Share

My Billionaire Neighbor is My Husband
My Billionaire Neighbor is My Husband
Author: Chloe Haynes

Chapter 1: The Imperials

Author: Chloe Haynes
last update Huling Na-update: 2022-08-09 18:54:28

“Good morning po ma’am, O-Shop delivery po,” sabi ng lalaki mula sa kabilang linya.

Kasalukuyang nagba-browse ng internet si Sana nang mga sandaling iyon nang makatanggap siya ng tawag mula sa unknown number. Abalang-abala siya sa pagja-job hunting kaya wala sana siyang balak na patulan ang caller pero makulit ito. Ganoon na lamang ang kanyang pagtataka matapos marinig ang sinabi ng lalaki. Wala siyang matandaang nag-order siya ng kahit ano sa kahit na saang on-line shop. “I’m sorry, but I think you’re calling to a wrong number. I didn’t placed an order to any on-line shop,” naguguluhan man ay mahinahon niyang sagot.

“Pero tama naman po ang number na di-n-ial ko mam. Kayo po ba si Miss Saniah Sandejas from number 301 Imperial St. Saint Ignatius, San Antonio, Nueva Ecija?” paglilinaw ng lalaki sa kabilang linya.

Mas lalo lamang nagulumihanan si Sana. Kung tama ang address na binanggit ng lalaking kanyang kausap ay hindi nga malayong sa kanya ang ano mang parcel na dala nito. Dalawa lang naman kasi ang nakatira sa buong Imperial Street –ang kanyang pamilya at ang mga Imperial, na siyang nagmamay-ari ng lupaing nasasakupan ng buong street na iyon. Number 301 ang home address nila samantalang 302 naman ang numero ng bahay este mansiyon ng mga Imperial.

Hindi mahihirapan ang sino man na hanapin ang bahay nila dahil pagpasok na pagpasok pa lamang sa boundary ng kanilang barangay ay kitang-kita na ang napakataas na bahay ng mga Imperial. Sa tabi niyon ay ang kanilang munting tahanan na tila isa lamang dog house kung ikukumpara sa bahay ng mga ito.

Napilitang tumayo si Sana mula sa pagkakalugmok sa upuan sa harapan ng kanyang maliit na study table upang daluhan ang pobreng delivery boy. Paglabas na paglabas mula sa kanilang simple at maliit na bahay ay kaagad niyang nakita ang isang lalaking nakasuot ng kulay green na T’shirt. Nakasulat sa harapan ng T’shirt na suot nito ang pangalan ng on-line shop na pinagtatrabahuhan nito.

“Magkano po ba ang parcel na ‘yan?” she asked. Mukha lang siyang kalmado pero ang dibdib niya, sumasasal na sa kaba. Oras na lumampas kasi ng isang libo ang halaga ng buwisit na parcel ay tiyak na mapapahiya siya sapagkat wala ng isang libo ang natitirang pera sa loob ng wallet niya.

 Halos dalawang buwan na rin kasi ng umuwi sila sa Nueva Ecija matapos na mawalan ng trabaho ang mga magulang niya. Kahit anong pakiusap ang gawin niya na magpapaiwan siya sa Maynila para maghanap ng trabaho ay hindi pumayag ang mga ito. Hinding-hindi niya malilimutan ang anyo ng mga ito nang sabihin niya ang plano na ‘yon. It seems like staying in Manila was the scariest thing on Earth, samantalang halos tatlong oras lang naman ang biyahe mula roon hanggang Nueva Ecija.

“Forty-eight thousand po ito ma’am…”

“Forty-eight thousand?!” pakiramdam ni Sana ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang ulo. Napakaliit ng package na hawak ng lalaki kumpara sa halagang sinabi nito. “P-prank ba ‘to, kuya? Ni wala nga akong isang libong piso sa pitaka kaya bakit naman ako maglalakas ng loob na mag-order ng halagang forty-eight thousand pesos?”

The man smiled. Mas lalo siyang nairita. Paano pa nitong nakukuha na ngumiti nang ganoon samantalang siya ay halos panawan na ng ulirat? That forty-eight thousand could be their budget for three-long months. Kahit noong nagtatrabaho pa ang kanyang mga magulang bilang parehong guro sa pribadong paaralan sa Maynila ay hindi siya naglakas-loob na umorder ng isang bagay na ganoon kalaki ang kahalaga.

 If there’s one thing that she can be proud about herself, it’s probably being wise in spending money. Bata pa lamang ay mulat na mulat na siya sa kahalagahan ng bawat sentimong ibinibigay sa kanya ng mga magulang. Alam niya kasing hindi ganoon kadaling kitain ang pera. Isa pa, sadyang hindi marangya ang kaniang pamumuhay para magwaldas siya ng ganoon kalaking halaga.

“Bayad na po ito, ma’am. Bale ang kailangan n’yo na lang pong gawin ay irecieve ang parcel at pumirma po rito,” iniabot sa kanya ng lalaki ang isang resibo na kaialngan niya raw pirmahan. Nakasulat sa kapirasong papel na iyon ang laman ng parcel na dineliver sa kanya. It’s a brand-new phone.

“P-pero hindi ko po ito matatanggap, kuya. Ni hindi ko po alam kung saan ito nanggaling. Baka mamaya niyan, singilin ako ng kung sino mang nagpadala niyan sa akin.”

“Don’t worry, Sana, I won’t do that. Hindi ako naniningil para sa isang bagay na naibigay ko na,” ang sabi ng isang pamilyar na tinig mula sa likuran ng delivery boy. Standing few steps away from them was none other than Klyde Sylvan Imperial –one of the six heirs of the Imperial Clan at ang parehong lalaki na naging regular na tagasira ng bawat araw niya.

Ang lalaki rin ito ang buhay na paalala ng mga bagay na wala sa kanya o sa kahit na sino mang lalaki sa kanyang edad. At the age of thirty-two, Klyde was multi-billionaire. Ito lang naman kasi ang CEO ng Imperial Software Company –the largest software developer in the country. He earns millions of pesos every year.

 Mula ulo hanggang paa ng lalaki ay nagsusumigaw ng karangyaan. Naroon ang suot nitong relo at damit bilang katunayan. He’s wearing a classic rolex submariner, a very expensive watch, at the moment. Mapusyaw na asul na lacoste polo-shirt ang suot nito ngayon na ipinares nito sa isang simple pero halatang mamahalin na cream khaki shorts.

Habang sila ay kailangang kumayod ng doble para kumain ng tatlong beses sa isang araw, ito ay kailangan lang maligo, magbihis at lumabas ng bahay para ipakita sa buong mundo kung gaano ito kayaman. He’s literally wearing thousands of pesos every single day.

“Hindi rin ako tumatanggap ng regalo o donasyon mula sa ibang tao, Mr. Imperial. I’m not a charity case so you don’t have to buy me stuffs like this. Besides, gumagana pa naman ang cellphone ko kaya hindi ko kailangan ng bagong cellphone,” sabi niya, deretso ang tingin kay Klyde na hayun at halata ang amusement sa mga mata. Walang pagkakaiba ang eksprseyon ng mukha nito ngayon sa ekspresyon nito noong mga nakaraang araw nang walang kaabog-abog na ibalik niya rito ang mga nauna nang parcel na ipinadala nito sa kanya.

Iniisip niya rin kung ganoon na ba ito ka-bore sa buhay nito para pagdiskitahan siyang i-order ng kung ano-ano sa online shop.

“Why you’re so stubborn, Sana? Ano pa ba ang kailangan kong ipadeliver sa’yo para lang makumbinsi ka na pumayag sa offer ko?”

Ang offer na tinutukoy nito ay ang maging nanny ng kambal na anak na ito. Well, maling-mali nga siguro siya nang sabihin at isipin niya kanina na wala nang ibang bilyunaryo sa edad na treinta y dos. Sa laki at lawak ng mundo, hindi malayong may mangilan-ngilan na kasing yaman ng lalaki sa murang edad. But she bet, no man would have such adorable twins at young age. Aaminin niyang napakababait at napaka-cute ng kambal na anak ni Klyde.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, malapit ang loob niya sa mga anak nito. Malayong-malayo sa nararamdaman niyang inis para sa lalaki. Siguro ay dahil musmos pa ang mga bata at wala pang muwang, hindi kagaya ng ama ng mga ito na bali-balitang napakalikot sa mga babae.

At the age of thirty two, hindi na mabilang ang babaeng na-link kay Klyde, bagay na hindi nakapagtataka dahil obvious na nasa lalaki na ang lahat ng katangian na puwedeng hanapin ng isang babae. He’s super rich, very successful, and has a godly looks. Not to mention that he’s a jerk and a douchebag.

“Hindi lahat ng tao ay makakaya mong bilhin ng pera mo, Mr. Imperial. And please, bear this on your mind, hindi isang hamak na cellphone ang kapalit ng dignidad ko,” aniya habang naglalakad palapit sa lalaki. Tumigil siya sa mismong harapan nito kung saan halos magmukha siyang isang hamak na bata. Napakatangkad ng lalaki kung ikukumpara sa isang kagaya niya na may taas na five feet and seven inches. Ganoon pa man, hindi siya nagpasindak. She looked him straight on his eyes.

Pero hindi pa man nagtatagal na nakikipagtitigan at nakikipagtagisang ng tingin sa lalaki ay tila gusto nang mabahag ng buntot niya. Klyde was blessed with such beautiful set of eyes. Hugis almond ang mga iyon, adorned with long and thick lashes. Hazel brown ang kulay ng mga iyon na kung tumitig ay tila inaabot ang bawat sulok ng kanyang pagkatao. Pero bakit ganon? Bakit tila may kislap ng kalungkutan at pangungulila ang mga titig nito sa kanya?

Come on, Sana! You’re imagining things again!

Ibinaling niya sa ibang bahagi ng mukha nito ang paningin. Pakiramdam niya ay biglang tila hinahalukay ang sikmura niya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya kaya naman pinili na lang niyang tingnan ang mga labi nito. But even his lips spell for perfection. Manipis at likas na mapupula ang mga labi nito. Ilang babae na nga kaya ang napaligaya ng mga iyon?

Now, you’re being bold and wild!

Napapahiyang ibinaling niya sa makinis at mamula-mulang pisngi nito ang kanyang mga mata. Ngunit maging iyon ay hindi niya matagalang gawin kaya naman sa huli, nagfocus siya sa ilong nito. Napakatangos ng ilong ni Klyde, she can imagine its tip brushing on hers if they would kiss.

Mariin siyang napapikit. Ano ba ‘yong tumatakbo sa isip niya? Saan nanggaling iyon? Nang dahil sa nakakabaliw na imahinasyon iyon ay ramdam na ramdam niya ngayon ang pag-iinit ng magkabilang pisngi niya. Gusto man niyang takpan ang mga pisngi na tiyak na namumula nang mga sandaling iyon ay huli na ang lahat sapagkat hayun si Klyde at may pigil na pigil na ngiti sa mga labi.

Kitang-kita na ngayon ang malalim na dimples sa kaliwang pisngi nito. Humalukipkip ang lalaki ngunit ang kanang kamay ay hinayaang maglanding sa baba nito, his cleft chin makes him looks even more godly.

“You’re blushing, Sana. I can sense that your knees are trembling at the moment and your mind driving you wild. I bet that you’re imagining us kissing, with my hands caressing your back. Your heart for sure is now pounding so loud. Not to mention that you are feeling so hot and cold at the same time,” he said, looking so sure about his assumptions towards her feelings at the moment.

Magkaubusan na ng lahi ng mga langaw sa mundo pero hinding-hindi niya aaminin sa lalaki na tama ang lahat ng sinabi nito. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya maunawaan kung bakit sa kabila ng lahat ng inis na kanyang nararamdaman para sa lalaki –na hindi niya alam kung saan nagmumula –ay palagi na lamang siyang natatalo ng kagustuhan na titigan lang ito. Sambahin sa sarili at tahimik niyang paraan at damahin ang malakas na hatak ng buong pagkatao nito. Hindi niya rin alam kung bakit sa tuwing tatangkain niyang paglabanan ang hindi maipaliwanag na atraksiyong nararamdaman niya sa lalaki ay tila mas lalo lamang iyong tumitindi.

Ibinuhos niya ang lahat ng natitira niyang lakas sa katawan. Sa naginginig na mga tuhod at sa saliw ng dumadagundong na kabog ng dibdib ay tinawid niya ang natitirang distansiya sa pagitan nilang dalawa. Inilapit niya ang mukha sa mukha nito. Sumpain ang sino mang magsasabi na hindi siya naapektuhan matapos masamyo ang mainit at mabangong hininga nito. Huli na para pagsisihan pa niya ang ginawang iyon. Isa siyang gamu-gamo na piniling lumapit sa nakakaakit na rikit ng apoy. Wala na siyang pakialam kahit pa alam niyang hindi malayong madarang siya sa init na taglay ng nakakaakit na lagablab niyon. Isang bagay lang ang mahalaga sa kanya nang mga sandaling iyon…ang ipakita at patunayan kay Klyde na mali ito sa lahat ng iniisip nito tungkol sa kanya.

“Listen, Klyde, I’m not like those girls that you can fool so easily. Hindi ako cheap. Mas lalong hindi pa ako nababaliw para maapektuhan ng isang kagaya mo,” aniya sa mabagal at pilit na kinontrol na tinig.

Pagkasabi niyon ay iniabot niya sa lalaki ang hawak na parcel at tinalikuran ito. Kung iniisip ni Klyde na mapapabilang siya sa mga babaeng nabiktima nito ay nagkakamali ang lalaki. Wala siyang planong pumila sa hanay ng mga tangang babae na nagpadala sa mga boladas nito. Ang mapalapit sa kahit na sinong Imperial ang pinakahuling bagay na gusto niyang mangyari. Ayaw niya ng komplikadong buhay at iyon ang buhay na ipinapangako ng isang Imperial.

Hindi siya ang tipo ng babae na kayang makipagsabayan sa alta sociedad na kinabibilangan ng mga ito. Mas gusto niya na naroon siya sa simpleng mundo niya, tahimik, walang pressure at malayo sa mapang-mata at mapaghusgang lipunan na kinabibilangan ng mga Imperial.

Isa pa, sa edad na twenty-eight, alam na alam ni Sana na ang tangkaing sungkitin ang isa sa mga Imperial ay katumbas ng paglipad ng mataas. Kung magtagumpay ka at mapaibig ang isa sa mga ito, mabubuhay ka sa itaas na malayang nakikita ang mga nasa ibaba. Pero kung mabigo ka, lalagapak ka sa lupa na bali ang mga pakpak at hindi na muling makakalipad pa.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jules Benedict Oblefias
ano ba ito kinukuhang nanny ng twin para may job siya aba ..choossy ha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Two: The Kiss

    Hindi pa man nagtatagal na nakakapasok si Sana sa loob ng kanilang bahay ay narinig na niya ang sunod-sunod na katok sa pintuan ng kanilang bahay. Hindi na niya kailangan pang maging manghuhula upang mahulaan kung sino ang taong iyon na kumakatok at balak pa yatang sirain ang pintuan ng bahay nila. Marahas siyang pumihit pabalik at padabog na binuksan ang nakapinid na pintuan. “Ano pa ang hindi mo naiintindihan sa mga sinabi ko kanina Mr. Imperial?” nakataas ang kilay na tanong niya sa lalaking hayun at tila modelo habang nakatayo sa harapan ng bahay nila. Nakatukod ang kanang kamay nito sa hamba ng pintuan habang ang nalalabing kamay ay nakapamulsa sa suot nitong shorts.Mukhang balak talaga nitong seryosohin ang misyon nito na palaging sirain ang bawat oras ng bawat araw ng buhay niya. “Marami,” tugon nito, nakangiti. Kung nang-iinis ang lalaki base sa ngiting iyon ay hindi niya alam, basta ang sigurado niya, kahit ano pang isipin at sabihin niya ay ang ngiti

    Huling Na-update : 2022-08-09
  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Three: Secrets and Proviso

    GUSTO sana ni Klyde na bumalik sa bahay nina Sana. Hindi siya nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa dalawang dahilan.Una, nahirapan siyang matulog dahil sa kaalamang mas lalo lamang nagalit ang babae sa kanya. And it’s because of that kiss. Suddenly, the picture of him kissing Sana flashed on his mind. May kung anong tila malaking bilog na bagay ang gumulong sa loob ng dibdib niya isipin pa lang niya ang halik na iyon. Ayaw naman sana niyang halikan ang babae pero ano bang magagawa niya? Evertime that he got the chance to be with her, he used to feel the urge to kiss her like it was the only right thing that’s left on his complicated world. Geez, he misses her so much. At kahit paano, naibsan ang pangungulila niyang iyon. Ganoonpaman, kailangan na niyang pag-aralan kung paanong hindi madaig ng kagustuhang halikan ang babae palagi dahil siguradong masisira ang plano niya kung palagi na lamang niyang hahalikan ang babae. At hindi niya sasayangin ang pagkakataong iyon para itama ang lah

    Huling Na-update : 2022-08-09
  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Four: The Man in Sana's Dreams

    LAKAD-takbo ang ginawa ni Sana upang abutan niya ang lalaking iyon na nagligtas sa kanya sa kamay ng mga lalaking may masamang tangka sa kanya noong isang araw. Ito rin ang parehonglalaking palagi niyang hinihintay na lumabas sa gate ng kanilang paaralan bago umuwi. He was the same man she wants to see in the school gymnasium. The very man she used to follow even in the café where he works as a waiter.“Hey! Could you please wait for me?” sigaw niya. Naririnig niya ang sariling tinig habang malakas na sumisigaw ngunit tila bingi ang lalaki sa bagay na iyon. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo nang makita niyang tumawid ang lalaki sa kalsada. Akmang hahabulin niya ito ngunit may parating na malaking sasakyan. Nakuntento na lamang siyang hintayin na makaraan ang sasakyang iyon habang nakatanaw sa lalaking hayun at nakatayo patalikod sa kanya sa kabilang panig ng kalsada. Napuno ng antisipasyon ang kanyang dibdib nang makita niyang unti-unting kumilos ang lalaki paharap sa direksiyon niy

    Huling Na-update : 2022-08-09
  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Five: The Plan

    “Masyado pong matigas si Sana. But I don’t have the right to blame her, afterall kasalanan ko po ang lahat kung bakit galit siya sa akin,” mababa ang tinig na sabi ni Klyde habang kausap ang mga magulang ni Sana.Tiningnan siya ni Alfredo, ang ama ni Sana. “This is not the right time for us to point fingers at each other. Lahat naman tayo ay nagkulang kung kaya nangyari ang aksidenteng iyon. Ang mas dapat nating gawin ay ang mag-isip ng paraan kung paano nating makukumbinsi si Sana na pumayag na maging nanny ng mga anak n’yo. That is the only way kung paano natin unti-unting maibabalik ang mga nawawala niyang alaala.”“Pero paano nga po nating gagawin ‘yon kung sa halip na tanggapin niya ang alok ko ay mas gusto pa niyang araw-araw na maghanap ng trabaho. Kahapon lang ay nalaman kong nag-apply siya bilang tindera sa palengke at kung hindi ko lang nakausap at binigyan ng pera ang inaapply-an niya ay malamang na isa na siyang tinder ngayon. Pero hanggang kailan po natin siya mababantaya

    Huling Na-update : 2022-08-10
  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Six: Hindi Mapakaling Puso

    “Sana! Come back! Arghh!”Padabog na isinara ni Sana ang pintuan ng bahay ni Klyde pagkatapos niyang tuhurin ang pagkalalaki nito. Walang lingon-likod na iniwanan niya ito habang namimilipit sa sahig. Siguro naman ngayon ay madadala na ito nang kakalapit sa kanya. Kung alam lang niyang iyon lang pala ang dapat niyang gawin para patahimikin ito ay noon pa sana niya iyon ginawa.“Sana, please! Come back here!” patuloy na pagdaing ng lalaki.Kung tutuusin ay puwedeng-puwede na sanang iwanan ni Sana ang buwisit na lalaki. Hindi ba at iyon naman talaga ang gusto niya? Ang patunayan sa lalaki at sa sarili na hindi siya totoong naaapektuhan dito. Ang problema, hindi nga yata totoong hindi siya apektado sa mga pinaggagagawa nito sa kanya. Dahil sa halip na tuluyang magwalk-out palayo sa lugar na iyon, hayun siya at biglang natigilan sa labas ng pintuan ng bahay ng lalaki.Paano kung napalakas pala ang pagtuhod niya sa sandata nito?“Mukha namang hindi niya iindahin ang ginawa ko sa kanya,” pa

    Huling Na-update : 2022-08-11
  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Seven: The Dreams Get Darker

    Nang imulat ni Sana ang paningin ay sinalubong siya ng mapagparusang halik mula sa lalaking hindi niya makita ang mukha. Tanging ang liwanag na nagmumula sa buwan sa labas ng bahay ay nagsisilbing liwanag sa loob ng malaki at malamig na kuwartong iyon. Nagsimula siyang magpumiglas pero hinawakan ng lalaki ang kanyang mga kamay. Ipininid nito iyon sa ibabaw ng ulo niya habang patuloy sa marahas na paghalik sa kanya.The man was punishing her through that kiss. “This is what you want, right?” tanong ng lalaki sa tinig na pamilyar sa kanya. It was the first time he ever talk. Kaya ganoon na lang ang pagkagimbal niya. Napatigil siya sa pagpupumiglas dahil sa tinig nito.“D-don’t do this, please,” sabi niya sa naiiyak at nakikiusap na tinig.“You are my wife, my unwanted wife, so I have all the right to do whatever I wanted to do,” sabi ng lalaki.Marahas na hinawakan ng lalaki ang ladlaran ng suot niyang damit. Akmang huhubarin nito iyon pero naging maagap siya na pigilan ang lalaki. But

    Huling Na-update : 2022-08-12
  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Eight: Puzzle Pieces

    Sa hindi mabilang na pagkakataon buhat nang umuwi sila sa Nueva Ecija ay muling sumubok si Sana na maghanap ng trabaho. Sa pagkakataong ito, pinili niyang mag-apply bilang office clerk sa isang micro-lending company sa siyudad na katabi ng bayan nila. Maaga siyang gumayak kanina at nagpaalam sa kanyang ina. Tanging ang tatlong kopya ng mga credentials niya ang dinala niya.Hindi na biro ang manatali lang siya sa bahay sa loob ng ilang buwan. Said na said na ang budget niya. Nahihiya na siya sa mga magulang dahil hindi man siya makatulong sa mga gastusin nila sa bahay. Pagkatapos magpaalam sa kanyang ina kanina ay mabilis na siyang lumarga.“I’m sorry Miss Sandejas but the position was filled just early this morning before you arrived,” ang sabi ng receptionist sa kanya nang iabot niya ang credentials niya rito.Napakunot ang kanyang noo. Kagabi lang ay sinabi nito sa kanya over the phone na bakante pa ang posisyong iyon. Umipas lang ang magdamag ay heto ang babae at sinasabi na may na

    Huling Na-update : 2022-08-13
  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Nine: Destiny and Accidents

    “MANINIWALA ka ba kung sasabihin ko sa’yong, ikaw ang dahilan?”Napatingin si Sana kay Klyde nang sabihin nito ang mga salitang iyon. Naroon na sila sa loob ng sasakyan ng lalaki. Nakaupo ito sa harapan ng driver’s sit habang inookupa naman niya ang upang nasa tabi nito. Tinanong niya ang lalaki kung bakit ito lumipat ng tirahan. Sumasakit na kasi ang ulo niya sa kakaisip ng dahilan kung bakit nito kailangang gawin iyon gayon ang sabi ng mama niya, nasa Maynila ang kompanya ng lalaki.Ayon pa sa kuwento ng mama niya, apat na beses sa isang linggo kung pumasok ito sa opisina. Umaalis ito nang maaga at umuuwi sa hapon. Sigurado siyang may condo unit ito sa Maynila. Baka nga may mansion pa ito roon. Ang hindi niya maunawaan ay kung bakit kailangan nitong magpakahirap nang ganoon gayong puwede naman itong manatili sa Maynila.“Gusto mo bang ingudngod kita sa harapan ng sasakyan?” pagbabanta niya rito. Halata naman kasi na hindi ito nagsasabi ng totoo. Paano namang siya ang magiging dahila

    Huling Na-update : 2022-08-14

Pinakabagong kabanata

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Twenty-Four: Walang Label

    “WHAT are we doing here?” Iyon kaagad ang tanong ni Sana nang dalhin siya ni Klyde sa loob ng library sa tabi ng kuwarto nito. Kaninang umaga lang ay biglang sumulpot si Nina sa bahay ni Klyde para sunduin ang mga kambal. Laking pagtataka niya sa bagay na iyon dahil hindi iyon nasabi sa kanya ni Klyde. Ngayon ay heto ang lalaki at iniimbitahan siya sa loob ng library nito. “Wala lang. Gusto lang kitang sorpresahin,” sabi nito kasabay nang pag-aabot sa kanya ng paintbrush. Dumiretso ang lalaki sa isang bakanteng upuan sa tabi ng bintana. Noon lamg niya napansin ang isang stool sa ‘di kalayuan. Sa harapan niyon ay naroon ang isang isle kung saan nakapatong ang isang may kalakihang bakanteng canvas. Kaagad na tumibok sa pananabik ang kanyang puso. Patakbo siyang lumapit sa stool at umupo doon. Her heart beats even faster when he looked at Klyde. Napakaperpekto ng ayos nito para sa isang portrait. The weather outside is gloomy ; a perfect view to be a background of a painting. “I want

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Twenty-Three

    Naging magaan ang simula nang araw na iyon para kay Sana. Hindi mabura ang ngiti sa kanyang mga labi ano man ang bagay na ginagawa niya. Hindi kasi niya magawang alisin sa isipan ang ilang beses na pagtatalik nila ni Klyde. Paulit-ulit ding umaalingawngaw sa isipan niya ang mga salitang binibitiwan nito.Klyde loves her. May hindi maipaliwanag na ligaya ang dulot ng mga salitang iyon sa puso niya. Ang totoo ay masyado siyang nabibilisan sa mga anngyayari. Parang kailan lang ay masahol pa sila sa aso’t pusa tapos ngayon ay may nalalaman na silang make-love-make love. Alam niyang siya ang dehado sa mga nangyayaring iyon pero sa tuwing tatanungin niya ang sarili kung tama bang nagpapaubaya siya ng ganoon sa lalaki ay walang pag-aalinlangang tumatango ang puso niya na para bang noon pa man ay alipin na iyon ni Klyde.Nang sumapit ang tanghali ay hindi siya makabangon sa sakit ng katawan niya. Mukhang masyado siyang napagod sa ilang beses na pagtatalik nila ng lalaki. Binalewala niya ang

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Twenty-Two: The Gift

    KINABUKASAN ay maagang nagbiyahe sina Sana pauwi sa bahay ni Klyde sa Nueva Ecija. Napakarami niyang masasayang alaalang babaunin pag-uwi nila sa bahay nito. Hindi na siya nagtangkang guluhin pa ang isipan upang itaboy ang damdaming unti-unti nang umaangkin sa kanyang puso. Damdaming alam na alam niya kung ano at para kanino. Katulad ng sinabi ni Klyde, she just have to trust him. At may takot man sa kanyang dibdib na nabubuhay isipin pa lang niyang ipagakatiwala niya kay Klyde ang lahat ay pilit na lamang niya ‘yong binalewala. Umaasa siyang mabubura rin ang lahat ng takot na iyon pagdating ng panahon. Madilim na ang paligid ng dumating sila sa bahay ng lalaki. Namiss niya ang bahay nito. Ilang araw rin silang nawala kaya naman may pananabik siyang naramdaman nang makapasok sila sa loob niyon. “You can go now on your room. Ako na ang bahala sa mga bata,” sabi ni Klyde nang makapasok sila. Buhat nito ang natutulog nang si Kianna at hawak naman nito ang kanang kamay ni Kelsey na hayun

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Twenty-One: On The Other Side of Fear

    Hindi maiwasan ni Klyde ang mamangha sa magandang tanawing nakahain sa harapan niya. Maingay ang paghampas ng bawat alon sa dalampasigan ngunit kakatwang hindi niya iyon napapansin, the beat of his heart is way louder than the sound of the waves kissing the shore. Nanghahalinang pagmasdan ang pagtama ng liwanang ng buwan sa tubig ng karagatan pero hindi niya iyon magawang pagtuunan ng pansin dahil sa katotohanang mas nakakahalina ang kagandahan ni Sana nang mga sandaling iyon. Sampung beses na mas maganda ang babae kaisa sa tanawing nakapaligid sa kanya.“Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?” tanong ni Sana nang mapansin hindi man lang siya nag-abalang galawin ang pagkain sa harapan niya.“I’m not actually hungry,” matapat niyang tugon. Makita pa lamang niya si Sana, pakiramdam niya ay matitiis niya ang habang-buhay na gutom.Kumislap ang pagkailang sa mukha ng babae. Kakatwang ilang beses na niya itong nahalikan sa loob ng mahaba na ring panahon na pamamalagi nila sa iisang bahay

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Twenty: Tagu-taguan ng Feelings

    KAMUNTIK lang namang malunod si Sana, pero kung makapagreact si Klyde ay parang isa siyang bata na kailangan ng aruga. Buhat kasi nang magising siya ay hindi na ito humiwalay sa kanya. Palagi itong nakaabang sa tabi niya. Kulang na lang ay buhatin siya nito kapag gusto niyang lumabas sa kanilang cottage. “I’m fine, Klyde, okay? Hindi mo na ako kailangang alalayan pa,” sabi ni Sana kay lalaki nang bigla na naman nitong hawakan ang kamay niya. Naglalakad siya noon patungo sa harapan ng cottage. “Nah, let me hold you, sweetie. Baka mamaya kung ano na naman ang mangyari sa’yo,” pagpupumilit ng lalaki. Sweetie? Parang gustong mapangiti ni Sana sa endearment na iyon, lalo na sa atensiyong ibinibigay ng lalaki sa kanya. Pero sinikap niyang ipakita sa lalaki na hindi siya naaapektuhan ng mga ginagawa nito. Hanggang maaari ay ayaw niyang umasa na may ibang ibig sabihin ang mga ipinapakita nito sa kanya. Matapos ang insidente nang muntikan niyang pagkalunod ay narealize niyang mas lalo lama

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Nineteen: Kapirasong Alaala

    SANDALING umahon si Sana mula sa pagtatampisaw sa tubig. Tanghalian na kasi at oras na ng pagkain ng mga kambal. Mabilis siyang nagluto ng pagkain ng mga ito, iyon ay sa kabila ng katotohanang may inuupahan si Klyde na chef para bakasyon nilang iyon. Kung ang lalaki ang masusunod, ayaw nito na intindihin niya ang kanyang trabaho bilang nanny ng mga anak nito. Gusto raw nito na ma-enjoy niya ang bakasyon na iyon. Pero hindi mapakali si Sana. Bukod sa importante para sa kanya na masigurong safe ang pagkain ng mga bata ay nahihiya siya kay Klyde. Ayaw niyang isipin nito na sinasamantala niya ang kabutihan nito. Dinala niya sa harapan ng inuuapahan nilang cottage ang mga pagkaing iginayak para sa mga kambal. Nang maayos niya ang mga iyon sa isang maliit na mesa ay kinuha niya ang mga bata mula sa mga nag-aalaga sa mga ito. Sinimulan niyang subuan ng pagkain ang mga bata habang pinapanood ang magandang tanawin sa harapan.Mayamaya, nakita niya sa dalampasigan si Klyde habang pi

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Eighteen: Sana's Wishlist Number Two: Go On A Vacation with Kyle

    Wishlist Number 2: Go on a Vacation with Klyde Today, I had a dinner with my college friends. We talked about our marriage life. Lahat sila, masaya ang buhay may asawa. Pinakasalan sila ng mga lalaking pinili nilang mahalin. Nagkaroon sila ng mga anak na magkatulong nilang binubuhay ng mga asawa nila. They looked so happy and contended with their life. I had to pretend that my marriage with Klyde was as happy and successful as theirs. Ayaw kong magmukhang masama si Klyde sa paningin nila dahil ano man ang kinalabasan ng pagsasama namin, he still the most amazing man I have ever known. Alam kong hindi magbabago ang bagay na iyon ano man ang nagyayari sa amin ngayon. Walang ano mang galit, tampo, at sama ng loob ang makakapagpabago sa kung paano ko siya nakilala at minahal. My college friend Trina, went on Palawan with her Irish husband few months ago. Ipinakita niya sa amin ang mga pictures nila ng asawa. Larawan sila ng masayang pamilya, I wish that Klyde and I can have

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Seventeen: Sana's Wishlist Number 1: Spend the Day with Klyde

    TATLONG araw na ang mabilis na lumipas buhat nang maramdaman ni Klyde na iniiwasan siya ni Sana. Ganoon na rin katagal ang panahong sumasakit ang ulo niya sa pag-iisip ng mga paraan kung paano niya itong kakausapin at lalapitan. Nagsimula lang naman iyon noong umamin siya sa babae na gusto niya ito. Masyado siyang naging padalos-dalos sa mga salitang binitiwan at alam niyang mali iyon dahil hindi niya dapat binibigla si Sana.Pero hindi kasi maiwasan ni Klyde na maging mas honest na ngayon kay Sana. Araw-araw simula nang lumipat ito sa bahay nila ay walang sandaling hindi niya ginusto na maiparamdam at masabi sa babae ang tunay na nararamdaman. Kung mayroon lang siyang ibang pagpipilian ay aaminin na niya rito ang tunay na relasyon nilang dalawa. Pero alam niyang hindi puwede ‘yon dahil masisira ang mga plano niya.He needs to be more patient. Kailangan niyang magdahan-dahal dahil siguradong nabibigla si Sana sa mga ginagawa niya. Sinusubukan naman niyang pigilan ang sarili pero palag

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Sixteen: Resisting the Irresistable Charmer

    Sorry na. Bati na tayo. Iyon ang laman ng text message na ipinadala ni Klyde kay Sana halos isang minuto pa lang ang nakakalipas buhat nang umalis ito sa harapan niya. Ni hindi pa nga ito nakakasakay sa sasakyan nito. Hayun at nakatayo pa ito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya nireplyan ang lalaki. Tiniis niyang huwag itong replyan kahit pa kating-kati na ang kamya niya na gawin iyon. Hindi ako sanay na umiiwas ka. It’s killing me, promise. Muli itong nagtext. Pero hindi pa rin siya nagreply. Nakita niyang laglag ang mga balikat na sumakay ng sasakyan nito ang lalaki. Hinintay niyang i-start nito ang sasakyan, bagay na hindi nito ginawa. Hindi ako mapapakali nang ganito tayo. Kausapin mo ako. Tell me what’s your problem. Nagtype siya ng reply. Iyon ay pagkatapos ng ilang minutong pakikidigma sa sariling isip at puso. Ikaw ang problema ko. Ako? Bakit? Pangit ba ‘ko?. Masama ba ang ugali ko? Bad breath ba ako? Hindi ba ‘ko mabango? Sunod-sunod ang naging reply nito. Ibig

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status