Isang linggo na ang nakaraan at naging maayos naman ang aking trabaho. Kadalasan ay sa umaga ko lang nakikita si Mr. Montano kapag papasok ito sa opisina.
"Good morning, Sir!" Laging masayang bati ko sa boss at sumasagot naman ito ng malamig na "Good Morning." Pero ni hindi man lang ako tinatapunan ng tingin at diretso lang sa opisina niya.
Sa akin naman ay balewala lang yun, naisip ko na disappointed pa siguro ito sa pagreresign ni Mary. Namimiss marahil nito ang dating Secretary, isa pa ay obvious na may namamagitan sa dalawa.
Sino ba naman ako kumpara kay Mary?
Maganda si Mary at mestisahin. Yung datingan ni Anne Curtis na artistahin, makinis, sexy at mukhang liberated. Sa totoo lang ay bagay naman ang dalawa.
Inayos ko na ang schedule ni Mr. Montano at ngayong araw ay may business meeting siya sa isang malaking investor. At dahil ako na ang Secretary niya ay kailangang nakabuntot ako dito.
"Sir, your business meeting with Mr. Tan is confirmed at 11:00am today." Tuloy-tuloy kong sabi sa boss.
Dinig ko ang buntung hininga nito sa kabilang linya bago sumagot ng "Good." at binaba ang telepono.
Nasasanay na din ako dito na mukhang hindi hilig ang magsalita na parang hirap na hirap magbuka ng bibig. Okay lang, atleast hindi mabunganga. Mas mabuti na ang ganito, payapa at tahimik ang trabaho ko.
Maya-maya pa ay dumaan na ito sa aking harapan. Pagtingin ko sa orasan ay alas-10 na pala. Dali-dali naman akong tumayo hatak ang aking bag at tablet, nakasync kasi doon ang calendar ni Mr. Montano.
Walang sabi-sabi man lang itong naglakad at ako naman ay nagmamadaling sumunod dito.
"Grabe naman ito, hindi man lang huminto para bigyan ako ng oras magayos." Pagrereklamo ko sa sarili.
Dahil nasa likod niya ako ay kitang kita ko ang lapad ng katawan ng boss, halatang alaga sa gym. Buti ay may oras pa itong magexercise eh halos puno lagi ang schedule nito. Nakaputi itong long sleeves kaya naman bakat ang muscles nito lalo na sa bandang braso.
Matangkad ito kaya parang ang kay liit ko tuloy tignan. Buti na lang at nakaheels ako, pero siguro kung nakaflat shoes ako ay hindi man lang ako aabot sa balikat nito.
Sumara na ang elevator at nakalimutan kong puro salamin nga pala ang loob nito.
"Nako, nahuli kaya ako na nakatingin?" Tanong ko sa sarili. Bahagya kasi akong nasa likuran nito.
Agad kong binawi ang tingin at yumuko na lang. Ano ba yan, parang ang tagal bumababa ng elevator na ito. Umaalingasaw ang pabango na gamit nito. Ayoko pa naman ng matapang na amoy, sumasakit ang ulo ko.
"Ground Floor." Nagsalita ang elevator.
"Hay, salamat." Wala sa sarili kong nasabi. Bigla itong napatingin sa akin.
Napalunok naman ako ng napakalalim. Nakakunot ang noo nito at nakatingin ng diretso sa aking mga mata.
"Ah, wala po. Salamat kasi... hindi po tayo malelate sa meeting niyo." Natataranta kong sabi habang hindi makatingin ng diretso.
Nauna na akong lumabas ng elevator dahil baka malusaw ako sa sobrang hiya.
Pagsakay ng kotse ay agad akong nakahinga ng maluwag. Sa likod kasi ang boss at ako naman ay sa tabi ng driver.
"Hello, Kuya Den!" Lagi ko kasing nakikita ito sa pantry kaya kilala ko si Kuya Den, ang personal driver ni Mr. Montano.
"Hi, Jenna. Kumusta?" Ganting bati nito.
"Okay naman po." Sagot ko naman at nagkabit na ng seatbelt.
"Congratulations ha, ikaw na ang Secretary ni sir." Mahinang sabi nito at nagumpisang nagdrive.
"Ay, salamat po kuya." Ngumiti ako at nanahimik na. Paano ay naaninag ko ang boss sa rear-view mirror na seryosong seryoso ang mukha.
Naalala ko tuloy ang eksena kanina sa elevator at bigla akong nahiya. Bakit ba kasi nasabi ko yun? Dapat kasi ay nasa isip ko lang yun. Minsan talaga ay may pagkamali mali ako eh.
Sana naman hindi isipin ni Mr. Montano na may saltik ako. Baka biglang magbago ang isip nito at papalitan ako. Huwag naman sana, hindi ko pa nasusubukang sumahod ng 25,000 eh!
Nakarating na nga kami sa Okada Hotel. Napanganga na lang ako sa ganda ng lugar dahil first time kong makarating dun. Lalo pang lumuwa ang mga mata ko ng nasa La Piazza na kami. Restaurant iyon sa loob ng Okada kung saan nagaantay na ang investor na kameeting ni Mr. Montano.
Agad na tumayo ang isang matanda, marahil ay yun na nga si Mr. Tan. May kasama itong dalawang babae.
"Good morning, Mr. Tan. I hope you haven't been waiting long." Pormal na sabi ng boss dito.
"Don't worry, we just reached 5 minutes ago." Sabay ngiti nito at nakipagshake hands pa kay Mr. Montano.
Pinakilala naman nito ang secretarya niya at personal advisor. Parehas na bata pa, yung isa ay mukhang may dugong Chinese at ang isa naman ay mukhang European.
Mukhang mapapalaban ako nito sa englisan. Inaantay ko naman na ipakilala ako ng boss, pero hindi niya ginawa. Kinakahiya ba ko nito bilang secretarya niya? Dahil ba hindi ako mestisahin tulad ng mga kasama ni Mr. Tan? Aba, aba!
Uupo na sana kami ng magsalita ulit si Mr. Tan. "And she must be your secretary?" Sabay tingin nilang lahat sa akin.
Buti naman may pumansin sa akin, akala ko ay invisible ako sa paningin nila eh.
Agad naman akong ngumiti dito. "Nice meeting you, Mr. Tan." At iniabot ko ang kamay nito at nakipagshake hands.
Si Mr. Montano naman ay nakatingin lang. Wala man lang sinabi.
"What is your name, dear?" Na hindi pa rin bumibitaw sa kamay ko.
"My name is Jenna." Tipid kong sagot.
"Oh, what a pretty name. You have a very pretty Secretary Mr. Montano." Sabi naman nito sa boss ko. Bolero itong matanda na ito.
Tumingin ako sa mukha ng boss, pero as usual no reaction ito.
Sabay-sabay na kaming naupo sa bilog na lamesa, ako ay kasunod ng aking boss at sa gilid ko ay ang personal advisor ni Mr. Tan. Ang secretary naman ng matanda ay katapat ng aking boss kaya kitang kita ko kung paano tumingin ang mukhang Chinese na babae kay Mr. Montano.
Lihim na lang akong natawa at pinagpatuloy ang pagsusulat para sa minutes of meeting.
Dumalas ang meeting sa labas ni Mr. Montano. Andyan na nagpunta kami sa golf course sa QC, sa isang resort sa Laguna at sa kung saan saang restaurant around Manila.
Nakakapagod pala maging secretary nito. Lagi pa naman akong nakaheels kaya halos pulikatin ako lalo na at minsan ay naglalakad ang mga ito habang naguusap.
Halos magkandatipalok nga ako nung araw na nasa golf course kami. Paano naman ay naglalakad sila sa damuhan habang naguusap at ako naman ay kailangang nakabuntot sa boss. Hindi ko naman pwedeng hubarin ang heels ko dahil magmumukha akong nene sa tabi nito.
Malalim na buntung hininga ang pinakawalan ko ng biglang magring ang phone ko. Pagtingin ko sa extension number ay ang boss pala.
"Jenna, please come here." Seryoso at parang nagmamadaling boses ng amo sa kabilang linya.
Agad naman akong tumayo at nagpunta sa opisina nito. May glass door pa bago makapasok sa loob niyon. Kaya naman para din kaming nasa magkaibang opisina.
Pagpasok ay tulad ng dati ay nakayuko ito at may hawak na mga papel.
"Yes, sir?" Nakangiti kong bungad dito.
Hindi man lang nito inalis ang tingin sa binabasa at may inabot na folder sa akin.
"I need this presentation to be ready by today." Sabi naman nito.
"Okay, sir." Agad kong sagot at tumalikod na.
"No, do it here." Biglang sabi nito.
Napatigil ako na maglalakad na sana palabas.
"Sir?" Lingon ko dito na nakaangat na pala ang ulo.
"I said, do it here in my computer." Sabay turo sa mesa niya.
Napanganga lang ako. Bakit dyan pa eh may sarili naman akong computer?
"I need to check it while you do it, this client is very important and I do not want any mistakes." Diretso nitong sabi na may halong inis.
Bakit galit agad? Nagtatanong lang naman ako.
"Okay, sir." At agad naman akong naupo sa tapat nito at iniurong ko ang computer paharap sa akin. Patay malisya naman itong nagpatuloy lang sa pagbabasa sa hawak na mga papeles.
Nagumpisa na akong magtrabaho, kailangan ko itong gawin sa powerpoint. Magaalas-3 pa lang naman ng hapon, siguro naman ay matatapos ko ito bago magalas-5.
Habang nagtatype ay hindi ko napigilan ang sarili at bahagya akong sumulyap sa boss. Sa totoo lang ay medyo naiilang ako sa posisyon na ito dahil magkatapat lang kami.
Nakayuko ito sa binabasa na parang estatwa. Hindi ba ito nangangawit sa posisyon nya nay un? Magkakalahating oras na ito na hindi man lang gumagalaw.
Tulad ng dati ay umaalingasaw ang matapang nitong pabango. Hay nako, sasakit na naman ang ulo ko. Hindi ko talaga gusto ang amoy ng pabango nito, para akong nasusuka.
Napapikit ako ng bahagya at wala sa wisyo na naghilot ng sentido. Pagdilat ko ay nasalubong ko ang mga mata ni Mr. Montano, nakatingin na pala ito sa akin.
"Are you okay?" Tanong nito pero walang akong mabasang emosyon sa mukha nito.
"Yes po, sir. Wala po ito." Agad ko namang sagot.
Diretso ang tingin nito sa aking mga mata. Hindi ako sanay matitigan ang amo ng malapitan kaya naman nakaramdam na naman ako ng pagkailang. Bahagyang kumunot ang noo nito kaya nagbawi ako ng tingin.
Tinuon ko ang sarili sa ginagawa pero hindi mawala sa isip ko ang mga mata nito. Nahihiwagaan lang ako dahil pag tumitingin ako sa mga mata niya ay para akong nalulunod.
4:30pm na at mukhang malapit na akong matapos, sa wakas! Isa-isa ko ng viniew ang slides para mafinalize na ito.
"I don't like how it looks." Muntik na akong mapatalon sa pagkagulat. Paano ay hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala ito. Inilapag pa nito ang isang kamay sa lamesa at yumuko palapit ang mukha sa computer.
Bigla naman akong napasulyap dito, ito na ata ang pinakaclose na encounter namin ni Sir. Sa ganung posisyon ay bahagya akong napasinghap dahil amoy na amoy ko ang after shave na gamit nito.
Masyado siyang malapit sa akin, parang hindi ako makahinga. Ano bang nangyayari sa akin? Bahagya kong iniurong ang aking upuan para dumistansiya mula dito.
Hindi naman pansin iyon ng boss dahil busy ang mga mata nito sa pagsuri sa presentation na aking ginagawa.
"I need you to revise the designs." Dagdag pa nito na nagdiretso na ng tayo.
Bigla akong natauhan sa sinabi nito at napatingin sa wall clock.
"Pero, sir..." Tututol pa sana ako dahil malapit ng magala-5 pero naalala ko na nasa kontrata ko nga pala na kasama sa sahod ko ang overtime.
Nanlumo ako at mukhang wala ako karapatang magreklamo. Bagsak ang mga balikat na tinuon ko ang sarili sa presentation.
At dahil uwing uwi na ako ay hindi ko na alintana na nasa likod ko si Mr. Montano at maiging binabantayan ang aking ginagawa.
Sa wakas, tapos na!
Isang matipid, malamig at malalim na "Good." lang ang natanggap ko galing sa boss.
5:30pm na at nagmadali na kong lumabas ng opisina.
May nakatakdang project ang aming kumpaniya at makikipagcollab kami sa Quintez Media, isang malaking marketing agency sa bansa.Ngayong araw ay naschedule ang meeting ng mga ito kaya naman nauna na ako sa conference room para ihanda ang computer.Maya-maya pa ay dumating na si Mr. Montano na nakacoat and tie na dark gray. Pormal lang itong naglakad patungo sa kaniyang upuan. Sinundan ko lang ng tingin ang amo at kasunod niya ay nagsidatingan na ang ibang managers ng kumpanya. Kaniya kaniyang upuan na ang mga ito. Ako naman ay naupo na din sa tabi ng boss at nagready ng aking notepad.Hindi nga nagtagal ay pumasok na ang mga big boss ng marketing agency.Pumukaw sa atensyon ko ang isang lalaki na mukhang may lahing Latino. Tinignan ko ang aking notes, ito marahil ang anak ng CEO na si Jake Fuentez. Ito ay isa sa Managing Director ng kumpanya pero mukhan
Tulad ng inaasahan ay naging busy ang mga sumunod na araw, napadalas ang pagbisita namin sa mga venues at meetings.Nakakapagod dahil madalas ay naghahabol kami ng oras ni Mr. Montano. Puno ang schedule nito, ibig sahihin ay ganun din ako. Dahil kung nasaan ang boss ay nandun din dapat ako.Nagpapasalamat naman ako at hindi ko nakikita si Mr. Fuentez. Balita ko ay may emergency appointment ito sa Japan kaya naman wala ito ng mga nakaraang araw.Sa totoo lang ay nakakatuwa naman ang lalaki, ang problema lang ay ayoko madumihan ang image ko sa boss. Kakaumpisa ko pa lang bilang secretary niya at ayoko naman magisip ito na nakikipaglandian ako sa tr
Pagtingin ko sa oras ay pasada alas-2 na kaya pala nakakaramdam na ako gutom."Sir, your meeting will start at 2:30pm." Pagpapaalala ko dito habang naglalakad kami sa paligid. Tumango ito at nagpunta na kami sa conference room ng lugar.Sa kalagitnaan nga ng meeting ay may dumating na may dalang tray at mga inumin. Ayun naman ang pinakaaantay ko eh, dahil malapit nang magwala ang bituka ko.Biskwit?! Yun lang ang inihain nito at juice. Para akong nanlambot ng dahil dun pero dahil kumakalam na ang sikmura ko ay pwede na sigurong pantawid gutom ito.Magaalas-4 na at may isa pang meeting si Mr. Montano bago
Isang malalim na bunting hininga ang pinakawalan ko ng nasa tapat na ng pinto ng hotel ni Mr. Montano. Pinindot ko ng isang beses ang doorbell nito at naghintay pero walang nagbukas.Baka naman tulog ito? Aatras na sana ako ng biglang umuwang ang pinto.Hubad na katawan ng boss ang sumalubong sa akin. At dahil sa nakatsinelas lang ako ay kapantay lang ako ng dibdib nito. Tama nga ako at matipuno ang katawan nito, alagang-alaga siguro sa exercise.Pero da
"Good morning, sir." Bati ko sa boss ng tawagan ko ito.Hindi ito agad sumagot pero dinig ko ang hininga nito sa kabilang liniya."Good morning." Tipid at parang wala sa mood nitong bati din sa akin."Sir, your meeting at 10am today is confirmed." Diretso kong sabi dito na pinipigilang mautal. Normal lang dapat ang pakikitungo na parang walang nangyari."That's good." Sagot nito at nagpakawala ng malalim na hininga. Dinig na dinig ko naman iyon bago nito ibinababa.Mukhang normal naman ito at walang kakaiba kaya sigurado na wala itong naalala. Buti naman at ganoon.Nagantay ako sa lobby ng hotel dahil kailangan na naming bumalik sa venue dahil doon din gaganapin ang meeting sa Architect.Maya-maya pa ay nakita ko ng naglalakad ang boss galing sa elevator. Habang papalapit ito sa akin ay hind
HOW TO IGNORE AN ATTRACTIVE BOSS?Google search result:10 Ways to Fight Attraction In The Workplace
"Aba ang sexy ni beshy ngayon!" Bungad ni Cherry pagkakita nito sa akin habang nagtitimpla ako ng kape."Ha? Seryoso?" Tinignan ko ang sarili. Hapit na hapit kasi ang pencil cut skirt ko na dark gray at white short sleeves blouse na nakatuck-in. Binagayan ko pa iyon ng nude na tip toe heels na katamtaman lang ang taas."Promise! Parang pumayat ka? Lumabas ang curves mo eh!" Sino ba naman kasi ang hindi papayat, eh halos malibot ko na ang Luzon kasama si Mr. Montano."Thank you sa pambobola!” Natatawa na lang ako sa kaibigan.Ngayong araw ay may importante akong misyo
Hindi ako makapaniwala dahil makakapunta ko sa ibang bansa! Nakatakda kasi ang emergency business trip ni Mr. Montano at Mr. Fuentez sa Hong Kong ngayong linggo. At sympre ay kasama ako!Abala man ako sa pagarrange ng aming flight at paghahanap ng hotel accommodation ay okay lang. Magkahalong excitement at saya naman ang nararamdaman ko dahil makakasakay na ako ng eroplano."Hi, Jenna!" Masayang bati ng pumasok na lalaki. Si Mr. Fuentez na pala ito."Good afternoon po, sir." Umupo ito sa sofa na
Sa daan ay tahimik lang akong nakaupo. Wala din ako sa mood makipagkwentuhan kaya kunwari ay abala ako sa cellphone ko. Pero ang totoo ay wala akong maisip kung hindi ang mga nangyari kanina. Pakiramdam ko lang kasi ay wala akong halaga kay Anton sa mga kinilos nito kanina. Hindi nito sinabi ang mga gusto kong marinig, ni hindi ko naramdaman na may pagpapahalaga ito sa nararamadaman ko. Wala nga pala kasi kaming relasyon. Sana pala ay hindi na lang ito nagtapat sa akin at mas lalong sana ay hindi na lang ako nagtapat dito. Pag-uwi sa bahay ay hindi na ako naghapunan pa. Wala akong gana kaya naman nagdahilan na lang ako kay Mama na masama ang pakiramdam at pagod mula sa byahe. Nagkulong na lang ako sa kwarto at doon ko binuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigil. Tinitigan ko ang monitor ng cellphone ko habang tumutulo pa rin ang mga luha. Walang tawag o ni text mula kay Anton. Abala siguro ito sa pakikipaglambutsingan sa Faye na yun. Sabi niya ay babawi siya sa akin dahil wala si
Nagpaalam ang Mommy ni Anton para pumunta daw sa kusina. Mabait ito at napakadown to earthna tao. Ni hindi ko man lang maramdaman na ilang ito sa amin ni Kuya Den kahit tauhan lamang kami ng kumpanya nila.Ang Daddy nman ni Anton ay mukhang mabait din pero may pagkatahimik. Sa kanya siguro namana ng boss ang ugali.Patuloy lang sa pagkukwentuhan ang mga bisita nila, si Anton at ang Daddy nitosa salas. Pasimple ko namang sinulyapan si Kuya Den na abala sa cellphone nito. Kachat marahil ang pamilyaniya.Tinignan ko ang isang malaking wall clock na nakasabit sa gitna ng salas. Magaalauna na pala ng haponat hindi pa nga kami nananghalian. Dito na kaya kami kakain? Ang hirap manghula,hindi ko naman kasi makausap ang bosspara sana itanong. Masakit na kasi ang tyan ko sa gutom.“Hi!” Masayang bati ng isang pamilyar na boses.
Nang makarating kami sa site ay namangha agad ako sa gate pa lamang ng subdivision na iyon. Bongga ang itsura at mukhang hindi talaga basta-basta. Nakapalibot pa ang iba’t ibang kulay ng mga bulaklak at berdeng mga halaman sa bungad pa lang ng lugar. Ang automatic barrier nito ay tumaas bago pa man tumapat ang kotse sa guard’s house. Nakatayo sa gilid nun ang isang security gurad na agad pang sumaludo sa aming sasakyan.Pagbaba namin ay sinalubong na kami ng tauhang nag-aantay sa aming pagdating. Isang maputing babae na nakabestidang kulay royal blue at isang lalaki na nakacoat and tie pa na kulay royal blue din. Siguro ay uniporme nila ito kaya magkakulay sila ng damit. Iginiya nila kami agad sa isang model bungalow house na moderno ang itsura.Dark gray, puti at dark brown ang kombinasyon ng kulay ng mga pader at ang mga glass windows naman ay mula ceiling hanggang sahig. Minimalist ang style ng mga usong bahay sa panahon ngayon kaya naman siguradong magi
Tulad ng inaasahan ay naging busy na naman ang mga sumunod na araw sa trabaho. Hindi ko na nga halos nakikita ang opisina dahil papasok lang ako dun para magkape at pagkatapos ay aalis na rin naman agad. Panay ang labas namin ni Anton kasama si Kuya Den sa mga meetings, eventsat site visits. Okay lang naman dahil ibig sabihinnunay maganda ang takbo ng kumpanya dahil sa maraming projectsat collaborations. Mas lalong pabor yun para sa akin dahil doon ako nagtatrabaho.Pero kung minsan ay naiisip ko din na masyado na atang napapagod si Anton at nag-aalala na din ako sa kanya. Pero sa bagay na yun ay hindi ako nakikielam sa kanya. Isa pa ay alam kong gusto niyang tutukan ang kumpanya ng pamilya niya. Naalala ko nga ang sinabi ng Mommy niya na simula raw ng magkasakit ang Daddy nito ay wala na itong ginawa kung hindi ang magfocus lang sa kumapanya.Naawa akong bigla kay Anton sa naalala kong iyon. Siguro ay ibinuhos na lan
Sa isang Filipino restaurant namin napiling kumain ni Anton. At dahil weekday naman kaya siguradong wala masyadong tao ngayon. Pagpasok pa lang ay isang waitress na nakasuot ng national dress ng Pilipinas ang agad na sumalubong sa amin. Iginiya kami nito sa isang mesa na nasa dulo. Mas maganda ang napili nitong lugar dahil parang may privacy mula sa ibang kumakain. Pero tanaw pa rin naman ang ibang mga tao mula doon. Pagkaupo pa lang namin ay iniabot na ng waitress ang menu at saka nagsabing babalik mamaya.Magkatapat ang upuan namin ni Anton kaya naman kita ko ang lalaki na parang nahihirapan sa pwesto niya. Masyado kasi atang mababa ang upuan kaya nahihirapan itong pagkasyahin ang mahahaba niyang binti sa ilalim ng lamesa. Bahagya itong umusod palayo para kumportableng makaupo. Hindi nito napansin na lihim akong natatawa sa itsura nito dahil abala sya sa paghanap ng maoorder. “What do
Natameme na lang ako kay Anton na tumingala pa sa sunroof ng kotse niya. Mula kasi doon ay kita angmaliwanag na kalangitan at mga bituin. Balak pa atang magstar gazing sa gitna ng Edsa ng lalaking ito. Hindi ko na tuloy alam kung maiinis ba ako o matatawa sa inaasal nito.Ilang minuto na itong nasa ganung pwesto kaya naman tumingin ako sa labas. Dinig ko pa rin ang walang tigil na businahan ng mga sasakyan sa paligid at ang nasa likod namin ay kanya-kanya ng diskarte para makalipat ng lane. Siguro ay naisip na lang nila na nasiraan kami sa gitna kaya nakatigil at hindi umaandar.Pero kailangan ko na talaga itong kumbinsihin na paandarin na ang kotse. Lalolangkamingnagdudulot ng traffic sa lugarna halos hindi na nga gumagalaw.Baka mamaya ay magalit na at tumawag pa ng pulis.“Anton, please umuwi na tayo. Bukas na lang tayo magusap ulit.” Pakiusap ko na niyugyog pa ang braso
Hindi ko naman gusto ang magsinungaling kaya lang ay gusto ko na din talaga kasi siyang makauwi na at magpahinga. Pero gusto ko din kasing mag-isip na muna ng dahil sa sinabi ni Cherry kanina. Naguguluhan na naman kasi ang utak ko. Ano ba naman ito?!Dapat pala ay diniretso ko na lang si Anton kanina kaysa gumawa pa ako ng dahilan at kwento. Lumabas pa tuloy na nagsisinungaling ako. Pero nagsinungaling naman talaga ako, hindi ba? Maling-mali ang ginawa ko na yun.Hindi ko din naman kasi akalain na tatawagan nito si Cherry. Malay ko ba na may number pala siya nito. Biro mo yun? Hay! Pero siya nga pala ang boss, natural na may contact siya ng lahat ng empleyado niya. Bakit ba umiral na naman ang katangahan ko at hindi ko naisip yun kanina?“Jenna, I’m talking to you.” Wala akong choice kung hindi ang mag-angat ng ulo. Ramdam ko na parang ang lapot ng laway ko dahil hirap na hirap akong lulunin yun. Kinaka
Ano nga ba kami? MU?Hindi ba ay parang panghighschool lang yun? Pero wala naman kaming kahit na anong naging usapan. Basta pagkatapos ng araw na yun ay parang kami na o assumming lang ba ako? Kaya ba kagabi ay ganun siya? Kaya hindi niya ako pinakilala kay Mr. Villanueva?“Aba, besh. Pati kayo ba naman ay makikiuso dyan sa relasyong walang label?” Hindi ko mawari ang ekspresyon ng mukha ni Cherry kung nagbibiro ba ito o seryoso. Pero wala na akong naisagot at napakamot na lang ako sa ulo.Sandali nga, kailangan ko bang tanungin si Anton kung ano kaming dalawa? Hindi ba ay sa kanya dapat manggaling yun dahil siya ang lalaki? Siya dapat ang magtanong sa akin.Hmm. Ni hindi nga ako nito inaaya man lang magdate. Kung lalabas man kami o kakain ay dahil lang sa trabaho. Ni walang paflowers , chocolates or kahit ano na ginagawa ng magkasintahan. Kailan ba nito huling sinabi na mahal niya ako? Isang beses pa lang nga ata, hindi ba?Pero iilang
Natapos ang meeting na hindi man lang ako nagsasalita. Sa totoo lang ay wala naman akong papel dun kung hindi ang sumama. Minsan naiisip ko nga kung kailangan ba talagangnakabuntot ako sa bosskahit saan.Maayos na nagpaalam ang dalawa pero hindi nakaligtas sa akin ang pahabol na tingin ng Kelly Salvador na yun kay Anton. Si Anton naman ay deadma lang naman. Lagi na lang deadma ito, kahitna ngamismo ako ay dinedeadma nito madalas.Naiwan kaming dalawa sa mesa at nagkunwari na lamang akong busy sa pag-aayos ng bag ko. Nilagay ko lang ang notepad at ballpen na gamit kanina.“Have you written the important points from the meeting?” Hindi ko alam saan ito nakatingin dahil hindi ako nagabalang bigyan ito ng pansin.“Ahm. Oo.” Maikli kong sagot.Nadinig ko ang buntung-hininga nito kaya naman napatingin ako dito. Magkaharap kami kaya naman agad na nahuli nito ang mga mata ko pagkabaling ko pa lamang sa mukha