WALA SA TAMANG HUWISYO si Yanna kinabukasan. Mugto ang mga mata niya at halatang hindi nakatulog.Lumabas ito ng kwarto at naabutan si Kristoff na naghahanda ng agahan. Napangiti ang dalaga bago tuluyang lumapit sa lalaki. "Good morning," magaan at tila nananantiyang sabi ni Kristoff habang nagtitimpla ng kape.Umupo si Yanna at tinanggap ang binigay ni Kristoff na kape sa kanya. Ang mabangong aroma ng kape ay tila nagpagaan kahit papaano ng nararamdaman niya. "May trabaho ka ba ngayon? Sorry," nahihiyang sabi ni Yanna. "Seriously, kaya ko naman, Kristoff. Kung may lakad ka or may meeting, you can go. Hindi ako lalabas ng bahay ngayong araw.""Yanna, fiance mo ako. Bukod doon magkaibigan tayo, we're partners. To hell with other things, I'm staying here with you, alright?"Ngumuso ang babae bago nagpakawala ng maikling ngiti. Pagkatapos ay napatitig siya sa lalaking nasa harapan. Umupo naman si Kristoff sa katapat na upuan ni Yanna."Alam mo, akala ko ayos na ako, na kaya ko na silan
MAGKAHAWAK-KAMAY sina Kristoff at Yanna habang naglalakad sa dalampasigan. Nakasuot ng puting mahabang dress si Yanna at naka-shirt at shorts naman si Kristoff. Hindi maaraw pero hindi rin naman makulimlim. Isang magandang araw para maglakad-lakad at magpahangin."Alam mo, isa sa pinaka-na-miss ko dito ang dagat... it feels different here than abroad," pahayag ni Yanna.Huminto sila sa paglakad at naupo sa magkatabing sun-lounger. Napangiti si Kristoff nang may maalala."Alam mo, ganyang-ganyan din reaksyon ni Nate noong sinama ko siya sa dagat. Akala mo first time makakita ng dagat, eh.""I told you, beaches here is really different. May kakaibang ambiance siya..."Kristoff chuckled. "Alam ko na ngayon."Ngumuso si Yanna. "Puro ka kasi trabaho, dalasan mo nga ang pamamasyal.""I already travelled most of the countries in the world, Yanna...""Wow? Yabang yarn?"Napahalakhak ang lalaki. "I grew up moving from one place to the other."Nagkibit ng balikat ang babae. Sa isip niya ay na
"SIGURADO KA DITO KA MUNA?" tanong ni Kristoff kay Yanna."Yup. Magpapahangin lang muna ako rito," sabi ng babae. "Sa'n tayo magdi-dinner? Doon nalang tayo magkita?""Sure, sure. I'll call you."Kumakaway na nagpaalam si Yanna kay Kristoff. May meeting kasi ang lalaki online at kailangan nito mag-stay sa kwarto ng ilang oras. Wala namang gagawin si Yanna roon kaya nagpaiwan nalang siya sa may maliit na cottage-style na tambayan.Inayos niya ang see-through na dress dahil medyo gusot iyon at niyakap ang sarili dahil sa malamig na hanging bumalot sa kanyang katawan.Malakas ang tibok ng puso niya dahil sa kaba. Hindi niya sigurado kung namamalik-mata ba siya o talagang nakita niya si David kani-kanina lang.Pumikit siya ng mariin at napalunok ng ilang beses. Pagkatapos ay tumayo na siya at nagpasya na bumili na lamang ng orange juice para may mainom siya habang tumatambay roon.Papalayo na sana siya nang biglang may humatak sa kamay niya at napabalik siyang muli sa cottage. Dumagundong
NAKAPALUMBABA SI YANNA sa mesa habang nakatingin kay Kristoff na ngayon ay nag-aayos na ng mga gamit dahil katatapos lang ng meeting niya.Sa halip na hintayin si Kristoff sa labas ay pumasok na lang din muna siya sa hotel at hinintay matapos ang meeting nito. Nagtataka man ay hinayaan nalang din siya ng lalaki roon."Na-bored ka sa labas?" tanong nito nang tuluyang matapos ang meeting. "Are you hungry? Kain na tayo?"Ngumuso siya. "Mag-order nalang tayo ng food.""Huh? Ayaw mong lumabas? Akala ko gusto mo mag-dinner sa open area para mahangin?" nagtatakang tanong ng lalaki at agad napalitan ng pag-aalala. "May nangyari ba habang wala ako, Yanna?"Lumunok ang babae at ang mga kamay ay kusang kumuyom nang pumasok na naman sa isipan ang mga nangyari kanina. As usual ay si David na naman ang dahilan ng pagkulo ng dugo niya. Mula noong una siyang dumating sa Pinas hanggang ngayon ay hindi siya tinitigilan ng lalaki.May mga sandaling naiisip niyang magpatawad. May mga minuto na gusto niya
BUMALIK SA ISIPAN niya ang nangyari noong araw na iyon nang may unknown number na tumawag sa cellphone niya.Eight years ago...Kapapasok lamang ni Brianna sa kwarto niya at kakatapos lang nila kumain sa labas na pamilya. Masaya siya at nakangiti pa habang bitbit ang ilang paperbags na pinamili nila ng mommy niya.Ibinaba niya lahat ng iyon sa isang gilid bago nagtungo sa damitan upang kumuha ng pamalit at nag-shower.Paglabas niya ng CR ay nag-ring ang cellphone niya. Agad niya iyong tiningnan. Hindi siya sumasagot ng unknown number at lagi rin namang bilin sa kanya iyon ng mga magulang lalo na at isa silang mayamang pamilya, talamak ang mga manloloko sa paligid.Gayunpaman ay pinag-iisipan niyang sagutin ang tawag dahil naalala niya na may pina-customize siyang relo para kay David, ibibigay niya iyon sa kaarawan ng lalaki. Ibinigay niya ang number at email niya doon sa pinagbilhan niya ng relo at inaasahan ang tawag nito ngayon o bukas.Kaya naman sinagot niya ang tawag sa pag-aakal
PAALIS NA SIYANG muli nang magsalita si David. Humigpit ang hawak niya sa strap ng bag na dala-dala."Nasa hospital siya. She's sick. Wala na rin siyang ibang pamilya at ang mga malalayong kamag-anak naman ay ayaw rin siyang tulungan dahil natatakot sila sa kanya dahil galing siya sa kulungan..."Nalaglag ang panga niya sa pagkabigla. Napahawak siya sa dibdib nang sandali itong nanikip at nahirapan siyang huminga."Prison must be hell to her, then," nanginginig na sabi niya. "Tinutulungan siya ni Fiona ngayon, siya ang nagbabayad ng hospital bills niya. Fiona thinks she still owes that person, that's why," tuloy-tuloy na sabi ni David.Hindi umimik si Yanna at napaatras nang humakbang ng isang beses palapit si David sa kanya.Napaigtad siya nang hawakan ng lalaki ang kamay niya at sisigawan na sana siya nito kung hindi lang niya naramdaman na may inilagay ang lalaking papel sa palad niya."Alam ko galit ka at hindi ko rin alam kung paano ako hihingi ng tawad sa lahat. But I will try
SA PAGKAKAALAM ni Yanna ay galit si Fiona kay Hiraya Cruz, ang biological mother ni Yanna na nakulong ng ilang taon dahil napag-alaman na pinagpalit nito ang anak sa anak ng mga Smith para magkaroon ng marangyang buhay.Nakatitig siya ngayon sa harap ng tablet niya sa kusina ng tinutuluyang condo. Sinulat niya ang nangyari ngayong araw, na nakita niya si Fiona na lumabas mismo sa hospital room ni Hiraya. Napuno ng pagtataka ang isip niya.Nasa ganoon siyang posisyon nang pumasok ni Kristoff. Lumapit ito sa kanya at humalik sa ulo nito bago naupo sa tabi niya."What happened? Hindi kayo nakapag-usap?" tanong ni Kristoff.Sinadya niyang hindi magkwento sa text dahil gusto niyang personal na sabihin dito ang nasaksihan.Tinuro niya ang nakasulat na sa tablet niya at nakabilog pa ng kulay pula."Lumabas si Fiona sa kwarto ni Hiraya," basa ni Yanna sa sariling sulat at kinagat ang hinlalaki sa kamay habang nag-iisip. "Something is really weird.""What? May kasama ba siya?" tanong ni Kristo
NAPATAYO SI KRISTOFF nang makita na si Yanna ang pumasok sa opisina niya. Pabiro niyang pinaningkitan ng mata ang dalaga bago ngumiti at kinuha ang dala nito na lunch box."Na-bo-bored na ako sa condo," natatawang kwento ng babae. "Baka magkikita kami ni Kuya Paulo mamaya, nakarating na raw siya kagabi."Sumulyap si Kristoff sa vintage wall clock na nasa opisina niya. Pagkatapos ay iminuwestra niya ang upuan para maupo si Yanna na agad namang ginawa ng babae."Actually, dadaan siya rito mamaya. After lunch ang sabi niya," saad ni Kristoff na ang tinutukoy ay si Paulo.Hindi inaasahan ni Kristoff na magiging sobrang close nila ni Paulo. Siguro dahil na rin sa dami ng nangyari. Paulo became one of his closest friends, kung tutuusin ay pwede na nga niyang sabihin na si Paulo nga ang best friend niya.Binuksan ni Kristoff ang lunch box at napangiti nang manuot sa ilong niya ang amoy ng bagong luto na tinola."Dumaan lang talaga ako pata ihatid iyan," sabi ni Yanna na tila nagpapaalam na.