Magaalas-3 na ng hapon at malapit ng matapos ang pinapagawa ni Madam Ivy sa akin na report. Sa wakas ay maaga ko itong matatapos ng makapahinga ako dahil sobrang sakit na ng ulo ko.Tumingin ako sa paligid at lahat ng tao ay busy sa kani kanilang trabaho. Napakatahimik. Maging si Cherry ay tanaw ko sa kabilang side ng opisina na busy sa pagtatype.Ganito karaniwan ang eksena sa opisina pag palapit na ang end of the month. Sinasubmit kasi ang lahat ng reports kay Mr. Montano at bawal itong madelay. Paghahanda iyon para sa monthly meetings ng mga managers.
Ganoon na nga ang eksena ng maisipan kong kumuha muna ng tubig sa pantry. Dala ang tumbler ko ay pabalik na ko sa desk ng napukaw ang atensyon ko sa humahangos na si Mary.Nagmamadali itong maglakad papunta sa opisina ni Mr. Montano, may luha sa mga mata at may dalang isang envelope. Nagulat ang lahat sa itsura nito at napatingin kaming lahat sa kaniya. Napatigil din ako sa paglalakad at sinundan ng tingin si Mary.Dumiretso ito sa loob ng opisina ng boss at binagsak ang pinto ng isara.Nagumpisang magbulungan sa opisina at ito na si Cherry na nagmamadaling lumapit sa akin."OMG, beshy! Mukhang may eksena!" Sabi agad ng kaibigan. Dala pa nito ang mga papel na tinatype.
"Ikaw talaga, napakabilis mo pagdating sa tsismis." Natatawa kong sagot sa kaniya.
"Sabi sayo eh, something is fishy sa dalawang iyan." Mahinang sabi ni Cherry.Ako naman ay napatingin na lang sa saradong pintuan ng opisina ng boss. Lahat ay nagaabang pero lumipas ang alas-5 ay nasa loob pa rin ang dalawa. Mukhang bigo si Cherry malaman ang chismis ngayong araw."Jenna, pinapatawag ka ni Madam Ivy sa office niya." Bungad sa akin ng kaofficemate na si Pamela.
Alas-11 pa lang ng umaga at hindi pa ako tapos sa pagupdate sa status report ko. Mukhang may nakalimutang ipagawa si Madam at bigla ako nitong gustong makausap.Agad akong nagtungo sa opisina at bumungad ang nakangiting mukha nito sa akin.
"Yes po, Madam?" Sabay upo ko sa tapat nito.
"Jenna, pasensiya na at alam kong busy ka pa pero may importante kasi akong sasabihin sayo." Biglang sumeryoso ang mukha nito.
"Okay lang po." Tipid kong sagot dahil bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Nagkaroon kami ng short meeting this morning kasama si Mr. Montano. Binalita niya na nagresign si Mary kahapon." Tuloy tuloy nitong sabi.
"Ah, kaya po pala kahapon ganun ang itsura ni Mary. Nagresign na po pala siya? Bakit daw po?" Tanong ko pero sa totoo lang ay ang weird na sinasabi sa akin ni Madam ito. Eh malalaman ko din naman yun sa mga tsismis sa opisina.
"Hmm, hindi ko din alam.” Sabay abot nito ng isang papel."Ano po ito?" Nagtataka kong tanong, sabay basa sa title nito.
PROMOTION LETTERMaang na napabuka ang bibig ko at napatingin sa mukha ni Madam. Nakangiti ito ng ubod tamis."Congratulations, Jenna!" Sabay abot ng kamay nito para ishake hands siya. Nagaatubili akong inabot iyon.
"Pero, madam. Bakit po..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin.
"Simula bukas ay ikaw na ang Executive Secretary ni Mr. Montano. Ikaw ang napili namin na maging kapalit ni Mary." Pagpapaliwanag nito sa akin.Hindi pa rin ako makapaniwala, pero bakit ako ang napili? Hindi ba ay mas madaming matagal sa akin at mas magaling ng di hamak?"Eh Madam, bakit po ako?" Don't get me wrong, masaya ako pero mas lamang ang pagtataka.
Bigla na lang nagring ang telepono kaya agad nitong sinagot ang phone at nagmuwestra na basahin ko na lang muna ang iniabot nito."...from a monthly salary of Php15,000, we are revising your salary to a monthly salary of Php25,000. This will include overtime, out of towns and overseas business trips." Hindi ako mkapaniwala sa nakikita, ang laki ng increase at may overseas business trips pa! Ibig sabihin ba nito ay makakapunta na ako sa ibang bansa?
"So, Jenna what do you think?" Nakangiti ito. Natapos na si Madam sa kausap sa telepono.
"Hindi po ako makapaniwala, hindi ko po talaga ito inaasahan." Masayang masaya ako at hindi pa rin binibitawan ang papel.
"Pero nagtataka lang po talaga ako. Bakit sa dami ng mas matagal sa akin ay ako po ang napili?"
"Well, may mga bagay kasi na hindi ko pwedeng idisclose sayo. Pero bukod sa maganda ang performance mo at matalino ka ay nasa iyo ang isa sa hinahanap ni Mr. Montano."
"Ha? Alin po?" Pasuspence pa tong si Madam, ayaw pa akong diretsuhin."Yun ay ang..." Pambibitin nito sabay tawa."Madam naman eh." Natatawa na ako, papano ay nangaasar pa ito habang takang taka na nga ko."Ang pinakaimportante na bilin ni Mr. Montano ay kailangan niya ng Secretary na nakafocus lang sa trabaho. Hindi nagpapadala sa mga 'distractions'. At ikaw na ikaw yun, Jenna!" Pagpapaliwanag nito sa akin."Anong distractions po?" Sunod na tanong ko naman kasi parang may laman yung pagkakabanggit niya ng word na DISTRACTIONS."Well, madaming klase ng distractions sa loob at labas ng opisina. Pero ang pinakamalaking distraction na maeencounter mo sa trabaho na ito ay... hulaan mo?" Pambibitin na naman nito, madami ata siyang time mangasar ngayon."Ahm, long working hours po?" Panghuhula ko para sakyan na lamang ang ginagawa ni madam."Mali.” Sabi nito sabay tawa na naman. Natutuwa talaga siya na pinagtitripan ako.Natawa na din ako dahil sa inaasal ng amo.
"Okay, seryoso na." Sabi nito at kinuha ang papel sa kamay ko. "Ang trabaho mo ay isang Executive Secretary, ibig sabihin ay palagi mong makakasama si Mr. Montano. Sa loob man o labas ng opisina, pwedeng 8,12 o 24 hours pa. Yan ang pinamalaking distraction mo sa trabahong ito, ang mismong boss mo."
"Hindi ko po gets ang sinasabi mo, Madam." Nakakunot noo kong sabi. Sa totoo lang ay naguguluhan ako, paano naman magiging sagabal si Mr. Montano sa akin?
"That's the point, Jenna! Hindi mo gets, that's the point!" Malakas na sabi nito. Ano ba itong pinagsasabi ni Madam Ivy, lasing ba ito?
"Okay, ipapaliwanag ko. Almost all the ladies in the company adores Mr. Montano. Yung tipong titigan lang sila nito ay ibababa na agad nila ang mga panty nila. Ganun kalakas ang dating niya and my point is wala kang pakielam doon. Because nakafocus ka lang sa work mo and that is very good! Kabilin bilinan ni Mr. Montano, he wants someone that will just do her job and go. No personal emotions involved, yung hindi siya aakitin. Because that's what happened to Mary." Mahabang pagpapaliwanag ni Madam.Saglit, aakitin? Seryoso ba yun? Ano naman ang akala niya, kahit gwapo siya hindi naman lahat ng babae ay magkakagusto sa kaniya. Iba iba din tayo ng type at hindi ko siya type. Grabe naman mentality ni Mr. Montano.
"Thank you po for the compliments pero hindi naman po sa hindi ako nagaguwapuhan kay Sir. Iba lang po siguro ung tipo kong lalaki." Pagpapaliwanag ko naman."Then, that's good. So, do you accept the offer?" Masayang tanong nito.
"Oo naman po, Madam." Obvious naman yung sagot ko.
"Good, then I will forward this to the HR Department and expect a call from them within the day to sign your new contract. Okay, Jenna?" Sabay lapag ng papel sa desk nito at may isinulat.
"Yes po, salamat po Madam." At bumalik na ako sa aking desk.
Maaga akong pumasok ngayong araw. Kahapon ay napirmahan ko na ang bago kong kontrata at binigay na sa akin ang mga dapat basahin sa paghahanda sa bago kong role bilang Executive Secretary ni Mr. Montano.Magkahalo ang kaba at excitement na nararamdaman ko. Kinakabahan dahil magiging Secretarya ako ng pinakamataas na posisyon sa kumpanya at excited dahil bagong experience ito para sakin.Pagdating sa opisina ay agad akong nagtimpla ng kape. Maaga pa naman kaya wala pang ibang tao. Naupo ako sa pantry area at nagumpisang basahin ang isang booklet na inihanda nila para sa akin. Nan
Isang linggo na ang nakaraan at naging maayos naman ang aking trabaho. Kadalasan ay sa umaga ko lang nakikita si Mr. Montano kapag papasok ito sa opisina."Good morning, Sir!" Laging masayang bati ko sa boss at sumasagot naman ito ng malamig na "Good Morning." Pero ni hindi man lang ako tinatapunan ng tingin at diretso lang sa opisina niya.Sa akin naman ay balewala lang yun, naisip ko na disappointed pa siguro ito sa pagreresign ni Mary. Namimiss marahil nito ang dating Secretary, isa pa ay obvious na may namamagitan sa dalawa.
May nakatakdang project ang aming kumpaniya at makikipagcollab kami sa Quintez Media, isang malaking marketing agency sa bansa.Ngayong araw ay naschedule ang meeting ng mga ito kaya naman nauna na ako sa conference room para ihanda ang computer.Maya-maya pa ay dumating na si Mr. Montano na nakacoat and tie na dark gray. Pormal lang itong naglakad patungo sa kaniyang upuan. Sinundan ko lang ng tingin ang amo at kasunod niya ay nagsidatingan na ang ibang managers ng kumpanya. Kaniya kaniyang upuan na ang mga ito. Ako naman ay naupo na din sa tabi ng boss at nagready ng aking notepad.Hindi nga nagtagal ay pumasok na ang mga big boss ng marketing agency.Pumukaw sa atensyon ko ang isang lalaki na mukhang may lahing Latino. Tinignan ko ang aking notes, ito marahil ang anak ng CEO na si Jake Fuentez. Ito ay isa sa Managing Director ng kumpanya pero mukhan
Tulad ng inaasahan ay naging busy ang mga sumunod na araw, napadalas ang pagbisita namin sa mga venues at meetings.Nakakapagod dahil madalas ay naghahabol kami ng oras ni Mr. Montano. Puno ang schedule nito, ibig sahihin ay ganun din ako. Dahil kung nasaan ang boss ay nandun din dapat ako.Nagpapasalamat naman ako at hindi ko nakikita si Mr. Fuentez. Balita ko ay may emergency appointment ito sa Japan kaya naman wala ito ng mga nakaraang araw.Sa totoo lang ay nakakatuwa naman ang lalaki, ang problema lang ay ayoko madumihan ang image ko sa boss. Kakaumpisa ko pa lang bilang secretary niya at ayoko naman magisip ito na nakikipaglandian ako sa tr
Pagtingin ko sa oras ay pasada alas-2 na kaya pala nakakaramdam na ako gutom."Sir, your meeting will start at 2:30pm." Pagpapaalala ko dito habang naglalakad kami sa paligid. Tumango ito at nagpunta na kami sa conference room ng lugar.Sa kalagitnaan nga ng meeting ay may dumating na may dalang tray at mga inumin. Ayun naman ang pinakaaantay ko eh, dahil malapit nang magwala ang bituka ko.Biskwit?! Yun lang ang inihain nito at juice. Para akong nanlambot ng dahil dun pero dahil kumakalam na ang sikmura ko ay pwede na sigurong pantawid gutom ito.Magaalas-4 na at may isa pang meeting si Mr. Montano bago
Isang malalim na bunting hininga ang pinakawalan ko ng nasa tapat na ng pinto ng hotel ni Mr. Montano. Pinindot ko ng isang beses ang doorbell nito at naghintay pero walang nagbukas.Baka naman tulog ito? Aatras na sana ako ng biglang umuwang ang pinto.Hubad na katawan ng boss ang sumalubong sa akin. At dahil sa nakatsinelas lang ako ay kapantay lang ako ng dibdib nito. Tama nga ako at matipuno ang katawan nito, alagang-alaga siguro sa exercise.Pero da
"Good morning, sir." Bati ko sa boss ng tawagan ko ito.Hindi ito agad sumagot pero dinig ko ang hininga nito sa kabilang liniya."Good morning." Tipid at parang wala sa mood nitong bati din sa akin."Sir, your meeting at 10am today is confirmed." Diretso kong sabi dito na pinipigilang mautal. Normal lang dapat ang pakikitungo na parang walang nangyari."That's good." Sagot nito at nagpakawala ng malalim na hininga. Dinig na dinig ko naman iyon bago nito ibinababa.Mukhang normal naman ito at walang kakaiba kaya sigurado na wala itong naalala. Buti naman at ganoon.Nagantay ako sa lobby ng hotel dahil kailangan na naming bumalik sa venue dahil doon din gaganapin ang meeting sa Architect.Maya-maya pa ay nakita ko ng naglalakad ang boss galing sa elevator. Habang papalapit ito sa akin ay hind
HOW TO IGNORE AN ATTRACTIVE BOSS?Google search result:10 Ways to Fight Attraction In The Workplace
Sa daan ay tahimik lang akong nakaupo. Wala din ako sa mood makipagkwentuhan kaya kunwari ay abala ako sa cellphone ko. Pero ang totoo ay wala akong maisip kung hindi ang mga nangyari kanina. Pakiramdam ko lang kasi ay wala akong halaga kay Anton sa mga kinilos nito kanina. Hindi nito sinabi ang mga gusto kong marinig, ni hindi ko naramdaman na may pagpapahalaga ito sa nararamadaman ko. Wala nga pala kasi kaming relasyon. Sana pala ay hindi na lang ito nagtapat sa akin at mas lalong sana ay hindi na lang ako nagtapat dito. Pag-uwi sa bahay ay hindi na ako naghapunan pa. Wala akong gana kaya naman nagdahilan na lang ako kay Mama na masama ang pakiramdam at pagod mula sa byahe. Nagkulong na lang ako sa kwarto at doon ko binuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigil. Tinitigan ko ang monitor ng cellphone ko habang tumutulo pa rin ang mga luha. Walang tawag o ni text mula kay Anton. Abala siguro ito sa pakikipaglambutsingan sa Faye na yun. Sabi niya ay babawi siya sa akin dahil wala si
Nagpaalam ang Mommy ni Anton para pumunta daw sa kusina. Mabait ito at napakadown to earthna tao. Ni hindi ko man lang maramdaman na ilang ito sa amin ni Kuya Den kahit tauhan lamang kami ng kumpanya nila.Ang Daddy nman ni Anton ay mukhang mabait din pero may pagkatahimik. Sa kanya siguro namana ng boss ang ugali.Patuloy lang sa pagkukwentuhan ang mga bisita nila, si Anton at ang Daddy nitosa salas. Pasimple ko namang sinulyapan si Kuya Den na abala sa cellphone nito. Kachat marahil ang pamilyaniya.Tinignan ko ang isang malaking wall clock na nakasabit sa gitna ng salas. Magaalauna na pala ng haponat hindi pa nga kami nananghalian. Dito na kaya kami kakain? Ang hirap manghula,hindi ko naman kasi makausap ang bosspara sana itanong. Masakit na kasi ang tyan ko sa gutom.“Hi!” Masayang bati ng isang pamilyar na boses.
Nang makarating kami sa site ay namangha agad ako sa gate pa lamang ng subdivision na iyon. Bongga ang itsura at mukhang hindi talaga basta-basta. Nakapalibot pa ang iba’t ibang kulay ng mga bulaklak at berdeng mga halaman sa bungad pa lang ng lugar. Ang automatic barrier nito ay tumaas bago pa man tumapat ang kotse sa guard’s house. Nakatayo sa gilid nun ang isang security gurad na agad pang sumaludo sa aming sasakyan.Pagbaba namin ay sinalubong na kami ng tauhang nag-aantay sa aming pagdating. Isang maputing babae na nakabestidang kulay royal blue at isang lalaki na nakacoat and tie pa na kulay royal blue din. Siguro ay uniporme nila ito kaya magkakulay sila ng damit. Iginiya nila kami agad sa isang model bungalow house na moderno ang itsura.Dark gray, puti at dark brown ang kombinasyon ng kulay ng mga pader at ang mga glass windows naman ay mula ceiling hanggang sahig. Minimalist ang style ng mga usong bahay sa panahon ngayon kaya naman siguradong magi
Tulad ng inaasahan ay naging busy na naman ang mga sumunod na araw sa trabaho. Hindi ko na nga halos nakikita ang opisina dahil papasok lang ako dun para magkape at pagkatapos ay aalis na rin naman agad. Panay ang labas namin ni Anton kasama si Kuya Den sa mga meetings, eventsat site visits. Okay lang naman dahil ibig sabihinnunay maganda ang takbo ng kumpanya dahil sa maraming projectsat collaborations. Mas lalong pabor yun para sa akin dahil doon ako nagtatrabaho.Pero kung minsan ay naiisip ko din na masyado na atang napapagod si Anton at nag-aalala na din ako sa kanya. Pero sa bagay na yun ay hindi ako nakikielam sa kanya. Isa pa ay alam kong gusto niyang tutukan ang kumpanya ng pamilya niya. Naalala ko nga ang sinabi ng Mommy niya na simula raw ng magkasakit ang Daddy nito ay wala na itong ginawa kung hindi ang magfocus lang sa kumapanya.Naawa akong bigla kay Anton sa naalala kong iyon. Siguro ay ibinuhos na lan
Sa isang Filipino restaurant namin napiling kumain ni Anton. At dahil weekday naman kaya siguradong wala masyadong tao ngayon. Pagpasok pa lang ay isang waitress na nakasuot ng national dress ng Pilipinas ang agad na sumalubong sa amin. Iginiya kami nito sa isang mesa na nasa dulo. Mas maganda ang napili nitong lugar dahil parang may privacy mula sa ibang kumakain. Pero tanaw pa rin naman ang ibang mga tao mula doon. Pagkaupo pa lang namin ay iniabot na ng waitress ang menu at saka nagsabing babalik mamaya.Magkatapat ang upuan namin ni Anton kaya naman kita ko ang lalaki na parang nahihirapan sa pwesto niya. Masyado kasi atang mababa ang upuan kaya nahihirapan itong pagkasyahin ang mahahaba niyang binti sa ilalim ng lamesa. Bahagya itong umusod palayo para kumportableng makaupo. Hindi nito napansin na lihim akong natatawa sa itsura nito dahil abala sya sa paghanap ng maoorder. “What do
Natameme na lang ako kay Anton na tumingala pa sa sunroof ng kotse niya. Mula kasi doon ay kita angmaliwanag na kalangitan at mga bituin. Balak pa atang magstar gazing sa gitna ng Edsa ng lalaking ito. Hindi ko na tuloy alam kung maiinis ba ako o matatawa sa inaasal nito.Ilang minuto na itong nasa ganung pwesto kaya naman tumingin ako sa labas. Dinig ko pa rin ang walang tigil na businahan ng mga sasakyan sa paligid at ang nasa likod namin ay kanya-kanya ng diskarte para makalipat ng lane. Siguro ay naisip na lang nila na nasiraan kami sa gitna kaya nakatigil at hindi umaandar.Pero kailangan ko na talaga itong kumbinsihin na paandarin na ang kotse. Lalolangkamingnagdudulot ng traffic sa lugarna halos hindi na nga gumagalaw.Baka mamaya ay magalit na at tumawag pa ng pulis.“Anton, please umuwi na tayo. Bukas na lang tayo magusap ulit.” Pakiusap ko na niyugyog pa ang braso
Hindi ko naman gusto ang magsinungaling kaya lang ay gusto ko na din talaga kasi siyang makauwi na at magpahinga. Pero gusto ko din kasing mag-isip na muna ng dahil sa sinabi ni Cherry kanina. Naguguluhan na naman kasi ang utak ko. Ano ba naman ito?!Dapat pala ay diniretso ko na lang si Anton kanina kaysa gumawa pa ako ng dahilan at kwento. Lumabas pa tuloy na nagsisinungaling ako. Pero nagsinungaling naman talaga ako, hindi ba? Maling-mali ang ginawa ko na yun.Hindi ko din naman kasi akalain na tatawagan nito si Cherry. Malay ko ba na may number pala siya nito. Biro mo yun? Hay! Pero siya nga pala ang boss, natural na may contact siya ng lahat ng empleyado niya. Bakit ba umiral na naman ang katangahan ko at hindi ko naisip yun kanina?“Jenna, I’m talking to you.” Wala akong choice kung hindi ang mag-angat ng ulo. Ramdam ko na parang ang lapot ng laway ko dahil hirap na hirap akong lulunin yun. Kinaka
Ano nga ba kami? MU?Hindi ba ay parang panghighschool lang yun? Pero wala naman kaming kahit na anong naging usapan. Basta pagkatapos ng araw na yun ay parang kami na o assumming lang ba ako? Kaya ba kagabi ay ganun siya? Kaya hindi niya ako pinakilala kay Mr. Villanueva?“Aba, besh. Pati kayo ba naman ay makikiuso dyan sa relasyong walang label?” Hindi ko mawari ang ekspresyon ng mukha ni Cherry kung nagbibiro ba ito o seryoso. Pero wala na akong naisagot at napakamot na lang ako sa ulo.Sandali nga, kailangan ko bang tanungin si Anton kung ano kaming dalawa? Hindi ba ay sa kanya dapat manggaling yun dahil siya ang lalaki? Siya dapat ang magtanong sa akin.Hmm. Ni hindi nga ako nito inaaya man lang magdate. Kung lalabas man kami o kakain ay dahil lang sa trabaho. Ni walang paflowers , chocolates or kahit ano na ginagawa ng magkasintahan. Kailan ba nito huling sinabi na mahal niya ako? Isang beses pa lang nga ata, hindi ba?Pero iilang
Natapos ang meeting na hindi man lang ako nagsasalita. Sa totoo lang ay wala naman akong papel dun kung hindi ang sumama. Minsan naiisip ko nga kung kailangan ba talagangnakabuntot ako sa bosskahit saan.Maayos na nagpaalam ang dalawa pero hindi nakaligtas sa akin ang pahabol na tingin ng Kelly Salvador na yun kay Anton. Si Anton naman ay deadma lang naman. Lagi na lang deadma ito, kahitna ngamismo ako ay dinedeadma nito madalas.Naiwan kaming dalawa sa mesa at nagkunwari na lamang akong busy sa pag-aayos ng bag ko. Nilagay ko lang ang notepad at ballpen na gamit kanina.“Have you written the important points from the meeting?” Hindi ko alam saan ito nakatingin dahil hindi ako nagabalang bigyan ito ng pansin.“Ahm. Oo.” Maikli kong sagot.Nadinig ko ang buntung-hininga nito kaya naman napatingin ako dito. Magkaharap kami kaya naman agad na nahuli nito ang mga mata ko pagkabaling ko pa lamang sa mukha