"BE A GOOD BOY, HA! 'Wag kang magkukulit masyado roon kay Tito Pau mo," bilin ni Yanna habang inaayos ang damit ni Nate.Nasa airport na sila ngayon para ihatid ang anak. Pinauwi ni Paulo ang assistant nito para samahang bumyahe ang bata at sasalubungin na lamang niya ito roon. Ayos lang naman sa kanila dahil kilala rin naman nika ang assistant."I'm always a good boy, mommy," bibong sabi ni Nate. Yumakap ito nang mahigpit sa ina. "Kailan po kayo susunod doon?"Kumurap-kurap si Brianna at nagkatinginan sila ni Kristoff. Kristoff's eyes mirrored hers. Pareho silang nalulungkot na aalis na si Nate."We'll make sure to visit from time to time, anak, promise."Hinalikan niya ang noo ni Nate bago tumayo at kinausap ang makakasama nito sa byahe.Si Kristoff naman ang kumausap sa bata at kinausap ito ng masinsinan. Pasimpleng tinignan ni Yanna ang dalawa at sa lagi niyang nakikita ang dalawa na ganoon kalapit sa isa't isa, lalo na kung paano disiplinahin ni Kristoff si Nate... sobrang pasado
PASIMPLENG UMIRAP si Yanna nang makita ang dalawa na pumasok sa restaurant. Gusto niyang isipin na sinundan siya ng mga ito para magpapansin sa kanila pero alam niyang naka-reserve din ang upuan nila gaya ng kanila ni Kristoff kaya naman alam niyang nagkataon lang."Ayos ka lang?" tanong ni Kristoff nang mapansin ang pag-iiba ng kanyang mood. "Let's just finish our food and we'll leave, okay?"Tumango siya at ngumuso. "Bakit ba naman kasi ang lakas ng pang-amoy ng mga aso na iyan."Napatawa si Kristoff sa sinabi ni Yanna at umiling-iling. Sa gilid ng mata ni Yanna ay ramdam niya ang titig ng dalawang pares ng mga mata. "Buti nalang nauna tayo, baka isipin na naman ng bruhang iyan na sinusundan natin sila," sambit ni Yanna bago sumubo ng pagkain.Kung kanina ay excited ito habang kumakain, ngayon ay tila nawawalan na siya ng gana."Don't mind them."Itinuon na lamang ni Yanna ang buong atensyon sa pagkain at kay Kristoff. Maliban sa paminsa-minsang nararamdaman niya na lumilingon si D
NGUMITI NA PARANG walang nangyari si Yanna kay Kristoff nang masalubong niya ito sa pintuan ng restaurant."Natagalan ka," ani Kristoff bago siya inalalayan palabas.Ramdam ni Yanna na may nakatitig sa kanya sa kanyang likod at hindi na niya kailangan pang lingunin dahil alam niya na agad na si David iyon subalit nagpatay malisya na lamang siya at dire-diretsong naglakad paalis."May tao kasi sa loob kanina," pagsisinungaling niya.Nakaramdam siya ng guilt na hindi magsabi ng totoo kay Kristoff pero ayaw niya ring lumaki pa ang gulo. Pagkatapos ng araw na iyon ay hinatid lang siya ng lalaki at umalis na rin rito agad.Sa loob ng kanyang kwarto, habang nakahiga sa malaki at malambot niyang kama, ay nakatitig si Yanna sa ceiling. Ramdam niya ang lungkot sa pag-alis ni Nate, wala ng nangungulit sa kanya pag-uwi. Wala na ring maingay habang naglalaro o nanonood. The whole house is quiet and... sad.Sa sobrang katahimikan ng bahay ay napaigtad si Yanna sa gulat nang mag-ring ang phone nit
"WAG MONG IDAMAY si Kristoff sa usapan natin, David. Kung ano man ang kailangan mong sabihin, sabihin mo na. 'Wag mo ng pahabain pa ito."Matagal bago sumagot si David. Nag-iwas ito ng tingin kay Yanna at lumunok ng ilang beses bago magsalita."Lahat ng nangyari noon, lahat ng hindi ko alam, at lahat ng alam ko na kasinungalingan... pwede mo bang sabihin sa akin lahat? I will listen. I will try to understand."Kumurap-kurap si Yanna at tumingin sa itaas upang mapawi ang mga luhang namumuo sa mga mata niya pagkatapos ay malamig na tinignan ang lalaki. Nakakuyom ang isang kamay niya sa suot na blouse habang pilit kinakalma ang sarili."Too late." Inikot niya ang dila sa loob ng kanyang bibig at pagkatapos ay nagbuga ng malalim na hininga. "Matagal ng tapos lahat 'yan, David. At matagal ko na ring binaon sa limot lahat.""Kaya nga ako nandito ngayon. I want to listen and know everything--""Gago. Gago ka talaga, eh noh? Nagpunta ka rito para sabihin iyan? Ano'ng karapatan mong tanungin s
TATLONG ARAW NG HINDI nagpupunta ng opisina si Yanna mula noong araw na nagtalo sila ni David. Hindi niya sinabi sa kahit na sino ang nangyari at wala na rin namang nagtangkang magtanong pa sa mga staff niyang nakasaksi sa pagpunta ni David doon.Isang ordinaryong umaga lang ang araw na ito kay Yanna. Nakapag-grocery na siya kahapon kaya naman balak niya nalang magluto ngayong araw habang naka-open ang laptop niya in case na kailanganin siya ng mga empleyado niya.Ngunit isang text ang nagpabago sa plano niyang gawin.Nakatanggap siya ng tawag mula kay Elizabeth Smith. Hindi na niya kailangan hulaan ang numero dahil naka-save na ang mga number nila sa phone niya. Nagyayaya ito na mag-lunch at para makapag-usap sila. Wala masyadong laman ang mensahe kaya sinagot na lamang niya iyon ng 'okay'.Simpleng mint green midi dress lang ang sinuot niya. Ayaw niya naman maging masyadong pormal o masyadong ordinaryo sa pagharap sa pamilyang iyon. Kinakabahan siya at naisip niyang tawagin si Krist
"KUMUSTA KA NAMAN, HIJA?" tanong ni Elizabeth Smith sa kalagitnaan ng pagkain nila. "Sobrang nabibilib kami sa ginawa mong pagtatayo ng ganitong klase ng restaurant."Pilit ang ngiti na sinagot ni Yanna ang tanong na iyon."Ayos lang naman po. I should do great in my second life," aniya na may bahagyang patama sa kanila.Bumakas ang lungkot sa mata ng ginang at humigpit ang hawak ni Yanna sa tinidor. Mas lalo siyang kinabahan nang mahuli si Wilson Smith na matamang pinapanood ang bawat galaw niya.Lumunok siya ng isang beses bago ngumiti sa matandang lalaki."So, pwede ba naming malaman kung saan at paano kayo nagkakilala ni Kristoff?" sabi ulit ng babae.Gusto na niyang umalis at nasusuka na siya sa paraan ng pagkausap nito sa kanya. Mas gusto niya pa na galit ito kaysa nagbabait-baitan."Ahh, sorry, hindi po ako komportableng pag-usapan. But Kristoff helped me a lot in building my business. Doon kami naging malapit sa isa't isa talaga..."Tumango-tango ang ginang at pinuna ang suot
WALA SA TAMANG HUWISYO si Yanna kinabukasan. Mugto ang mga mata niya at halatang hindi nakatulog.Lumabas ito ng kwarto at naabutan si Kristoff na naghahanda ng agahan. Napangiti ang dalaga bago tuluyang lumapit sa lalaki. "Good morning," magaan at tila nananantiyang sabi ni Kristoff habang nagtitimpla ng kape.Umupo si Yanna at tinanggap ang binigay ni Kristoff na kape sa kanya. Ang mabangong aroma ng kape ay tila nagpagaan kahit papaano ng nararamdaman niya. "May trabaho ka ba ngayon? Sorry," nahihiyang sabi ni Yanna. "Seriously, kaya ko naman, Kristoff. Kung may lakad ka or may meeting, you can go. Hindi ako lalabas ng bahay ngayong araw.""Yanna, fiance mo ako. Bukod doon magkaibigan tayo, we're partners. To hell with other things, I'm staying here with you, alright?"Ngumuso ang babae bago nagpakawala ng maikling ngiti. Pagkatapos ay napatitig siya sa lalaking nasa harapan. Umupo naman si Kristoff sa katapat na upuan ni Yanna."Alam mo, akala ko ayos na ako, na kaya ko na silan
MAGKAHAWAK-KAMAY sina Kristoff at Yanna habang naglalakad sa dalampasigan. Nakasuot ng puting mahabang dress si Yanna at naka-shirt at shorts naman si Kristoff. Hindi maaraw pero hindi rin naman makulimlim. Isang magandang araw para maglakad-lakad at magpahangin."Alam mo, isa sa pinaka-na-miss ko dito ang dagat... it feels different here than abroad," pahayag ni Yanna.Huminto sila sa paglakad at naupo sa magkatabing sun-lounger. Napangiti si Kristoff nang may maalala."Alam mo, ganyang-ganyan din reaksyon ni Nate noong sinama ko siya sa dagat. Akala mo first time makakita ng dagat, eh.""I told you, beaches here is really different. May kakaibang ambiance siya..."Kristoff chuckled. "Alam ko na ngayon."Ngumuso si Yanna. "Puro ka kasi trabaho, dalasan mo nga ang pamamasyal.""I already travelled most of the countries in the world, Yanna...""Wow? Yabang yarn?"Napahalakhak ang lalaki. "I grew up moving from one place to the other."Nagkibit ng balikat ang babae. Sa isip niya ay na
MARAHAS NA BINUKSAN NI FIONA ang pintuan ng hospital room ni Hiraya. Wala siya sa mood at mas lalo siyang naiinis dahil sa halip na makuha ang atensyon ni David ay parang lalo pang lumalayo ang loob sa kanya ng lalaki. "A-anong nangyayari?" ang kabadong boses ni Hiraya ang nagpaalam kay Fiona na hindi lang si Hiraya ang tao roon. Agad siyang lumingon sa right side kung saan nandoon ang maliit na sofa para sa mga bisita. May babaeng nakayuko at nakahawak sa kanyang ulo. Nakatabing ang may kakapalang buhok at hindi agad nakilala no Fiona. "Who's that?" maarteng tanong ng babae at humakbang palapit sa dalawa. Nang makilala kung sino iyon ay napahinto si Fiona. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, hindi niya rin alam kung ano ba ang ginagawa ni Yanna sa lugar na iyon. May panghuhusga sa mga mata na tumingin siya kay Hiraya pero wala sa kanya ang atensyon ng babae. Nag-aalala ito kay Yanna at tila walang naririnig. Fiona's chest tightened. Pakiramdam niya ay tuluyang inaagaw
"HI, MOMMY!!" Naiiyak si Yanna habang nakatingin sa tablet niya. Ka-video call nito ngayon ang anak na si Nate, nakasuot pa ng uniform ang bata at kagagaling lang sa school.Nagi-guilty siya na hindi niya nakakasama ang anak."Hi, baby," aniya at pasimpleng pinunasan ang nangingilid na mga luha sa kanyang mata. "Kumusta ang school?""Okay naman po. Nag-play kami ng ball kanina. And tomorrow, may school program kami. Pwede magsama ng guardian, sasamahan daw ako ni Tito Paulo."Siya dapat ang gumagawa no'n at hindi si Paulo. Sa mga oras na iyon ay gusto nalang niyang mag-book ng flight patungo sa anak. But she needs to do this. She needs to clean her name.Dahil doon ay naglakas-loob siyang alamin kung nasaan si Hiraya. Unang beses niyang makikita ang babae, sa kanyang pagkakaalam. Dahil ang mga nauna nilang pagkikita ay hindi na niya maalala.Nang malaman kung nasaan ang babae ay hindi na siya nagsabi sa kahit na sino, maging kay Kristoff. Alam niyang pipigilan siya nito at idadahila
UMINIT ANG PUSO NI YANNA nang mabasa ang e-mail na kaka-send lang ngayong umaga. Nasa restaurant siya ngayon at nag-aayos ng mga records ng sales nila habang nagre-reply na rin sa ibang e-mails. Pero ang pumukaw ng atensyon niya ay ang mag-message sa kanya ang isang sikat na hotel and resort owner. Mag-o-open ito ng branch sa Cebu, nakahanda na ang lahat, at gusto nila na ang restaurant niya ang mag-cater dahil gusto nila ang mga menu niya. It's a big project for Yanna. At malaking bagay rin iyon para sa team niya sa manila."Aahhh, hindi ako makapaniwala. Talaga po bang special request nila na tayo ang mag-cater doon?" tanong ni Myla, isa sa mga chef niya."Juskooo! Mga milyonaryo ang mga bisita roon," kinikilig na sabi ni Kendra."Malandi ka, lalaki na naman nasa isip mo," sabi ng isa pa.Masayang nakitawa si Yanna sa mga sinasabi nila. The meeting isn't dull. Bagaman wala siyang maalala na nakausap niya na ang mga ito dahil ang naaalala niya lang ay umuwi sila rito ni Kristoff pa
HINDI MAPIGILAN NI DAVID ang ngiti habang nasa passenger seat ng sasakyan niya si Yanna. Habang ang babae naman ay nakabusangot at halatang nakaupo lang doon dahil wala siyang choice. "Music?" tanong ni David para hindi sobrang awkward sa loob ng sasakyan. Hindi umimik si Yanna at sa halip ay pinokus ang atensyon sa cellphone nito. Pasimpleng sinilip ni David iyon at nakitang pa-lowbatt na ang babae. "Gusto mo ng charger?" Lumingon sa kanya si Yanna na may tingin na parang gusto na siyang sakalin. "Alright, pauwi ka na rin naman," ani David na siya na ang sumagot sa sarili niyang tanong. Hindi na ulit siya umimik pagkatapos no'n dahil baka mabwisit pa lalo sa kanya. Sa halip ang ginawa niya ay binagalan niya ang mag-drive. Every minute counts for him right now. Hindi niya alam kung mauulit pa ba ang pagkakataon na ito at kung kailan pa ba ulit mangyayari iyon. For now, he's happy to be in the same place with her. At ang maihatid ito ng maayos sa bahay nito. "Ganito k
NAKALABAS NA SI YANNA mula sa hospital. Maayos na ang lagay nito pero katulad noong nagising ito ay hindi pa rin niya naaalala ang mga huling nangyari sa kanya. Ngayon ay nakatanaw si David kay Yanna at Kristoff. Masaya ang dalawa na kumakain sa park, nagkwekwentuhan at halatang komportable sa isa't isa. Kristoff took care of Yanna, katulad ng ipinangako nito kay David. Pero hindi niya iyon gusto. He wants to be the one to take care of her. Pero pinagbigyan niya ang gusto ni Paulo na 'wag na munang biglain si Yanna. Pero hanggang kailan niya ba kakayanin iyon? "Bumalik na siya kung saan siya nanggaling." Napalingon si David nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. It's Fiona. Nakasuot ito ng dress at sunglasses. "Ano'ng ginagawa mo rito?" iritadong sabi ni David. Malinaw na sa kanila na aksidente ang nangyari pero sa isipan ni David ay may kasalanan pa rin doon si Fiona. Ayaw magsabi nito at si Yanna naman ay hindi makaalala kaya hindi nila alam kung ano nga ba ang n
NANGHINA SI FIONA nang makita ang video mula kay David. CCTV iyon sa labas ng hospital kung saan pumasok si Fiona at ilang segundo lang ay pumasok din si Yanna. Pagkatapos ay nakitang lumabas si Yanna, galit, umiiyak, at nagmamadali.Napanganga siya at nanginig ang buong katawan. Ang mga salitang sinabi niya noon kay Hiraya habang galit siya... ibig sabihin ay narinig iyon lahat ni Yanna?"What?" malakas na sabi ni David. "Sabihin mo ngayon na wala kang kinalaman dito."Umiling si Fiona at kita ang kaba sa mukha nito. Yanna probably knew by now."H-hindi ko alam, hindi kami nagkita--""Oh, shut up!" putol ni David. "Alam naman nating lahat na ikaw lang ang gumagawa ng mga ganitong palabas. Now what? Ano na naman ang sinabi mong paninira?"Tumingin siya kay Brent, nanghihingi ng tulong."K-kuya, I... I didn't. Hindi talaga kami nagkita ni Yanna." Humarap siya kay David. "P-pwede niyong tanungin si Hiraya. Nasa loob ako ng hospital room niya nang mga oras na iyan at hindi ko nakita si Y
"Y-YANNA, may narinig ka ba bago ka maaksidente?" Kumuyom ang kamao ni Paulo. "Dapat talaga hindi ka na nagtiwala ulit diyan sa David na iyan, siya na naman ba ang dahilan kung bakit nangyari ito?" Kumunot ang noo ni Yanna sa mga salita ni Paulo. "Na naman?" nagtataka niyang tanong. "Hindi na ako magtitiwala talaga ulit doon sa taong iyon, Kuya. Remember everything he did? Pinabugbog niya pa nga ako sa kulungan hindi ba? That jerk." Napaatras si Paulo at tila nawalan ng lakas. Lumakas ang kabog sa dibdib niya at may kabang namumuo roon. Nanginginig ang mga labi nito bago muling nagsalita. "H-hindi ba at tapos na kayo sa isyu na iyan? Akala ko ba--" Umiling si Yanna. "Kahit pa matagal na iyon ay ginawa niya pa rin iyon. Bakit niyo pa ba pinapunta ang lalaki na iyon dito? Akala ko ba lahat tayo ay galit sa kanya?" Napahawak sa bibig si Paulo at nanlalaki ang mga mata nang magkaroon ng ideya sa nangyayari. Tumingin siya sa doctor na tahimik lang na nakikinig sa kanilang magkapatid.
DAHAN-DAHANG nagmulat ng mata si Yanna, nagtataka nitong tiningnan ang paligid na halos nagkakagulo sa paggising niya. Bumaba ang tingin niya sa mga nakatusok sa kanyang kamay at agad napagtanto na nasa hospital siya. "Oh my God," tila nakahinga nang maluwag na bulalas ni Paulo at agad dumalo kay Yanna. "Pinag-alala mo kami ng sobra. May masakit ba sa'yo?" Umingit siya at pinakiramdaman ang sarili. "Nanghihina lang pero wala namang masakit. Wait, what happened?" Lumapit si Kristoff sa kanya, kita rin ang pag-aalala sa mukha ng lalaki. "Car accident," sagot nito. "Sigurado ka walang masakit sa iyo?" Sa halip na sagutin iyon ay agad niyang hinanap ang anak. "Nasaan si Nate? Sinong kasama niya?" "Don't worry, nasa parents siya ni Kristoff. Hindi ko na muna sinabi ang aksidente dahil baka magwala ang bata, bawal din naman siya rito." Nakahinga nang maluwag si Yanna, ayaw niya rin sabihin sa anak ang sitwasyon. 'Car accident'? Bakit hindi niya maalala ang nangyari? Pareh
"Sir..." Tumingin si David sa assistant niya at nagtaka sa expression na pinapakita nito. "Bakit? May nangyari ba? You can go if it's an emergency. Wala naman na masyadong gagawin," sabi nito. "Uhh..." Huminga nang malalim ang lalaki bago lumapit at unti-unting hinarap ang tablet na hawak kay David. "What's that?" tanong ni David bago tiningnan ang nakalagay sa tablet. Article iyon ng isang sikat at reliable na pahayagan. May aksidente raw na naganap sa hindi kalayuan sa isang hospital. The victim is a woman in her late twenties. "Uso talaga aksidente sa bandang iyan," sabi ni David. "Sir..." muling tawag ng assistant niya. "Tingin ko ay kailangan niyo pong basahin ang pangalan ng biktima." Kumunot ang noo ni David bago sinunod ang sinabi nito. Nanlamig ang buong katawan niya sa nabasa. Hindi siya agad nakakilos na para bang nasemento na siya sa kinauupuan. At nang lumipas ang dalawang minuto ay nagmamadali niyang kinuha ang susi ng sasakyan at tumakbo palabas ng o