Home / Romance / My Boss and Me / Chapter 7: Tagaytay

Share

Chapter 7: Tagaytay

Author: itsloveren
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Tulad ng inaasahan ay naging busy ang mga sumunod na araw, napadalas ang pagbisita namin sa mga venues at meetings.

Nakakapagod dahil madalas ay naghahabol kami ng oras ni Mr. Montano. Puno ang schedule nito, ibig sahihin ay ganun din ako. Dahil kung nasaan ang boss ay nandun din dapat ako.

Nagpapasalamat naman ako at hindi ko nakikita si Mr. Fuentez. Balita ko ay may emergency appointment ito sa Japan kaya naman wala ito ng mga nakaraang araw.

Sa totoo lang ay nakakatuwa naman ang lalaki, ang problema lang ay ayoko madumihan ang image ko sa boss. Kakaumpisa ko pa lang bilang secretary niya at ayoko naman magisip ito na nakikipaglandian ako sa trabaho.

Alam ko naman na sadyang friendly lang si Mr. Fuentez dahil impossible namang magkainteres sa akin ang isang tulad niya. Pero iniiwasan ko pa rin na magisip ng hindi maganda ang mga tao lalo pa at may involve na trabaho.

Sa araw na ito ay bibisitahin namin ang isa pang venue sa Tagaytay Highlands. Problema lang ay nakalimutan kong magdala ng jacket. Kaya naman nanghiram ako ng scarf kay Cherry.

"Beshy, nagtatampo na ako sayo." Sabi ng kaibigan bago iabot ang hinihiram kong scarf.

"Ha, bakit?" Maang kong tanong.

"Kasi naman, hanggang ngayon wala ka pang kinukwento sa akin. Puro ka wala, wala." Pagmamaktol ng kaibigan.

"Sa totoo lang, kung meron man ay sayo ko unang sasabihin. Pero wala talaga, hindi bumubuka ang bibig ni sir kung hindi tungkol sa trabaho." Pagpapaliwanag ko naman.

"Pwede ba naman iyon besh? Maghapon kayong magkasama tapos hindi man lang kayo nagchichikahan?"

"Hindi. Napapanis nga ang laway ko!" Pagbibiro ko pa dito at sabay kaming nagtawanan.

Pagsakay ko ng kotse ay nagtaka ako at wala si Kuya Den. Nagulat ako ng umupo si Mr. Montano sa driver's seat.

"Ahm, sir nasaan po si Kuya Den?" Tanong ko dito habang nagkakabit ako ng seatbelt.

"He is on leave for a week." Tipid na sagot nito na hindi man lang tumitingin at inistart na ang kotse.

Ibig sabihin siya ang magdadrive paakyat ng Tagaytay? Hindi kaya mapagod ito ng husto?
Medyo nagalala lang ako dito dahil ilang araw na itong pagod at ngayon ay magdadrive pa ito ng malayo.

Pero itinago ko na lang ang nararamdaman dahil wala din naman akong karapatang magalala dito at ayoko din naman bigyan niya iyon ng ibang kahulugan.

Nagsimula na itong magdrive at tulad ng dati ay walang kibo. Ako naman ay nagkunwaring busy sa tablet na nagchecheck ng emails.

Ganun na nga ang eksena ng mapapitlag ako dahil tumunog ang personal phone ko. At dahil hindi ko naman iyon ginagamit sa oras ng trabaho ay nasa kailaliman pa iyon ng aking bag.

Binulatlat ko ang laman ng bag at natatarantang hinanap ang cellphone dahil walang tigil iyon sa pagring. Ang lakas pa naman ng ringtone ko.

Pagkakita doon ay number lang ang lumabas kaya agad kong sinagot.

"Hello?"

"Hi Jenna! Kumusta ka na?"

"Ha? Sino to?"

"It's Jake, hindi mo ba ako nabosehan?" Malamang hindi.

"Mr. Fuentez?"

Kahit hindi ako lumingon sa boss ay kita kong napasulyap iyon ng banggitin ko ang pangalan ng lalaki.

"Sir, paano niyo po nalaman ang number ko?" Nagatubili pa akong itanong dahil nasa tabi ko ang boss.

"I have my ways, Jenna." sabay tawa nito ng malakas at alam kong dinig na dinig iyon ni Mr. Montano.

Nakaramdam akong bigla ng hiya at agad ko na lang tinanong kung bakit ito napatawag.

"I just want to let you know that I will be seeing you soon because I am back!" Masayang balita nito. Gusto ko sana sabihing, "Eh ano ngayon?" pero wag dahil rude iyon.

"Welcome back po, sir." Sabi ko na lang at nagdahilan ako na hindi ko siya madinig kaya tumawag na lang siya mamaya.

Pagkapatay ko ng phone ay nakakabinging katahimikan na naman ang sumalubong sa akin.

Ewan ko nga ba kung bakit tuwang tuwa sa akin si Mr. Fuentez at lagi ako nitong kinukulit.

Malayo pa kami at nagumpisa na ang traffic kaya naman buryong buryo ako. Pwede ko kayang buksan ang radyo? Kaso baka ayaw niya ng ingay.

Hay, makatingin na nga lang sa labas. Nasa Mynila pa rin kami at dahil traffic ay puro sasakyan lang din ang tanaw ko.

Hindi ko rin naman maopen ang cellphone para magbrowse sa Facebook, dahil oras ng trabaho pa rin iyon.

Hindi ata ako magtatagal sa ganito. Try ko kayang kausapin si sir, chit chat lang para pampalipas ng oras. Kaso ay baka deadmahin lang ako nito at mapahiya pa ako, huwag na nga lang.


Iginala ko ang mga mata sa loob ng kotse hanggang sa dumako ang mga mata ko sa boss na abala lang sa pagmamaneho.

Pero pasimpleng sulyap lang para hindi halata. Nakaslacks ito na dark gray at cream na long sleeves. Nakasuot din ito ng mukhang mamahaling itim na relo. Simple lang lagi ang get-up ni sir, mukhang hindi mahilig sa burloloy.

Agad akong nagbawi ng tingin ng sumulyap ito sa side view mirror sa banda ko.

Oops, muntik na akong mahuli pero mabuti ay mabilis akong nakapagbawi ng tingin. Natawa na lang ako ng palihim dahil sa mga naiisip ko dala ng pagkabored ko. Mahabang byahe kasi ito at hindi ako sanay na hindi si Kuya Den ang katabi. Kadalasan kasi ay nakikipagkwentuhan ang personal driver ni sir.

Pero kay Mr. Montano ay mapapanis ng bongga ang laway ko. Buti na lang at may dala akong bottled water kaya hindi natutuyo ang lalamunan ko. Makainom na nga lang muna.

"Are you two going out?" Biglang tanong nito.

Ako naman ay muntik maibuga ang iniinom at napatingin agad sa mukha ng boss.

Nakatingin pa rin ito sa daan na parang normal lang ang tinanong.

"Po?" Maang na tanong ko habang pinupunasan ang natapong tubig sa labi ko. Wrong timing naman ng tanong nito, kung kailan pa talaga ako umiinom.

Medyo late reaction siya ha dahil halos 30 minutos na ang nakalipas ng tumawag si Mr. Fuentez sa akin.

"I saw when he picked you up from the office, Jenna." Seryoso at may kahulugan na sabi nito.

Ako naman ay napaisip, paanong nakita niya eh nasa opisina pa siya ng lumabas ako nung araw na yun. Isa pa ay nakilala ko lang si Mr. Fuentez nung isang araw, advance naman masyado itong magisip.

"Ah, sir nadaanan lang po niya ako na naglalakad kaya naisipan niyang ihatid ako." Pagpapaliwanag ko, iba naman kasi yung nadaanan sa sinundo, diba?

Hindi na ito sumagot at nanahimik ulit. Ako naman ay hindi mapakali sa upuan. Mukhang hindi maganda ang iniisip nito sa akin. Nako, baka matanggal ako sa trabaho.

"Sir, wala naman pong namamagitan sa amin. Friendly lang po talaga si..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil bigla na itong nagsalita.

"I just want to remind you of the company's code of ethics. I hope that you are aware of that." Diretsong sabi nito na hindi man lang tumitingin sa akin.

Patay... masisibak na ba ko sa trabaho? Nakaramdam naman ako ng panlulumo.

"I am aware of that, sir. Ayoko naman po talagang magpahatid pero mapilit po siya. Sabi ko naman po na idrop na lang niya ko sa MRT pero ayaw pa rin po niya." Mahabang paliwanag ko dito pero hindi na ito muling nagsalita.

Mukhang wala na kong trabaho pagbalik namin ng Maynila.

Sa wakas ay nakarating na kami sa Tagaytay, nilibang ko na lang ang sarili sa mga tanawin. Hindi ko naman first time makarating dito pero hindi ko pa rin mapigilan ang hindi humanga sa lugar.

Gusto ko mang kumuha ng mga pictures at selfies, ay nahihiya naman ako. 

Nakarating na kami sa venue at parang pagod na pagod ang katawan ko sa byahe. Malamang ay mas lalo na si Mr. Montano dahil siya ang nagdrive.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
pagod yan sigurado aa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • My Boss and Me   Chapter 8: Lost Tablet

    Pagtingin ko sa oras ay pasada alas-2 na kaya pala nakakaramdam na ako gutom."Sir, your meeting will start at 2:30pm." Pagpapaalala ko dito habang naglalakad kami sa paligid. Tumango ito at nagpunta na kami sa conference room ng lugar.Sa kalagitnaan nga ng meeting ay may dumating na may dalang tray at mga inumin. Ayun naman ang pinakaaantay ko eh, dahil malapit nang magwala ang bituka ko.Biskwit?! Yun lang ang inihain nito at juice. Para akong nanlambot ng dahil dun pero dahil kumakalam na ang sikmura ko ay pwede na sigurong pantawid gutom ito.Magaalas-4 na at may isa pang meeting si Mr. Montano bago

  • My Boss and Me   Chapter 9: His Lips

    Isang malalim na bunting hininga ang pinakawalan ko ng nasa tapat na ng pinto ng hotel ni Mr. Montano. Pinindot ko ng isang beses ang doorbell nito at naghintay pero walang nagbukas.Baka naman tulog ito? Aatras na sana ako ng biglang umuwang ang pinto.Hubad na katawan ng boss ang sumalubong sa akin. At dahil sa nakatsinelas lang ako ay kapantay lang ako ng dibdib nito. Tama nga ako at matipuno ang katawan nito, alagang-alaga siguro sa exercise.Pero da

  • My Boss and Me   Chapter 10: Look At Me

    "Good morning, sir." Bati ko sa boss ng tawagan ko ito.Hindi ito agad sumagot pero dinig ko ang hininga nito sa kabilang liniya."Good morning." Tipid at parang wala sa mood nitong bati din sa akin."Sir, your meeting at 10am today is confirmed." Diretso kong sabi dito na pinipigilang mautal. Normal lang dapat ang pakikitungo na parang walang nangyari."That's good." Sagot nito at nagpakawala ng malalim na hininga. Dinig na dinig ko naman iyon bago nito ibinababa.Mukhang normal naman ito at walang kakaiba kaya sigurado na wala itong naalala. Buti naman at ganoon.Nagantay ako sa lobby ng hotel dahil kailangan na naming bumalik sa venue dahil doon din gaganapin ang meeting sa Architect.Maya-maya pa ay nakita ko ng naglalakad ang boss galing sa elevator. Habang papalapit ito sa akin ay hind

  • My Boss and Me   Chapter 11: Ignore

    HOW TO IGNORE AN ATTRACTIVE BOSS?Google search result:10 Ways to Fight Attraction In The Workplace

  • My Boss and Me   Chapter 12: Mission Failed

    "Aba ang sexy ni beshy ngayon!" Bungad ni Cherry pagkakita nito sa akin habang nagtitimpla ako ng kape."Ha? Seryoso?" Tinignan ko ang sarili. Hapit na hapit kasi ang pencil cut skirt ko na dark gray at white short sleeves blouse na nakatuck-in. Binagayan ko pa iyon ng nude na tip toe heels na katamtaman lang ang taas."Promise! Parang pumayat ka? Lumabas ang curves mo eh!" Sino ba naman kasi ang hindi papayat, eh halos malibot ko na ang Luzon kasama si Mr. Montano."Thank you sa pambobola!” Natatawa na lang ako sa kaibigan.Ngayong araw ay may importante akong misyo

  • My Boss and Me   Chapter 13: Friends

    Hindi ako makapaniwala dahil makakapunta ko sa ibang bansa! Nakatakda kasi ang emergency business trip ni Mr. Montano at Mr. Fuentez sa Hong Kong ngayong linggo. At sympre ay kasama ako!Abala man ako sa pagarrange ng aming flight at paghahanap ng hotel accommodation ay okay lang. Magkahalong excitement at saya naman ang nararamdaman ko dahil makakasakay na ako ng eroplano."Hi, Jenna!" Masayang bati ng pumasok na lalaki. Si Mr. Fuentez na pala ito."Good afternoon po, sir." Umupo ito sa sofa na

  • My Boss and Me   Chapter 14: Hong Kong

    "Sir, dun po ako pipila sa economy class. For business class lang po kasi to." Pagpapaliwanag ko naman.Nangunot ang noo nito, "Who told you to book in economy class?" Tanong ulit nito at diretsong tumingin sa mata ko habang nagaantay ng sagot.Ay, nako ayan na naman sya. Pwede namang walang eye to eye contact, nakakailang kasi."Wala naman pong nagsabi, pero... " Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil pinutol nito ang dapat ay sasabihin ko.

  • My Boss and Me   Chapter 15: Sorry

    Maaga akong gumayak dahil madami daming meetings ang nakaschedule ngayong araw. Walang katapusang meetings.Sa kalagitnaan nga ng araw ay nanakit na ang binti at paa ko, ang lalawak ng mga buildings at lugar dito.Itinour din kasi kami sa building na pagaari ng isa sa mga investors na kameeting ni Mr. Montano.Pupunta ka nga lang sa kabilang bahagi ng kwarto ay hihingalin kanatalaga. Dagdag pa dun ay nakaheels ako, feeling ko tuloy ay puro paltos na ang mga paa ko. Kung alam ko lang na gan

Pinakabagong kabanata

  • My Boss and Me   Chapter 62: Yes

    Sa daan ay tahimik lang akong nakaupo. Wala din ako sa mood makipagkwentuhan kaya kunwari ay abala ako sa cellphone ko. Pero ang totoo ay wala akong maisip kung hindi ang mga nangyari kanina. Pakiramdam ko lang kasi ay wala akong halaga kay Anton sa mga kinilos nito kanina. Hindi nito sinabi ang mga gusto kong marinig, ni hindi ko naramdaman na may pagpapahalaga ito sa nararamadaman ko. Wala nga pala kasi kaming relasyon. Sana pala ay hindi na lang ito nagtapat sa akin at mas lalong sana ay hindi na lang ako nagtapat dito. Pag-uwi sa bahay ay hindi na ako naghapunan pa. Wala akong gana kaya naman nagdahilan na lang ako kay Mama na masama ang pakiramdam at pagod mula sa byahe. Nagkulong na lang ako sa kwarto at doon ko binuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigil. Tinitigan ko ang monitor ng cellphone ko habang tumutulo pa rin ang mga luha. Walang tawag o ni text mula kay Anton. Abala siguro ito sa pakikipaglambutsingan sa Faye na yun. Sabi niya ay babawi siya sa akin dahil wala si

  • My Boss and Me   Chapter 61: Job

    Nagpaalam ang Mommy ni Anton para pumunta daw sa kusina. Mabait ito at napakadown to earthna tao. Ni hindi ko man lang maramdaman na ilang ito sa amin ni Kuya Den kahit tauhan lamang kami ng kumpanya nila.Ang Daddy nman ni Anton ay mukhang mabait din pero may pagkatahimik. Sa kanya siguro namana ng boss ang ugali.Patuloy lang sa pagkukwentuhan ang mga bisita nila, si Anton at ang Daddy nitosa salas. Pasimple ko namang sinulyapan si Kuya Den na abala sa cellphone nito. Kachat marahil ang pamilyaniya.Tinignan ko ang isang malaking wall clock na nakasabit sa gitna ng salas. Magaalauna na pala ng haponat hindi pa nga kami nananghalian. Dito na kaya kami kakain? Ang hirap manghula,hindi ko naman kasi makausap ang bosspara sana itanong. Masakit na kasi ang tyan ko sa gutom.“Hi!” Masayang bati ng isang pamilyar na boses.

  • My Boss and Me   Chapter 60: Muli

    Nang makarating kami sa site ay namangha agad ako sa gate pa lamang ng subdivision na iyon. Bongga ang itsura at mukhang hindi talaga basta-basta. Nakapalibot pa ang iba’t ibang kulay ng mga bulaklak at berdeng mga halaman sa bungad pa lang ng lugar. Ang automatic barrier nito ay tumaas bago pa man tumapat ang kotse sa guard’s house. Nakatayo sa gilid nun ang isang security gurad na agad pang sumaludo sa aming sasakyan.Pagbaba namin ay sinalubong na kami ng tauhang nag-aantay sa aming pagdating. Isang maputing babae na nakabestidang kulay royal blue at isang lalaki na nakacoat and tie pa na kulay royal blue din. Siguro ay uniporme nila ito kaya magkakulay sila ng damit. Iginiya nila kami agad sa isang model bungalow house na moderno ang itsura.Dark gray, puti at dark brown ang kombinasyon ng kulay ng mga pader at ang mga glass windows naman ay mula ceiling hanggang sahig. Minimalist ang style ng mga usong bahay sa panahon ngayon kaya naman siguradong magi

  • My Boss and Me   Chapter 59: Ngiti

    Tulad ng inaasahan ay naging busy na naman ang mga sumunod na araw sa trabaho. Hindi ko na nga halos nakikita ang opisina dahil papasok lang ako dun para magkape at pagkatapos ay aalis na rin naman agad. Panay ang labas namin ni Anton kasama si Kuya Den sa mga meetings, eventsat site visits. Okay lang naman dahil ibig sabihinnunay maganda ang takbo ng kumpanya dahil sa maraming projectsat collaborations. Mas lalong pabor yun para sa akin dahil doon ako nagtatrabaho.Pero kung minsan ay naiisip ko din na masyado na atang napapagod si Anton at nag-aalala na din ako sa kanya. Pero sa bagay na yun ay hindi ako nakikielam sa kanya. Isa pa ay alam kong gusto niyang tutukan ang kumpanya ng pamilya niya. Naalala ko nga ang sinabi ng Mommy niya na simula raw ng magkasakit ang Daddy nito ay wala na itong ginawa kung hindi ang magfocus lang sa kumapanya.Naawa akong bigla kay Anton sa naalala kong iyon. Siguro ay ibinuhos na lan

  • My Boss and Me   Chapter 58: Leche Flan

    Sa isang Filipino restaurant namin napiling kumain ni Anton. At dahil weekday naman kaya siguradong wala masyadong tao ngayon. Pagpasok pa lang ay isang waitress na nakasuot ng national dress ng Pilipinas ang agad na sumalubong sa amin. Iginiya kami nito sa isang mesa na nasa dulo. Mas maganda ang napili nitong lugar dahil parang may privacy mula sa ibang kumakain. Pero tanaw pa rin naman ang ibang mga tao mula doon. Pagkaupo pa lang namin ay iniabot na ng waitress ang menu at saka nagsabing babalik mamaya.Magkatapat ang upuan namin ni Anton kaya naman kita ko ang lalaki na parang nahihirapan sa pwesto niya. Masyado kasi atang mababa ang upuan kaya nahihirapan itong pagkasyahin ang mahahaba niyang binti sa ilalim ng lamesa. Bahagya itong umusod palayo para kumportableng makaupo. Hindi nito napansin na lihim akong natatawa sa itsura nito dahil abala sya sa paghanap ng maoorder. “What do

  • My Boss and Me   Chapter 57: Traffic

    Natameme na lang ako kay Anton na tumingala pa sa sunroof ng kotse niya. Mula kasi doon ay kita angmaliwanag na kalangitan at mga bituin. Balak pa atang magstar gazing sa gitna ng Edsa ng lalaking ito. Hindi ko na tuloy alam kung maiinis ba ako o matatawa sa inaasal nito.Ilang minuto na itong nasa ganung pwesto kaya naman tumingin ako sa labas. Dinig ko pa rin ang walang tigil na businahan ng mga sasakyan sa paligid at ang nasa likod namin ay kanya-kanya ng diskarte para makalipat ng lane. Siguro ay naisip na lang nila na nasiraan kami sa gitna kaya nakatigil at hindi umaandar.Pero kailangan ko na talaga itong kumbinsihin na paandarin na ang kotse. Lalolangkamingnagdudulot ng traffic sa lugarna halos hindi na nga gumagalaw.Baka mamaya ay magalit na at tumawag pa ng pulis.“Anton, please umuwi na tayo. Bukas na lang tayo magusap ulit.” Pakiusap ko na niyugyog pa ang braso

  • My Boss and Me   Chapter 56: Why

    Hindi ko naman gusto ang magsinungaling kaya lang ay gusto ko na din talaga kasi siyang makauwi na at magpahinga. Pero gusto ko din kasing mag-isip na muna ng dahil sa sinabi ni Cherry kanina. Naguguluhan na naman kasi ang utak ko. Ano ba naman ito?!Dapat pala ay diniretso ko na lang si Anton kanina kaysa gumawa pa ako ng dahilan at kwento. Lumabas pa tuloy na nagsisinungaling ako. Pero nagsinungaling naman talaga ako, hindi ba? Maling-mali ang ginawa ko na yun.Hindi ko din naman kasi akalain na tatawagan nito si Cherry. Malay ko ba na may number pala siya nito. Biro mo yun? Hay! Pero siya nga pala ang boss, natural na may contact siya ng lahat ng empleyado niya. Bakit ba umiral na naman ang katangahan ko at hindi ko naisip yun kanina?“Jenna, I’m talking to you.” Wala akong choice kung hindi ang mag-angat ng ulo. Ramdam ko na parang ang lapot ng laway ko dahil hirap na hirap akong lulunin yun. Kinaka

  • My Boss and Me   Chapter 55: Lying

    Ano nga ba kami? MU?Hindi ba ay parang panghighschool lang yun? Pero wala naman kaming kahit na anong naging usapan. Basta pagkatapos ng araw na yun ay parang kami na o assumming lang ba ako? Kaya ba kagabi ay ganun siya? Kaya hindi niya ako pinakilala kay Mr. Villanueva?“Aba, besh. Pati kayo ba naman ay makikiuso dyan sa relasyong walang label?” Hindi ko mawari ang ekspresyon ng mukha ni Cherry kung nagbibiro ba ito o seryoso. Pero wala na akong naisagot at napakamot na lang ako sa ulo.Sandali nga, kailangan ko bang tanungin si Anton kung ano kaming dalawa? Hindi ba ay sa kanya dapat manggaling yun dahil siya ang lalaki? Siya dapat ang magtanong sa akin.Hmm. Ni hindi nga ako nito inaaya man lang magdate. Kung lalabas man kami o kakain ay dahil lang sa trabaho. Ni walang paflowers , chocolates or kahit ano na ginagawa ng magkasintahan. Kailan ba nito huling sinabi na mahal niya ako? Isang beses pa lang nga ata, hindi ba?Pero iilang

  • My Boss and Me   Chapter 54: MU

    Natapos ang meeting na hindi man lang ako nagsasalita. Sa totoo lang ay wala naman akong papel dun kung hindi ang sumama. Minsan naiisip ko nga kung kailangan ba talagangnakabuntot ako sa bosskahit saan.Maayos na nagpaalam ang dalawa pero hindi nakaligtas sa akin ang pahabol na tingin ng Kelly Salvador na yun kay Anton. Si Anton naman ay deadma lang naman. Lagi na lang deadma ito, kahitna ngamismo ako ay dinedeadma nito madalas.Naiwan kaming dalawa sa mesa at nagkunwari na lamang akong busy sa pag-aayos ng bag ko. Nilagay ko lang ang notepad at ballpen na gamit kanina.“Have you written the important points from the meeting?” Hindi ko alam saan ito nakatingin dahil hindi ako nagabalang bigyan ito ng pansin.“Ahm. Oo.” Maikli kong sagot.Nadinig ko ang buntung-hininga nito kaya naman napatingin ako dito. Magkaharap kami kaya naman agad na nahuli nito ang mga mata ko pagkabaling ko pa lamang sa mukha

DMCA.com Protection Status