Gulat na gulat si David nang makita ang kapatid niyang si Kristoff kasama ang babaeng inakala niyang patay na. All those years of nightmares and heartaches... lahat pala iyon ay hindi totoo?Sinisi niya ang sarili sa pagkamatay ng babae na hindi naman pala namatay. Unless it's ghost that he's seeing but he's sure as hell that it's not.Gusto niyang sumabog nang makita kung gaano kasaya ang dalawa sa isa't isa. Gusto niyang sumugod at suntukin ang kapatid. Gusto niyang kunin ang babae at tanungin kung bakit nagpanggap itong patay. Gusto niyang sumigaw sa galit. Pero hindi pwede. His parents are there. Their business partners are all present at the party. And most of all...His fiance, Fiona, is just right beside him.Samantala, napaliligiran naman si Kristoff at Yanna nang maraming mga tao. Halos lahat ay nakikipag-agawan sa atensyon at oras nila. Lahat ng naroon ay alam na si Brianna Smith ang kasama ni Kristoff. Hindi naman nagbago ang mukha nito maliban sa ayos at istilo nito ngayon
BAHAGYANG nanigas siya sa kinatatayuan nang makita sa muling pagkakataon ang dating pamilya. Hinawakan ni Kristoff ang kamay ni Yanna upang ipaalam na ayos lang at nandoon lamang ang lalaki sa tabi niya.Yanna faked a smile."Good evening," bati ni Yanna sa mga dumating. Titig na titig sa kanya ang bawat myembro ng pamilyang iyon. Wala halos makapagsalita upang batiin siya pabalik maliban kay Wilson Smith na nag-abot pa ng kamay bilang pagbati."Good evening."Tinanggap ni Yanna ang kamay na iyon at agad ding bumitaw. Ayaw niyang malaman nito na nanlalamig siya sa kaba sa mga oras na iyon."Well, hello there, Wilson and Elizabeth," bati ni Diana Walton. "This is my son and his fiance, Yanna Reynolds."Alam ng pamilyang Walton ang nangyari sa pagitan ng mga Smith at ni Yanna. Nakapagpaliwanag na rin sina Kristoff sa kung ano ang totoo. The Waltons listened and trusted her. Bagay na ikinagulat ni Yanna dahil kung sino pa ang hindi niya lubusang kilala, iyon pa ang magtitiwala ng lubos
"SIGURADO ka? I'll just send you home," sabi ni Kristoff nang magpaalam na si Yanna upang umuwi.Pagod na rin kasi siya at may lakad pa ito ng maaga bukas."Hindi na, kailangan ka nila rito," kalmadong sabi ni Yanna. "Magpapahatid nalang ako sa driver mo."Kristoff nodded. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at may tinawagan. Pagkatapos ay muli siyang bumaling kay Yanna."He's waiting outside already. Ihahatid na muna kita."Umiling-iling si Yanna at tinignan ang paligid. Punong-puno ng mga bisita at mga matataas na tao ang lugar. Alam niya rin kung gaano kahalaga kay Kristoff na mapunta rito ngayon kaya naman ayaw na niyang gambalain pa ang lalaki."Ilang hakbang lang naman iyon, ano ka ba. Stay here and do your thing, hmm?"Wala na ring nagawa si Kristoff kung hindi ang huminga nang malalim. He kissed her head before letting her go."Text me when you reached home."Ngumiti si Yanna bago tumalikod at naglakad palabas ng hall. Habang palayo siya nang palayo ay bumibigat ang pakiramdam
"BAKIT ka nagkunwaring patay na?"Bumuka ng bahagya ang labi ni Yanna nang marinig ang tanong na hindi niya inaasahang itatanong ni David. Ngumisi ang babae nang maka-move on sa panandaliang pagkakagulat."I did not. You just assumed that I am."Umigting ang panga ni David."Nandoon ka sa loob ng bahay. It was locked. Ang sabi may sumabog sa loob dahilan kaya nagkasunog...""You mean you locked me in that house, David." Malamig ang mga matang tinitigan ni Yanna ang lalaki. Those words and her tone sent shivers down his spine. Nanlamig ang buong katawan ni David. Tinitigan niyang mabuti ang mukha ni Yanna. "You've changed a lot," sambit nito. "But you're still the Brianna we know. Kahit anong gawin mo."Umirap si Yanna at tinulak nang bahagya si David."Iyan lang ba ang sasabihin mo?""Why Kristoff? Bakit sa dinami-dami ng lalaki, kapatid ko pa? Are you fvcking kidding with me?"Malamig at sarkastikong ngiti ang kumawala sa labi ni Yanna. Sumandal ito sa pader at patuyang tinignan s
NANGHIHINA siya habang nasa sasakyan. Hindi akalain ni Yanna na ganoong klase ang magiging unang pag-uusap nila ni David.Pag-uwi ay sumalubong sa kanya ang anak na si Nate at sa sandaling iyon ay napawi lahat ng nangyari kanina. Lahat ng pagod at sakit na muling nanumbalik."Mommy!" tawag ng anak at patakbong nagtungo sa kanya. "Hinihintay kita, sabi ni Tito Kristoff kanina pauwi ka na raw."Umupo si Yanna sa sofa ng tinutuluyang condo at tinawag ang anak na umupo rin sa tabi niya. Tinitigan niyang mabuti ang bata. Nate looks like the boy version of him. Only with a fiercer aura."Gabi na. Kumain ka na?""Nandito si Tito Pau kanina kaya nagluto siya." Nagsalubong ng bahagya ang kilay ng bata. "Are you tired, mommy?"Ngumuso ang babae bago ngumiti at niyakap ang anak."Hmm... pa-recharge nga muna si mommy."Napapikit si Yanna nang yumakap pabalik si Nate sa kanya. Hindi nagbabago ang isip niya. The only thing that worth it for everything that happened is that she has her Nate now. Sa
"YAY!! Pupunta kami ni Tito Kristoff sa beach, Mommy?"Agad nawala ang antok ni Nate nang ibalita ni Yanna ang sandaling bakasyon nito kasama si Kristoff. Sobrang close ng anak niya kay Kristoff, aside from Pau, the man really stood as Nate's father. Ang alam ng iba ay siya talaga ang ama dahil sa tagal at dalas nilang magkasama ay may mga pagkakataong nagagaya na ni Nate ang ilang bagay tungkol kay Kristoff."Yes, baby. Babalik kayo bukas kaya mag-behave ka doon, ha?"Malambing na yumakap sa kanya ang anak."Bakit hindi ka po sasama?"Pagkatanggal niya sa pagkakayakap ni Nate ay hinawakan niya ang pisngi ng batang lalaki."Babawi si mommy, hmm? May mga kailangan lang akong gawin," sagot niya.Malawak na ngiti ang pinakawalan ng pitong-taong gulang niyang anak. He's turning eight in a few months, and that thought saddens Yanna."Ang laki-laki mo na, bakit ang bilis naman lumaki ng baby boy ko?" sambit niya sa anak na dapat ay sa isip niya lamang.Nate cutely giggled. "Big boy na ako,
"WHAT the hell are you doing? Nauna ako rito!" paghihisterya ni Fiona.Mas lalong lumaki ang ngisi ni Yanna. Alam niya na ayaw magpatalo ni Fiona lalo kung siya ang kalaban. And taking the bag means a defeat on her side. Tiyak niyang magagalit nga talaga ang babae.Too bad, pagkakita niya palang ay gusto niya na talaga ang bag na iyon."Sorry po, Ma'am, nauna kasi si Ma'am na nagsabing kukunin niya na," sabi ng saleslady na naka-assign kay Yanna."You b*tch!" pasigaw na sabi ni Fiona habang matalim ang tingin sa kanya. Naglakad ito palapit at huminto sa harap niya. "What? Ngayon sinusundan mo ako? Ano'ng kailangan mo sa akin, ha?"Napahalakhak siya nang makita ang sari-saring emosyon sa mukha ni Fiona. Luminga-linga siya sa paligid at bahagyang nahiya sa dami ng atensyon na nasa kanila. Samantalang wala namang pakielam si Fiona, basta ay galit lamang ito na nakatitig sa kanya."Chill, Miss. Dahil lang sa bag nagkakaganyan ka?" mapang-asar na sabi ni Yanna at inilapit ang mukha sa kay
NAKAHARAP sa laptop si Yanna at kasalukuyang nag-iisip ng detalye para sa balak niyang pagbubukas ng panibagong branch ng restaurant niyang The N.R. Cusine sa Cebu nang bigla nalang bumukas ang pintuan ng opisina niya.Nag-angat siya ng tingin at napataas ng kilay nang makita kung sino ang nangahas magbukas no'n nang hindi man lang kumakatok.And she's right.Tama ang kutob niya. Nagtaas siya ng kilay nang magtama ang mga mata nila ni David."Yes? I believe I have no appointment with you, Mr. Walton," pormal na sabi niya bago sinara ang laptop at hinarap ang lalaki. "Ano'ng nagpapunta sa iyo ng ganito kaaga sa opisina ko?"Lumingon si David sa likuran at sinara ang pintuan bago naglakad palapit kay Yanna."Really? Embarassing my fiance in front of many people?" Nagngingitngit ang ngipin na sabi nito. "Oh, so tungkol pala ito sa nangyari kahapon...""Answer me, Bria-- Yanna, umuwi ka ba talaga at bumalik para sirain kami? Are you here for revenge?"Walang emosyong tinitigan ni Yanna s