-layo.“Alam mo na ba ang balita?” tanong ni Jorge sa kanya matapos niyang uminom n
Last Updated: 2025-03-22
Chapter: Chapter 189 Nilingon ni Kute ang nasusunog na bahay bago siya tuluyang umalis sa lugar na iyon. Kanina, pinahirapan niya muna si Ralph ng todo para maipaghiganti ang mga babaeng sinaktan nito ng dahil sa kanyang buktot na pagmamahal para kay Carlitos.Halos hindi na makilala ni Kute si Ralph matapos niyang parusahan ito at habang buhay pa ito at humihinga, sinimulan na niyang sabuyan ng gasolina ang bahay. Panay ang ungol ni Ralph dahil alam na niya ang gagawin ni Kute pero dahil nakatali siya at hinang-hina, wala na siyang magawa kung hindi hintayin ang kamatayan niya.Mabilis na pinaandar ni Kute ang motorsiklong dala niya at bago siya umalis ay nakausap na niya si Jazz na nasa mansion na. Okay pa daw ang lahat at hanggang ngayon natutulog pa rin daw si Carlitos.Sa resort ni Troy siya nagpunta dahil tinawagan niya na ito kanina pa. Miss na miss na niya si Troy at konting panahon na lang, makakasama na niya ito. Konting tiis na lang, magagawa na nila ang plano para mailigpit si Carlitos dela
Last Updated: 2025-03-20