“Sana! Come back! Arghh!”
Padabog na isinara ni Sana ang pintuan ng bahay ni Klyde pagkatapos niyang tuhurin ang pagkalalaki nito. Walang lingon-likod na iniwanan niya ito habang namimilipit sa sahig. Siguro naman ngayon ay madadala na ito nang kakalapit sa kanya. Kung alam lang niyang iyon lang pala ang dapat niyang gawin para patahimikin ito ay noon pa sana niya iyon ginawa.
“Sana, please! Come back here!” patuloy na pagdaing ng lalaki.
Kung tutuusin ay puwedeng-puwede na sanang iwanan ni Sana ang buwisit na lalaki. Hindi ba at iyon naman talaga ang gusto niya? Ang patunayan sa lalaki at sa sarili na hindi siya totoong naaapektuhan dito. Ang problema, hindi nga yata totoong hindi siya apektado sa mga pinaggagagawa nito sa kanya. Dahil sa halip na tuluyang magwalk-out palayo sa lugar na iyon, hayun siya at biglang natigilan sa labas ng pintuan ng bahay ng lalaki.
Paano kung napalakas pala ang pagtuhod niya sa sandata nito?
“Mukha namang hindi niya iindahin ang ginawa ko sa kanya,” pangungumbinsi niya sa sarili. Bigla na lang siyang naipit sa nagtatalong isip at puso. Ang isipan niya, sampu ng halos lahat ng bahagi ng katawan niya ay nagsasabing lumayo na siya sa lugar na iyon. Sa kabilang banda, sinasabi naman ng puso niya na balikan niya ang lalaki.
Hinding-hindi ko siya babalikan para tulungan! Bulong niya sa isip.
Pero narinig niya ang sunod-sunod na pag-ubo ni Klyde. It seems like he’s vomiting or something.
Sa isang iglap, pumihit siya paharap sa pintuan at binuksan iyon. Tumatakbong bumalik siya sa kusina kung saan nananatiling nakalupasay si Klyde sa sahig. Ganoon na lamang ang pag-aalala niya nang makita niyang pulang-pula na ang mukha nito sa nararamdamang sakit. Bigla ay hindi siya mapakali. Napakatindi ng kaba ng dibdib niya kung saan namumugad ang napakatinding takot at pag-aalala para sa lalaki.
“K-Klyde, are you alright?” sa nanginginig na tinig ay tanong niya sa lalaki. “I-ikaw k-kasi, eh. A-ayaw mong tigilan ang pamumuwisit sa akin,” mistula batang sabi niya sa lalaki.
Hindi umimik ang lalaki. Patuloy lang ito sa pamimilipit sa sahig at sa panaka-nakang pag-ungol –tanda ng sakit na nararamdaman nito.
“Come here, I’ll take you to your room,” aniya bago lumuhod sa tabi ng lalaki. Kinuha niya ang kanang kamay nito at hinila nang marahan mula roon ang lalaki. Nang makabangon ay kaagad niyang ipinaikot naman ang isang kamay sa katawan nito. Ipinatong niya sa kanyang balikat ang kanang kamay ng lalaki at dahan-dahan itong inalalayan sa pagtayo.
Ramdam na ramdam niya ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya ngayong magkadikit na magkadikit ang mga katawan nila ni Klay. Ang pagtama ng mainit at mabangong hininga nito sa kanyang pisngi ay mas lalo lamang nagdadagdag sa nararamdaman niyang kaba. As far as she can remember, it was the first time that they stand so close to each other. But there is something about her feelings at the moment that makes that thing so damn natural. Na para bang hindi iyon ang unang beses na naramdaman niya ang init ng katawan nito. Katulad noong halikan siya nito, kakatwang napakapamilyar sa kanya ng pakiramdam na halos yakap siya nito.
And why does she felt so safe inside his arms? Bakit pakiramdam niya ay kaytagal niyang nanabik sa tagpong iyon?
“Stop staring at me like that,” sabi niya sa lalaki nang maramdaman niyang titig na titig ito sa kanya. Pakiramdam niya ay mistula siya ice cream na nabilad sa ilalim ng araw dahil sa titig nito. Pilit niyang kinakapa sa dibdib ang pagkamuhi at inis nalikas niyang nararamdaman para sa lalaki pero parang nagtago na iyon sa kung saan. Napalitan iyon ng pananabik, saya at pakiramdam na kuntento siya sa mga nangyayaring iyon. “Kapag hindi ka tumigil sa kakatitig sa akin, iiwanan kita ditong mag-isa,” pagbabanta niya sa lalaki.
“Hindi mo kaya,” sabi nito. Mukhang ayos naman na ang lalaki dahil hayun at nagsisimula na naman ito sa pang-aalaska sa kanya. “Aminin mo, nag-alala ka sa akin, ‘no?”
Pinili niyang ibaling sa kabilang direksiyon ang paningin. Doon sa hindi nito makikita ang reaksiyon niya. “Bakit ako mag-aalala?” sabi niya.
Kung tumingin lang siya kay Klyde, nakita niya sana kung gaano kasaya ang lalaki dahil nakumpirma nitong nagmamalasakit pa rin siya rito. Baka sakaling kung tiningnan niya ang lalaki ay nakita niyang kumikislap sa tuwa ang mga mata nito.
“Eh, bakit mo pala ako tinulungan kung hindi ka nag-aalala?”
“Dahil hindi mo ako katulad, may puso ako at konsensiya.”
“May puso rin naman ako, eh. Sa katunayan, I want to give it up to you,”
Kinailangang kagatin ni Sana ang pang-ibabang labi niya para hindi umalpas ang isang igik na hindi niya alam kung saan nanggaling. Talaga naman kasing may naramdaman siyang katiting na kilig sa banat nitong ‘yon. “Tigilan mo ako sa mga banat mong ganyan, hindi uubra sa akin ‘yan, Klyde. Masyado na kitang kilala para bilhin pa ‘yang mga ganyan mong gimmick.”
“Do you know that I want to kiss you you now?” walang babalang sabi ng tinamaan ng magaling na lalaki.
Nabibiglang napatingin siya rito. Natigilan siya sa paghakbang nang dumampi ang malambot at mainit na labi nito sa labi niya. Mabilis lang ang halik. Sa katunayan, bago pa siya mapakurap ay tapos na iyon. Pero ang impact na iniwan niyon sa puso niya, parang ngayon pa lang niya nararamdaman. Mistula iyon aftershock sa kakatapos lang ng lindol. At oo, tinalo pa talaga ng puso niya ang nilindol dahil sa halik na iyon. Hayun at abot na naman ang pagwawala ng puso niya sa loob ng dibdib niya.
Marahas niyang hinampas sa balikat ang lalaki nang makahuma siya. “Why did you do that?”
Tiningnan at nginitian lang siya ng kumag. “Because I want to. And just to clear things up, I won’t be asking for apology this time. Dahil kahit minsan, hindi ko pagsisisihang hinahalikan kita.”
Pakiramdam ni Sarah ay gusto nang kumawala ng kaluluwa niya mula sa loob niya at kumaripas ng takbo palabas ng bahay na iyon. Hiyang-hiya na kasi siya sa sarili niya dahil ilang beses na siyang nananakawan ng halik ng lalaking ito. Ang mas matindi, wala man lang siyang makapang reklamo mula sa puso niya.
“Pasalamat ka injured ‘yang alaga mo. Kung hindi, kanina pa kit…”
Natigil siya sa pagsasalita dahil muli na naman siyang hinalikan ng lalaki. Sa puntong iyon, sa kanyang pisngi naman naglanding ang mga labi nito. Doon na siya nagdesisyong kumalas mula rito pero ang magaling na lalaki, hindi siya pinakawalan. Sa halip, ito na ang mismong kumabig sa katawan niya para ikulong siya sa isang totoong yakap.
Suddenly, her heart started to beat so crazy and wild. Ang inis nararamdaman niya ay tila biglang nawala na parang bula. Nalunok niya ang lahat ng pagrereklamo nang maramdaman niya ang mabilis na tibok ng puso ni Klyde. At kung gaano kalakas at kabilis ang tibok ng puso nito ay sinasabayan naman ng puso niya. Why does it feels that their hearts were beating as one?
“A-ano na naman ba ito, Klyde?” sa mahinang tinig ay tanong niya. Natatakot siyang ilakas ang boses niya dahil alam niya at sigurado siyang magtutunog nangungulila iyon. Nababaliw na nga yata siyang talaga. Dahil aminin man niya o hindi, may bahagi ng kanyang sarili ang tila lubos na nangungulila sa mga bisig at yakap ng lalaki.
“Sabi mo magpasalamat ako. Ganito akong magpasalamat, Sana. Ganito kong iparamdam sa isang tao kung gaano siya kahalaga sa akin.”
“Huh?” nabibingi na yata siya. Mukhang pati pandinig niya ay nagmamalfunction na rin. Hayun kasi at kung ano-ano na ang naririnig niya.
“I’m sorry, Miss Sandejas but upon checking your resume as well as your vitae we have notice that you are lacking of work experiences. We are so sorry to inform you that we cannot give you any position to our company,” ito ang sabi ng lalaking kausap ni Sana nang mga sandaling iyon. Pagkauwi niya ay doon siya dumiretso sa kanyang kuwarto para sa isang virtual interview.
Noong isang araw ay nagsubmit siya ng application letter sa kompanyang iyon na matatagpuan sa Maynila. Lingid sa kaalaman ng mga magulang ay sumusubok na siyang mag-apply ng trabaho.
Pero kagaya ng sampung kompanya na in-applyan niya ay hindi siya natanggap. Kung pagbabasehan ang resume niya, one can easily tell that she’s fit to any position that she’s applying to. She graduated with Latin honor from one of the top universities in the Philippines with a degree in fine arts. Ilang beses na rin siyang nakapag-exhibit noon. Ang nakapagtataka lang, bakit kahit minsan ay hindi niya nasubukang mag-apply ng trabaho?
Sinikap niyang kalkalin ang isip upang isipin ang dahilan kung bakit wala siyang napasukang trabaho kahit isa. Pero hanggang sa sumakit lang ang ulo niya ay wala siyang matagpuang sagot.
“I understand, Mr. Palon,” matamlay niyang sabi bago pinutol ang video call na iyon.
Sa tuwing tatapusin niya ang isang interview at malalamang hindi siya tanggap sa trabahong in-applyan, palagi niyang iniisip na may mali sa mga nangyayari. Maayos naman kasi ang qualifications niya. Matataas ang nakukuha niya sa mga written exams ng bawat kompanyang pinapasukan niya. Palaging positibo at maganda ang tinatakbo ng bawat interview sa kanya. Ngunit sa bandang huli, bigla ay hindi siya tanggap.
Tumayo siya mula sa upuan sa harapan ng kanyang study table bitbit ang kanyang portfolio. Tinungo niya ang kanyang cabinet upang ibalik doon ang mga dokumento niya. Akmang isasara na niya ang cabinet nang mapukaw ng isang lumang scrapbook ang atensiyon niya. Nakakunot ang noong kinuha niya iyon at dinala sa kanyang kama.
Napangiti siya nang matuklasan niyang scrapbook niya pa ‘yon noong college. Minsan silang pinagawa ng scrapbook tungkol sa mga inspirasyon nila sa pagkuha ng kursong fine arts. Sa totoo lang, nalimutan na rin niya ang tungkol sa bagay na ‘yon at kung hindi pa niya makita ang scrapbook ay hindi niya maaalala ang bagay na iyon.
Binuklat niya ang scrapbook. Tumambad sa kanya ang larawan ng Imperial Museum –ang isa sa pinakamalaking museum sa bansa. Lahat ng fine arts students ay nangangarap na makapag-intern doon. Bawat artist sa bansa ay nagnanais na mapabilang sa mga artist na taon-taon ay nag-eexhibit sa nasabing lugar.
May pumitik na eksena sa kanyang isip. Mariin siyang napapikit nang makaramdam ng biglang pagkibot ng kanyang sentido. Ipinilig niya ang kanyang ulo kasabay ng pagbuklat ng scrapbook. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita niya ang isang larawan ni Klyde. Kuha ang larawan sa isang billboard ng lalaki. Sa isang pahina naman ay makikita ang larawan ni Klyde habang nakikipagkamay sa isang foreigner. Binilisan niya ang pagbuklat para lamang malaman na halos lahat ng larawang laman ng scrapbook ay tungkol kay Klyde.
Naroon ang kuha nito habang nakaupo sa loob ng opisina nito. May kuha rin ang lalaki habang iniinterview ng isang reporter. May mga stolen shots din ito habang naggogolf, nagsusulat, nakatayo sa intersection ng kalsada, natutulog sa loob ng bus, at nakikipagsayaw sa mga aeta.
Habang patuloy siya sa pagbuklat sa scrapbook at patindi nang patindi ang sakit ng ulo niya. Sa katunayan, nagsisimula na siyang pagpawisan. Palagi siyang nakakaranas ng ganoon tuwing iisipin niya ang lalaki. Hindi alam ng mga taong nasa paligid niya na ang tunay na dahilan kung bakit niya iniiwasang makausap o makaharap si Klyde ay dahil sa pakiramdam na tila may malaking bahagi ng sarili niya ang hindi niya kilala tuwing kausap niya ito. Idagdag pa ang pakiramdam na literal na sumasakit ang ulo niya sa tuwing makakausap niya ito.
Sa mga ganoong pagkakataon, palagi niyang gustong makita ang mga kambal na anak ni Klyde. It may sounds weird pero ang sakit ng ulo at pagkaligalig na idinudulot ni Klyde sa kanya ay madaling napapawi kapag nahahawakan at nakikita niya ang mga anak nito.
Tumayo siya sa kabila ng pananakit ng kanyang ulo at mabilis na lumabas ng kanilang bahay. Tiyak ang mga hakbang na tinawid niya ang kalsada patungo sa bahay nila Klyde. Nasa kalagitnaan na siya ng kalsada nang makarinig siya nang malakas na busina. Kasabay niyon ay ang tunog ng nagngangalit na gulong.
Marahas siyang napatingin sa gawing kanan niya kung saan parating ang isang malaking truck. Bigla, isang malagim na eksena ang pumasok sa isipan niya. Mabilis lang ang eksena pero malinaw niyang nakikita ang mga nangyayari.
Nagdadrive daw siya ng isang kotse habang sa backseat niyon ay makikita ang nagtatawanang anak na kambal ni Klyde. It was dark outside due to a heavy rain. Mabagal ang pagmamaneho niya subalit pagtawid niya sa intersection ay may nakakasilaw na liwanag na umangkin sa bintana sa tabi ng bakanteng upuan ng kotse sa tabi niya. Kasunod niyon ay ang pagbangga ng isang sasakyan sa kotseng dina-drive niya.
Hindi na niya natapos pa ang eksenang iyon dahil bigla na lang niyang naramdaman ang marahas na pagkabig ng kung sino mang iyon sa kanya paalis sa gitna ng kalsada. Ang galit na galit na si Klyde ang nakita niya.
He was yeeling and nagging. Pulang-pula ang mukha nito habang ang mga mata naman ay punong-puno ng pinaghalong takot at pag-aalala. Hindi niya alam pero isa man sa mga sinasabi nito ay wala siyang naririnig. Sobrang sakit na ng ulo niya at hilong-hilo na siya. Mayamaya, bigla na lang siyang nawalan ng malay at tuluyang nilamon ng kadiliman ang kamalayan niya.
Nang imulat ni Sana ang paningin ay sinalubong siya ng mapagparusang halik mula sa lalaking hindi niya makita ang mukha. Tanging ang liwanag na nagmumula sa buwan sa labas ng bahay ay nagsisilbing liwanag sa loob ng malaki at malamig na kuwartong iyon. Nagsimula siyang magpumiglas pero hinawakan ng lalaki ang kanyang mga kamay. Ipininid nito iyon sa ibabaw ng ulo niya habang patuloy sa marahas na paghalik sa kanya.The man was punishing her through that kiss. “This is what you want, right?” tanong ng lalaki sa tinig na pamilyar sa kanya. It was the first time he ever talk. Kaya ganoon na lang ang pagkagimbal niya. Napatigil siya sa pagpupumiglas dahil sa tinig nito.“D-don’t do this, please,” sabi niya sa naiiyak at nakikiusap na tinig.“You are my wife, my unwanted wife, so I have all the right to do whatever I wanted to do,” sabi ng lalaki.Marahas na hinawakan ng lalaki ang ladlaran ng suot niyang damit. Akmang huhubarin nito iyon pero naging maagap siya na pigilan ang lalaki. But
Sa hindi mabilang na pagkakataon buhat nang umuwi sila sa Nueva Ecija ay muling sumubok si Sana na maghanap ng trabaho. Sa pagkakataong ito, pinili niyang mag-apply bilang office clerk sa isang micro-lending company sa siyudad na katabi ng bayan nila. Maaga siyang gumayak kanina at nagpaalam sa kanyang ina. Tanging ang tatlong kopya ng mga credentials niya ang dinala niya.Hindi na biro ang manatali lang siya sa bahay sa loob ng ilang buwan. Said na said na ang budget niya. Nahihiya na siya sa mga magulang dahil hindi man siya makatulong sa mga gastusin nila sa bahay. Pagkatapos magpaalam sa kanyang ina kanina ay mabilis na siyang lumarga.“I’m sorry Miss Sandejas but the position was filled just early this morning before you arrived,” ang sabi ng receptionist sa kanya nang iabot niya ang credentials niya rito.Napakunot ang kanyang noo. Kagabi lang ay sinabi nito sa kanya over the phone na bakante pa ang posisyong iyon. Umipas lang ang magdamag ay heto ang babae at sinasabi na may na
“MANINIWALA ka ba kung sasabihin ko sa’yong, ikaw ang dahilan?”Napatingin si Sana kay Klyde nang sabihin nito ang mga salitang iyon. Naroon na sila sa loob ng sasakyan ng lalaki. Nakaupo ito sa harapan ng driver’s sit habang inookupa naman niya ang upang nasa tabi nito. Tinanong niya ang lalaki kung bakit ito lumipat ng tirahan. Sumasakit na kasi ang ulo niya sa kakaisip ng dahilan kung bakit nito kailangang gawin iyon gayon ang sabi ng mama niya, nasa Maynila ang kompanya ng lalaki.Ayon pa sa kuwento ng mama niya, apat na beses sa isang linggo kung pumasok ito sa opisina. Umaalis ito nang maaga at umuuwi sa hapon. Sigurado siyang may condo unit ito sa Maynila. Baka nga may mansion pa ito roon. Ang hindi niya maunawaan ay kung bakit kailangan nitong magpakahirap nang ganoon gayong puwede naman itong manatili sa Maynila.“Gusto mo bang ingudngod kita sa harapan ng sasakyan?” pagbabanta niya rito. Halata naman kasi na hindi ito nagsasabi ng totoo. Paano namang siya ang magiging dahila
DALA nang labis na pagod dahil sa maghapong paghahanap ng trabaho ay maagang natulog si Sana. Pagkadikit na pagkadikit ng kanyang likuran sa malambot na higaan ay kaagad siyang nakatulog. Kailangan niyang magpahinga nang maaos dahil bukas ay balak na niyang kausapin si Klyde upang sabihin sa lalaki na payag na siyang maging tagapag-alaga ng mga anak nito.Napag-isip-isip kasi ni Sana na wala namang masama kung tatanggapin niya ang trabaho. Malapit sa kanya ang mga anak nito kaya alam niyang hindi siya mahihirapan sa trabahong iyon. Isa pa, iyon na lang ang trabahong puwede niyang pagpilian dahil lahat ng inapplyan niya ay walang gustong tumanggap sa kanya.Bago siya tuluyang magpatalo sa antok ay inisip muna niya ang mga magulang. Matatanda na ang mga ito para maghanap-buhay kaya sa pagkakataong iyon, susundin na niya ang gusto ng mga ito na tanggapin ang alok ni Klyde. Naaawa na kasi siya sa mga ito lalo na sa kanyang ama na napipilitang mamasukan bilang clerk sa post office ng bayan
“Surprise!” Nalaglag ang mga panga ni Sana sa pagkagulat nang pagbukas niya ng front door ng bahay ni Klyde ay may pumutok na party popper. The living room was filled with balloons. May malaking tarpaulin na nakasabit mula sa balcony ng second floor na halos umabot sa sahig ng second floor. Mababasa mula sa screen ng fifty-two inches LED T.V. na nakasabit sa divider ng bahay ang mga katagang “Welcome Sana! Goodluck on your first day!” Everyone is wearing a red T’shirt. Nakasulat rin sa harapan niyon ang mga katagang naka-flash sa t.v. Nakapila sa magkabilang panig ng kabubukas lang na pintuan ang mga magulang ni Sana at ang matalik na kaibigang si Mandy. “Papa? Nakisali ka pa rito?” gulantang na tanong niya sa ama. Gabi na nang payagang umuwi ng bahay ang kanyang papa. Matindi ang pasasalamat niya sa Diyos na simpleng dislocation sa balikat lang ang sinapit nito. Sa kabila ng matigas na pagtanggi nila ni Klyde na umuwi ito kagabi ay hindi rin nagpapigil ang p
KLYDE was extremely happy. Infact, the word happy is an understatement to describe what he’s actually feeling right now. Pakiramdam niya ay napupunta na ang lahat ng bagay sa tamang lugar sa buhay niya. Now that he’s able to convinced Sana to be the nanny of their children, he can feel that he’s one step closer on recreating their memories. Sa pagkakataong iyon, sisiguruhin niyang hindi na niya mawawala pa si Sana sa buhay niya…sa buhay nilang mag-ama. Dahil doon ito nababagay, sa bahay niya at sa piling niya. Sa loob ng mahabang panahon, pakiramdam niya ay nagkaroon ng saysay ang lahat ng pagsisikap niya. Pakiramdam din niya ay may bago na siyang dahilan para mas magsikap pa sa buhay. Hindi na lang siya ngayon tila isang dahon na tinatangay ng hangin sa kawalan dahil nagkaroon siya ng direksiyon –isang bagay na nawala sa kanya buhat nang magkaroon ng amnesia si Sana. Masigla siyang lumabas ng banyo matapos maligo. He’s too excited to prepare himself. Pakiwari niya ay tila ba iyon an
“DINNER is ready,” anunsiyo ni Sana sa nakapinid na pintuan ng kuwarto ni Klyde. Hindi na siya nag-abalang kumatok pa dahil wala naman siyang balak na makaharap si Klyde sa kuwarto nito. May kamalasang hatid sa kanya ang mga kuwarto sa second floor ng bahay ni Klyde. Dahil buhat nang lumipat siya roon kaninang umaga, wala nang ibang nangyari sa kanya kung hindi kahihiyan. Nagmamadali siyang naglakad patungo sa hagdanan. Mabibilis at malalaki ang bawat hakbang na ginawa niya upang hindi siya abutan ni Klyde. Nasa puno na siya ng hagdanan ng bumukas ang pintuan ng isang kuwarto sag awing kanan niyon. Iniluwa niyon si Klyde who is wearing a black business suit. May necktie pa ang lalaki at maayos na nakasuklay ang buhok. Natigilan siya sa paglalakad habang nakatingin sa lalaki. Nakatingin din ito sa kanya nang mga sandaling. Ngayon lang niya nakita ang lalaki sa ganoong bihis kaya naman naninibago siya. She understands now why there’s a lot of girls who are willing to do everything just
“FOUR hours,” nagpupumilit na sabi ni Klyde kay Sana. Linggo nang araw na iyon at saw akas ay nakumbinsi niya ang babae na sumama sa kanya sa mall. Kasalukuyan nilang pinagtatalunan kung ilang oras silang mananatili sa mall. Kung si Klyde ang tatanungin ay gusto niyang gugulin ang maghapon na iyon kasama si Sana. Gusto niya itong makasama nang matagal na silang dalawa lang. Kagabi pa lang ay pinlano na niya ang lahat Tinawagan niya si Mandy upang pakiusapan ang babae na magtungo sa bahay niya. Palalabasin nila na naisipan lang nitong dumalaw doon pero ang totoo, bahagi iyon ng plano niya na i-recreate ang lahat ng bagay sa pagitan nila ni Sana. Everything falls according to his plan. Magmula sa biglaang pagbabakasyon ng mga magulang nito na ilang buwan niyang pinagtrabahuhan. Ginamit niya ang lahat ng connections niya para sa isang iglap ay makakuha ang mga ito ng ticket patungong abroad. Pati si Mandy ay pinagresign niya sa trabaho nito bilang accountant sa isang malakin
“WHAT are we doing here?” Iyon kaagad ang tanong ni Sana nang dalhin siya ni Klyde sa loob ng library sa tabi ng kuwarto nito. Kaninang umaga lang ay biglang sumulpot si Nina sa bahay ni Klyde para sunduin ang mga kambal. Laking pagtataka niya sa bagay na iyon dahil hindi iyon nasabi sa kanya ni Klyde. Ngayon ay heto ang lalaki at iniimbitahan siya sa loob ng library nito. “Wala lang. Gusto lang kitang sorpresahin,” sabi nito kasabay nang pag-aabot sa kanya ng paintbrush. Dumiretso ang lalaki sa isang bakanteng upuan sa tabi ng bintana. Noon lamg niya napansin ang isang stool sa ‘di kalayuan. Sa harapan niyon ay naroon ang isang isle kung saan nakapatong ang isang may kalakihang bakanteng canvas. Kaagad na tumibok sa pananabik ang kanyang puso. Patakbo siyang lumapit sa stool at umupo doon. Her heart beats even faster when he looked at Klyde. Napakaperpekto ng ayos nito para sa isang portrait. The weather outside is gloomy ; a perfect view to be a background of a painting. “I want
Naging magaan ang simula nang araw na iyon para kay Sana. Hindi mabura ang ngiti sa kanyang mga labi ano man ang bagay na ginagawa niya. Hindi kasi niya magawang alisin sa isipan ang ilang beses na pagtatalik nila ni Klyde. Paulit-ulit ding umaalingawngaw sa isipan niya ang mga salitang binibitiwan nito.Klyde loves her. May hindi maipaliwanag na ligaya ang dulot ng mga salitang iyon sa puso niya. Ang totoo ay masyado siyang nabibilisan sa mga anngyayari. Parang kailan lang ay masahol pa sila sa aso’t pusa tapos ngayon ay may nalalaman na silang make-love-make love. Alam niyang siya ang dehado sa mga nangyayaring iyon pero sa tuwing tatanungin niya ang sarili kung tama bang nagpapaubaya siya ng ganoon sa lalaki ay walang pag-aalinlangang tumatango ang puso niya na para bang noon pa man ay alipin na iyon ni Klyde.Nang sumapit ang tanghali ay hindi siya makabangon sa sakit ng katawan niya. Mukhang masyado siyang napagod sa ilang beses na pagtatalik nila ng lalaki. Binalewala niya ang
KINABUKASAN ay maagang nagbiyahe sina Sana pauwi sa bahay ni Klyde sa Nueva Ecija. Napakarami niyang masasayang alaalang babaunin pag-uwi nila sa bahay nito. Hindi na siya nagtangkang guluhin pa ang isipan upang itaboy ang damdaming unti-unti nang umaangkin sa kanyang puso. Damdaming alam na alam niya kung ano at para kanino. Katulad ng sinabi ni Klyde, she just have to trust him. At may takot man sa kanyang dibdib na nabubuhay isipin pa lang niyang ipagakatiwala niya kay Klyde ang lahat ay pilit na lamang niya ‘yong binalewala. Umaasa siyang mabubura rin ang lahat ng takot na iyon pagdating ng panahon. Madilim na ang paligid ng dumating sila sa bahay ng lalaki. Namiss niya ang bahay nito. Ilang araw rin silang nawala kaya naman may pananabik siyang naramdaman nang makapasok sila sa loob niyon. “You can go now on your room. Ako na ang bahala sa mga bata,” sabi ni Klyde nang makapasok sila. Buhat nito ang natutulog nang si Kianna at hawak naman nito ang kanang kamay ni Kelsey na hayun
Hindi maiwasan ni Klyde ang mamangha sa magandang tanawing nakahain sa harapan niya. Maingay ang paghampas ng bawat alon sa dalampasigan ngunit kakatwang hindi niya iyon napapansin, the beat of his heart is way louder than the sound of the waves kissing the shore. Nanghahalinang pagmasdan ang pagtama ng liwanang ng buwan sa tubig ng karagatan pero hindi niya iyon magawang pagtuunan ng pansin dahil sa katotohanang mas nakakahalina ang kagandahan ni Sana nang mga sandaling iyon. Sampung beses na mas maganda ang babae kaisa sa tanawing nakapaligid sa kanya.“Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?” tanong ni Sana nang mapansin hindi man lang siya nag-abalang galawin ang pagkain sa harapan niya.“I’m not actually hungry,” matapat niyang tugon. Makita pa lamang niya si Sana, pakiramdam niya ay matitiis niya ang habang-buhay na gutom.Kumislap ang pagkailang sa mukha ng babae. Kakatwang ilang beses na niya itong nahalikan sa loob ng mahaba na ring panahon na pamamalagi nila sa iisang bahay
KAMUNTIK lang namang malunod si Sana, pero kung makapagreact si Klyde ay parang isa siyang bata na kailangan ng aruga. Buhat kasi nang magising siya ay hindi na ito humiwalay sa kanya. Palagi itong nakaabang sa tabi niya. Kulang na lang ay buhatin siya nito kapag gusto niyang lumabas sa kanilang cottage. “I’m fine, Klyde, okay? Hindi mo na ako kailangang alalayan pa,” sabi ni Sana kay lalaki nang bigla na naman nitong hawakan ang kamay niya. Naglalakad siya noon patungo sa harapan ng cottage. “Nah, let me hold you, sweetie. Baka mamaya kung ano na naman ang mangyari sa’yo,” pagpupumilit ng lalaki. Sweetie? Parang gustong mapangiti ni Sana sa endearment na iyon, lalo na sa atensiyong ibinibigay ng lalaki sa kanya. Pero sinikap niyang ipakita sa lalaki na hindi siya naaapektuhan ng mga ginagawa nito. Hanggang maaari ay ayaw niyang umasa na may ibang ibig sabihin ang mga ipinapakita nito sa kanya. Matapos ang insidente nang muntikan niyang pagkalunod ay narealize niyang mas lalo lama
SANDALING umahon si Sana mula sa pagtatampisaw sa tubig. Tanghalian na kasi at oras na ng pagkain ng mga kambal. Mabilis siyang nagluto ng pagkain ng mga ito, iyon ay sa kabila ng katotohanang may inuupahan si Klyde na chef para bakasyon nilang iyon. Kung ang lalaki ang masusunod, ayaw nito na intindihin niya ang kanyang trabaho bilang nanny ng mga anak nito. Gusto raw nito na ma-enjoy niya ang bakasyon na iyon. Pero hindi mapakali si Sana. Bukod sa importante para sa kanya na masigurong safe ang pagkain ng mga bata ay nahihiya siya kay Klyde. Ayaw niyang isipin nito na sinasamantala niya ang kabutihan nito. Dinala niya sa harapan ng inuuapahan nilang cottage ang mga pagkaing iginayak para sa mga kambal. Nang maayos niya ang mga iyon sa isang maliit na mesa ay kinuha niya ang mga bata mula sa mga nag-aalaga sa mga ito. Sinimulan niyang subuan ng pagkain ang mga bata habang pinapanood ang magandang tanawin sa harapan.Mayamaya, nakita niya sa dalampasigan si Klyde habang pi
Wishlist Number 2: Go on a Vacation with Klyde Today, I had a dinner with my college friends. We talked about our marriage life. Lahat sila, masaya ang buhay may asawa. Pinakasalan sila ng mga lalaking pinili nilang mahalin. Nagkaroon sila ng mga anak na magkatulong nilang binubuhay ng mga asawa nila. They looked so happy and contended with their life. I had to pretend that my marriage with Klyde was as happy and successful as theirs. Ayaw kong magmukhang masama si Klyde sa paningin nila dahil ano man ang kinalabasan ng pagsasama namin, he still the most amazing man I have ever known. Alam kong hindi magbabago ang bagay na iyon ano man ang nagyayari sa amin ngayon. Walang ano mang galit, tampo, at sama ng loob ang makakapagpabago sa kung paano ko siya nakilala at minahal. My college friend Trina, went on Palawan with her Irish husband few months ago. Ipinakita niya sa amin ang mga pictures nila ng asawa. Larawan sila ng masayang pamilya, I wish that Klyde and I can have
TATLONG araw na ang mabilis na lumipas buhat nang maramdaman ni Klyde na iniiwasan siya ni Sana. Ganoon na rin katagal ang panahong sumasakit ang ulo niya sa pag-iisip ng mga paraan kung paano niya itong kakausapin at lalapitan. Nagsimula lang naman iyon noong umamin siya sa babae na gusto niya ito. Masyado siyang naging padalos-dalos sa mga salitang binitiwan at alam niyang mali iyon dahil hindi niya dapat binibigla si Sana.Pero hindi kasi maiwasan ni Klyde na maging mas honest na ngayon kay Sana. Araw-araw simula nang lumipat ito sa bahay nila ay walang sandaling hindi niya ginusto na maiparamdam at masabi sa babae ang tunay na nararamdaman. Kung mayroon lang siyang ibang pagpipilian ay aaminin na niya rito ang tunay na relasyon nilang dalawa. Pero alam niyang hindi puwede ‘yon dahil masisira ang mga plano niya.He needs to be more patient. Kailangan niyang magdahan-dahal dahil siguradong nabibigla si Sana sa mga ginagawa niya. Sinusubukan naman niyang pigilan ang sarili pero palag
Sorry na. Bati na tayo. Iyon ang laman ng text message na ipinadala ni Klyde kay Sana halos isang minuto pa lang ang nakakalipas buhat nang umalis ito sa harapan niya. Ni hindi pa nga ito nakakasakay sa sasakyan nito. Hayun at nakatayo pa ito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya nireplyan ang lalaki. Tiniis niyang huwag itong replyan kahit pa kating-kati na ang kamya niya na gawin iyon. Hindi ako sanay na umiiwas ka. It’s killing me, promise. Muli itong nagtext. Pero hindi pa rin siya nagreply. Nakita niyang laglag ang mga balikat na sumakay ng sasakyan nito ang lalaki. Hinintay niyang i-start nito ang sasakyan, bagay na hindi nito ginawa. Hindi ako mapapakali nang ganito tayo. Kausapin mo ako. Tell me what’s your problem. Nagtype siya ng reply. Iyon ay pagkatapos ng ilang minutong pakikidigma sa sariling isip at puso. Ikaw ang problema ko. Ako? Bakit? Pangit ba ‘ko?. Masama ba ang ugali ko? Bad breath ba ako? Hindi ba ‘ko mabango? Sunod-sunod ang naging reply nito. Ibig