Gumaan ang loob ko sa naging pag-uusap namin ni Kio tungkol sa nangyari nang gabing 'yon. Nabawasan ang mga tanong sa isipan ko pati ang galit sa ginawa ni Elijah. I will still give him a chance to explain himself, pero iyon ay kung pagbalik niya ay may balak talaga siya na magpaliwanag sa ginawa niya.I may be young, but I understand how I feel about him and I am ready to face the consequences of my actions. Alam ko ang ginawa ko na pagtugon sa halik ni Elijah at alam ko rin ang iisipin ng mga nakarinig nang malaman ng mga ito na naghalikan kaming dalawa. Pwede na may iba na nakarinig at makarating sa lolo at papa pero wala akong naging takot sa isipin na 'yon. Sa tatlong araw ay mas nanaig ang inis ko dahil sa ginawa ni Elijah."Pristine, let's go?"Esther tapped my shoulder. Hindi ko namalayan na kami na lang tatlo pati si Sebastian ang natitira sa loob ng classroom at nakalabas na ang lahat. It's 11:30 am, maaga ang lunch break namin kaya nag-usap kami kanina na sa field manatili
ElijahI lay in the hammock in the back garden, staring up at the night sky, replaying everything that happened. My breath was heavy, and a weight on my chest made it hard for me to breathe. "Aahh. damn."The cold night wind did nothing to calm my nerves. "D-Do you like me, Elijah?"I smirked and covered my eyes with my hand. That scorching sensation every time I recall Pristine's face asking if I like her makes me feel like I'm burning from the inside out. It's been almost two days and I can't forget every details of what happened in her room, how she asked me softly if I like her.Halos dalawang araw na rin niya akong iniiwasan at hindi pinapansin. It... stings. Actually. Hindi ako sanay. How her beautiful eyes looked away. I was used to seeing her approach me with a smile and calling me with excitement. "Elijah...""Eli!" Damn. What is this feeling? Am I... missing her? Is it possible to miss someone even if you see them everyday?Pakiramdam ko sa nakalipas na dalawang araw ay
Just when my patience was about to run out after nearly two days of Pristine ignoring me, here she is now, standing close beside me. I can still hear her catching her breath, naramdaman ko rin ang paglapit pa niya sa gilid ko. I pretended to be sleeping, waiting for her to speak, but she remained silent. Hindi ba niya ako gigisingin? Ganoon ang ginagawa niya kapag pinupuntahan niya ako dito. What took her so long to try and wake me?But then I felt her move closer, and the strands of her hair fell on my neck, making me swallow.Her face... it's near.And because I couldn't wait any longer, I speak. "You shouldn't be running like that, princess. You're still out of breath. I can still hear you gasping for air."Pagkadila ng mga mata ko ay nakita ko ang gulat sa mukha niya. I heard her gasp after. And it was fast when she took a step back and stumbled on her feet. Sht. My reflexes kicked in, and my hand quickly caught her by the waist just as she was about to fall to the ground.Sa par
Ang dalawang linggo na pananatili ko dito sa Karmona ay tatlong araw na lang dahil nagpasunod ako agad ng ibang tauhan nang hindi sinasabi sa mom ang tungkol doon. I was bothered earlier when Kio said Pristine was awake, but I still haven't received a single reply to all of my messages. She's not like this, at alam ko naman na dahil nga hindi niya gusto na umalis ako.At mas napatunayan ko pa 'yon ngayon.I was staring at my phone gripping it tightly when the video call ended after Pristine hung up on me. Here I am, waiting for her reply since this morning after I left the mansion. I sent a lot of messages asking about her, and now I see her on Kio's phone?She's using his cellphone. Damn.Napasapo ako sa noo ko at napasandal sa puno habang nakatingin pa rin sa cellphone ko. I waited for her message, but I still received nothing. Napapikit ako ng mariin at ibinalik na lang 'yon sa bulsa ko."What's with that idiot Kio? Bakit parang close na sila agad?" tanong ko sa sarili ko.I can't
My mother gave me a bone-chilling cold stare as soon as I stepped into her office. Her expression was harsh as she stood with her arms crossed while leaning on her table. She didn't speak, but her eyes said a lot to me. Sa klase ng tingin ay alam ko nang tungkol ito sa akin at kay Pristine, Even though we've already talked about it, and I said no when she asked if I had feelings for Pristine, she hasn't let up on the topic——it's as if she's certain about what she thought. Wala akong balak na magsinungaling sa pagpunta ko dito para lang manatili ako sa mga Vera Esperanza, I knew I couldn't lie to her because she would find out right away if I was lying. Mas mapapalala lang ang sitwasyon ko kung hindi ako magsasabi ng totoo. She's my mother, I know how she thinks. At inaasahan ko nang nasa dulo na rin siya ng pasensiya niya. Her expression tells me."I am deeply disappointed in you, Elijah Clementine."Pagkasabi niya non ay tumalikod siya sa akin, But just as she turned her back to s
Pristine"Sigurado ka, ha? Hindi ka magsisisi kapag umalis ulit iyang si Elijah."I lost count of how many times Kio has been asking me the same question. Pagkatapos ko kasi na sabihin sa kaniya na sumunod siya sa akin ay iyan kaagad ang tinanong niya, at kahit nang sabihin ko sa kaniya na maghintay sandali dahil magpapalit ako ng damit ay naririnig ko na siya kanina na itinanong 'yon sa akin."If he leaves again, then the door is wide open for him."Napangisi siya sa isinagot ko at napakamot sa batok because he's just getting the same answer from me. I was sitting on the sofa while holding the book that Esther lend me. Ipinagpapatuloy ko na muli ang pagbabasa para kahit papaano ay mailayo ko ang atensyon sa kadarating lang na si Elijah. Magsisinungaling lamang ako kapag sinabi ko na talagang wala akong pakialam rito. Actually, his presence bothers me. The moment I saw him standing in the living room, looking at me as if he'd been longing to see me, I wanted to run to him and hug him
"Hindi ako makakapasok sa first subject, Pristine. Masama ang pakiramdam ko, eh."It was a message from Esther. Maaga akong nagising, alas-singko y medya pa lang at 'yon ang una kong nabasa nang tingnan ko ang mga mensahe sa cellphone ko. It was followed by my father's message, saying he had already landed in the country. Papa is coming home today. Ni hindi ko na siya nakumusta dahil sa mga nangyari sa nakalipas na araw. I was so focused on the issue between me and Elijah that I feel guilty for not even calling my papa once."Who's with you, Esther? Kumain ka na at uminom ng gamot."Pagka-type ko ng reply na 'yon ay tumihaya pa ako ng higa. Hindi muna ako bumangon dahil maaga pa naman. Alas-diyes ang pasok namin ngayon at kung ganito na may sakit si Esther, pupuntahan na muna namin siya ni Kio bago dumiretso sa school."Ako lang... ako lang naman mag-isa sa apartment ko. Mamaya siguro. Matutulog muna ako. Pakisabi na lang sa mga professors natin, ha?"Voice message na ang sunod na nat
"Aminin mo, kinilig ka, 'no?"Sinamaan ko ng tingin si Kio. Naglalakad kami ngayon palabas, tapos na kasi ako na mag-almusal. At iyang linya niya na 'yan ay kanina niya pa 'yan sinasabi simula nang lumabas ako ng silid ko. Mahina lang naman 'yong kaming dalawa lang ang makakarinig. Sa aming dalawa ay parang mas siya pa ang kinilig sa bulaklak. Tuloy pakiramdam ko hindi naman siya seryoso doon sa payo niya sa akin na huwag akong maging marupok, na huwag basta bibigay kay Elijah.Parang kulang na lang rin siya ang magsabi na patawarin ko na, eh."Saan mo inilagay ang mga bulaklak? Baka naman ipa-frame mo pa 'yon kapag natuyo, ha? Kung ako 'yon naku, baka ipa-preserve ko pa kasi--""Stop it," nilingon ko siya sandali at pinaningkitan ko pang lalo ng mga mata. Ang lakas rin niya mang-asar. "Naku. Mag-thank you naman sa akin! Dahil 'yan sa pagtitiis mo kaya nage-effort na si boss! Kaso mga ilang percent na lang ba 'yang pagi-ignore mo sa kaniya? Ako kasi alam ko any time bibigay ka na ri
Nakatingin lang ako kay Elijah, at kahit mukhang nagmamadali siya ay hindi naman marahas ang pagkakahila niya sa akin. Tumahimik na rin ako dahil hindi naman niya ako sinagot. At nang makarating kami sa sasakyan niya na nakapark sa gilid ay pinagbuksan niya ako at nauna na akong pumasok sa loob.My lips pouted as I looked outside the window, seeing Kio and Esther heading to their car. At si Eli ay nilingon ko naman nang makasakay na rin. I was watching him, waiting for him to start the engine, but then I noticed his eyes were closed, and his head was resting.Napabuntong-hininga talaga ako habang nakatingin pa rin sa kaniya. Nang hindi ako makatiis ay hinawakan ko ang kamay niya.The silence between us is making us think the wrong things about what we’re feeling.“If this is about the kiss, Elijah, you don’t need permission. You’re always allowed to. You have every right because you’re my man,” I reminded him and my lips pressed together and I took courage to say what’s on my mind nex
“Wala,” walang ngiting sagot ko at nilingon ko na lang ang labas ng bintana. And as soon as I turned my head, I was caught off guard. My lips parted as the city lights gleamed beautifully before my eyes.“W-Wow…”Hindi ko namalayan na nasa tuktok na kami ngayon habang nakasakay sa ferris wheel and that, it suddenly stopped. Mas napagmasdan ko at na-appreciate ko pa lalo kung gaano kaganda ang mga ilaw sa baba. At nang bahagya naman akong tumingin sa itaas ay nailapat ko pa ang isang palad ko sa bintana nang makita naman ang iilang mga bituin. Up in the sky, the stars were starting to show—twinkling softly, as if they, too, were part of this moment.Lilingunin ko na sana non si Elijah para sabihin kung gaano kaganda ang labas nang bigla ay hawakan niya ako sa kamay ko na mismong nakalapat sa bintana.“Why…” I paused, thrown off by the way he was looking at me.“Are you mad at me?” he asked—and that’s when I noticed it. His eyes flickered with unease, like he was searching my face for a
I couldn’t wipe the smile off my face even as the Ferris wheel went higher. Pero hindi na ako tumingin pa ulit sa baba, sa dalawang nagbabangayan pa rin. I shook my head at them. But honestly, just the thought of Esther and Kio being together made me giggle. Napapangiti ako at napapailing. What if nga, ano?Sometimes it’s true that the more you hate, the more you love.“Nakakatuwa talaga silang dalawa.”A few seconds passed by after I recovered from the kilig I was feeling for the two, I looked at Eli in front of me. Medyo nagulat ako ng kaunti sa paraan ng tingin niya. His attention is still focused on me!And the way Elijah was positioned made it seem even more intense, drawing me in without saying a word.His legs were crossed, his elbow resting on his knee. Nakasalumbaba siya habang malalim ang tingin sa akin. Nang magkatitigan kami ng ilang segundo ay sandali akong natigilan. His eyes pull me in, those that once seemed emotionless are now gazing at me intently, filled with warmth
Napapangiti ako pero pinipigil ko. Nang makita ko naman na nilingon ‘yon ni Elijah ay pagbaling sa akin saka siya tumango. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at naglakad na kami palapit sa gate–ay teka, wala pa kaming ticket.“Eli, bibili pa tayo ng–” pero napahinto ako bigla para sabihin na wala nga kaming ticket nang makita ko si Esther at si Kio na pababa ng kahihinto pa lang na ferris wheel.Hala! Sumakay sila?“Pristine!” sigaw ni Esther sa akin at nauna na siyang lumapit. She’s smiling at me, nakasuot siya ng faded jeans at simpleng sky blue na blouse. Nakatali rin ang buhok niya. And Kio, who’s always wearing a bodyguard suit, was now dressed in casual clothes. Naka-faded blue jeans rin ito at sky blue na t-shirt. Para silang naka-couple attire ni Esther! Not to mention they’re both wearing a white sneakers!“Esther…” sambit ko nang yakapin ako ni Esther, napangit ako at hinimas ang likod niya. Si Kio ay dumiretso naman kay Eli at nag-abot ng ticket. At napaawang ang mga labi ko
Mas naramdaman ko na humigpit ang pagkakahawak ni Elijah sa kamay ko, hinila rin niya ako ng mas malapit at sa gilid ng mga mata ko ay pansin ko na napapatingin sa amin ang ibang mga nagdaraan.Sa sagot na ‘yon ni Eli ay mas napagtanto ko lang na tama ako kaya naman umiling agad ako sa kaniya.“I am not thinking that you cannot protect me alone, Eli, hindi ganoon, saka alam kong hindi mo ako pababayaan, masyado lang rin akong nag-iisip pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Alam natin pareho na hindi naman titigil ang lolo, but this time he won’t just take me away from you, m-malakas ang kutob ko na babalikan ka niya o si Ma’am Kamila at ‘yon… ‘yon ang ikinakatakot ko.”Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Sa sandaling ‘yon, dumaan ang malamig na hangin sa gitna naming dalawa. Nang idilat ko ang mga mata ko, at pagtingin ko kay Elijah, saka ko biglang narinig ang boses ng lolo na papatayin niya rin ako… katulad ng ginawa niya sa mama.My body trembled and I lowered my head again
Habang kasama ko si Elijah, hindi mawala sa isipan ko na baka ang saya na nararamdaman ko ngayon ay may kapalit. I couldn’t avoid overthinking. I tend to feel this a lot when I’m at my happiest—like something bad is bound to happen, waiting just around the corner to hit me.Siguro dahil sanay ako na ang buhay ko ay umiikot sa takot, lungkot, at puro pagbabanta. Na sandaling kaligayahan lang, hindi ko na ma-enjoy dahil sa isip ko na may mangyayari na mas mabigat.It’s just that what’s happening feels surreal, like a dream.Umangat ang tingin ko kay Eli na kasabay ko naglalakad. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko at nandito kami sa isang amusement park. Sinunod niya ang gusto ko kanina, pero hindi kami sumakay sa kahit anong rides. We just walked around, played some games, and walked some more while he held my hand. Masaya ako simula kanina, pero ito nga, at nawala ang saya na 'yon nang mapagtanto ko na pakiramdam ko may kapalit ang nararanasan kong ligaya.Hindi pa naman kasi tapos an
PristineI never thought that one day, Elijah and I would be out in the daylight, simply enjoying the view of the lake while watching the swans glide gracefully across the water. Kahit noong bodyguard ko pa siya, hindi ko talaga naisip na makakalabas ako ng ganito kasama siya. Siguro dahil dati, noong nasa bahay pa ako, hindi ko man lang sinubukan na magpaalam para lumabas o kahit maglibot sa mall. That’s because I knew Lolo wouldn’t agree, and Papa would also tell me to just stay at home.My world back then was limited to the mansion and school, doon lang talaga, kahit nga field trip? Hindi ako pwedeng sumama. It wasn’t just about strict rules, it was about safety. Lolo’s enemies were always lurking, and I knew that stepping outside meant taking a risk. Syempre, ayokong mag-alala ang papa noon kaya’t sumusunod rin ako. Isa pa, wala rin akong mga kaibigan na maaari kong maisama dahil nga takot na makipaglapit sa akin ang mga ito dahil isa akong Vera Esperanza.The surname alone speaks
“What did you say? Ulitin mo nga ang sinabi mo!”Rinig na rinig sa labas ng malaking gate ng mansion ng mga Ynares ang boses ni Halyago Vera Esperanza. Hindi siya makapaniwala na maaga siyang tumungo doon para makausap si Margus ngunit ang ibubungad sa kaniya ng guard ay bawal siyang pumasok! “Sinusunod ko lang po ang trabaho ko, sir.”What the hell just happened!“Bago ka lang ba dito, ha? Hindi mo ba ako nakikilala?!” he shouted. Umabante pa siya upang mas malapitan ang guard na bahagyang nakayuko. Ang dalawang tauhan niya na nasa likod niya ay naglakad rin palapit at ang isa ay nagsalita pa.“Kasosyo sa negosyo ni Mr. Ynares ang amo namin, pwede na tawagan mo siya at sabihin na narito si Mr. Vera Esperanza para makausap siya.The old man’s hands clenched as he took his phone out from his pocket. Dati-rati ay nakakapasok naman siya kaagad ng diretso sa mansion ng mga Ynares dahil pinagbubuksan siya ng kahit na sinong guard. “Kung bago ka dito, I’ll make sure you’re fired once Mar
Pierre ignored it before because he hoped that one day, his father would treat them well.“I-I’m sorry… I’m s-so sorry…”Nanghihina ang katawan ni Pierre na napahawak sa gilid ng sofa at muling napaupo. His head tilted to the side, his gaze unfocused and his eyes wide and unblinking in shock while tears kept on falling. Patuloy rin siya sa pagbulong ng patawad pero ganoon rin si Kamila, nagpatuloy rin ito sa paglabas ng saloobin at hinanakit sa kaniya.“Tapos ngayon gusto mo pa rin na kausapin ang ama mo? You tried last night, and for me, that was enough! Wala ka nang nakuhang maayos na salita, tapos sasabihin mo pa ‘yon for the last time? Gumising ka, Pierre! Your words will never change him! Even if you beg, or even if your life was on it, hinding-hindi na magbabago si Halyago!”His mind still refused to process it. Yet Kamila’s firm voice echoed in his ears. Alam ni Pierre na hindi ito magsisinungaling para lang idiin ang ama niya dahil ramdam niya ang bigat at sakit sa bawat salit