Hindi pa man nagtatagal na nakakapasok si Sana sa loob ng kanilang bahay ay narinig na niya ang sunod-sunod na katok sa pintuan ng kanilang bahay. Hindi na niya kailangan pang maging manghuhula upang mahulaan kung sino ang taong iyon na kumakatok at balak pa yatang sirain ang pintuan ng bahay nila. Marahas siyang pumihit pabalik at padabog na binuksan ang nakapinid na pintuan.
“Ano pa ang hindi mo naiintindihan sa mga sinabi ko kanina Mr. Imperial?” nakataas ang kilay na tanong niya sa lalaking hayun at tila modelo habang nakatayo sa harapan ng bahay nila. Nakatukod ang kanang kamay nito sa hamba ng pintuan habang ang nalalabing kamay ay nakapamulsa sa suot nitong shorts.
Mukhang balak talaga nitong seryosohin ang misyon nito na palaging sirain ang bawat oras ng bawat araw ng buhay niya.
“Marami,” tugon nito, nakangiti. Kung nang-iinis ang lalaki base sa ngiting iyon ay hindi niya alam, basta ang sigurado niya, kahit ano pang isipin at sabihin niya ay ang ngiti pa rin nito ang isa sa mga best assets ng lalaki.
Inimbitahan ng lalaki ang sarili papasok sa loob ng bahay nila. Suddenly, their small home was filled with his luxurious scent. “Una, bakit ba napaka-formal mong masyado? You can call me, Klyde, Sana. Or Sylvan kaya para naman hindi nakakarinding pakinggan.”
Sinundan niya ito. Mabilis siyang humarang sa harapan ng lalaki. “Whether Mr. Imperial, or Klyde, or Sylvan ang itawag ko sa’yo ay walang magbabago. You are still the most annoying man I ever know. And please, ‘wag na ‘wag mo akong didiktahan sa mga desisyon ko sa buhay. Choice ko kung gusto kitang tawaging “hambog” o kaya naman, “Mr. Feeling Entitled,” sa matinding inis ay sabi niya sa lalaki.
Halos kumulo ang dugo niya nang tumaas ang sulok ng mga labi nito. Isa sa mga pinaka-kinaiinisan niya sa lalaki ay hindi siya sineryoso nito kahit kailan. Pero mas naiinis siya sa sarili dahil hayun na naman siya at kahit ang simpleng gesture ng lalaki ay naghahatid ng matinding attraction sa kanya.
“Yeah, you’re right. You can call me whatever you want, but it would be my pleasure if you’ll call me, love, or honey, or maybe…sweetheart?” halatang nang-iinis ang lalaki dahil kinindatan pa siya nito.
Sa loob nang ilang sandali, tila nawala siya sa sarili dahil sa kindat na iyon. Sa katunayan, kinailangan pa niyang ipaalala sa sarili kung gaano siya naiinis rito para lang hindi niya aminin sa sariling guwapo talaga ang lintik na lalaki.
“Bakit ka nga ba inis na inis sa akin, Sana?” tanong nito na nakataas pa ang kilay.
Holy shit! Kahit ang simpleng pagtaas ng kilay nito ay nagdadagdag lamang sa kakisigang taglay nito.
“Well, first and foremost, I hate the way you look…”
“So galit ka sa mga guwapo?”
“Sa’yo lang…period.”
“So naguguwapuhan ka nga sa akin?” pambubuska ng magaling na lalaki.
And how can she deny it gayong nasabi na niya ang hindi niya dapat nasabi. Para na rin niyang inamin sa lalaki na naguguwapuhan siya rito. Sa isang iglap, bigla na namang nag-init ang magkabilang pisngi niya.
“Secondly, masyadong magaspang ang pag-uugali mo. Hambog ka at mayabang. Balita ko ay parang nagtatapon ka lang ng chewing gum kung magpalit ng girlfriend. And not to mention that you’re so boring.”
“Wow, hindi ko alam na updated ka pala sa buhay ko, Sana. Kailan ka pa nagkaroon ng interes tungkol sa pagpapalit ko ng girlfriends?”
Lihim niyang kinagalitan ang sarili. Bakit ba kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niya? At bakit ba sa tuwing nasa harapan niya si Klyde ay wala siyang magawa kung hindi ang magpanggap na nagtataray para lang pagakpan ang matinding attraction na mayroon siya para rito?
Bakit nga ba pakiramdam niya ay natatakot siyang ipakita ang tunay na nararamdaman sa harapan ng lalaki? Bakit may kung anong tila nag-uutos sa kanya na magtayo ng pader sa pagitan nilang dalawa?
“Assuming ka rin, eh, ‘no? For your information, wala akong pakialam kung ano ang gusto mong gawin sa buhay mo. Saka bakit ka ba nandito? Inaabala mo na akong masyado,” sabi niya sa lalaki. Natatakot na siyang mas magsalita pa dahil baka kung ano na naman ang lumabas mula sa bibig niya.
“Fine. Palalampasin ko ‘yang katabilan ng dila mo pero sa susunod, hindi na ako papayag na sabihin mo ang lahat nang gusto mong sabihin tungkol sa akin. Binabalaan kita, Sana. I know an effective way on how to shut a girl,” sabi nito na makahulugang nakatingin sa mga labi niya.
Suddenly, she felt uncomfortable in front of him. Ni hindi niya maisip kung ano ang possible niyang maging reaction oras na mangyari ang kung ano mang pamamaraang sinasabi nito para mapatahimik siya.
“Kung nandito ka para alukin na naman ako na maging nanny ng mga anak mo ay nagsasayang ka lang ng panahon, Klyde. I’m not interested with that job. Wala akong balak na mapalapit sa isang kagaya mo,” aniya. Sa nakalipas kasing mga buwan buhat nang umuwi sila doon sa Nueva Ecija ay hindi na siya tinantanan nito. He was so persistent to get her as the nanny of his twins.
“Alam mo, kung nagpapapansin ka sa akin kaya ka nagtataray ng ganyan, gusto kong malaman mong hindi na kailangan. Dahil matagal na kitang napapansin. Akala mo ba hindi ko alam na palihim mo akong sinisilip sa bintana ng kuwarto mo? Sa umaga, kapag lumalabas ako para mag-jogging, palagi kang nakaabang sa may pintuan para pagmasdan ako.”
Marahas siyang napabuga ng hangin. “Ibang klase rin naman talaga ang bilib mo sa sarili mo, eh ‘no? Kung mayroon man akong huling bagay na gugustuhing mangyari, ‘yon ay ang mapalapit sa’yo. Look at yourself; you are a billionaire pero iniwanan ka naman ng asawa mo. Kung sabagay, sino nga ba naman ang magtatagal na pakisamahan ang isang hambog at mayab…”
Ano mang salita na gusto pa niyang sabihin sa lalaki ay nalunok na lamang niyang lahat dahil sa loob lang nang ilang saglit, nagawa na nitong tawirin ang distansiyang nakapagitan sa kanilang dalawa para patahimikin siya sa pamamagitan ng isang halik.
MY. God! Klyde, the billionaire is kissing her!
Bigla ang panlalaki ng kanyang mga mata nang maramdaman niya ang mga labi nito sa mga labi niya. Awtomatikong nagwala ang dibdib niya sa kaba. Napakarami niyang gustong sabihin at gawin para kumawala sa lalaki pero lahat ng iyon ay nawalan ng saysay dahil ang pesteng katawan niya, ipinagkanulo siya bigla.
Bakit ba ganoon ang nararamdaman niya? Alam na alam niyang kinamumuhian niya ang lalaking ito pero parang may espasyo naman itong inaangkin sa bawat himaymay ng katawan niya? Why does kissing him feel so right gayong buong buhay niyang nararamdaman ang hindi maipaliwanag na inis at pagkamuhi rito? Bakit pakiramdam niya, may sugat sa loob ng puso niya na pinapagaling ng halik na iyon?
Humiwalay ang buwisit na lalaki mula sa kanya. Halos maliyo siya sa damdaming sabay-sabay na binuhay ng halik na iyon. Pero kung sa tingin niya ay tapos na ang dilemma niya, mukhang nagkakamali siya dahil hayun ang buwisit na lalaki at titig na titig sa kanya. Guilt was now written all over his face. “L-look, S-Sana, I-I’m really sorry, I didn’t mean to…”
Umigkas ang kanang kamay niya sa kaliwang pisngi nito, dahilan para hindi na nito matapos pa ang kung ano mang sasabihin nitong ‘yon. Kaagad siyang tumakbo paakyat sa kanyang silid. Pabalibag niyang isinara ang pintuan at sumandal doon. Kailangan niyang manghiram ng lakas doon dahil pakiramdam niya, ano mang sandali ay bibigay ang mga tuhod niya.
Hindi niya alam kung ano ang iisipin at gagawin. Gusto niyang magalit kay Klyde dahil sa kapangahasan nito pero paano niyang gagawin ‘yon kung hanggang ngayon, pakiramdam niya ay nararamdaman pa rin niya ang init ng halik nito? Gusto niyang umiyak pero ang puso niya, parang nagsasayaw sa kaba at saya. Iyon ang unang beses na hinalikan siya ni Klyde pero bakit pakiramdam niya ay kabisado na ng puso niya ang pakiramdam na mahalikan nito?
Nababaliw ka na, Sana. Nababaliw ka na.
GUSTO sana ni Klyde na bumalik sa bahay nina Sana. Hindi siya nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa dalawang dahilan.Una, nahirapan siyang matulog dahil sa kaalamang mas lalo lamang nagalit ang babae sa kanya. And it’s because of that kiss. Suddenly, the picture of him kissing Sana flashed on his mind. May kung anong tila malaking bilog na bagay ang gumulong sa loob ng dibdib niya isipin pa lang niya ang halik na iyon. Ayaw naman sana niyang halikan ang babae pero ano bang magagawa niya? Evertime that he got the chance to be with her, he used to feel the urge to kiss her like it was the only right thing that’s left on his complicated world. Geez, he misses her so much. At kahit paano, naibsan ang pangungulila niyang iyon. Ganoonpaman, kailangan na niyang pag-aralan kung paanong hindi madaig ng kagustuhang halikan ang babae palagi dahil siguradong masisira ang plano niya kung palagi na lamang niyang hahalikan ang babae. At hindi niya sasayangin ang pagkakataong iyon para itama ang lah
LAKAD-takbo ang ginawa ni Sana upang abutan niya ang lalaking iyon na nagligtas sa kanya sa kamay ng mga lalaking may masamang tangka sa kanya noong isang araw. Ito rin ang parehonglalaking palagi niyang hinihintay na lumabas sa gate ng kanilang paaralan bago umuwi. He was the same man she wants to see in the school gymnasium. The very man she used to follow even in the café where he works as a waiter.“Hey! Could you please wait for me?” sigaw niya. Naririnig niya ang sariling tinig habang malakas na sumisigaw ngunit tila bingi ang lalaki sa bagay na iyon. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo nang makita niyang tumawid ang lalaki sa kalsada. Akmang hahabulin niya ito ngunit may parating na malaking sasakyan. Nakuntento na lamang siyang hintayin na makaraan ang sasakyang iyon habang nakatanaw sa lalaking hayun at nakatayo patalikod sa kanya sa kabilang panig ng kalsada. Napuno ng antisipasyon ang kanyang dibdib nang makita niyang unti-unting kumilos ang lalaki paharap sa direksiyon niy
“Masyado pong matigas si Sana. But I don’t have the right to blame her, afterall kasalanan ko po ang lahat kung bakit galit siya sa akin,” mababa ang tinig na sabi ni Klyde habang kausap ang mga magulang ni Sana.Tiningnan siya ni Alfredo, ang ama ni Sana. “This is not the right time for us to point fingers at each other. Lahat naman tayo ay nagkulang kung kaya nangyari ang aksidenteng iyon. Ang mas dapat nating gawin ay ang mag-isip ng paraan kung paano nating makukumbinsi si Sana na pumayag na maging nanny ng mga anak n’yo. That is the only way kung paano natin unti-unting maibabalik ang mga nawawala niyang alaala.”“Pero paano nga po nating gagawin ‘yon kung sa halip na tanggapin niya ang alok ko ay mas gusto pa niyang araw-araw na maghanap ng trabaho. Kahapon lang ay nalaman kong nag-apply siya bilang tindera sa palengke at kung hindi ko lang nakausap at binigyan ng pera ang inaapply-an niya ay malamang na isa na siyang tinder ngayon. Pero hanggang kailan po natin siya mababantaya
“Sana! Come back! Arghh!”Padabog na isinara ni Sana ang pintuan ng bahay ni Klyde pagkatapos niyang tuhurin ang pagkalalaki nito. Walang lingon-likod na iniwanan niya ito habang namimilipit sa sahig. Siguro naman ngayon ay madadala na ito nang kakalapit sa kanya. Kung alam lang niyang iyon lang pala ang dapat niyang gawin para patahimikin ito ay noon pa sana niya iyon ginawa.“Sana, please! Come back here!” patuloy na pagdaing ng lalaki.Kung tutuusin ay puwedeng-puwede na sanang iwanan ni Sana ang buwisit na lalaki. Hindi ba at iyon naman talaga ang gusto niya? Ang patunayan sa lalaki at sa sarili na hindi siya totoong naaapektuhan dito. Ang problema, hindi nga yata totoong hindi siya apektado sa mga pinaggagagawa nito sa kanya. Dahil sa halip na tuluyang magwalk-out palayo sa lugar na iyon, hayun siya at biglang natigilan sa labas ng pintuan ng bahay ng lalaki.Paano kung napalakas pala ang pagtuhod niya sa sandata nito?“Mukha namang hindi niya iindahin ang ginawa ko sa kanya,” pa
Nang imulat ni Sana ang paningin ay sinalubong siya ng mapagparusang halik mula sa lalaking hindi niya makita ang mukha. Tanging ang liwanag na nagmumula sa buwan sa labas ng bahay ay nagsisilbing liwanag sa loob ng malaki at malamig na kuwartong iyon. Nagsimula siyang magpumiglas pero hinawakan ng lalaki ang kanyang mga kamay. Ipininid nito iyon sa ibabaw ng ulo niya habang patuloy sa marahas na paghalik sa kanya.The man was punishing her through that kiss. “This is what you want, right?” tanong ng lalaki sa tinig na pamilyar sa kanya. It was the first time he ever talk. Kaya ganoon na lang ang pagkagimbal niya. Napatigil siya sa pagpupumiglas dahil sa tinig nito.“D-don’t do this, please,” sabi niya sa naiiyak at nakikiusap na tinig.“You are my wife, my unwanted wife, so I have all the right to do whatever I wanted to do,” sabi ng lalaki.Marahas na hinawakan ng lalaki ang ladlaran ng suot niyang damit. Akmang huhubarin nito iyon pero naging maagap siya na pigilan ang lalaki. But
Sa hindi mabilang na pagkakataon buhat nang umuwi sila sa Nueva Ecija ay muling sumubok si Sana na maghanap ng trabaho. Sa pagkakataong ito, pinili niyang mag-apply bilang office clerk sa isang micro-lending company sa siyudad na katabi ng bayan nila. Maaga siyang gumayak kanina at nagpaalam sa kanyang ina. Tanging ang tatlong kopya ng mga credentials niya ang dinala niya.Hindi na biro ang manatali lang siya sa bahay sa loob ng ilang buwan. Said na said na ang budget niya. Nahihiya na siya sa mga magulang dahil hindi man siya makatulong sa mga gastusin nila sa bahay. Pagkatapos magpaalam sa kanyang ina kanina ay mabilis na siyang lumarga.“I’m sorry Miss Sandejas but the position was filled just early this morning before you arrived,” ang sabi ng receptionist sa kanya nang iabot niya ang credentials niya rito.Napakunot ang kanyang noo. Kagabi lang ay sinabi nito sa kanya over the phone na bakante pa ang posisyong iyon. Umipas lang ang magdamag ay heto ang babae at sinasabi na may na
“MANINIWALA ka ba kung sasabihin ko sa’yong, ikaw ang dahilan?”Napatingin si Sana kay Klyde nang sabihin nito ang mga salitang iyon. Naroon na sila sa loob ng sasakyan ng lalaki. Nakaupo ito sa harapan ng driver’s sit habang inookupa naman niya ang upang nasa tabi nito. Tinanong niya ang lalaki kung bakit ito lumipat ng tirahan. Sumasakit na kasi ang ulo niya sa kakaisip ng dahilan kung bakit nito kailangang gawin iyon gayon ang sabi ng mama niya, nasa Maynila ang kompanya ng lalaki.Ayon pa sa kuwento ng mama niya, apat na beses sa isang linggo kung pumasok ito sa opisina. Umaalis ito nang maaga at umuuwi sa hapon. Sigurado siyang may condo unit ito sa Maynila. Baka nga may mansion pa ito roon. Ang hindi niya maunawaan ay kung bakit kailangan nitong magpakahirap nang ganoon gayong puwede naman itong manatili sa Maynila.“Gusto mo bang ingudngod kita sa harapan ng sasakyan?” pagbabanta niya rito. Halata naman kasi na hindi ito nagsasabi ng totoo. Paano namang siya ang magiging dahila
DALA nang labis na pagod dahil sa maghapong paghahanap ng trabaho ay maagang natulog si Sana. Pagkadikit na pagkadikit ng kanyang likuran sa malambot na higaan ay kaagad siyang nakatulog. Kailangan niyang magpahinga nang maaos dahil bukas ay balak na niyang kausapin si Klyde upang sabihin sa lalaki na payag na siyang maging tagapag-alaga ng mga anak nito.Napag-isip-isip kasi ni Sana na wala namang masama kung tatanggapin niya ang trabaho. Malapit sa kanya ang mga anak nito kaya alam niyang hindi siya mahihirapan sa trabahong iyon. Isa pa, iyon na lang ang trabahong puwede niyang pagpilian dahil lahat ng inapplyan niya ay walang gustong tumanggap sa kanya.Bago siya tuluyang magpatalo sa antok ay inisip muna niya ang mga magulang. Matatanda na ang mga ito para maghanap-buhay kaya sa pagkakataong iyon, susundin na niya ang gusto ng mga ito na tanggapin ang alok ni Klyde. Naaawa na kasi siya sa mga ito lalo na sa kanyang ama na napipilitang mamasukan bilang clerk sa post office ng bayan
“WHAT are we doing here?” Iyon kaagad ang tanong ni Sana nang dalhin siya ni Klyde sa loob ng library sa tabi ng kuwarto nito. Kaninang umaga lang ay biglang sumulpot si Nina sa bahay ni Klyde para sunduin ang mga kambal. Laking pagtataka niya sa bagay na iyon dahil hindi iyon nasabi sa kanya ni Klyde. Ngayon ay heto ang lalaki at iniimbitahan siya sa loob ng library nito. “Wala lang. Gusto lang kitang sorpresahin,” sabi nito kasabay nang pag-aabot sa kanya ng paintbrush. Dumiretso ang lalaki sa isang bakanteng upuan sa tabi ng bintana. Noon lamg niya napansin ang isang stool sa ‘di kalayuan. Sa harapan niyon ay naroon ang isang isle kung saan nakapatong ang isang may kalakihang bakanteng canvas. Kaagad na tumibok sa pananabik ang kanyang puso. Patakbo siyang lumapit sa stool at umupo doon. Her heart beats even faster when he looked at Klyde. Napakaperpekto ng ayos nito para sa isang portrait. The weather outside is gloomy ; a perfect view to be a background of a painting. “I want
Naging magaan ang simula nang araw na iyon para kay Sana. Hindi mabura ang ngiti sa kanyang mga labi ano man ang bagay na ginagawa niya. Hindi kasi niya magawang alisin sa isipan ang ilang beses na pagtatalik nila ni Klyde. Paulit-ulit ding umaalingawngaw sa isipan niya ang mga salitang binibitiwan nito.Klyde loves her. May hindi maipaliwanag na ligaya ang dulot ng mga salitang iyon sa puso niya. Ang totoo ay masyado siyang nabibilisan sa mga anngyayari. Parang kailan lang ay masahol pa sila sa aso’t pusa tapos ngayon ay may nalalaman na silang make-love-make love. Alam niyang siya ang dehado sa mga nangyayaring iyon pero sa tuwing tatanungin niya ang sarili kung tama bang nagpapaubaya siya ng ganoon sa lalaki ay walang pag-aalinlangang tumatango ang puso niya na para bang noon pa man ay alipin na iyon ni Klyde.Nang sumapit ang tanghali ay hindi siya makabangon sa sakit ng katawan niya. Mukhang masyado siyang napagod sa ilang beses na pagtatalik nila ng lalaki. Binalewala niya ang
KINABUKASAN ay maagang nagbiyahe sina Sana pauwi sa bahay ni Klyde sa Nueva Ecija. Napakarami niyang masasayang alaalang babaunin pag-uwi nila sa bahay nito. Hindi na siya nagtangkang guluhin pa ang isipan upang itaboy ang damdaming unti-unti nang umaangkin sa kanyang puso. Damdaming alam na alam niya kung ano at para kanino. Katulad ng sinabi ni Klyde, she just have to trust him. At may takot man sa kanyang dibdib na nabubuhay isipin pa lang niyang ipagakatiwala niya kay Klyde ang lahat ay pilit na lamang niya ‘yong binalewala. Umaasa siyang mabubura rin ang lahat ng takot na iyon pagdating ng panahon. Madilim na ang paligid ng dumating sila sa bahay ng lalaki. Namiss niya ang bahay nito. Ilang araw rin silang nawala kaya naman may pananabik siyang naramdaman nang makapasok sila sa loob niyon. “You can go now on your room. Ako na ang bahala sa mga bata,” sabi ni Klyde nang makapasok sila. Buhat nito ang natutulog nang si Kianna at hawak naman nito ang kanang kamay ni Kelsey na hayun
Hindi maiwasan ni Klyde ang mamangha sa magandang tanawing nakahain sa harapan niya. Maingay ang paghampas ng bawat alon sa dalampasigan ngunit kakatwang hindi niya iyon napapansin, the beat of his heart is way louder than the sound of the waves kissing the shore. Nanghahalinang pagmasdan ang pagtama ng liwanang ng buwan sa tubig ng karagatan pero hindi niya iyon magawang pagtuunan ng pansin dahil sa katotohanang mas nakakahalina ang kagandahan ni Sana nang mga sandaling iyon. Sampung beses na mas maganda ang babae kaisa sa tanawing nakapaligid sa kanya.“Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?” tanong ni Sana nang mapansin hindi man lang siya nag-abalang galawin ang pagkain sa harapan niya.“I’m not actually hungry,” matapat niyang tugon. Makita pa lamang niya si Sana, pakiramdam niya ay matitiis niya ang habang-buhay na gutom.Kumislap ang pagkailang sa mukha ng babae. Kakatwang ilang beses na niya itong nahalikan sa loob ng mahaba na ring panahon na pamamalagi nila sa iisang bahay
KAMUNTIK lang namang malunod si Sana, pero kung makapagreact si Klyde ay parang isa siyang bata na kailangan ng aruga. Buhat kasi nang magising siya ay hindi na ito humiwalay sa kanya. Palagi itong nakaabang sa tabi niya. Kulang na lang ay buhatin siya nito kapag gusto niyang lumabas sa kanilang cottage. “I’m fine, Klyde, okay? Hindi mo na ako kailangang alalayan pa,” sabi ni Sana kay lalaki nang bigla na naman nitong hawakan ang kamay niya. Naglalakad siya noon patungo sa harapan ng cottage. “Nah, let me hold you, sweetie. Baka mamaya kung ano na naman ang mangyari sa’yo,” pagpupumilit ng lalaki. Sweetie? Parang gustong mapangiti ni Sana sa endearment na iyon, lalo na sa atensiyong ibinibigay ng lalaki sa kanya. Pero sinikap niyang ipakita sa lalaki na hindi siya naaapektuhan ng mga ginagawa nito. Hanggang maaari ay ayaw niyang umasa na may ibang ibig sabihin ang mga ipinapakita nito sa kanya. Matapos ang insidente nang muntikan niyang pagkalunod ay narealize niyang mas lalo lama
SANDALING umahon si Sana mula sa pagtatampisaw sa tubig. Tanghalian na kasi at oras na ng pagkain ng mga kambal. Mabilis siyang nagluto ng pagkain ng mga ito, iyon ay sa kabila ng katotohanang may inuupahan si Klyde na chef para bakasyon nilang iyon. Kung ang lalaki ang masusunod, ayaw nito na intindihin niya ang kanyang trabaho bilang nanny ng mga anak nito. Gusto raw nito na ma-enjoy niya ang bakasyon na iyon. Pero hindi mapakali si Sana. Bukod sa importante para sa kanya na masigurong safe ang pagkain ng mga bata ay nahihiya siya kay Klyde. Ayaw niyang isipin nito na sinasamantala niya ang kabutihan nito. Dinala niya sa harapan ng inuuapahan nilang cottage ang mga pagkaing iginayak para sa mga kambal. Nang maayos niya ang mga iyon sa isang maliit na mesa ay kinuha niya ang mga bata mula sa mga nag-aalaga sa mga ito. Sinimulan niyang subuan ng pagkain ang mga bata habang pinapanood ang magandang tanawin sa harapan.Mayamaya, nakita niya sa dalampasigan si Klyde habang pi
Wishlist Number 2: Go on a Vacation with Klyde Today, I had a dinner with my college friends. We talked about our marriage life. Lahat sila, masaya ang buhay may asawa. Pinakasalan sila ng mga lalaking pinili nilang mahalin. Nagkaroon sila ng mga anak na magkatulong nilang binubuhay ng mga asawa nila. They looked so happy and contended with their life. I had to pretend that my marriage with Klyde was as happy and successful as theirs. Ayaw kong magmukhang masama si Klyde sa paningin nila dahil ano man ang kinalabasan ng pagsasama namin, he still the most amazing man I have ever known. Alam kong hindi magbabago ang bagay na iyon ano man ang nagyayari sa amin ngayon. Walang ano mang galit, tampo, at sama ng loob ang makakapagpabago sa kung paano ko siya nakilala at minahal. My college friend Trina, went on Palawan with her Irish husband few months ago. Ipinakita niya sa amin ang mga pictures nila ng asawa. Larawan sila ng masayang pamilya, I wish that Klyde and I can have
TATLONG araw na ang mabilis na lumipas buhat nang maramdaman ni Klyde na iniiwasan siya ni Sana. Ganoon na rin katagal ang panahong sumasakit ang ulo niya sa pag-iisip ng mga paraan kung paano niya itong kakausapin at lalapitan. Nagsimula lang naman iyon noong umamin siya sa babae na gusto niya ito. Masyado siyang naging padalos-dalos sa mga salitang binitiwan at alam niyang mali iyon dahil hindi niya dapat binibigla si Sana.Pero hindi kasi maiwasan ni Klyde na maging mas honest na ngayon kay Sana. Araw-araw simula nang lumipat ito sa bahay nila ay walang sandaling hindi niya ginusto na maiparamdam at masabi sa babae ang tunay na nararamdaman. Kung mayroon lang siyang ibang pagpipilian ay aaminin na niya rito ang tunay na relasyon nilang dalawa. Pero alam niyang hindi puwede ‘yon dahil masisira ang mga plano niya.He needs to be more patient. Kailangan niyang magdahan-dahal dahil siguradong nabibigla si Sana sa mga ginagawa niya. Sinusubukan naman niyang pigilan ang sarili pero palag
Sorry na. Bati na tayo. Iyon ang laman ng text message na ipinadala ni Klyde kay Sana halos isang minuto pa lang ang nakakalipas buhat nang umalis ito sa harapan niya. Ni hindi pa nga ito nakakasakay sa sasakyan nito. Hayun at nakatayo pa ito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya nireplyan ang lalaki. Tiniis niyang huwag itong replyan kahit pa kating-kati na ang kamya niya na gawin iyon. Hindi ako sanay na umiiwas ka. It’s killing me, promise. Muli itong nagtext. Pero hindi pa rin siya nagreply. Nakita niyang laglag ang mga balikat na sumakay ng sasakyan nito ang lalaki. Hinintay niyang i-start nito ang sasakyan, bagay na hindi nito ginawa. Hindi ako mapapakali nang ganito tayo. Kausapin mo ako. Tell me what’s your problem. Nagtype siya ng reply. Iyon ay pagkatapos ng ilang minutong pakikidigma sa sariling isip at puso. Ikaw ang problema ko. Ako? Bakit? Pangit ba ‘ko?. Masama ba ang ugali ko? Bad breath ba ako? Hindi ba ‘ko mabango? Sunod-sunod ang naging reply nito. Ibig