"SIGURADO ka? I'll just send you home," sabi ni Kristoff nang magpaalam na si Yanna upang umuwi.Pagod na rin kasi siya at may lakad pa ito ng maaga bukas."Hindi na, kailangan ka nila rito," kalmadong sabi ni Yanna. "Magpapahatid nalang ako sa driver mo."Kristoff nodded. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at may tinawagan. Pagkatapos ay muli siyang bumaling kay Yanna."He's waiting outside already. Ihahatid na muna kita."Umiling-iling si Yanna at tinignan ang paligid. Punong-puno ng mga bisita at mga matataas na tao ang lugar. Alam niya rin kung gaano kahalaga kay Kristoff na mapunta rito ngayon kaya naman ayaw na niyang gambalain pa ang lalaki."Ilang hakbang lang naman iyon, ano ka ba. Stay here and do your thing, hmm?"Wala na ring nagawa si Kristoff kung hindi ang huminga nang malalim. He kissed her head before letting her go."Text me when you reached home."Ngumiti si Yanna bago tumalikod at naglakad palabas ng hall. Habang palayo siya nang palayo ay bumibigat ang pakiramdam
"BAKIT ka nagkunwaring patay na?"Bumuka ng bahagya ang labi ni Yanna nang marinig ang tanong na hindi niya inaasahang itatanong ni David. Ngumisi ang babae nang maka-move on sa panandaliang pagkakagulat."I did not. You just assumed that I am."Umigting ang panga ni David."Nandoon ka sa loob ng bahay. It was locked. Ang sabi may sumabog sa loob dahilan kaya nagkasunog...""You mean you locked me in that house, David." Malamig ang mga matang tinitigan ni Yanna ang lalaki. Those words and her tone sent shivers down his spine. Nanlamig ang buong katawan ni David. Tinitigan niyang mabuti ang mukha ni Yanna. "You've changed a lot," sambit nito. "But you're still the Brianna we know. Kahit anong gawin mo."Umirap si Yanna at tinulak nang bahagya si David."Iyan lang ba ang sasabihin mo?""Why Kristoff? Bakit sa dinami-dami ng lalaki, kapatid ko pa? Are you fvcking kidding with me?"Malamig at sarkastikong ngiti ang kumawala sa labi ni Yanna. Sumandal ito sa pader at patuyang tinignan s
NANGHIHINA siya habang nasa sasakyan. Hindi akalain ni Yanna na ganoong klase ang magiging unang pag-uusap nila ni David.Pag-uwi ay sumalubong sa kanya ang anak na si Nate at sa sandaling iyon ay napawi lahat ng nangyari kanina. Lahat ng pagod at sakit na muling nanumbalik."Mommy!" tawag ng anak at patakbong nagtungo sa kanya. "Hinihintay kita, sabi ni Tito Kristoff kanina pauwi ka na raw."Umupo si Yanna sa sofa ng tinutuluyang condo at tinawag ang anak na umupo rin sa tabi niya. Tinitigan niyang mabuti ang bata. Nate looks like the boy version of him. Only with a fiercer aura."Gabi na. Kumain ka na?""Nandito si Tito Pau kanina kaya nagluto siya." Nagsalubong ng bahagya ang kilay ng bata. "Are you tired, mommy?"Ngumuso ang babae bago ngumiti at niyakap ang anak."Hmm... pa-recharge nga muna si mommy."Napapikit si Yanna nang yumakap pabalik si Nate sa kanya. Hindi nagbabago ang isip niya. The only thing that worth it for everything that happened is that she has her Nate now. Sa
"YAY!! Pupunta kami ni Tito Kristoff sa beach, Mommy?"Agad nawala ang antok ni Nate nang ibalita ni Yanna ang sandaling bakasyon nito kasama si Kristoff. Sobrang close ng anak niya kay Kristoff, aside from Pau, the man really stood as Nate's father. Ang alam ng iba ay siya talaga ang ama dahil sa tagal at dalas nilang magkasama ay may mga pagkakataong nagagaya na ni Nate ang ilang bagay tungkol kay Kristoff."Yes, baby. Babalik kayo bukas kaya mag-behave ka doon, ha?"Malambing na yumakap sa kanya ang anak."Bakit hindi ka po sasama?"Pagkatanggal niya sa pagkakayakap ni Nate ay hinawakan niya ang pisngi ng batang lalaki."Babawi si mommy, hmm? May mga kailangan lang akong gawin," sagot niya.Malawak na ngiti ang pinakawalan ng pitong-taong gulang niyang anak. He's turning eight in a few months, and that thought saddens Yanna."Ang laki-laki mo na, bakit ang bilis naman lumaki ng baby boy ko?" sambit niya sa anak na dapat ay sa isip niya lamang.Nate cutely giggled. "Big boy na ako,
"WHAT the hell are you doing? Nauna ako rito!" paghihisterya ni Fiona.Mas lalong lumaki ang ngisi ni Yanna. Alam niya na ayaw magpatalo ni Fiona lalo kung siya ang kalaban. And taking the bag means a defeat on her side. Tiyak niyang magagalit nga talaga ang babae.Too bad, pagkakita niya palang ay gusto niya na talaga ang bag na iyon."Sorry po, Ma'am, nauna kasi si Ma'am na nagsabing kukunin niya na," sabi ng saleslady na naka-assign kay Yanna."You b*tch!" pasigaw na sabi ni Fiona habang matalim ang tingin sa kanya. Naglakad ito palapit at huminto sa harap niya. "What? Ngayon sinusundan mo ako? Ano'ng kailangan mo sa akin, ha?"Napahalakhak siya nang makita ang sari-saring emosyon sa mukha ni Fiona. Luminga-linga siya sa paligid at bahagyang nahiya sa dami ng atensyon na nasa kanila. Samantalang wala namang pakielam si Fiona, basta ay galit lamang ito na nakatitig sa kanya."Chill, Miss. Dahil lang sa bag nagkakaganyan ka?" mapang-asar na sabi ni Yanna at inilapit ang mukha sa kay
NAKAHARAP sa laptop si Yanna at kasalukuyang nag-iisip ng detalye para sa balak niyang pagbubukas ng panibagong branch ng restaurant niyang The N.R. Cusine sa Cebu nang bigla nalang bumukas ang pintuan ng opisina niya.Nag-angat siya ng tingin at napataas ng kilay nang makita kung sino ang nangahas magbukas no'n nang hindi man lang kumakatok.And she's right.Tama ang kutob niya. Nagtaas siya ng kilay nang magtama ang mga mata nila ni David."Yes? I believe I have no appointment with you, Mr. Walton," pormal na sabi niya bago sinara ang laptop at hinarap ang lalaki. "Ano'ng nagpapunta sa iyo ng ganito kaaga sa opisina ko?"Lumingon si David sa likuran at sinara ang pintuan bago naglakad palapit kay Yanna."Really? Embarassing my fiance in front of many people?" Nagngingitngit ang ngipin na sabi nito. "Oh, so tungkol pala ito sa nangyari kahapon...""Answer me, Bria-- Yanna, umuwi ka ba talaga at bumalik para sirain kami? Are you here for revenge?"Walang emosyong tinitigan ni Yanna s
Buong lakas na itinulak si David ng kaharap. Bumigat ang paghinga ng lalaki sa galit at ang hindi inaasahang pagpipigil sa sarili na hawakan ang dalaga. Years have passed. Wala na siyang dapat maramdaman pa sa dalaga pero hindi iyon ang nangyayari ngayong kaharap niya ito. Bumalik lahat ng sakit, ng galit, guilt, at maski ang kagustuhang yakapin ito ng mahigpit sa mga braso niya. "Leave! I have no business with you!" pasigaw na sabi ng nainsultong babae. "And about your fiance, hindi ko siya pinahiya, siya ang nagpahiya sa sarili niya. If she wasn't dumb enough, she could have saved herself the embarassment. Duh!" Halos mapanganga si David sa mga salitang lumabas sa bibig ni Yanna. Ibang-iba ito sa Yanna na nakilala niya noon. "What did you say?!" hindi makapaniwalang tanong ng lalaki. "You've changed a lot..." Nagpakawala ng walang emosyong tawa si Yanna at pinagkrus ang dalawang braso sa harap ng kanyang dibdib. Pagkatapos ay may pangungutya itong tumingin kay David. "Lo
WALA SA SARILI si Yanna habang naghahanda ng mesa. Parating na kasi sina Kristoff at Nate, tapos na rin siyang magluto kaya naman nag-aayos nalang siya ngayon.Pero ang isip niya ay naroon pa rin sa naging pag-uusap nila ni David. Hindi niya maintindihan ang gustong iparating ni David. Nagpunta ba siya roon para pagsabihan dahil sa ginawa niya kay Fiona o nagpunta ito roon para insultuhin siya?"Mommy!"Nabalik lang siya sa ulirat nang patakbong sumalubong sa kanya si Nate. Napangiti siya at sinalubong ng yakap ang anak. Mahigpit niyang niyakap ang bata na tila ba doon siya kumukuha ng lakas."Kahapon pa walang maayos na tulog iyan, sobrang hyper," natatawang sumbong ni Kristoff. "Nagluto ka?"Tumango si Yanna at ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ni Nate at inakay patungo sa upuan nito."Yup. Sinipag magluto," nakangiting aniya. "So, kumusta ang bakasyon?"Nagtinginan ang dalawang lalaki at sabay humagikhik. Wala pa man ay napatawa na rin si Yanna habang nakatingin sa kanila.Sa isipa