Home / Romance / My Boss and Me / Chapter 4: First Day

Share

Chapter 4: First Day

Author: itsloveren
last update Last Updated: 2020-11-05 13:10:51

Maaga akong pumasok ngayong araw. Kahapon ay napirmahan ko na ang bago kong kontrata at binigay na sa akin ang mga dapat basahin sa paghahanda sa bago kong role bilang Executive Secretary ni Mr. Montano.

Magkahalo ang kaba at excitement na nararamdaman ko. Kinakabahan dahil magiging Secretarya ako ng pinakamataas na posisyon sa kumpanya at excited dahil bagong experience ito para sakin.

Pagdating sa opisina ay agad akong nagtimpla ng kape. Maaga pa naman kaya wala pang ibang tao. Naupo ako sa pantry area at nagumpisang basahin ang isang booklet na inihanda nila para sa akin. Nandun ang lahat ang jobs and responsibilities ni Mary noon, ang mga dapat kong gawin at tandaan. Mukhang kayang kaya ko naman ang mga ito at hindi nalalayo sa ginagawa ko dati bilang Secretary ni Madam Ivy.

"Kumusta naman ang bagong Secretary ni Mr. Montano?" Nakangiting bungad ni Cherry sa akin ng makita ako nitong nagkakape na.


"Heto excited na." Natatawa kong sagot. "Unexpected talaga, pero masayang masaya ako." Naupo naman si Cherry sa tabi ko.

"Sobrang happy ako para sayo, beshy. Kahit naman sino ay maeexcite kung araw-araw ay makakasama ang isang tulad niya..." Sabay pangalumbaba nito na parang nagdaydreaming pa. Isa nga pala si Cherry sa patay na patay sa aming boss.

"Nako, hindi ako excited dahil dun. Masaya lang ako na napansin nila ang hard work ko."

"You deserve it naman kasi, beshy. Kayang kaya mo yan. Basta ha, update mo lang ako lagi sa latest happenings." Sabay kindat pa nito na parang may ibang ibig sabihin.

Nagsidatingan ang ibang officemates namin at isa-isa ding nagcongratulate sa akin.

Pinatawag ako ng HR Manager at nagsabing iintroduce niya na ako kay Mr. Montano para makapagstart sa bagong role ko ngayong araw.

Pagpasok namin sa opisina ay andun na si Mr. Montano at abala sa binabasang mga papeles. Tambak ang mga papel sa lamesa nito at mukhang aburido sa buhay.

"Good morning, Mr. Montano" Bati ng aming HR Manager na si Ms. Beth habang kasunod naman ako nito sa likod niya.

Seryosong mukha ang sinalubong nito sa amin. "Hindi ba ito marunong ngumiti?" Tanong ko sa sarili.

Nag-angat ito ng ulo at pormal na tumayo.

"Good morning, Ms. Beth." Ganting bati nito na walang kangiti-ngiti sa labi. Naghalukip ng mga kamay sa bulsa ng kaniyang slacks. Nakalight blue ito na long sleeves polo at nakasabit naman ang suit nito sa kaniyang swivel chair.

"I would like to formally introduce your new Secretary, Ms. Jenna Crisostomo."

"Good morning, Sir." Bati ko na nakangiti sabay yuko ng bahagya bilang paggalang dito.

Mataman akong tinignan nito na parang sinusuri. Ngayon ko lang nakita ito ng malapitan at ang itim na itim nitong mga mata. Parang blangko iyon, tulad ng dati ay parang nakakalunod tumitig dito.

"Nice meeting you, Ms. Jenna. I hope you will enjoy your new role." Sabi naman nito sa akin na diretsong nakatingin sa mga mata ko. Ewan ko ba pero parang nailang akong bigla.

"Thank you, Sir." Matipid ko na lang na sagot at nagbaba ng tingin. May inabot na papel si Ms. Beth dito na agad niitong pinirmahan at pagkatapos ay bumalik sa pagkakaupo.


Iginiya naman ako ni Ms. Beth sa bago kong desk. Nasa bungad iyon ng opisina, katapat ng pintuan. Hindi ko tanaw si Mr. Montano sa pwesto ko na yun dahil may frosted glass door pa bago makapasok sa mismong opisina nito.


"Dito na ang magiging pwesito mo mula ngayon. Kapag may kailangan si Mr. Montano ay tatawagan ka lang niya sa intercom." Pagpapaliwanag nito at nagpaalam na.

Agad akong naupo, chineck ang mga bagay na nasa lamesa at inayos ng bahagya. Saka ko binuksan ang laptop para umpisahang magbrowse ng emails at calendar ng bagong boss.


Ito ang main responsibility ko, to make sure na organized ang schedule ng boss.

Maya-maya ay nagring ang telepono. Sa kabilang linya ay ang isang lalaki at hinahanap si Mr. Montano. Hinold ko iyon at dinial ang extension ng boss.

"Hello sir, Mr. Kontreras of KLM Real Estate would like to speak to you." Medyo matagal itong sumagot.

"Yes, please." Tipid lang na sabi nito gamit ang napakalalim at malamig na boses. Agad kong tinransfer ang linya at nagpatuloy ako sa aking ginagawa.

Nang lunch break na ay inaantay kong lumabas ang boss, pero halos 10 minutes na ang nakalipas sa aming break time ay wala pa rin. Hindi ko tuloy alam kung pwede na ba akong magbreak o kailangan kong magpaalam. Nagaalangan ako dahil kung tatanungin ko ito ay maistorbo at baka magalit. Mukha pa namang tigre na anytime ay mambubulyaw.

Pero ng nadinig ko na ang sikmura ko na nagaalburoto, no choice na. Dinial ko ang extension nito at agad itong sumagot.

"Yes?" Parang galit ang boses.

"Sir, maglalunch break lang po ako." Diretso kong sabi.

"Go ahead." Matipid nitong sagot.

Magsasalita pa sana ko pero binaba na pala nito ang phone.

Ako naman ay lumabas na dahil gutom na talaga ko. Bahala siya malipasan ng gutom magisa noh!

At tulad ng inaasahan ay nagaantay si Cherry sa pantry na nakangiti.

"Uunahan na kita, wala." Natatawa kong bungad sa kaibigan.

"Paanong wala, beshy? Grabe naman, excited pa naman ako sa ikukwento mo."

Naginit na ako ng aking pagkain sa microwave at nasa likod ko ito na parang bata na nagaantay ng candy.

"Ano naman ang inaasahan mo na kwento? Eh nakaupo lang naman ako sa desk ko at siya sa opisina niya."

"Oh sige, ano na lang itsura niya sa malapitan? Mas gwapo ba pag close-up? Kinilig ka ba? Ano sabi niya sayo? May kinwento ba siya tunkol sa kanila ni Mary?" Sunod-sunod na tanong nito habang ako naman ay naupo na para magumpisang kumain.

"Hay nako, Cherry. Maniwala ka o hindi, wala talaga. Pinakilala lang ako ni Ms. Beth nung umaga and then wala na. Naupo lang ako sa desk ko para magtrabaho." Pagpapaliwanag ko naman sabay subo ng pagkain.

"Ay, ano ba naman yan! Ang boring nun, beshy." Kita ang disappointment sa mukha niito.

Natatawa ako na nagpatuloy na lamang sa pagkain. Ano ba ang inaasahan ng kaibigan? Magkukuwenito ng personal na buhay sa akin si Mr. Montano? Malabo iyon at sa totoo lang ay wala din naman akong pakielam. Nandun lang ako para magtrabaho at nagpapasalamat ako na napromote ako at tumaas ang sahod ko. Yun lang.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Arthur Olivar
maganda anf kwento at para kalanf nanonood ng live lalo kong tuloy tuloy sana.
goodnovel comment avatar
Salve Ragay
interesting story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Boss and Me   Chapter 5: His Perfume

    Isang linggo na ang nakaraan at naging maayos naman ang aking trabaho. Kadalasan ay sa umaga ko lang nakikita si Mr. Montano kapag papasok ito sa opisina."Good morning, Sir!" Laging masayang bati ko sa boss at sumasagot naman ito ng malamig na "Good Morning." Pero ni hindi man lang ako tinatapunan ng tingin at diretso lang sa opisina niya.Sa akin naman ay balewala lang yun, naisip ko na disappointed pa siguro ito sa pagreresign ni Mary. Namimiss marahil nito ang dating Secretary, isa pa ay obvious na may namamagitan sa dalawa.

    Last Updated : 2020-11-05
  • My Boss and Me   Chapter 6: Mr. Fuentez

    May nakatakdang project ang aming kumpaniya at makikipagcollab kami sa Quintez Media, isang malaking marketing agency sa bansa.Ngayong araw ay naschedule ang meeting ng mga ito kaya naman nauna na ako sa conference room para ihanda ang computer.Maya-maya pa ay dumating na si Mr. Montano na nakacoat and tie na dark gray. Pormal lang itong naglakad patungo sa kaniyang upuan. Sinundan ko lang ng tingin ang amo at kasunod niya ay nagsidatingan na ang ibang managers ng kumpanya. Kaniya kaniyang upuan na ang mga ito. Ako naman ay naupo na din sa tabi ng boss at nagready ng aking notepad.Hindi nga nagtagal ay pumasok na ang mga big boss ng marketing agency.Pumukaw sa atensyon ko ang isang lalaki na mukhang may lahing Latino. Tinignan ko ang aking notes, ito marahil ang anak ng CEO na si Jake Fuentez. Ito ay isa sa Managing Director ng kumpanya pero mukhan

    Last Updated : 2020-11-10
  • My Boss and Me   Chapter 7: Tagaytay

    Tulad ng inaasahan ay naging busy ang mga sumunod na araw, napadalas ang pagbisita namin sa mga venues at meetings.Nakakapagod dahil madalas ay naghahabol kami ng oras ni Mr. Montano. Puno ang schedule nito, ibig sahihin ay ganun din ako. Dahil kung nasaan ang boss ay nandun din dapat ako.Nagpapasalamat naman ako at hindi ko nakikita si Mr. Fuentez. Balita ko ay may emergency appointment ito sa Japan kaya naman wala ito ng mga nakaraang araw.Sa totoo lang ay nakakatuwa naman ang lalaki, ang problema lang ay ayoko madumihan ang image ko sa boss. Kakaumpisa ko pa lang bilang secretary niya at ayoko naman magisip ito na nakikipaglandian ako sa tr

    Last Updated : 2020-11-10
  • My Boss and Me   Chapter 8: Lost Tablet

    Pagtingin ko sa oras ay pasada alas-2 na kaya pala nakakaramdam na ako gutom."Sir, your meeting will start at 2:30pm." Pagpapaalala ko dito habang naglalakad kami sa paligid. Tumango ito at nagpunta na kami sa conference room ng lugar.Sa kalagitnaan nga ng meeting ay may dumating na may dalang tray at mga inumin. Ayun naman ang pinakaaantay ko eh, dahil malapit nang magwala ang bituka ko.Biskwit?! Yun lang ang inihain nito at juice. Para akong nanlambot ng dahil dun pero dahil kumakalam na ang sikmura ko ay pwede na sigurong pantawid gutom ito.Magaalas-4 na at may isa pang meeting si Mr. Montano bago

    Last Updated : 2020-11-10
  • My Boss and Me   Chapter 9: His Lips

    Isang malalim na bunting hininga ang pinakawalan ko ng nasa tapat na ng pinto ng hotel ni Mr. Montano. Pinindot ko ng isang beses ang doorbell nito at naghintay pero walang nagbukas.Baka naman tulog ito? Aatras na sana ako ng biglang umuwang ang pinto.Hubad na katawan ng boss ang sumalubong sa akin. At dahil sa nakatsinelas lang ako ay kapantay lang ako ng dibdib nito. Tama nga ako at matipuno ang katawan nito, alagang-alaga siguro sa exercise.Pero da

    Last Updated : 2020-11-10
  • My Boss and Me   Chapter 10: Look At Me

    "Good morning, sir." Bati ko sa boss ng tawagan ko ito.Hindi ito agad sumagot pero dinig ko ang hininga nito sa kabilang liniya."Good morning." Tipid at parang wala sa mood nitong bati din sa akin."Sir, your meeting at 10am today is confirmed." Diretso kong sabi dito na pinipigilang mautal. Normal lang dapat ang pakikitungo na parang walang nangyari."That's good." Sagot nito at nagpakawala ng malalim na hininga. Dinig na dinig ko naman iyon bago nito ibinababa.Mukhang normal naman ito at walang kakaiba kaya sigurado na wala itong naalala. Buti naman at ganoon.Nagantay ako sa lobby ng hotel dahil kailangan na naming bumalik sa venue dahil doon din gaganapin ang meeting sa Architect.Maya-maya pa ay nakita ko ng naglalakad ang boss galing sa elevator. Habang papalapit ito sa akin ay hind

    Last Updated : 2020-11-10
  • My Boss and Me   Chapter 11: Ignore

    HOW TO IGNORE AN ATTRACTIVE BOSS?Google search result:10 Ways to Fight Attraction In The Workplace

    Last Updated : 2020-11-10
  • My Boss and Me   Chapter 12: Mission Failed

    "Aba ang sexy ni beshy ngayon!" Bungad ni Cherry pagkakita nito sa akin habang nagtitimpla ako ng kape."Ha? Seryoso?" Tinignan ko ang sarili. Hapit na hapit kasi ang pencil cut skirt ko na dark gray at white short sleeves blouse na nakatuck-in. Binagayan ko pa iyon ng nude na tip toe heels na katamtaman lang ang taas."Promise! Parang pumayat ka? Lumabas ang curves mo eh!" Sino ba naman kasi ang hindi papayat, eh halos malibot ko na ang Luzon kasama si Mr. Montano."Thank you sa pambobola!” Natatawa na lang ako sa kaibigan.Ngayong araw ay may importante akong misyo

    Last Updated : 2020-11-10

Latest chapter

  • My Boss and Me   Chapter 62: Yes

    Sa daan ay tahimik lang akong nakaupo. Wala din ako sa mood makipagkwentuhan kaya kunwari ay abala ako sa cellphone ko. Pero ang totoo ay wala akong maisip kung hindi ang mga nangyari kanina. Pakiramdam ko lang kasi ay wala akong halaga kay Anton sa mga kinilos nito kanina. Hindi nito sinabi ang mga gusto kong marinig, ni hindi ko naramdaman na may pagpapahalaga ito sa nararamadaman ko. Wala nga pala kasi kaming relasyon. Sana pala ay hindi na lang ito nagtapat sa akin at mas lalong sana ay hindi na lang ako nagtapat dito. Pag-uwi sa bahay ay hindi na ako naghapunan pa. Wala akong gana kaya naman nagdahilan na lang ako kay Mama na masama ang pakiramdam at pagod mula sa byahe. Nagkulong na lang ako sa kwarto at doon ko binuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigil. Tinitigan ko ang monitor ng cellphone ko habang tumutulo pa rin ang mga luha. Walang tawag o ni text mula kay Anton. Abala siguro ito sa pakikipaglambutsingan sa Faye na yun. Sabi niya ay babawi siya sa akin dahil wala si

  • My Boss and Me   Chapter 61: Job

    Nagpaalam ang Mommy ni Anton para pumunta daw sa kusina. Mabait ito at napakadown to earthna tao. Ni hindi ko man lang maramdaman na ilang ito sa amin ni Kuya Den kahit tauhan lamang kami ng kumpanya nila.Ang Daddy nman ni Anton ay mukhang mabait din pero may pagkatahimik. Sa kanya siguro namana ng boss ang ugali.Patuloy lang sa pagkukwentuhan ang mga bisita nila, si Anton at ang Daddy nitosa salas. Pasimple ko namang sinulyapan si Kuya Den na abala sa cellphone nito. Kachat marahil ang pamilyaniya.Tinignan ko ang isang malaking wall clock na nakasabit sa gitna ng salas. Magaalauna na pala ng haponat hindi pa nga kami nananghalian. Dito na kaya kami kakain? Ang hirap manghula,hindi ko naman kasi makausap ang bosspara sana itanong. Masakit na kasi ang tyan ko sa gutom.“Hi!” Masayang bati ng isang pamilyar na boses.

  • My Boss and Me   Chapter 60: Muli

    Nang makarating kami sa site ay namangha agad ako sa gate pa lamang ng subdivision na iyon. Bongga ang itsura at mukhang hindi talaga basta-basta. Nakapalibot pa ang iba’t ibang kulay ng mga bulaklak at berdeng mga halaman sa bungad pa lang ng lugar. Ang automatic barrier nito ay tumaas bago pa man tumapat ang kotse sa guard’s house. Nakatayo sa gilid nun ang isang security gurad na agad pang sumaludo sa aming sasakyan.Pagbaba namin ay sinalubong na kami ng tauhang nag-aantay sa aming pagdating. Isang maputing babae na nakabestidang kulay royal blue at isang lalaki na nakacoat and tie pa na kulay royal blue din. Siguro ay uniporme nila ito kaya magkakulay sila ng damit. Iginiya nila kami agad sa isang model bungalow house na moderno ang itsura.Dark gray, puti at dark brown ang kombinasyon ng kulay ng mga pader at ang mga glass windows naman ay mula ceiling hanggang sahig. Minimalist ang style ng mga usong bahay sa panahon ngayon kaya naman siguradong magi

  • My Boss and Me   Chapter 59: Ngiti

    Tulad ng inaasahan ay naging busy na naman ang mga sumunod na araw sa trabaho. Hindi ko na nga halos nakikita ang opisina dahil papasok lang ako dun para magkape at pagkatapos ay aalis na rin naman agad. Panay ang labas namin ni Anton kasama si Kuya Den sa mga meetings, eventsat site visits. Okay lang naman dahil ibig sabihinnunay maganda ang takbo ng kumpanya dahil sa maraming projectsat collaborations. Mas lalong pabor yun para sa akin dahil doon ako nagtatrabaho.Pero kung minsan ay naiisip ko din na masyado na atang napapagod si Anton at nag-aalala na din ako sa kanya. Pero sa bagay na yun ay hindi ako nakikielam sa kanya. Isa pa ay alam kong gusto niyang tutukan ang kumpanya ng pamilya niya. Naalala ko nga ang sinabi ng Mommy niya na simula raw ng magkasakit ang Daddy nito ay wala na itong ginawa kung hindi ang magfocus lang sa kumapanya.Naawa akong bigla kay Anton sa naalala kong iyon. Siguro ay ibinuhos na lan

  • My Boss and Me   Chapter 58: Leche Flan

    Sa isang Filipino restaurant namin napiling kumain ni Anton. At dahil weekday naman kaya siguradong wala masyadong tao ngayon. Pagpasok pa lang ay isang waitress na nakasuot ng national dress ng Pilipinas ang agad na sumalubong sa amin. Iginiya kami nito sa isang mesa na nasa dulo. Mas maganda ang napili nitong lugar dahil parang may privacy mula sa ibang kumakain. Pero tanaw pa rin naman ang ibang mga tao mula doon. Pagkaupo pa lang namin ay iniabot na ng waitress ang menu at saka nagsabing babalik mamaya.Magkatapat ang upuan namin ni Anton kaya naman kita ko ang lalaki na parang nahihirapan sa pwesto niya. Masyado kasi atang mababa ang upuan kaya nahihirapan itong pagkasyahin ang mahahaba niyang binti sa ilalim ng lamesa. Bahagya itong umusod palayo para kumportableng makaupo. Hindi nito napansin na lihim akong natatawa sa itsura nito dahil abala sya sa paghanap ng maoorder. “What do

  • My Boss and Me   Chapter 57: Traffic

    Natameme na lang ako kay Anton na tumingala pa sa sunroof ng kotse niya. Mula kasi doon ay kita angmaliwanag na kalangitan at mga bituin. Balak pa atang magstar gazing sa gitna ng Edsa ng lalaking ito. Hindi ko na tuloy alam kung maiinis ba ako o matatawa sa inaasal nito.Ilang minuto na itong nasa ganung pwesto kaya naman tumingin ako sa labas. Dinig ko pa rin ang walang tigil na businahan ng mga sasakyan sa paligid at ang nasa likod namin ay kanya-kanya ng diskarte para makalipat ng lane. Siguro ay naisip na lang nila na nasiraan kami sa gitna kaya nakatigil at hindi umaandar.Pero kailangan ko na talaga itong kumbinsihin na paandarin na ang kotse. Lalolangkamingnagdudulot ng traffic sa lugarna halos hindi na nga gumagalaw.Baka mamaya ay magalit na at tumawag pa ng pulis.“Anton, please umuwi na tayo. Bukas na lang tayo magusap ulit.” Pakiusap ko na niyugyog pa ang braso

  • My Boss and Me   Chapter 56: Why

    Hindi ko naman gusto ang magsinungaling kaya lang ay gusto ko na din talaga kasi siyang makauwi na at magpahinga. Pero gusto ko din kasing mag-isip na muna ng dahil sa sinabi ni Cherry kanina. Naguguluhan na naman kasi ang utak ko. Ano ba naman ito?!Dapat pala ay diniretso ko na lang si Anton kanina kaysa gumawa pa ako ng dahilan at kwento. Lumabas pa tuloy na nagsisinungaling ako. Pero nagsinungaling naman talaga ako, hindi ba? Maling-mali ang ginawa ko na yun.Hindi ko din naman kasi akalain na tatawagan nito si Cherry. Malay ko ba na may number pala siya nito. Biro mo yun? Hay! Pero siya nga pala ang boss, natural na may contact siya ng lahat ng empleyado niya. Bakit ba umiral na naman ang katangahan ko at hindi ko naisip yun kanina?“Jenna, I’m talking to you.” Wala akong choice kung hindi ang mag-angat ng ulo. Ramdam ko na parang ang lapot ng laway ko dahil hirap na hirap akong lulunin yun. Kinaka

  • My Boss and Me   Chapter 55: Lying

    Ano nga ba kami? MU?Hindi ba ay parang panghighschool lang yun? Pero wala naman kaming kahit na anong naging usapan. Basta pagkatapos ng araw na yun ay parang kami na o assumming lang ba ako? Kaya ba kagabi ay ganun siya? Kaya hindi niya ako pinakilala kay Mr. Villanueva?“Aba, besh. Pati kayo ba naman ay makikiuso dyan sa relasyong walang label?” Hindi ko mawari ang ekspresyon ng mukha ni Cherry kung nagbibiro ba ito o seryoso. Pero wala na akong naisagot at napakamot na lang ako sa ulo.Sandali nga, kailangan ko bang tanungin si Anton kung ano kaming dalawa? Hindi ba ay sa kanya dapat manggaling yun dahil siya ang lalaki? Siya dapat ang magtanong sa akin.Hmm. Ni hindi nga ako nito inaaya man lang magdate. Kung lalabas man kami o kakain ay dahil lang sa trabaho. Ni walang paflowers , chocolates or kahit ano na ginagawa ng magkasintahan. Kailan ba nito huling sinabi na mahal niya ako? Isang beses pa lang nga ata, hindi ba?Pero iilang

  • My Boss and Me   Chapter 54: MU

    Natapos ang meeting na hindi man lang ako nagsasalita. Sa totoo lang ay wala naman akong papel dun kung hindi ang sumama. Minsan naiisip ko nga kung kailangan ba talagangnakabuntot ako sa bosskahit saan.Maayos na nagpaalam ang dalawa pero hindi nakaligtas sa akin ang pahabol na tingin ng Kelly Salvador na yun kay Anton. Si Anton naman ay deadma lang naman. Lagi na lang deadma ito, kahitna ngamismo ako ay dinedeadma nito madalas.Naiwan kaming dalawa sa mesa at nagkunwari na lamang akong busy sa pag-aayos ng bag ko. Nilagay ko lang ang notepad at ballpen na gamit kanina.“Have you written the important points from the meeting?” Hindi ko alam saan ito nakatingin dahil hindi ako nagabalang bigyan ito ng pansin.“Ahm. Oo.” Maikli kong sagot.Nadinig ko ang buntung-hininga nito kaya naman napatingin ako dito. Magkaharap kami kaya naman agad na nahuli nito ang mga mata ko pagkabaling ko pa lamang sa mukha

DMCA.com Protection Status