author-banner
Chloe Haynes
Chloe Haynes
Author

Novels by Chloe Haynes

My Billionaire Neighbor is My Husband

My Billionaire Neighbor is My Husband

May dalawang lalaki ang nanggugulo sa buhay ni Sanaiah. Una ay ang lalaki sa kanyang panaginip na kahit kailan ay hindi pa humaharap sa kanya kaya hindi niya alam ang hitsura. Ganoonpaman, pakiramdam niya ay nagkita na sila ng lalaking iyon dahil lahat ng panaginip niya tungkol dito ay parang totoo. The other man was Klyde Sylvan Imperial, her billionaire neighbor and the man who constantly turns her days into disaster. Palagi na lang kasi nitong sinisira ang araw niya. Kung si Sanaiah ang tatanungin, hinding-hindi siya kailanman makikipaglapit sa lalaki, iyon ay sa kabila ng katotohanan na noon pa siya nito kinukulit para maging nanny ng mga kambal na anak nito. Pero may pasabog ang tadhana, kasabay ng isang trahedyang magiging dahilan para tanggapin niya ang inaalok na trabaho ni Klyde ay ang pagharap ng lalaki sa kanyang panaginip. Si Klyde at ang lalaki sa kanyang panaginip ay iisa. Nagpasya si Sanaiah na maging nanny sa mga anak ni Klyde sa pag-aakalang doon matatahimik ang buhay niya. Ang hindi niya alam, nang dahil sa desisyon niyang iyon ay mas lalo lamang magiging kumplikado ang lahat dahil sa mga lihim ni Klyde na isa-isa niyang matutuklasan.
Read
Chapter: Chapter Twenty-Four: Walang Label
“WHAT are we doing here?” Iyon kaagad ang tanong ni Sana nang dalhin siya ni Klyde sa loob ng library sa tabi ng kuwarto nito. Kaninang umaga lang ay biglang sumulpot si Nina sa bahay ni Klyde para sunduin ang mga kambal. Laking pagtataka niya sa bagay na iyon dahil hindi iyon nasabi sa kanya ni Klyde. Ngayon ay heto ang lalaki at iniimbitahan siya sa loob ng library nito. “Wala lang. Gusto lang kitang sorpresahin,” sabi nito kasabay nang pag-aabot sa kanya ng paintbrush. Dumiretso ang lalaki sa isang bakanteng upuan sa tabi ng bintana. Noon lamg niya napansin ang isang stool sa ‘di kalayuan. Sa harapan niyon ay naroon ang isang isle kung saan nakapatong ang isang may kalakihang bakanteng canvas. Kaagad na tumibok sa pananabik ang kanyang puso. Patakbo siyang lumapit sa stool at umupo doon. Her heart beats even faster when he looked at Klyde. Napakaperpekto ng ayos nito para sa isang portrait. The weather outside is gloomy ; a perfect view to be a background of a painting. “I want
Last Updated: 2022-12-06
Chapter: Chapter Twenty-Three
Naging magaan ang simula nang araw na iyon para kay Sana. Hindi mabura ang ngiti sa kanyang mga labi ano man ang bagay na ginagawa niya. Hindi kasi niya magawang alisin sa isipan ang ilang beses na pagtatalik nila ni Klyde. Paulit-ulit ding umaalingawngaw sa isipan niya ang mga salitang binibitiwan nito.Klyde loves her. May hindi maipaliwanag na ligaya ang dulot ng mga salitang iyon sa puso niya. Ang totoo ay masyado siyang nabibilisan sa mga anngyayari. Parang kailan lang ay masahol pa sila sa aso’t pusa tapos ngayon ay may nalalaman na silang make-love-make love. Alam niyang siya ang dehado sa mga nangyayaring iyon pero sa tuwing tatanungin niya ang sarili kung tama bang nagpapaubaya siya ng ganoon sa lalaki ay walang pag-aalinlangang tumatango ang puso niya na para bang noon pa man ay alipin na iyon ni Klyde.Nang sumapit ang tanghali ay hindi siya makabangon sa sakit ng katawan niya. Mukhang masyado siyang napagod sa ilang beses na pagtatalik nila ng lalaki. Binalewala niya ang
Last Updated: 2022-12-04
Chapter: Chapter Twenty-Two: The Gift
KINABUKASAN ay maagang nagbiyahe sina Sana pauwi sa bahay ni Klyde sa Nueva Ecija. Napakarami niyang masasayang alaalang babaunin pag-uwi nila sa bahay nito. Hindi na siya nagtangkang guluhin pa ang isipan upang itaboy ang damdaming unti-unti nang umaangkin sa kanyang puso. Damdaming alam na alam niya kung ano at para kanino. Katulad ng sinabi ni Klyde, she just have to trust him. At may takot man sa kanyang dibdib na nabubuhay isipin pa lang niyang ipagakatiwala niya kay Klyde ang lahat ay pilit na lamang niya ‘yong binalewala. Umaasa siyang mabubura rin ang lahat ng takot na iyon pagdating ng panahon. Madilim na ang paligid ng dumating sila sa bahay ng lalaki. Namiss niya ang bahay nito. Ilang araw rin silang nawala kaya naman may pananabik siyang naramdaman nang makapasok sila sa loob niyon. “You can go now on your room. Ako na ang bahala sa mga bata,” sabi ni Klyde nang makapasok sila. Buhat nito ang natutulog nang si Kianna at hawak naman nito ang kanang kamay ni Kelsey na hayun
Last Updated: 2022-12-04
Chapter: Chapter Twenty-One: On The Other Side of Fear
Hindi maiwasan ni Klyde ang mamangha sa magandang tanawing nakahain sa harapan niya. Maingay ang paghampas ng bawat alon sa dalampasigan ngunit kakatwang hindi niya iyon napapansin, the beat of his heart is way louder than the sound of the waves kissing the shore. Nanghahalinang pagmasdan ang pagtama ng liwanang ng buwan sa tubig ng karagatan pero hindi niya iyon magawang pagtuunan ng pansin dahil sa katotohanang mas nakakahalina ang kagandahan ni Sana nang mga sandaling iyon. Sampung beses na mas maganda ang babae kaisa sa tanawing nakapaligid sa kanya.“Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?” tanong ni Sana nang mapansin hindi man lang siya nag-abalang galawin ang pagkain sa harapan niya.“I’m not actually hungry,” matapat niyang tugon. Makita pa lamang niya si Sana, pakiramdam niya ay matitiis niya ang habang-buhay na gutom.Kumislap ang pagkailang sa mukha ng babae. Kakatwang ilang beses na niya itong nahalikan sa loob ng mahaba na ring panahon na pamamalagi nila sa iisang bahay
Last Updated: 2022-10-31
Chapter: Chapter Twenty: Tagu-taguan ng Feelings
KAMUNTIK lang namang malunod si Sana, pero kung makapagreact si Klyde ay parang isa siyang bata na kailangan ng aruga. Buhat kasi nang magising siya ay hindi na ito humiwalay sa kanya. Palagi itong nakaabang sa tabi niya. Kulang na lang ay buhatin siya nito kapag gusto niyang lumabas sa kanilang cottage. “I’m fine, Klyde, okay? Hindi mo na ako kailangang alalayan pa,” sabi ni Sana kay lalaki nang bigla na naman nitong hawakan ang kamay niya. Naglalakad siya noon patungo sa harapan ng cottage. “Nah, let me hold you, sweetie. Baka mamaya kung ano na naman ang mangyari sa’yo,” pagpupumilit ng lalaki. Sweetie? Parang gustong mapangiti ni Sana sa endearment na iyon, lalo na sa atensiyong ibinibigay ng lalaki sa kanya. Pero sinikap niyang ipakita sa lalaki na hindi siya naaapektuhan ng mga ginagawa nito. Hanggang maaari ay ayaw niyang umasa na may ibang ibig sabihin ang mga ipinapakita nito sa kanya. Matapos ang insidente nang muntikan niyang pagkalunod ay narealize niyang mas lalo lama
Last Updated: 2022-10-11
Chapter: Chapter Nineteen: Kapirasong Alaala
SANDALING umahon si Sana mula sa pagtatampisaw sa tubig. Tanghalian na kasi at oras na ng pagkain ng mga kambal. Mabilis siyang nagluto ng pagkain ng mga ito, iyon ay sa kabila ng katotohanang may inuupahan si Klyde na chef para bakasyon nilang iyon. Kung ang lalaki ang masusunod, ayaw nito na intindihin niya ang kanyang trabaho bilang nanny ng mga anak nito. Gusto raw nito na ma-enjoy niya ang bakasyon na iyon. Pero hindi mapakali si Sana. Bukod sa importante para sa kanya na masigurong safe ang pagkain ng mga bata ay nahihiya siya kay Klyde. Ayaw niyang isipin nito na sinasamantala niya ang kabutihan nito. Dinala niya sa harapan ng inuuapahan nilang cottage ang mga pagkaing iginayak para sa mga kambal. Nang maayos niya ang mga iyon sa isang maliit na mesa ay kinuha niya ang mga bata mula sa mga nag-aalaga sa mga ito. Sinimulan niyang subuan ng pagkain ang mga bata habang pinapanood ang magandang tanawin sa harapan.Mayamaya, nakita niya sa dalampasigan si Klyde habang pi
Last Updated: 2022-08-31
You may also like
Marrying You
Marrying You
Romance · Md Quinceañera
5.6K views
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status