Share

Chapter Five: The Plan

Author: Chloe Haynes
last update Huling Na-update: 2022-08-10 08:15:26

“Masyado pong matigas si Sana. But I don’t have the right to blame her, afterall kasalanan ko po ang lahat kung bakit galit siya sa akin,” mababa ang tinig na sabi ni Klyde habang kausap ang mga magulang ni Sana.

Tiningnan siya ni Alfredo, ang ama ni Sana. “This is not the right time for us to point fingers at each other. Lahat naman tayo ay nagkulang kung kaya nangyari ang aksidenteng iyon. Ang mas dapat nating gawin ay ang mag-isip ng paraan kung paano nating makukumbinsi si Sana na pumayag na maging nanny ng mga anak n’yo. That is the only way kung paano natin unti-unting maibabalik ang mga nawawala niyang alaala.”

“Pero paano nga po nating gagawin ‘yon kung sa halip na tanggapin niya ang alok ko ay mas gusto pa niyang araw-araw na maghanap ng trabaho. Kahapon lang ay nalaman kong nag-apply siya bilang tindera sa palengke at kung hindi ko lang nakausap at binigyan ng pera ang inaapply-an niya ay malamang na isa na siyang tinder ngayon. Pero hanggang kailan po natin siya mababantayan?”

Tumayo si Nanay Lourdes at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon. “Huwag mong susukuan ang anak ko, Klyde. She loves you so much. Hindi man niya naaalala sa ngayon, alam kong mahal na mahal ka niya. Nakita ko kung paano siyang nagtiis at nagsikap para isalba ang relasyon n’yo noon.”

Mas lalo lamang siyang nalungkot dahil sa kaalamang iyon. Sa loob ng ilang taon, napakaraming isinakripisyo ni Sana para sa kanya at sa mga anak nila. She gave up her career to be his faithful wife and to be a perfect mother to their children. At napakalaki niyang gago para hindi makita ang mga sakripisyo nitong iyon noon.

Masyado siyang nabulagan sa pagnanais na magtagumpay sa buhay. Hindi niya pinahalagahan si Sana dahil noong nagsasama pa sila, walang ibang mahalaga sa kanya kung hindi ang patunayan sa mga Imperial na kaya niyang magtagumpay sa sarili niyang paraan. Masyado siyang nauhaw sa kayamanan at kapangyarihan. Lahat ng oras niya ay ibinuhos niya sa pagpapayaman to the point na nakalimutan niya ang responsibilidad niya sa kanyang asawa. Iniisang tabi niya ang asawa para sa trabaho. He had taken her for granted. Masyado siyang naging mayabang. Inakala niyang hindi mapapagod si Sana sa pang-unawa sa kanya. Masyado siyang naniwala na dahil mahal siya nito ay hindi ito mapapagod na unawain siya.

Ganoonpaman, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na darating ang araw na maaalala siya ng asawa. Babalik ito sa kanya. Alam niyang uuwi rin si Sana sa kanya dahil palagi nitong sinasabi noon na siya ang tahanan nito. At patuloy niyang panghahawakan ang bagay na iyon.

Pero paano nga bang makakauwi si Sana ngayong tila ang pagkakaroon nito ng amnesia ang nagliligaw rito at pumipigil para makita nito ang daan pauwi sa piling niya?

Shit! Nagiging baduy at corny na siya dahil sa malaking problemang kinakaharap niya.

“Kailangan nating makaisip ng isang maganda at mabigat na paraan para makumbinsi si Sana na tanggapin ang alok mong maging nanny ng mga anak n’yo,” sabi ni Nanay Lourdes.

“Mag-iisip po ako ng paraan. Ipinapangako ko pong sa pagkakataong ito ay hindi na masasaktan si Sana,” sabi niya habang nag-iisip.

PAGKAALIS ng mag-asawang Lourdes at Alfredo sa bahay ni Klyde ay naging busy siya sa kanyang trabaho. Nagpaplano ng panibagong expansion ang kanilang kompanya at sa pagkakataong ito, target nilang magbukas ng mga branches sa ibang bansa. Halos kalahating araw na siyang nakaharap sa kanyang laptop. Mabuti na lamang at mababait ang mga anak niya kaya nagagawa niyang pagsabayin ang pag-aalaga sa mga ito at ang pagtatrabaho.

Kasalukuyan siyang nasa isang virtual meeting ng marinig niya ang tinig ni Sana sa ibaba. Mabilis siyang nagpaalam sa kanyang mga kausap. Hiniling niyang i-reschedule na lang ang meeting na iyon. Kung noon ay hindi niya nagawang iwanan ang trabaho alang-alang kay Sana, ngayon ay handa na siyang gawin iyon para mabuo ang kanilang pamilya.

Kaagad siyang lumabas sa library ng kanyang bahay na siyang nagsisilbi niyang opisina kapag nasa bahay siya. Mula sa may puno ng hagdanan sa itaas ng kanilang bahay at natatanaw na niya ngayon si Sana. Kasalukuyan itong nakikialam sa kanyang kusina.

“Nasaan na naman kaya ang lalaking ‘yon? Don’t tell me, nagtatrabaho pa rin siya. Kailan ba siya makukuntento sa lahat ng mayroon siya?” pagmomonologue ng babae. Sa kabila ng kagustuhang lapitan ang babae ay pinigil niya ang sarili na gawin iyon. Nakuntento na lang muna siyang panoorin ito. Kahit sandali, gusto niyang isipin na walang amnesia na nakapagitan sa kanilang dalawa.

Nakita niyang naglabas si Sana nang mga pinggan mula sa cabinet. Pinunasan nito ‘yong mabuti at isa-isang inihain sa malapit na mesa. Bigla niyang naalala ang mga pagkakataong kinailangan ni Sana na maghintay hanggang umaga para lang makasabay siya sa pagkain. Ilang pagkain ba ang iniluto nito noon na hindi man lang niya pinansin dahil sa trabaho?

Napakurap siya nang makita niyang natigilan si Sana at napangiti habang inaayos ang mesa. Noon niya naisip na maaaring nakalimutan nito ang tunay na relasyon nilang dalawa pero hindi nagawang alisin ng amnesia ang pagiging mabuti at maalaga nitong asawa. Mas lalo lamang nanakit sa panghihinayang ang kanyang dibdib dahil sa bagay na ‘yon.

“May kulang, eh,” sabi ng babae sa sarili habang minamasdan ang mesa. “Java rice. Masasayang lang ang lahat ng ito dahil kumakain ng normal na kanin ang hambog na lalaking ‘yon. Pero teka nga, Sana. Bakit ba parang nag-aalala ka sa lalaking iyon? Ano naman ang pakialam mo kung hindi siya kumain at mamatay siya sa gutom?”

Ibig niyang matawa dahil sa mga naririnig na monologue ng babae. Mabilis ang bawat kilos na sumunod na ginawa ni Sana. Naglabas ito ng non-stick pan at isinalang iyon sa kalan. Naghiwa ito ng mga sangkap at ilang sandali lang ay humahalimuyak na sa buong bahay ang iniluluto nitong java rice.

Limang minuto ang mabilis na lumipas. Kakatwang nagawa niyang magtiis ng ganoon katagal para lang panoorin ang babae samantalang noon ay ayaw na ayaw niyang may nasasayang na kahit isang minuto sa buhay niya. Palagi siyang nagmamadali. Palagi niyang inilalaan ang lahat ng oras niya sa trabaho. Tuloy, hindi niya nakita na ang pinakamagagandang bagay pala na puwede niyang makita ay naroon sa mga simpleng bagay na ginagawa ni Sana para sa kanya. Naisip niya rin, dahil nga masyado siyang naging abala sa trabaho, naiwala niya ang isang bagay na dapat ay palagi niyang ipinaparamdam kay Sana…appreciation.

“There you go, Mr. Imperial, ready na po ang pagkain. Kahit gaano ka naman ka-busy at kahit gaano ako naiinis sa’yo. Hindi ko naman gugustuhing magkasakit ka dahil kawawa ang mga anak mo,” sabi pa nito.

Tila may ideyang pumitik sa isipan niya. Bigla siyang nakaisip ng paraan kung paanong makukumbinsi si Sana na maging nanny ng mga anak nila. Pero bakit nga ba ganoon na lang ka-big deal sa kanya na mapapayag ito sa bagay na iyon?

Well, hindi naman talaga ang pagiging nanny nito sa mga anak nila ang habol niya. He wants to make everything right. He wants to put everything between them into right places. At kung kinakailangan na i-recreate niya ang mga pangyayari sa buhay nila ni Sana ngayon ay gagawin niya kung iyon ang tanging paraan para mapauwi niya ito sa piling niya.

Dahil kung hindi makita ni Sana ang daan pauwi sa kanya na itinuturing nitong tahanan nito, willing siyang maging mapa para hindi na ito maligaw pauwi sa kanya. Dahil kung hindi lang rin naman si Sana, hindi na siya magmamahal pa ng iba.

Akmang lalabas na si Sana mula sa kusina nang matauhan siya. Hindi niya sasayangin ang pagkakataong iyon na makausap at makasama ito kahit sandali lang. Isa iyon sa mga bagay na ninakaw sa kanya ng amnesia ni Sana. Dati, hindi niya kailangang magmakaawa sa atensiyon ng asawa. Ngayon, kailangan niya pa itong habulin at inisin para lang kausapin siya nito.

“Hey, I didn’t know that I have a visitor,” aniya sa tono na nakasanayan na niya. Iyon ang tono na alam niyang hindi kayang hindi papansinin ni Sana.

Inirapan siya ng babae. Dati, puno ng pang-unawa at pagmamahal ang bawat tinging ibinibigay nito sa kanya. Ngayon, pagkainis ang nakikita niya sa tuwing titingnan siya nito. “Dinala ko lang ‘yung pagkaing ipinadala ni mama. Sa hindi ko malamang dahilan, hindi siya puwedeng hindi magpapadala ng pagkain tuwing magluluto siya. Kung ano man ang ipinakain mo sa kanya, infairness, effective ‘yon dahil hindi ka niya nalilimutan,” puno ng sarkasmong sabi nito.

“Baka kasi gusto niya akong maging son-in-law,” patuloy na pang-iinis niya sa asawa. Kailangan niyang patuloy na gawin iyondahil kung hindi niya dadaanin sa pang-iinis ang lahat, nunca na pansinin siya nito.

Tumawa ng pagak ang babae na animo isang malaking joke ang sinabi niya. Ano na lang kaya ang magiging reaksiyon nito oras na malaman nitong asawa naman talaga niya ito? “Hindi kita type, eh.”

Lumapit siya sa babae. Sandamakmak na pagpipigil ang kinailangan niyang gawin para hindi ito halikan ulit. Walang sandaling hindi siya nangulila sa halik at yakap nito buhat nang mabura siya sa alaala ng babae. “Ako, type kita,” aniya.

Pinamulahan ng pisngi ang babae. Mas lalo lamang itong naging kaakit-akit sa paningin niya. She has everything he used to ask for for a woman. Matangkad ito at balingkinitan. Kahit ang pagbubuntis at panganganak ay nabigong sirain ang magandang hubog ng katawan nito. Mahaba ang unat na unat na buhok nito na noon ay gustong-gusto niyang sinasamyo. Misteryoso ang dating ng mga mata nito. Mahahalina ang kung sino mang tumititig sa mga iyon dahil ang mga mata ni Sana, parang palaging may magagandang istoryang itinatago. Makinis ang pisngi nito kahit pa sa kabila ng katotohanan na morena ang kulay ng balat nito. She had a perfect pouty lips decorated with dimples on each side of her cheek. Matangos ang ilong babae na gustong-gusto niyang pabirong pinipisil noon.

“Ganyan din ba ang linyang sinasabi mo sa mga babaeng gusto mong maikama, Mr. Imperial?” nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.

He took another step towards her pero humakbang din ito ng isa paurong, halatang ayaw nitong magkalapit silang dalawa. Kitang-kita niya kasi sa mukha at mga mata nito ang takot na magkalapit silang dalawa. But he’s so determined to not to leave a distance between the two of them. Masyado nang mas makapangyarihan ang pangungulilang nararamdaman niya ngayon kaisa sa kagustuhang pigilan ang pagsabog ng mga damdaming ilang buwan na niyang sinusubukang pigilin. “Ganoon na ba kababaw ang tingin mo sa akin, Sana? Don’t you know that you’re hurting my ego?”

Patuloy siya sa paghakbang pero patuloy rin sa pag-atras ang babae. The excitement he’s feeling right now was intoxicating. Pakiramdam niya ay mas lalo lamang pinapatindi nang preskong amoy ni Sana ang pananabik na nararamdaman niya para rito. “Stop right there, Mr. Imperial or I’ll kick you on your balls. Hindi ako magdadalawang-isip na ituloy ang aking babala kung patuloy kang lalapit sa akin,” sa pinatatag na tinig ay sabi nito.

He smiled. Noon pa man, Sana never failed to surprise him with her strong guts and character. Alam na alam nito kung kailan at kung paanong dedepensahan ang sarili –isa sa mga bagay na lubos niyang hinangaan dito. “Masyado ka pa ring matapang, Sana. Well, I have a bad news for you. Gustong-gusto ko sa tuwing ipapakita mo sa akin kung gaano ka katapang,” he took one more step. “Gotcha,” aniya nang mapasandal si Sana sa pintuan ng kanyang refrigerator.

Itinukod niya ang dalawang kamay sa refrigerator nang akmang tatakas ito sa kanya. “Gusto mo bang malaman kung paano kong inaakit ang mga babaeng gusto ko, Sana?” tanong niya kasabay ng paghawi  sa ilang hibla ng buhok  nito na tumatabing sa mukha ng babae. Unti-unti niyang tinawid ang distansiya sa pagitan ng mga mukha nila pero bago pa man niya maisakatuparan ang tangkang paghalik dito, naramdaman na lamang niya ang pagtuhod nito sa pagkalalaki niya.

Bumagsak siya sa sahig sanhi ng matinding sakit. “Argh!” malakas niyang d***g.

“Huwag mong sabihin na hindi kita binabalaan, Mr. Imperial. Sinabihan na kita na tumigil pero hindi ka nakinig,” sabi nito nang tingnan siya. “The breakfast is ready, Mr. Imperial. Kumain ka na dahil kailangan mo ‘yan,” sabi pa nito bago siya tuluyang iniwana.

Kaugnay na kabanata

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Six: Hindi Mapakaling Puso

    “Sana! Come back! Arghh!”Padabog na isinara ni Sana ang pintuan ng bahay ni Klyde pagkatapos niyang tuhurin ang pagkalalaki nito. Walang lingon-likod na iniwanan niya ito habang namimilipit sa sahig. Siguro naman ngayon ay madadala na ito nang kakalapit sa kanya. Kung alam lang niyang iyon lang pala ang dapat niyang gawin para patahimikin ito ay noon pa sana niya iyon ginawa.“Sana, please! Come back here!” patuloy na pagdaing ng lalaki.Kung tutuusin ay puwedeng-puwede na sanang iwanan ni Sana ang buwisit na lalaki. Hindi ba at iyon naman talaga ang gusto niya? Ang patunayan sa lalaki at sa sarili na hindi siya totoong naaapektuhan dito. Ang problema, hindi nga yata totoong hindi siya apektado sa mga pinaggagagawa nito sa kanya. Dahil sa halip na tuluyang magwalk-out palayo sa lugar na iyon, hayun siya at biglang natigilan sa labas ng pintuan ng bahay ng lalaki.Paano kung napalakas pala ang pagtuhod niya sa sandata nito?“Mukha namang hindi niya iindahin ang ginawa ko sa kanya,” pa

    Huling Na-update : 2022-08-11
  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Seven: The Dreams Get Darker

    Nang imulat ni Sana ang paningin ay sinalubong siya ng mapagparusang halik mula sa lalaking hindi niya makita ang mukha. Tanging ang liwanag na nagmumula sa buwan sa labas ng bahay ay nagsisilbing liwanag sa loob ng malaki at malamig na kuwartong iyon. Nagsimula siyang magpumiglas pero hinawakan ng lalaki ang kanyang mga kamay. Ipininid nito iyon sa ibabaw ng ulo niya habang patuloy sa marahas na paghalik sa kanya.The man was punishing her through that kiss. “This is what you want, right?” tanong ng lalaki sa tinig na pamilyar sa kanya. It was the first time he ever talk. Kaya ganoon na lang ang pagkagimbal niya. Napatigil siya sa pagpupumiglas dahil sa tinig nito.“D-don’t do this, please,” sabi niya sa naiiyak at nakikiusap na tinig.“You are my wife, my unwanted wife, so I have all the right to do whatever I wanted to do,” sabi ng lalaki.Marahas na hinawakan ng lalaki ang ladlaran ng suot niyang damit. Akmang huhubarin nito iyon pero naging maagap siya na pigilan ang lalaki. But

    Huling Na-update : 2022-08-12
  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Eight: Puzzle Pieces

    Sa hindi mabilang na pagkakataon buhat nang umuwi sila sa Nueva Ecija ay muling sumubok si Sana na maghanap ng trabaho. Sa pagkakataong ito, pinili niyang mag-apply bilang office clerk sa isang micro-lending company sa siyudad na katabi ng bayan nila. Maaga siyang gumayak kanina at nagpaalam sa kanyang ina. Tanging ang tatlong kopya ng mga credentials niya ang dinala niya.Hindi na biro ang manatali lang siya sa bahay sa loob ng ilang buwan. Said na said na ang budget niya. Nahihiya na siya sa mga magulang dahil hindi man siya makatulong sa mga gastusin nila sa bahay. Pagkatapos magpaalam sa kanyang ina kanina ay mabilis na siyang lumarga.“I’m sorry Miss Sandejas but the position was filled just early this morning before you arrived,” ang sabi ng receptionist sa kanya nang iabot niya ang credentials niya rito.Napakunot ang kanyang noo. Kagabi lang ay sinabi nito sa kanya over the phone na bakante pa ang posisyong iyon. Umipas lang ang magdamag ay heto ang babae at sinasabi na may na

    Huling Na-update : 2022-08-13
  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Nine: Destiny and Accidents

    “MANINIWALA ka ba kung sasabihin ko sa’yong, ikaw ang dahilan?”Napatingin si Sana kay Klyde nang sabihin nito ang mga salitang iyon. Naroon na sila sa loob ng sasakyan ng lalaki. Nakaupo ito sa harapan ng driver’s sit habang inookupa naman niya ang upang nasa tabi nito. Tinanong niya ang lalaki kung bakit ito lumipat ng tirahan. Sumasakit na kasi ang ulo niya sa kakaisip ng dahilan kung bakit nito kailangang gawin iyon gayon ang sabi ng mama niya, nasa Maynila ang kompanya ng lalaki.Ayon pa sa kuwento ng mama niya, apat na beses sa isang linggo kung pumasok ito sa opisina. Umaalis ito nang maaga at umuuwi sa hapon. Sigurado siyang may condo unit ito sa Maynila. Baka nga may mansion pa ito roon. Ang hindi niya maunawaan ay kung bakit kailangan nitong magpakahirap nang ganoon gayong puwede naman itong manatili sa Maynila.“Gusto mo bang ingudngod kita sa harapan ng sasakyan?” pagbabanta niya rito. Halata naman kasi na hindi ito nagsasabi ng totoo. Paano namang siya ang magiging dahila

    Huling Na-update : 2022-08-14
  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Ten: Klyde is the man in Sana's dreams

    DALA nang labis na pagod dahil sa maghapong paghahanap ng trabaho ay maagang natulog si Sana. Pagkadikit na pagkadikit ng kanyang likuran sa malambot na higaan ay kaagad siyang nakatulog. Kailangan niyang magpahinga nang maaos dahil bukas ay balak na niyang kausapin si Klyde upang sabihin sa lalaki na payag na siyang maging tagapag-alaga ng mga anak nito.Napag-isip-isip kasi ni Sana na wala namang masama kung tatanggapin niya ang trabaho. Malapit sa kanya ang mga anak nito kaya alam niyang hindi siya mahihirapan sa trabahong iyon. Isa pa, iyon na lang ang trabahong puwede niyang pagpilian dahil lahat ng inapplyan niya ay walang gustong tumanggap sa kanya.Bago siya tuluyang magpatalo sa antok ay inisip muna niya ang mga magulang. Matatanda na ang mga ito para maghanap-buhay kaya sa pagkakataong iyon, susundin na niya ang gusto ng mga ito na tanggapin ang alok ni Klyde. Naaawa na kasi siya sa mga ito lalo na sa kanyang ama na napipilitang mamasukan bilang clerk sa post office ng bayan

    Huling Na-update : 2022-08-15
  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Eleven: Sana as the twin's nany

    “Surprise!” Nalaglag ang mga panga ni Sana sa pagkagulat nang pagbukas niya ng front door ng bahay ni Klyde ay may pumutok na party popper. The living room was filled with balloons. May malaking tarpaulin na nakasabit mula sa balcony ng second floor na halos umabot sa sahig ng second floor. Mababasa mula sa screen ng fifty-two inches LED T.V. na nakasabit sa divider ng bahay ang mga katagang “Welcome Sana! Goodluck on your first day!” Everyone is wearing a red T’shirt. Nakasulat rin sa harapan niyon ang mga katagang naka-flash sa t.v. Nakapila sa magkabilang panig ng kabubukas lang na pintuan ang mga magulang ni Sana at ang matalik na kaibigang si Mandy. “Papa? Nakisali ka pa rito?” gulantang na tanong niya sa ama. Gabi na nang payagang umuwi ng bahay ang kanyang papa. Matindi ang pasasalamat niya sa Diyos na simpleng dislocation sa balikat lang ang sinapit nito. Sa kabila ng matigas na pagtanggi nila ni Klyde na umuwi ito kagabi ay hindi rin nagpapigil ang p

    Huling Na-update : 2022-08-16
  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Twelve: Klyde, the Greek-God Incarnate

    KLYDE was extremely happy. Infact, the word happy is an understatement to describe what he’s actually feeling right now. Pakiramdam niya ay napupunta na ang lahat ng bagay sa tamang lugar sa buhay niya. Now that he’s able to convinced Sana to be the nanny of their children, he can feel that he’s one step closer on recreating their memories. Sa pagkakataong iyon, sisiguruhin niyang hindi na niya mawawala pa si Sana sa buhay niya…sa buhay nilang mag-ama. Dahil doon ito nababagay, sa bahay niya at sa piling niya. Sa loob ng mahabang panahon, pakiramdam niya ay nagkaroon ng saysay ang lahat ng pagsisikap niya. Pakiramdam din niya ay may bago na siyang dahilan para mas magsikap pa sa buhay. Hindi na lang siya ngayon tila isang dahon na tinatangay ng hangin sa kawalan dahil nagkaroon siya ng direksiyon –isang bagay na nawala sa kanya buhat nang magkaroon ng amnesia si Sana. Masigla siyang lumabas ng banyo matapos maligo. He’s too excited to prepare himself. Pakiwari niya ay tila ba iyon an

    Huling Na-update : 2022-08-17
  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Thirteen

    “DINNER is ready,” anunsiyo ni Sana sa nakapinid na pintuan ng kuwarto ni Klyde. Hindi na siya nag-abalang kumatok pa dahil wala naman siyang balak na makaharap si Klyde sa kuwarto nito. May kamalasang hatid sa kanya ang mga kuwarto sa second floor ng bahay ni Klyde. Dahil buhat nang lumipat siya roon kaninang umaga, wala nang ibang nangyari sa kanya kung hindi kahihiyan. Nagmamadali siyang naglakad patungo sa hagdanan. Mabibilis at malalaki ang bawat hakbang na ginawa niya upang hindi siya abutan ni Klyde. Nasa puno na siya ng hagdanan ng bumukas ang pintuan ng isang kuwarto sag awing kanan niyon. Iniluwa niyon si Klyde who is wearing a black business suit. May necktie pa ang lalaki at maayos na nakasuklay ang buhok. Natigilan siya sa paglalakad habang nakatingin sa lalaki. Nakatingin din ito sa kanya nang mga sandaling. Ngayon lang niya nakita ang lalaki sa ganoong bihis kaya naman naninibago siya. She understands now why there’s a lot of girls who are willing to do everything just

    Huling Na-update : 2022-08-18

Pinakabagong kabanata

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Twenty-Four: Walang Label

    “WHAT are we doing here?” Iyon kaagad ang tanong ni Sana nang dalhin siya ni Klyde sa loob ng library sa tabi ng kuwarto nito. Kaninang umaga lang ay biglang sumulpot si Nina sa bahay ni Klyde para sunduin ang mga kambal. Laking pagtataka niya sa bagay na iyon dahil hindi iyon nasabi sa kanya ni Klyde. Ngayon ay heto ang lalaki at iniimbitahan siya sa loob ng library nito. “Wala lang. Gusto lang kitang sorpresahin,” sabi nito kasabay nang pag-aabot sa kanya ng paintbrush. Dumiretso ang lalaki sa isang bakanteng upuan sa tabi ng bintana. Noon lamg niya napansin ang isang stool sa ‘di kalayuan. Sa harapan niyon ay naroon ang isang isle kung saan nakapatong ang isang may kalakihang bakanteng canvas. Kaagad na tumibok sa pananabik ang kanyang puso. Patakbo siyang lumapit sa stool at umupo doon. Her heart beats even faster when he looked at Klyde. Napakaperpekto ng ayos nito para sa isang portrait. The weather outside is gloomy ; a perfect view to be a background of a painting. “I want

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Twenty-Three

    Naging magaan ang simula nang araw na iyon para kay Sana. Hindi mabura ang ngiti sa kanyang mga labi ano man ang bagay na ginagawa niya. Hindi kasi niya magawang alisin sa isipan ang ilang beses na pagtatalik nila ni Klyde. Paulit-ulit ding umaalingawngaw sa isipan niya ang mga salitang binibitiwan nito.Klyde loves her. May hindi maipaliwanag na ligaya ang dulot ng mga salitang iyon sa puso niya. Ang totoo ay masyado siyang nabibilisan sa mga anngyayari. Parang kailan lang ay masahol pa sila sa aso’t pusa tapos ngayon ay may nalalaman na silang make-love-make love. Alam niyang siya ang dehado sa mga nangyayaring iyon pero sa tuwing tatanungin niya ang sarili kung tama bang nagpapaubaya siya ng ganoon sa lalaki ay walang pag-aalinlangang tumatango ang puso niya na para bang noon pa man ay alipin na iyon ni Klyde.Nang sumapit ang tanghali ay hindi siya makabangon sa sakit ng katawan niya. Mukhang masyado siyang napagod sa ilang beses na pagtatalik nila ng lalaki. Binalewala niya ang

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Twenty-Two: The Gift

    KINABUKASAN ay maagang nagbiyahe sina Sana pauwi sa bahay ni Klyde sa Nueva Ecija. Napakarami niyang masasayang alaalang babaunin pag-uwi nila sa bahay nito. Hindi na siya nagtangkang guluhin pa ang isipan upang itaboy ang damdaming unti-unti nang umaangkin sa kanyang puso. Damdaming alam na alam niya kung ano at para kanino. Katulad ng sinabi ni Klyde, she just have to trust him. At may takot man sa kanyang dibdib na nabubuhay isipin pa lang niyang ipagakatiwala niya kay Klyde ang lahat ay pilit na lamang niya ‘yong binalewala. Umaasa siyang mabubura rin ang lahat ng takot na iyon pagdating ng panahon. Madilim na ang paligid ng dumating sila sa bahay ng lalaki. Namiss niya ang bahay nito. Ilang araw rin silang nawala kaya naman may pananabik siyang naramdaman nang makapasok sila sa loob niyon. “You can go now on your room. Ako na ang bahala sa mga bata,” sabi ni Klyde nang makapasok sila. Buhat nito ang natutulog nang si Kianna at hawak naman nito ang kanang kamay ni Kelsey na hayun

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Twenty-One: On The Other Side of Fear

    Hindi maiwasan ni Klyde ang mamangha sa magandang tanawing nakahain sa harapan niya. Maingay ang paghampas ng bawat alon sa dalampasigan ngunit kakatwang hindi niya iyon napapansin, the beat of his heart is way louder than the sound of the waves kissing the shore. Nanghahalinang pagmasdan ang pagtama ng liwanang ng buwan sa tubig ng karagatan pero hindi niya iyon magawang pagtuunan ng pansin dahil sa katotohanang mas nakakahalina ang kagandahan ni Sana nang mga sandaling iyon. Sampung beses na mas maganda ang babae kaisa sa tanawing nakapaligid sa kanya.“Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?” tanong ni Sana nang mapansin hindi man lang siya nag-abalang galawin ang pagkain sa harapan niya.“I’m not actually hungry,” matapat niyang tugon. Makita pa lamang niya si Sana, pakiramdam niya ay matitiis niya ang habang-buhay na gutom.Kumislap ang pagkailang sa mukha ng babae. Kakatwang ilang beses na niya itong nahalikan sa loob ng mahaba na ring panahon na pamamalagi nila sa iisang bahay

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Twenty: Tagu-taguan ng Feelings

    KAMUNTIK lang namang malunod si Sana, pero kung makapagreact si Klyde ay parang isa siyang bata na kailangan ng aruga. Buhat kasi nang magising siya ay hindi na ito humiwalay sa kanya. Palagi itong nakaabang sa tabi niya. Kulang na lang ay buhatin siya nito kapag gusto niyang lumabas sa kanilang cottage. “I’m fine, Klyde, okay? Hindi mo na ako kailangang alalayan pa,” sabi ni Sana kay lalaki nang bigla na naman nitong hawakan ang kamay niya. Naglalakad siya noon patungo sa harapan ng cottage. “Nah, let me hold you, sweetie. Baka mamaya kung ano na naman ang mangyari sa’yo,” pagpupumilit ng lalaki. Sweetie? Parang gustong mapangiti ni Sana sa endearment na iyon, lalo na sa atensiyong ibinibigay ng lalaki sa kanya. Pero sinikap niyang ipakita sa lalaki na hindi siya naaapektuhan ng mga ginagawa nito. Hanggang maaari ay ayaw niyang umasa na may ibang ibig sabihin ang mga ipinapakita nito sa kanya. Matapos ang insidente nang muntikan niyang pagkalunod ay narealize niyang mas lalo lama

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Nineteen: Kapirasong Alaala

    SANDALING umahon si Sana mula sa pagtatampisaw sa tubig. Tanghalian na kasi at oras na ng pagkain ng mga kambal. Mabilis siyang nagluto ng pagkain ng mga ito, iyon ay sa kabila ng katotohanang may inuupahan si Klyde na chef para bakasyon nilang iyon. Kung ang lalaki ang masusunod, ayaw nito na intindihin niya ang kanyang trabaho bilang nanny ng mga anak nito. Gusto raw nito na ma-enjoy niya ang bakasyon na iyon. Pero hindi mapakali si Sana. Bukod sa importante para sa kanya na masigurong safe ang pagkain ng mga bata ay nahihiya siya kay Klyde. Ayaw niyang isipin nito na sinasamantala niya ang kabutihan nito. Dinala niya sa harapan ng inuuapahan nilang cottage ang mga pagkaing iginayak para sa mga kambal. Nang maayos niya ang mga iyon sa isang maliit na mesa ay kinuha niya ang mga bata mula sa mga nag-aalaga sa mga ito. Sinimulan niyang subuan ng pagkain ang mga bata habang pinapanood ang magandang tanawin sa harapan.Mayamaya, nakita niya sa dalampasigan si Klyde habang pi

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Eighteen: Sana's Wishlist Number Two: Go On A Vacation with Kyle

    Wishlist Number 2: Go on a Vacation with Klyde Today, I had a dinner with my college friends. We talked about our marriage life. Lahat sila, masaya ang buhay may asawa. Pinakasalan sila ng mga lalaking pinili nilang mahalin. Nagkaroon sila ng mga anak na magkatulong nilang binubuhay ng mga asawa nila. They looked so happy and contended with their life. I had to pretend that my marriage with Klyde was as happy and successful as theirs. Ayaw kong magmukhang masama si Klyde sa paningin nila dahil ano man ang kinalabasan ng pagsasama namin, he still the most amazing man I have ever known. Alam kong hindi magbabago ang bagay na iyon ano man ang nagyayari sa amin ngayon. Walang ano mang galit, tampo, at sama ng loob ang makakapagpabago sa kung paano ko siya nakilala at minahal. My college friend Trina, went on Palawan with her Irish husband few months ago. Ipinakita niya sa amin ang mga pictures nila ng asawa. Larawan sila ng masayang pamilya, I wish that Klyde and I can have

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Seventeen: Sana's Wishlist Number 1: Spend the Day with Klyde

    TATLONG araw na ang mabilis na lumipas buhat nang maramdaman ni Klyde na iniiwasan siya ni Sana. Ganoon na rin katagal ang panahong sumasakit ang ulo niya sa pag-iisip ng mga paraan kung paano niya itong kakausapin at lalapitan. Nagsimula lang naman iyon noong umamin siya sa babae na gusto niya ito. Masyado siyang naging padalos-dalos sa mga salitang binitiwan at alam niyang mali iyon dahil hindi niya dapat binibigla si Sana.Pero hindi kasi maiwasan ni Klyde na maging mas honest na ngayon kay Sana. Araw-araw simula nang lumipat ito sa bahay nila ay walang sandaling hindi niya ginusto na maiparamdam at masabi sa babae ang tunay na nararamdaman. Kung mayroon lang siyang ibang pagpipilian ay aaminin na niya rito ang tunay na relasyon nilang dalawa. Pero alam niyang hindi puwede ‘yon dahil masisira ang mga plano niya.He needs to be more patient. Kailangan niyang magdahan-dahal dahil siguradong nabibigla si Sana sa mga ginagawa niya. Sinusubukan naman niyang pigilan ang sarili pero palag

  • My Billionaire Neighbor is My Husband   Chapter Sixteen: Resisting the Irresistable Charmer

    Sorry na. Bati na tayo. Iyon ang laman ng text message na ipinadala ni Klyde kay Sana halos isang minuto pa lang ang nakakalipas buhat nang umalis ito sa harapan niya. Ni hindi pa nga ito nakakasakay sa sasakyan nito. Hayun at nakatayo pa ito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya nireplyan ang lalaki. Tiniis niyang huwag itong replyan kahit pa kating-kati na ang kamya niya na gawin iyon. Hindi ako sanay na umiiwas ka. It’s killing me, promise. Muli itong nagtext. Pero hindi pa rin siya nagreply. Nakita niyang laglag ang mga balikat na sumakay ng sasakyan nito ang lalaki. Hinintay niyang i-start nito ang sasakyan, bagay na hindi nito ginawa. Hindi ako mapapakali nang ganito tayo. Kausapin mo ako. Tell me what’s your problem. Nagtype siya ng reply. Iyon ay pagkatapos ng ilang minutong pakikidigma sa sariling isip at puso. Ikaw ang problema ko. Ako? Bakit? Pangit ba ‘ko?. Masama ba ang ugali ko? Bad breath ba ako? Hindi ba ‘ko mabango? Sunod-sunod ang naging reply nito. Ibig

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status