author-banner
itsloveren
itsloveren
Author

Nobela ni itsloveren

My Boss and Me

My Boss and Me

9.6
Isa lang akong simpleng babae, papasok sa opisina, magtatrabaho at uuwi. Wala na sa isip ko ang mainlove simula ng lokohin ako ng una kong . Kaya naman subsob sa trabaho lang ako, kumbaga eto na ang buhay ko. Nagsimula ng magbago ang buhay ko ng mapromote bilang Executive Secretary ni Mr. Montano. Makakaya ko kayang balewalain ang charm nito lalo pa at saksakan ito ng gwapo?
Basahin
Chapter: Chapter 62: Yes
Sa daan ay tahimik lang akong nakaupo. Wala din ako sa mood makipagkwentuhan kaya kunwari ay abala ako sa cellphone ko. Pero ang totoo ay wala akong maisip kung hindi ang mga nangyari kanina. Pakiramdam ko lang kasi ay wala akong halaga kay Anton sa mga kinilos nito kanina. Hindi nito sinabi ang mga gusto kong marinig, ni hindi ko naramdaman na may pagpapahalaga ito sa nararamadaman ko. Wala nga pala kasi kaming relasyon. Sana pala ay hindi na lang ito nagtapat sa akin at mas lalong sana ay hindi na lang ako nagtapat dito. Pag-uwi sa bahay ay hindi na ako naghapunan pa. Wala akong gana kaya naman nagdahilan na lang ako kay Mama na masama ang pakiramdam at pagod mula sa byahe. Nagkulong na lang ako sa kwarto at doon ko binuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigil. Tinitigan ko ang monitor ng cellphone ko habang tumutulo pa rin ang mga luha. Walang tawag o ni text mula kay Anton. Abala siguro ito sa pakikipaglambutsingan sa Faye na yun. Sabi niya ay babawi siya sa akin dahil wala si
Huling Na-update: 2021-11-05
Chapter: Chapter 61: Job
Nagpaalam ang Mommy ni Anton para pumunta daw sa kusina. Mabait ito at napakadown to earthna tao. Ni hindi ko man lang maramdaman na ilang ito sa amin ni Kuya Den kahit tauhan lamang kami ng kumpanya nila.Ang Daddy nman ni Anton ay mukhang mabait din pero may pagkatahimik. Sa kanya siguro namana ng boss ang ugali.Patuloy lang sa pagkukwentuhan ang mga bisita nila, si Anton at ang Daddy nitosa salas. Pasimple ko namang sinulyapan si Kuya Den na abala sa cellphone nito. Kachat marahil ang pamilyaniya.Tinignan ko ang isang malaking wall clock na nakasabit sa gitna ng salas. Magaalauna na pala ng haponat hindi pa nga kami nananghalian. Dito na kaya kami kakain? Ang hirap manghula,hindi ko naman kasi makausap ang bosspara sana itanong. Masakit na kasi ang tyan ko sa gutom.“Hi!” Masayang bati ng isang pamilyar na boses.
Huling Na-update: 2021-11-05
Chapter: Chapter 60: Muli
Nang makarating kami sa site ay namangha agad ako sa gate pa lamang ng subdivision na iyon. Bongga ang itsura at mukhang hindi talaga basta-basta. Nakapalibot pa ang iba’t ibang kulay ng mga bulaklak at berdeng mga halaman sa bungad pa lang ng lugar. Ang automatic barrier nito ay tumaas bago pa man tumapat ang kotse sa guard’s house. Nakatayo sa gilid nun ang isang security gurad na agad pang sumaludo sa aming sasakyan.Pagbaba namin ay sinalubong na kami ng tauhang nag-aantay sa aming pagdating. Isang maputing babae na nakabestidang kulay royal blue at isang lalaki na nakacoat and tie pa na kulay royal blue din. Siguro ay uniporme nila ito kaya magkakulay sila ng damit. Iginiya nila kami agad sa isang model bungalow house na moderno ang itsura.Dark gray, puti at dark brown ang kombinasyon ng kulay ng mga pader at ang mga glass windows naman ay mula ceiling hanggang sahig. Minimalist ang style ng mga usong bahay sa panahon ngayon kaya naman siguradong magi
Huling Na-update: 2021-10-08
Chapter: Chapter 59: Ngiti
Tulad ng inaasahan ay naging busy na naman ang mga sumunod na araw sa trabaho. Hindi ko na nga halos nakikita ang opisina dahil papasok lang ako dun para magkape at pagkatapos ay aalis na rin naman agad. Panay ang labas namin ni Anton kasama si Kuya Den sa mga meetings, eventsat site visits. Okay lang naman dahil ibig sabihinnunay maganda ang takbo ng kumpanya dahil sa maraming projectsat collaborations. Mas lalong pabor yun para sa akin dahil doon ako nagtatrabaho.Pero kung minsan ay naiisip ko din na masyado na atang napapagod si Anton at nag-aalala na din ako sa kanya. Pero sa bagay na yun ay hindi ako nakikielam sa kanya. Isa pa ay alam kong gusto niyang tutukan ang kumpanya ng pamilya niya. Naalala ko nga ang sinabi ng Mommy niya na simula raw ng magkasakit ang Daddy nito ay wala na itong ginawa kung hindi ang magfocus lang sa kumapanya.Naawa akong bigla kay Anton sa naalala kong iyon. Siguro ay ibinuhos na lan
Huling Na-update: 2021-10-07
Chapter: Chapter 58: Leche Flan
Sa isang Filipino restaurant namin napiling kumain ni Anton. At dahil weekday naman kaya siguradong wala masyadong tao ngayon. Pagpasok pa lang ay isang waitress na nakasuot ng national dress ng Pilipinas ang agad na sumalubong sa amin. Iginiya kami nito sa isang mesa na nasa dulo. Mas maganda ang napili nitong lugar dahil parang may privacy mula sa ibang kumakain. Pero tanaw pa rin naman ang ibang mga tao mula doon. Pagkaupo pa lang namin ay iniabot na ng waitress ang menu at saka nagsabing babalik mamaya.Magkatapat ang upuan namin ni Anton kaya naman kita ko ang lalaki na parang nahihirapan sa pwesto niya. Masyado kasi atang mababa ang upuan kaya nahihirapan itong pagkasyahin ang mahahaba niyang binti sa ilalim ng lamesa. Bahagya itong umusod palayo para kumportableng makaupo. Hindi nito napansin na lihim akong natatawa sa itsura nito dahil abala sya sa paghanap ng maoorder. “What do
Huling Na-update: 2021-10-04
Chapter: Chapter 57: Traffic
Natameme na lang ako kay Anton na tumingala pa sa sunroof ng kotse niya. Mula kasi doon ay kita angmaliwanag na kalangitan at mga bituin. Balak pa atang magstar gazing sa gitna ng Edsa ng lalaking ito. Hindi ko na tuloy alam kung maiinis ba ako o matatawa sa inaasal nito.Ilang minuto na itong nasa ganung pwesto kaya naman tumingin ako sa labas. Dinig ko pa rin ang walang tigil na businahan ng mga sasakyan sa paligid at ang nasa likod namin ay kanya-kanya ng diskarte para makalipat ng lane. Siguro ay naisip na lang nila na nasiraan kami sa gitna kaya nakatigil at hindi umaandar.Pero kailangan ko na talaga itong kumbinsihin na paandarin na ang kotse. Lalolangkamingnagdudulot ng traffic sa lugarna halos hindi na nga gumagalaw.Baka mamaya ay magalit na at tumawag pa ng pulis.“Anton, please umuwi na tayo. Bukas na lang tayo magusap ulit.” Pakiusap ko na niyugyog pa ang braso
Huling Na-update: 2021-10-02
Ava's Playful Boss

Ava's Playful Boss

Ang pagkakaalam ko ay Personal Assistant ang magiging trabaho ko sa boss na si Ethan Dela Torre. Pero bakit nga ba pati ang pagsisinungaling sa mga babae nito ay kasama na sa kailangan kong gawin? Minus points na ako sa langit kaya siguro pati sarili kong lovelife ay napabayaan ko na. May babae kayang makakapagpatino sa lalaking walang ginawa kung hindi ang maglaro sa pag-ibig?
Basahin
Chapter: Chapter 15
Naalimpungatan ako dahil may naramdaman akong mainit sa pisngi ko. Pagdilat ko pa lang ay mukha na ng aso ang bumungad sa akin. Panay dila nito sa mukha ko habang walang tigil sa pagkawag ang buntot nito. Wala pa nga pala akong pangalan na maibigay sa kanya. Pero sige, mamaya ay mag-iisip ako. Naalala ko nga kahapon pagkauwi ko ay tuwang tuwa ang mga kapatid ko. Shih Tzu daw ang tawag sa breed na ito sabi ng kapatid na si Jeremy. Sabi naman ni Angela ay mamahalin daw ang asong ganun. Ewan ko dahil wala naman akong alam sa mga hayop. Sa opisina ay tahimik lang ako sa pagtatype sa computer ko. Binibilisan ko na nga dahil may lunch daw ang pamilay Dela Torre para sa birthday ni Ethan. Gabi na daw kasi dumating ang mga ito kaya hindi na naicelebrate pa kahapon. Nagmamadali na nga ako dahil gusto naman ni Ethan na sumama ako doon. Ayaw ko nga sana pero pinapasabi din daw ni Sir Roberto na gusto akong makausap nito mamaya. Kaya wala na din naman akong choice. “What are you doing though?
Huling Na-update: 2022-05-31
Chapter: Chapter 14
Parang agad na bumalik si Ethan sa katinuan at mabilis na dumiretso ng tayo. Umiwas ito ng tingin sa akin at pinamulsa pa ang mga kamay. "You don't have to say anything but I just want to know if you are okay.” Parang may kung anong humaplos ng banayad sa puso ko sa nadinig ko na iyon mula sa boss. Hindi ko inaasahan na madinig ang mga salita na iyon mula kay Ethan. Talaga palang concern ito sa akin? Nag-aalala pala ito ng dahil sa nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala kaya hindi tuloy ako agad makasagot. "O-okay lang ako." Tipid ko na lang na nasabi dahil para akong mabibilaukan. Dinig ko ang dagundong ng sarili kong dibdib. Ano ba ang dapat akong ikakaba ngayon? Hindi ko maintindihan ang sarili. Pilit naman itong ngumiti bago tumalikod. "That's good." Pahabol pa nitong sabi bago tuluyang bumalik sa mesa nito. Ako naman ay parang tangang natulalang lalo sa kinauupuan ko. — Alas-11 na ng umaga ng mapatingin ako sa oras. Marami-rami kasi ang ginagawa ko kaya naman naging mabi
Huling Na-update: 2022-05-31
Chapter: Chapter 13
Mabigat ang pakiramdam ko pagkagising ko pa lang. Masakit din ang ulo ko at ramdam ko ang pamamaga ng talukap ng mga mata ko. Hindi nga ako nagkamali at pagkaharap ko sa salamin ay mugtong mugto nga ang mga yun dala ng walang tigil ko atang pagiyak kagabi. Sariwa pa rin ang mga pangyayari lalong lalo na ang mga sinabi ni Ian sa akin. Mabilis akong umiling iling sa sarili. Hindi! Ayokong maisip ang bagay na yun dahil alam kong iiyak na naman ako. Hindi ko na gusto pang maalala pa. Hanggang dun na lang ang lahat. Ang ending ng istorya namin. Masakit man ay kailangan kong tanggapin. Ang mabuti pa ay ang umpisahan ko na lang ang pagmumove on. Kaya mo yan, Ava. Bulong ko sa sarili. Mga ilang minuto na akong nakatayo sa tapat ng opisina pero nagdadalawang isip akong pumasok doon. Ang mga kaopisina ko naman ay nasa bukod na kwarto kaya tiyak na wala naman nang makakakita sa akin. Kay Trinity naman ay okay lang, madali namang magdahilan sa babae. Madali namang maniwala ang babae na yun.
Huling Na-update: 2022-05-04
Chapter: Chapter 12
"Miss, here's your order." Sabay lapag ng isang basong juice sa harap ko. Nasa bar na naman kasi ako para samahan ang boss. Hindi ko pa rin talaga lubos maisip bakit kailangan ako dito pero syempre ay kailangan ko lang sumunod na lang kapag sinama ako nito. Sa hindi kalayuan nakaupo si Ethan kasama ang mga lasing na nitong kaibigan. Si Ethan ay hindi nman madalas na magpakalango. Tamang inom lang at landian sa mga babae. Nang mapadako sa akin ang mga mata nito ay sumenyas ako na bababa lang ako sandali. Gusto ko lang kasi na magpahangin sa labas. Bitbit pa ang baso ng juice ay mabilis na umalis. Mula sa labas ay tinignan ko ang kabuuan ng bar. Matitingkad ang mga ilaw na mula doon na iba iba pa ang kulay. Malakas ang tugtog na dinig ko kahit pa nasa labas ako. Dalawang palapag iyon, sa taas ay ang VIP lounge kung nasaan ang boss ko. Matagal tagal na nga din ang nakalipas simula ng maghiwalay kami ni Ian. Aaminin ko, hindi pa rin ako nakaka move on. Umiiyak pa rin ako paminsan
Huling Na-update: 2022-04-23
Chapter: Chapter 11
Napaurong ang dila ko sa gusto ko sanang sabihin kanina. Napakunot ang noo ko sa nadinig. Mabilis na napaangat ang tingin ko sa mga mata nito. Bakit parang lumamlam ang mga mata niya? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan. Seryoso ito pero walang bahid ng galit. Kung hindi malumanay ang ekspresyon ng mukha nito na parang nakikiusap. Ngayon ko lang ito muling natitigan ng malapitan. Maayos na maayos ang buhok nito at mukhang bagong shave. Napaka linis tignan ng mukha, maaliwas. Andoon pa rin ang nakakabighani nitong mga mata na kahit sino ay kayang akitin. At ang mga labi nito na namumula pa. Bigla kong naalala ang pakiramdam noon sa mga labi ko ng araw na nakawan ako nito ng halik. S..sandali ano ba ‘tong iniisip ko? "Ava?" Mahina nitong tawag sa pangalan ko. "Ha? Ah.." Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Mabilis na kasi pala itong nakahakbang palapit ng lalo sa kinatatayuan ko. "I said, I..." Halos pabulong ang tinig nito. "P-pinapatawad na kita. Okay na
Huling Na-update: 2022-04-23
Chapter: Chapter 10
Dumako sa akin ang mga mata nito at sa pagkagulat ko ay mabilis kong kinabig ang pinto. Isasara ko na sanang muli iyon pero huli na dahil nakita na ako nito. "Ava, wait." Pigil nito sa pinto pero wala akong balak magpatalo. Pilit ko pa ring itinulak iyon pasara pero malakas ang lalaki samantalang isang kamay lang ang gamit nito. Eh ako buong pwersa na ng katawan ko ang gamit ay balewala pa rin. Nangangawit na ako kaya sumuko na lang ako at hinayaan na tuluyan nitong maitulak ang pinto pabukas. "Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ko ng tuluyan na nitong mabuksan ang pinto. Nakayuko lang ako dahil ayokong makita ito. “I…” Mahina nitong sabi pero hindi naituloy ang sasabihin. “Ano?” Naiinip kong tanong ng hindi nito tinuloy ang sasabihin. Napaangat na lang ako tingin at nakita ang mukha nito na nakatitig lang sa akin. Napagmasdan kong muli si Ethan na ngayon ay nakamaong pants at white t-shirt lang. Bumuntong hininga ito bago muling nagsalita. "I just.. I just want you ba
Huling Na-update: 2022-04-23
Maaari mong magustuhan
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status