Home / Mystery/Thriller / My Dark Past / Glimpse 03: Vague Torments

Share

Glimpse 03: Vague Torments

Author: Nihc Ronoel
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Diane’s P.O.V.

“P-Parang a-awa mo na... h-huwag!” gumagaralgal man ay nagsusumamo ko siyang pinakiusapan.

Hindi siya nagsalita bagkus ay tinanggal lang niya ang aking panloob at walang pasubaling inangkin ang kaliwa kong dibdib habang minamasahe ang kanan.

Wala akong magawa kung hindi ang umiyak. Wala akong magawa para lumaban. Diyata’t ngayong gabi ay makukuha na ng isang estranghero ang pinaka-iingat-ingatan kong kayamanan...

Muli niya akong hinalikan. Ngunit hindi na niya masyadong dinidiinan ang mga labi ko. Ganoon pa man, tila hindi siya nagsasawang halikan ako. Impit akong umiiyak sa sitwasyong kinasasadlakan ko ngayon.

Nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos na buhay pa rin ako bagama’t pilit na itinatanong sa Kanya kung bakit kailangang mangyari sa akin ang bagay na ito. Kung ang lahat ng bagay ay nangyayari nang may dahilan, gusto kong malaman kung bakit ako ang napili Niya.

Bakit ako pa?

Huminto siya sa paghalik sa akin at umalis mula sa pagkakadagan sa katawan ko para lamang tanggalin ang kanyang mga saplot. Nanginginig naman ako sa takot. Parang kakapusin din ako sa paghinga. Halo-halo nang takot at pangamba ang aking nadarama.

“Please, m-maawa ka naman sa akin. I promise... h-hindi ako magsusumbong sa mga pulis, hindi talaga, p-paalisin mo lamang ako rito. Parang awa mo na,” pagsusumamo ko habang walang tigil pa rin ang aking pag-iyak.

Ngunit hindi niya pinakinggan ang pagmamakaawa ko. Hindi rin siya umimik bagkus ay tinanggal niya ang aking pantalon, sa kabila nang pagpupumiglas ko.

Kahit na ilang beses ko siyang tinadyakan ay hindi niya ininda ‘yon. Tinamaan ko pa nga siya sa ulo, pero hindi man lang siya nakatulog kahit sobrang lakas na nang pagkakasipa ko rito.

Nagpatuloy ako sa pagpupumiglas hanggang sa mapagod na ako at mawalan ng lakas. Hilam sa luha ang aking mukha at lupaypay na ang pagal kong katawan.

“Please... t-tama na,” nanghihinang usal ko. Nananalangin pa rin ako na sana ay magbago pa ang isip niya sa huling segundo.

Nang hindi na ako gaanong gumagalaw ay alam kong tumingin siya sa’kin. Akala ko, hihinto na siya sa kanyang gagawin. Pero isa lamang iyong maling akala. Dahan-dahan niyang hinimas ang aking mga binti,na nagdulot ng kilabot sa buo kong katawan.

Mamayamaya pa ay gumapang na ang mga kamay niya paitaas sa makikinis kong mga hita... hanggang sa dumako ang mga ‘yon sa aking kayamanan. Kayamanang ako pa lang ang nakakakita. Kayamanang ako pa lang ang nakakahawak. Kayamanang simula pagkabata ay akin nang iningatan.

Tila hayok na dinilaan niya ang mga hita ko, bago saglit na sumubsob sa pagitan ng mga iyon. Pagkatapos ay saka niya dahan-dahang tinanggal ang tanging telang tumatakip sa aking kahubaran. Ang telang nakapagitan sa pinakatatago-tago kong kaselanan at sa kanyang mukha.

Hindi ko man maaninag ang kanyang mukha ay waring kabisado ko na ang kanyang pigura. Muli siyang dumagan sa akin na akala mo’y kung sinong nagmamadali. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan at ang init ng kanyang hininga. Pakiwari ko’y lasing na lasing talaga siya at wala sa sarili.

Muli niya akong hinalikan. Halik na tila sabik na sabik sa pagmamahal. Ni isa ay wala akong tinugon sa mga halik niyang ‘yon dahil diring-diri ako. Hindi ko alam kung ilang beses akong bumaling sa ibang direksiyon, para lang huwag magtagpo ang aming mga labi. Kasabay nang pagtulo ng aking mga luha ay ang mapait na pagtanggap sa mangyayari sa akin ngayong gabi.

Hanggang sa bumaba ang mga labi niya sa aking leeg, pababa sa dalawa kong dibdib na talaga namang halos hindi niya pinagsawaan, sa aking sikmura, pababa sa puson at papunta sa aking kaselanan.

Doon na ako napasigaw, “Huwag!”

Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin sa akin ito. Ilang beses ko pang nagawang magpumiglas gamit ang natitira kong lakas. Nagawa ko ulit siyang matadyakan, pero sadyang hindi ko talaga siya kaya lalo pa’t nakatali ang dalawa kong mga kamay sa higaan.

Hindi niya ako pinansin bagkus ay umangat siya upang angkining muli ang aking mga labi. Kasabay niyon ang tila isang galit na sandatang pilit na nanghihimasok sa aking kaibuturan.

Dahil doon ay pareho kaming natigilan.

Natigilan ako nang maramdaman ko ang sakit na dulot ng kanyang pagpasok — ang sakit dulot ng unti-unti niyang pagkuha sa pagkababae ko. Natigilan siya marahil nang maramdaman niyang masikip pa iyon, ngunit hindi pa rin siya tumigil doon.

Sinubukan niya muling pumasok at mamayamaya nga lang ay sunod-sunod nang pag-ulos ang nararamdaman ko... pag-ulos na walang tigil na yumayanig sa buo kong pagkatao!

It really hurt me physically, emotionally and mentally. I was totally drained. I think, it would ruin my entire life! Pagkatapos nito ay hindi ko na gugustuhin pa ang mabuhay!

Walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha, habang ang aking mga mata ay nakatunghay lang sa kisameng hindi ko naman makita. Kasabay nang unti-unting pagkapunit ng aking pagkatao ang tila likidong idinulot niya sa aking kaloob-looban.

Sa isang iglap, nawalan ako ng puri at dangal. Sa isang iglap, nasira ang aking kinabukasan.

Akala ko ay tapos na ang aking pagdurusa pero hindi pa pala. Kinalagan man niya ako mula sa pagkakatali ng aking mga kamay sa headboard ng kama ay tila wala na akong maramdaman — tila manhid na ang buo kong katawan. Umabot ‘yon sa puntong wala na akong pakialam kung ano pa ang susunod niyang gagawin sa’kin.

Paulit-ulit niya akong inangkin nang gabing iyon na parang hindi siya napapagod. Nang magsawa nga siya ay niyakap niya ako at tuluyan na siyang nakatulog.

Napabalikwas ako nang bangon sa higaan. Humihingal ako at basang-basa ng pawis. Nakahinga ako nang maluwag na para bang nilabas ko ang lahat ng hindi maipaliwanag na paninikip sa aking dibdib.

“Hay, salamat naman at panaginip lang ulit!” sabi ko sabay sapo sa aking noo.

I had been dreaming that weird scenario for two years already. Sa sobrang klaro ng mga detalye, parang totoo tuloy ang lahat ng mga pangyayari. It was the same nightmare na hindi ko naman alam kung ano nga ba talaga ang totoong koneksiyon sa akin.

Minsan ko nang nakuwento sa aking ina ang tungkol sa panaginip kong ito ngunit pinagalitan niya lamang ako. Kung ano-ano raw ang lumalabas sa imahinasyon ko at baka nag-level up na rin daw ako sa club!

Pinagbintangan pa akong nagbabasa ng mga pocketbook na may kinalaman sa sex at nanonood ng bold movies! Kaya kahit ilang beses ko pang mapanaginipan ulit, hindi ko na lang din sinasabi. But it doesn’t mean that it wasn’t affecting me.

Walang araw na hindi ko naiisip ang panaginip kong ‘yon! Palaging gano’n na lang kasi ang mga eksena at walang nababago. Ang dami kong tanong palagi sa isip ko... katulad na lang ng kung bakit ko patuloy na napapanaginipan ‘yon eh hindi naman malaswa ang pag-iisip ko?

Tiningnan ko ang oras sa cell phone ko na nasa bedside table ko. It was already six in the evening. I set aside my thoughts because I had to go to work. Alas-otso hanggang alas-diyes ng gabi ang duty ko sa club tuwing Martes, Huwebes, Sabado at Linggo. Sabado ngayon.

Masakit pa ang ulo ko dahil nag-overnight kami sa bahay ng kaklase at kaibigan kong si Karen para tapusin ang aming thesis. Documentary thesis pa lang siya ngayon at next term pa ang defense. Alas-diyes ng umaga na ako nakauwi at ala-una na ng hapon ako nakatulog dahil sa sobrang init.

Bumangon ako sa kama at dire-diretso sa sariling CR na nasa loob ng kuwarto ko. Isang oras ang lumipas at tapos na akong maligo. Nagsuot lang ako ng fitted at off-shoulder lacy black dress na hindi lalagpas ng tuhod.

Hinayaan ko lang na nakalugay ang lagpas-balikat kong buhok, habang ngumingiti sa harap ng salamin. Medyo biniyayaan ako ng malalaking dibdib na size 36B, kung kaya’t as much as possible ay hindi ako nagsusuot na makikita ang aking cleavage. Naglagay lang ako ng kaunting pulbo at lipstick, and I was all set.

Pagbaba ko ng hagdan ay saglit kong sinilip si Mama sa kuwarto niya. Mabuti naman at payapa na siyang natutulog. Pumunta ako sa kusina at kinain ang pagkaing hinanda ni Mama para sa’kin — kanin at saka fried chicken. Malamang, kumain na rin ‘yong dalawa kong kapatid dahil tambak na naman ang hugasin. Hinugasan ko na lang dahil ayokong makakita ng marumi.

Paalis na ako ng bahay nang makita ko si David — ang isa sa aking mga kapatid. Pangalawa siya sa akin at ang bunso naman namin ay si Denise. Lahat ng mga pangalan namin ay nagsisimula sa letter D. Sadyang mahal na mahal lang talaga ni Mama Cecille ang namayapa naming ama na si Dominic.

“Running for class valedictorian nga pala ako, Ate...” sabi niya sabay kindat sa akin.

“Talaga, Dave? Wow! Eh ‘di mabuti. Siguradong makakakuha ka ng full scholarship niyan sa kolehiyo... at siyempre, sa magandang university ka dapat papasok ha? I’m so proud of you!” nakangiti kong sabi sa kanya sabay ginulo ko ang buhok niyang gabi na nga ay nakapostura pa.

At least, kahit papaano ay nabawasan ang pagod ko sa sabay kong pag-aaral at pagtatrabaho nang dahil sa sinabi niya. Nakagagaan sa pakiramdam na hindi pasaway ang mga kapatid ko, kahit na minsan ay nakakalimutan nilang maghugas ng mga plato! Dahil doon ay biglang nawala ang sakit ng ulo ko at ready na ulit ganahan sa pagtatrabaho.

Sa dalawang kapatid ko, si David lang ang nakakaalam ng pagiging dancer ko. Ipinaunawa ko sa kanya ang sitwasyon and despite his young age, mabilis naman niyang naintindihan ‘yon. Ipinangako ko rin sa kanya na kapag nakatapos na ako ng kolehiyo ay titigil na rin ako sa pagtatrabaho sa club at magiging isa sa mga tinaguriang best accountants ng bansa!

He would like to stop going to school para tulungan daw ako sa pagtatrabaho, pero ‘yon naman ang hindi pwede. Sinabi kong saka na lang niya ako tulungan kapag nakatapos na rin siya ng college.

On the other hand, masyado pang bata si Denise. Baka dumating ang oras na hindi ko na rin kayaning mag-isa, kaya ngayon pa lang ay hindi ako pwedeng tumigil sa pagtatrabaho at pag-iipon para sa kinabukasan niya... nilang dalawa.

“Ate naman!” reklamo ni David habang inaayos ulit ang buhok niyang nagulo ko na. Inamoy ko ang kamay ko at amoy na amoy  pa rin doon ang hair wax na ginamit niya.

“Bakit? Hindi ko na ba pwedeng lambingin ang kapatid ko? Hmpft! Matutulog na nga lang, kailangang nakaayos pa ang buhok?” natatawa man ay kunwaring nagtatampong sabi ko. “May pinapagwapuhan ka na ba ha?” pahabol na tanong ko.

Bigla namang lumitaw si Denise at sumabat sa aming usapan, “May girlfriend na kasi ‘yan si Kuya, Ate Diane! Pumunta pa nga ‘yan si Kuya sa bahay niyon eh.”

Napatingin ako nang makahulugan kay David at seryosong kinausap siya. “Ikaw, David Cristoff ha! Ayusin mo muna ‘yang pag-aaral mo bago ka magka-girlfriend. Baka sa halip na valedictorian eh valec fourth year highschool ang maging award mo! Ako nga, walang lovelife tapos uunahan mo pa ako? Aba! Saka na ‘yang lovelife-lovelife na ‘yan, tutal ay makapaghihintay naman ‘yan. Maliwanag ba?”

“Maniwala ka riyan kay Denise, Ate... hindi ko girlfriend ‘yon! Ang taray kaya niyon, palagi nga akong iniiwasan eh. Ang hilig pa mag-walkout! At saka project naman ‘yong pinunta ko sa bahay nila,” nakanguso pero namumula ang mukha niya habang nagpapaliwanag... tunog defensive pa! Ang kapatid ko, mukhang nagbibinata na talaga.

“Si Mama, tulog na... napainom mo naman ba ng gamot ‘yon on-time?” pag-iiba ko ng usapan.

“Oo, Ate. Ako pa ba?” Tumango naman siya sa akin pero ang mga mata niya ay seryosong nakatingin kay Denise. Parang sinasabi ng mga tingin niya na, “Patay ka sa akin mamaya!”

Didila-dila lang naman ang bunso namin sa kanya sabay sabing, “Siyempre, pinainom mo rin ng gamot ‘yong crush mo, ‘di ba?”

Ang kulit talaga ng dalawang ‘to! Kaya nga kahit palagi akong nagigising sa paghaharutan nilang dalawa ay okay lang sa’kin. Sobra kasi kung lumangitngit ang hagdan naming kahoy sa tuwing naghahabulan sila David at Denise.

May ikalawang palapag ang bahay namin. Magkadikit lang ang mga kuwarto namin ni Denise na nasa itaas, at nagsasalo sa iisang terrace. Sila Mama at David naman ay dito sa ibaba natutulog at magkatabi lang din ng kuwarto. Mas gusto ni David na siya ang nasa ibaba dahil siya raw ang unang poprotekta sa’min kung sakali mang may masasamang tao na manloob. Dalangin ko na huwag naman sanang mangyari ‘yon.

Natutuwa talaga ako sa kanya. Minsan ay mature na kung mag-isip, pero madalas ay isip-bata naman!

“Oh siya... ikaw na muna ang bahala rito sa bahay, ha? Mga alas-onse pa ng gabi ako makakauwi. Huwag puro pa-pogi! Bantayan mo si Mama at si Denise,” bilin ko kay David. Pareho ko silang hinalikan sa pisngi. “Hmm, ang bango-bango ng bunso namin ha!” Kiniliti ko naman sa tiyan ang tumatawang si Denise, pero sa totoo lang ay nangangamoy ito ng pawis!

“Ayaw mo bang magpahatid sa gwapo mong kapatid, Ate?” Nag-pogi sign pa talaga ito sa’kin. Sa totoo lang ay parang hindi niya ako ate eh. Mas matangkad pa kasi siya sa akin. I was 5’7” in height, but David already stood at 5’8” and he was only sixteen.

Noong nakaraan lang ay binilhan ko siya ng motor sa kondisyong mag-iingat siya sa paggamit niyon. Ibinaba kasi ng Governor ng Quego del Mar sa edad na disi-sais ang mga pwedeng magkaroon ng lisensya sa motor. Na-perfect naman ni David ang non-professional exam for teenagers, kung kaya’t nakakuha siya agad ng lisensya.

“Hoy, hindi por que binilhan kita ng motor ay mawiwili ka nang gamitin kahit gabi ha! Hindi na, magco-commute na lang ako. Matulog ka na lang nang maaga at periodical exam niyo pa bukas!”

“Okay! Sige, Ate. Ingat. Siya nga pala, may bisita ka riyan sa labas. Ang gara ng sports car! Mukhang big shot! Magkakaroon din ako ng gano’n balang-araw!” paalam nito sa akin sabay baling kay Denise, “Ikaw, kahit kailan eh ang daldal mo talaga! Halika nga rito,” at naghabulan pa ang dalawa sa may sala.

Hindi ko na pinansin pa ang kulitan nila bagkus ay sinuot ko ang heels ko na nasa pinto, lumabas ng bahay at dumiretso na sa gate. Baka kasi makipagharutan lang din ako sa kanila at hindi na ako pumasok pa sa trabaho.

Saka ko nakita ang itim na kotseng sinasabi ni David. Tinted ang salamin ng kotse kaya hindi ko maaninag kung sino ang lulan nito. Nacu-curious man ay ipinagsawalang-bahala ko na lang ‘yon.

Baka naman nagkamali lang ang kapatid ko. Baka hindi naman talaga ako ang sadya ng kung sino mang sakay niyon. Hmm... baka naki-park lang siya sa tapat namin.

Hindi pa ako nakakalabas ng gate namin ay umalis na ‘yong kotse. Pagkalabas ko naman ng gate ay muntikan pa akong matisod sa isang palumpon ng mga naggagandahang pulang rosas na nasa semento. Nagpabaling-baling ang tingin ko sa paligid dahil baka may nagkamali lang na iwan ang mga bulaklak na iyon dito.

Pinulot ko ‘yon, tiningnan ang card at binasa ang ano mang nakasulat doon:

“Now that I found you, I will never let you go. Not now, not anymore.”

—L

Napakunot ako ng noo. Para sa akin ba talaga ang mga ‘to? Pero sino naman ang L na magbibigay sa akin ng mga ‘to?

Oh, could it be Leandro?

Related chapters

Latest chapter

  • My Dark Past   BOOK 2: SHADOWS OF MY DARK PAST

    DISCLAIMERAny reproduction, distribution or usage of this work in whole or excerpt form, in any online or offline media using technology now known or hereafter invented including photocopying, mobile technology, and recording are all forbidden without written and signed permission from the author.The story is written in Tagalog-English and contains mature scenes. All characters and events in this book are products of the writer's imagination and have no relation to any namesake. All incidents in this body of work are entirely fiction and are in no way related to anyone who is known or unknown to the author.Plagiarism is a crime and therefore, punishable by law.Copyright, Nihc RonoelAll Rights Reserved 2021BOOK 2: SHADOWS OF MY DARK PAST“Can true love mend all the heartaches brought by the painful past?”The story follows the life of Diane after knowing the truth behind her forgotten past. How will she opt to continue living her life if the man whom she has gotten rid of—chooses

  • My Dark Past   Glimpse 32: The Consequence

    Diane’s P.O.V.Anong karapatan niya para halikan at yakapin ako? Ang kapal naman ng mukha niya para magpakita pa rito! May nalalaman pa siyang, ‘Thank God, I missed you so much?’ And he even called me Diane? Coming from a rapist like him, hindi ko iyon kailanman matatanggap!

  • My Dark Past   Glimpse 31: Signature Pen

    Liam’s P.O.V.

  • My Dark Past   Glimpse 30: Diane's Amnesia

    Diane’s P.O.V.“Opo. B-Best friends ko po sila... si Karen at si Lorenz?” I told the doctor as I dismissed the mentioned guy in my memory.

  • My Dark Past   Glimpse 29: At Death Bed

    Diane’s P.O.V.They said that dying people would always have a reflection on how well they lived their lives on earth, from the start until the very end. The question would be... did I really live my life that well? Were I able to do great and humane things for me to be accepted in heaven?

  • My Dark Past   Glimpse 28: Trip To Palawan

    Diane’s P.O.V.One more flash had made our lips parted. I didn’t want to stop from kissing Liam, but I turned around to see who was busy capturing the photos of us.

  • My Dark Past   Glimpse 27: Liam's Proposal

    Diane’s P.O.V.

  • My Dark Past   Glimpse 26: Schemed Surprise

    Diane’s P.O.V.“Happy birthday!” sigaw nilang lahat. Karen even blasted a party popper near me.

  • My Dark Past   Glimpse 25: Feeling Alone

    Diane’s P.O.V.To date, this had been the saddest day of my life.

DMCA.com Protection Status