"Miss, here's your order." Sabay lapag ng isang basong juice sa harap ko. Nasa bar na naman kasi ako para samahan ang boss. Hindi ko pa rin talaga lubos maisip bakit kailangan ako dito pero syempre ay kailangan ko lang sumunod na lang kapag sinama ako nito. Sa hindi kalayuan nakaupo si Ethan kasama ang mga lasing na nitong kaibigan. Si Ethan ay hindi nman madalas na magpakalango. Tamang inom lang at landian sa mga babae. Nang mapadako sa akin ang mga mata nito ay sumenyas ako na bababa lang ako sandali. Gusto ko lang kasi na magpahangin sa labas. Bitbit pa ang baso ng juice ay mabilis na umalis. Mula sa labas ay tinignan ko ang kabuuan ng bar. Matitingkad ang mga ilaw na mula doon na iba iba pa ang kulay. Malakas ang tugtog na dinig ko kahit pa nasa labas ako. Dalawang palapag iyon, sa taas ay ang VIP lounge kung nasaan ang boss ko. Matagal tagal na nga din ang nakalipas simula ng maghiwalay kami ni Ian. Aaminin ko, hindi pa rin ako nakaka move on. Umiiyak pa rin ako paminsan
Mabigat ang pakiramdam ko pagkagising ko pa lang. Masakit din ang ulo ko at ramdam ko ang pamamaga ng talukap ng mga mata ko. Hindi nga ako nagkamali at pagkaharap ko sa salamin ay mugtong mugto nga ang mga yun dala ng walang tigil ko atang pagiyak kagabi. Sariwa pa rin ang mga pangyayari lalong lalo na ang mga sinabi ni Ian sa akin. Mabilis akong umiling iling sa sarili. Hindi! Ayokong maisip ang bagay na yun dahil alam kong iiyak na naman ako. Hindi ko na gusto pang maalala pa. Hanggang dun na lang ang lahat. Ang ending ng istorya namin. Masakit man ay kailangan kong tanggapin. Ang mabuti pa ay ang umpisahan ko na lang ang pagmumove on. Kaya mo yan, Ava. Bulong ko sa sarili. Mga ilang minuto na akong nakatayo sa tapat ng opisina pero nagdadalawang isip akong pumasok doon. Ang mga kaopisina ko naman ay nasa bukod na kwarto kaya tiyak na wala naman nang makakakita sa akin. Kay Trinity naman ay okay lang, madali namang magdahilan sa babae. Madali namang maniwala ang babae na yun.
Parang agad na bumalik si Ethan sa katinuan at mabilis na dumiretso ng tayo. Umiwas ito ng tingin sa akin at pinamulsa pa ang mga kamay. "You don't have to say anything but I just want to know if you are okay.” Parang may kung anong humaplos ng banayad sa puso ko sa nadinig ko na iyon mula sa boss. Hindi ko inaasahan na madinig ang mga salita na iyon mula kay Ethan. Talaga palang concern ito sa akin? Nag-aalala pala ito ng dahil sa nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala kaya hindi tuloy ako agad makasagot. "O-okay lang ako." Tipid ko na lang na nasabi dahil para akong mabibilaukan. Dinig ko ang dagundong ng sarili kong dibdib. Ano ba ang dapat akong ikakaba ngayon? Hindi ko maintindihan ang sarili. Pilit naman itong ngumiti bago tumalikod. "That's good." Pahabol pa nitong sabi bago tuluyang bumalik sa mesa nito. Ako naman ay parang tangang natulalang lalo sa kinauupuan ko. — Alas-11 na ng umaga ng mapatingin ako sa oras. Marami-rami kasi ang ginagawa ko kaya naman naging mabi
Naalimpungatan ako dahil may naramdaman akong mainit sa pisngi ko. Pagdilat ko pa lang ay mukha na ng aso ang bumungad sa akin. Panay dila nito sa mukha ko habang walang tigil sa pagkawag ang buntot nito. Wala pa nga pala akong pangalan na maibigay sa kanya. Pero sige, mamaya ay mag-iisip ako. Naalala ko nga kahapon pagkauwi ko ay tuwang tuwa ang mga kapatid ko. Shih Tzu daw ang tawag sa breed na ito sabi ng kapatid na si Jeremy. Sabi naman ni Angela ay mamahalin daw ang asong ganun. Ewan ko dahil wala naman akong alam sa mga hayop. Sa opisina ay tahimik lang ako sa pagtatype sa computer ko. Binibilisan ko na nga dahil may lunch daw ang pamilay Dela Torre para sa birthday ni Ethan. Gabi na daw kasi dumating ang mga ito kaya hindi na naicelebrate pa kahapon. Nagmamadali na nga ako dahil gusto naman ni Ethan na sumama ako doon. Ayaw ko nga sana pero pinapasabi din daw ni Sir Roberto na gusto akong makausap nito mamaya. Kaya wala na din naman akong choice. “What are you doing though?
Selene is calling you…Walang tigil ang cellphone ko sa pagtunog. Kanina pa kasi tumatawag ang girlfriend ng boss ko at hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin dito.For Pete's sake, answer the phone!Hindi na siguro nakatiis ito at nagsend na lang ng text sa akin. Pero ano nga ba ang sasabihin ko sa kanya? Na ang boss ko ay nasa loob ng opisina nito at may kasama na namang ibang babae?Isasara ko na sana ang message nito ng bigla na namang nagring ang cellphone ko."Ay, sh*t!" Napamura ako dahil nagkamali pala ako ng pindot at imbes na isara ay na-accept ko ng hindi sinasadya ang tawag nito.Patay! Lagot ako nito. Wala na akong choice kung hindi ang kausapin si Selene."I know that you're listening. Give this goddamn phone to Ethan!" Ni hindi man lang ito nag hello sa akin at agad na lang na sumigaw sa kabilang linya.Kilala ko ang babae kung magalit. Nagsasalubong ang mga kilay nito. Matapang at ubod ng taray pa. Napalunok ako ng napakalalim bago sumagot."Hello, Selene. N-nasa meeti
"Ava, may appointment ba si sir sa hapon?" Tanong ni Trinity ng madaan ako sa mesa nito isang umaga.Lahat ng schedule ni Ethan ay dumadaan muna sa akin. Para sigurado na walang conflict sa ibang meetings nito."Meron daw siyang date kay Selene mamaya eh.” Sagot ko pero hindi din ako sigurado kung mamaya na nga ba yun o bukas pa."Alam mo ba kung anong oras?” Sunod na tanong ng secretary."Wait lang ah. Ichecheck ko muna sa calendar niya." Para sigurado lang. Kaya agad akong pumasok sa opisina ng boss.Naabutan ko itong may kausap sa telepono habang nakataas pa ang mga paa sa mesa. Parang hindi boss kung gumalaw eh. Dinig ko pa ang malakas na tawa nito bago ako pumunta sa mesa ko. Agad kong binuksan ang laptop para tignan ang calendar nito.Lumakas pa ang tawa ni Ethan kaya napalingon akong muli dito."Yes, darling. I really do. Do you know what I miss about you the most?" Sabi pa nito sa kausap bago umayos ng upo.Napalingon din si Ethan sa akin at ngumiti. Mabait naman ito sa akin da
Halos mapatakbo ako sa loob ng bahay pero pagpasok ko naman ay patay ang mga ilaw at tahimik ang paligid. Mukhang hindi nga nila napansin na umalis ako kanina at nakabalik na ngayon. Nang mailock na ang pinto ay pumasok na akong agad sa kwarto ko.Binuksan ko ang cellphone para basahin ang mga text messages ni Ian sa akin.Kanina pa akong tumatawag sayo. Nasaan ka ba?Please, Ava. Can you answer the phone? Nagaalala na ako sayo.I am starting to fall asleep. Please message me as soon as you can.Matutulog na ako. Nakatulog ka na siguro.Goodnight, love.Yun na ang huling message ni Ian sa akin. Naguilty naman akong bigla. Hindi ko din kasi namalayan na nakatulog na pala ako kanina at nakasilent ang cellphone ko. Nag-alala tuloy si Ian ito ng husto. Ayoko namang tawagan o imessage ito ngayon dahil ayokong maistorbo ang tulog nito. Maaga kasi itong pumapasok sa restaurant na pinatatrabahuhan.Buti pa ay gumising na lang ako ng maaga para matawagan ito.Ian is calling you…"Love, bakit gi
"This is it na ba? Ito na ba ang inaantay ko?" Tilian kami ng best friend ko na si Lani habang magkausap sa cell phone.Nagtext kasi si Ian na gusto ako nitong ayain sa isang restaurant sa Makati. Nung sinearch ko kasi yun sa g****e ay lumabas na isang sikat at mamahaling fine dining restaurant iyon.Medyo nagtaka ako dahil madalas naman ay sa mumurahing kainan o fastfood lang kami kumakain. Kaya naman may namuo sa utak ko at agad na tinawagan ang kaibigan."Yan na yun, mars. Magpopropose na si Ian sayo!" Halos mapatid ata ang litid nito sa lakas ng tilian namin.Nasa bahay ako noon at matutulog na sana pero nawala ang antok ko ng makita ang message ng nobyo. Bukas daw alas7 ng gabi ay magkita kami doon.Napatayo ako mula sa kama. Kailangan ay magandang maganda ako sa araw na yun kaya agad kong binuksan ang cabinet.Tamang tama naman at may isa akong dress na hindi pa naisusuot. Agad kong sinukat iyon at namangha ako sa nakita. Inorder ko lang ang damit online at hindi ko man lang nasu
Naalimpungatan ako dahil may naramdaman akong mainit sa pisngi ko. Pagdilat ko pa lang ay mukha na ng aso ang bumungad sa akin. Panay dila nito sa mukha ko habang walang tigil sa pagkawag ang buntot nito. Wala pa nga pala akong pangalan na maibigay sa kanya. Pero sige, mamaya ay mag-iisip ako. Naalala ko nga kahapon pagkauwi ko ay tuwang tuwa ang mga kapatid ko. Shih Tzu daw ang tawag sa breed na ito sabi ng kapatid na si Jeremy. Sabi naman ni Angela ay mamahalin daw ang asong ganun. Ewan ko dahil wala naman akong alam sa mga hayop. Sa opisina ay tahimik lang ako sa pagtatype sa computer ko. Binibilisan ko na nga dahil may lunch daw ang pamilay Dela Torre para sa birthday ni Ethan. Gabi na daw kasi dumating ang mga ito kaya hindi na naicelebrate pa kahapon. Nagmamadali na nga ako dahil gusto naman ni Ethan na sumama ako doon. Ayaw ko nga sana pero pinapasabi din daw ni Sir Roberto na gusto akong makausap nito mamaya. Kaya wala na din naman akong choice. “What are you doing though?
Parang agad na bumalik si Ethan sa katinuan at mabilis na dumiretso ng tayo. Umiwas ito ng tingin sa akin at pinamulsa pa ang mga kamay. "You don't have to say anything but I just want to know if you are okay.” Parang may kung anong humaplos ng banayad sa puso ko sa nadinig ko na iyon mula sa boss. Hindi ko inaasahan na madinig ang mga salita na iyon mula kay Ethan. Talaga palang concern ito sa akin? Nag-aalala pala ito ng dahil sa nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala kaya hindi tuloy ako agad makasagot. "O-okay lang ako." Tipid ko na lang na nasabi dahil para akong mabibilaukan. Dinig ko ang dagundong ng sarili kong dibdib. Ano ba ang dapat akong ikakaba ngayon? Hindi ko maintindihan ang sarili. Pilit naman itong ngumiti bago tumalikod. "That's good." Pahabol pa nitong sabi bago tuluyang bumalik sa mesa nito. Ako naman ay parang tangang natulalang lalo sa kinauupuan ko. — Alas-11 na ng umaga ng mapatingin ako sa oras. Marami-rami kasi ang ginagawa ko kaya naman naging mabi
Mabigat ang pakiramdam ko pagkagising ko pa lang. Masakit din ang ulo ko at ramdam ko ang pamamaga ng talukap ng mga mata ko. Hindi nga ako nagkamali at pagkaharap ko sa salamin ay mugtong mugto nga ang mga yun dala ng walang tigil ko atang pagiyak kagabi. Sariwa pa rin ang mga pangyayari lalong lalo na ang mga sinabi ni Ian sa akin. Mabilis akong umiling iling sa sarili. Hindi! Ayokong maisip ang bagay na yun dahil alam kong iiyak na naman ako. Hindi ko na gusto pang maalala pa. Hanggang dun na lang ang lahat. Ang ending ng istorya namin. Masakit man ay kailangan kong tanggapin. Ang mabuti pa ay ang umpisahan ko na lang ang pagmumove on. Kaya mo yan, Ava. Bulong ko sa sarili. Mga ilang minuto na akong nakatayo sa tapat ng opisina pero nagdadalawang isip akong pumasok doon. Ang mga kaopisina ko naman ay nasa bukod na kwarto kaya tiyak na wala naman nang makakakita sa akin. Kay Trinity naman ay okay lang, madali namang magdahilan sa babae. Madali namang maniwala ang babae na yun.
"Miss, here's your order." Sabay lapag ng isang basong juice sa harap ko. Nasa bar na naman kasi ako para samahan ang boss. Hindi ko pa rin talaga lubos maisip bakit kailangan ako dito pero syempre ay kailangan ko lang sumunod na lang kapag sinama ako nito. Sa hindi kalayuan nakaupo si Ethan kasama ang mga lasing na nitong kaibigan. Si Ethan ay hindi nman madalas na magpakalango. Tamang inom lang at landian sa mga babae. Nang mapadako sa akin ang mga mata nito ay sumenyas ako na bababa lang ako sandali. Gusto ko lang kasi na magpahangin sa labas. Bitbit pa ang baso ng juice ay mabilis na umalis. Mula sa labas ay tinignan ko ang kabuuan ng bar. Matitingkad ang mga ilaw na mula doon na iba iba pa ang kulay. Malakas ang tugtog na dinig ko kahit pa nasa labas ako. Dalawang palapag iyon, sa taas ay ang VIP lounge kung nasaan ang boss ko. Matagal tagal na nga din ang nakalipas simula ng maghiwalay kami ni Ian. Aaminin ko, hindi pa rin ako nakaka move on. Umiiyak pa rin ako paminsan
Napaurong ang dila ko sa gusto ko sanang sabihin kanina. Napakunot ang noo ko sa nadinig. Mabilis na napaangat ang tingin ko sa mga mata nito. Bakit parang lumamlam ang mga mata niya? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan. Seryoso ito pero walang bahid ng galit. Kung hindi malumanay ang ekspresyon ng mukha nito na parang nakikiusap. Ngayon ko lang ito muling natitigan ng malapitan. Maayos na maayos ang buhok nito at mukhang bagong shave. Napaka linis tignan ng mukha, maaliwas. Andoon pa rin ang nakakabighani nitong mga mata na kahit sino ay kayang akitin. At ang mga labi nito na namumula pa. Bigla kong naalala ang pakiramdam noon sa mga labi ko ng araw na nakawan ako nito ng halik. S..sandali ano ba ‘tong iniisip ko? "Ava?" Mahina nitong tawag sa pangalan ko. "Ha? Ah.." Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Mabilis na kasi pala itong nakahakbang palapit ng lalo sa kinatatayuan ko. "I said, I..." Halos pabulong ang tinig nito. "P-pinapatawad na kita. Okay na
Dumako sa akin ang mga mata nito at sa pagkagulat ko ay mabilis kong kinabig ang pinto. Isasara ko na sanang muli iyon pero huli na dahil nakita na ako nito. "Ava, wait." Pigil nito sa pinto pero wala akong balak magpatalo. Pilit ko pa ring itinulak iyon pasara pero malakas ang lalaki samantalang isang kamay lang ang gamit nito. Eh ako buong pwersa na ng katawan ko ang gamit ay balewala pa rin. Nangangawit na ako kaya sumuko na lang ako at hinayaan na tuluyan nitong maitulak ang pinto pabukas. "Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ko ng tuluyan na nitong mabuksan ang pinto. Nakayuko lang ako dahil ayokong makita ito. “I…” Mahina nitong sabi pero hindi naituloy ang sasabihin. “Ano?” Naiinip kong tanong ng hindi nito tinuloy ang sasabihin. Napaangat na lang ako tingin at nakita ang mukha nito na nakatitig lang sa akin. Napagmasdan kong muli si Ethan na ngayon ay nakamaong pants at white t-shirt lang. Bumuntong hininga ito bago muling nagsalita. "I just.. I just want you ba
"Ian? Anong ibig sabihin nito?!" Alam kong napalakas ang tanong kong iyon. Hindi ko napigilan ang sarili dahil nasa harap ko ngayon si Ian kalong ang isang babae. "A-anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ng boyfriend na mabilis na tumayo. Ang babaeng kasama nito ay nakauniporme pa ng tulad ng sa kaherang kausap ko kanina. "Ang tanong ko ang sagutin mo!" Agad na sabi ko dito pero hindi ko napigilan ang agad na pagtulo ng mga luha ko sa pisngi. Pakiramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Ito ba? Ito ba ang igaganti ni Ian sa akin pagkatapos ng mahabang panahon naming relasyon? Tatalikod na sana ang babaeng kanina lang ay nasa kanlungan ng nobyo. Tinitigan ko pa ito mula ulo hanggang paa. Mukhang mas bata ito sa akin, maputi ang balat at mas maliit ng hindi hamak sa akin. Parang college student pa lang nga ito sa porma nito. "Hindi ka aali babae! Diyan ka lang." Akmang hahablutin ko na sana ang braso nito. "Huwag mo siyang idamay dito, Ava. Wala siyang kinalaman." Pigil n
Hindi ko alam pero hindi agad rumehistro ang mukha nito sa akin. Pero si.. Selene?! Si Selene nga ito. Wala akong nasabi sa sobrang gulat ko sa ginawa nito. Teka, bakit nandito ang babaeng ito?Nilagpasan lang ako nito at dire diretso sa loob. Sa pagkagulat ko ay hindi ko na nagawa ang pigilan man lang ito.“What are you doing here?” Huli na dahil ng lumingon ako ay nakatayo na pala ang boss ko at ang babaeng kasama nito.“What am I doing here? Really? Who is this woman?” Halos mabingi ako sa lakas ng boses nito. Halata naman sa mukha ni Ms. Lozada ang gulat at pagtataka.“Don’t make a scene and how the hell did you get here?” Pinipilit nitong huminahon ang boses pero halata ko na nagulat din ito sa biglang pagsulpot ng nobya niya.“Importante pa ba yun? Answer me, who is she?” Muling tanong ng girlfriend ng boss ko na pumamewang pa.“Ms. Lozada’s firm will be collaborating with the company. We are just discussinhg about the upcoming projects.” Paliwanag nito pero alam kong hindi manin
“May problema po ba, Ma’am?”“Ah, wala. Pwede mo bang sabihin kung saang branch na siya ngayon?” Pilit kong pinahinahon ang boses.“Hindi ko po alam. Kilala niyo po ba si Sir Ian?” Paguusisa naman nito sa akin na napakamot pa sa ulo. Nakahalata na siguro na masyado na akong maraming tanong.Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Kung sasabihin ko na girlfriend ako nito ay parang ang panget naman na hindi ko man lang alam na wala na ito doon.Pero bakit kaya hindi man lang sinabi ni Ian sa akin na inilipat pala ito sa ibang lugar. Nakakapagtaka naman.“Ma’am, may kailangan pa po ba kayo?” Tanong nitong muli ng hindi ko sinagot kung kilala ko ang dati nilang manager.“Wala, sige. Salamat na lang.” Pilit akong ngumiti bago nagmamadaling kunin ang bag at cake na dala. Lumabas na din ako sa resturant na litong-lito. Hindi ko maisip kung bakit niya itatago ang bagay na yun sa akin.Ay hindi, baka nakalimutan lang ng boyfriend ng ikwento sa akin. Pero masyado namang importante ang detalye na yu