"Aminin mo, kinilig ka, 'no?"Sinamaan ko ng tingin si Kio. Naglalakad kami ngayon palabas, tapos na kasi ako na mag-almusal. At iyang linya niya na 'yan ay kanina niya pa 'yan sinasabi simula nang lumabas ako ng silid ko. Mahina lang naman 'yong kaming dalawa lang ang makakarinig. Sa aming dalawa ay parang mas siya pa ang kinilig sa bulaklak. Tuloy pakiramdam ko hindi naman siya seryoso doon sa payo niya sa akin na huwag akong maging marupok, na huwag basta bibigay kay Elijah.Parang kulang na lang rin siya ang magsabi na patawarin ko na, eh."Saan mo inilagay ang mga bulaklak? Baka naman ipa-frame mo pa 'yon kapag natuyo, ha? Kung ako 'yon naku, baka ipa-preserve ko pa kasi--""Stop it," nilingon ko siya sandali at pinaningkitan ko pang lalo ng mga mata. Ang lakas rin niya mang-asar. "Naku. Mag-thank you naman sa akin! Dahil 'yan sa pagtitiis mo kaya nage-effort na si boss! Kaso mga ilang percent na lang ba 'yang pagi-ignore mo sa kaniya? Ako kasi alam ko any time bibigay ka na ri
"Hindi ka na sana nagpunta pa dito, Pristine. Paano kung mahawa ka?" Ngumiti ako at umiling kay Esther. "I'm fine. Saka nakasuot naman tayo pareho ng facemask, and hindi rin ako basta-basta nagkakasakit."She let out a deep sigh, sabi ko na rin kasi na hindi siya papayag kung talagang nagsabi ako. "By the way, kumain ka na. Nariyan rin sa supot ang mga gamot. Mas mabuti kung mainom mo na rin para gumaan ang pakiramdam mo."Tumalima naman siya kaagad. Hindi na nagreklamo pero kanina nang dumating kami dito ni Kio ay nakita ko ang gulat sa mukha niya nang mapagbuksan ako ng pinto. She was so shocked she immediately closed the door and told me to wait outside for a few seconds. Si Kio naman ay sinabi ko na sasakyan na lang, o makipagkwentuhan muna kay Elijah na nasa baba rin. Siya na rin pala ang nagsabi kay Eli na kaya kami dumaan dito kay Esther ay para magdala ng pagkain at mga gamot."Kasama mo si Elijah? O si Kio lang?" tanong ni Esther. She's eating already. Ako naman ay inabot k
"Uhm, Pristine, i-ito daw yung photocopy ng exercise na ipe-present natin ngayon."Napatingin ako sa kaklase ko nang lumapit ito sa akin. We're at the comfort room. Naghihintay ako sa may gilid para magpalit ng P.E uniform. Nang kunin ko 'yon ay ngumiti ako at nagpasalamat."Thank you, Jennica."Pero bago pa niya 'yon marinig ay tumalikod na siya. Napayuko ako at napalabi. I actually remember her, kaklase ko na siya nung senior high school ako, and she's a shy girl. Natandaan ko rin na nagkaroon na kami dati ng interaksyon dahil magkagrupo kami sa values ed na subject. Alam ko naman ang dahilan kung bakit hindi rin siya naglalalapit sa akin, narinig ko kasi na pinagbawalan siya ng ama niya dahil isa ang dad niya sa bumangga noon kay lolo. Same reason...Nang makita ko na ako na ang susunod ay pumasok na ako sa cubicle. Ilang minuto na lang rin at magsisimula na ang P.E class. Kailangan ko pa na isaulo itong basic exercise dahil ngayon ko lang nakuha. Ang alam ko ay dapat last week pa
Pristine Felize Vera Esperanza What does it feel like to be truly happy? Is it that feeling of getting what you want with just a snap of your fingers? What truly brings happiness to a person? Is it having a simple life or being extremely wealthy? In my case, I would choose a simple life without having too much money over being this wealthy. Ang kapalit ng maraming pera ay isang masayang pamilya. "Pristine." I looked at the person who called me and saw my grandfather with his right hand person standing behind him. He's here... without notice. Don Halyago Vera Esperanza stood before me, gripping his cane tightly. His white hair was neatly cut, and his mustache was gone. His facial expression was so strict that if I said something wrong, I would end up in that dark room again, where I was always punished. Siya ang ama ng papa. I know that he will never be good to me as a grandfather. Tapos na rin ako na umasa. Hindi na niya ako matanggap nas
Elijah is thirty years old. He's been guarding me a few months after I turned 18. Ang papa ang nag-hire sa kaniya dahil isang buwan pagkatapos ng debut ko ay muntik na akong mamatay dahil may nagpaulan ng mga bala ng baril sa family car namin kung saan ako nakasakay. Ngayon, pang siyam na buwan na niya dito sa mansyon bilang bodyguard ko. Naalala ko tuloy, when he was introduced to me, napansin ko kaagad ang mukha niya, how handsome he is. Nakukuha agad niya ang atensyon ng kahit sino, kadalasan mga babae. At ang tangkad niya. Kahit na 5'8 ang height ko ay hanggang balikat lang niya ako. I learned that Elijah was under a special force agency, dating navy seal. Wala akong masyadong alam tungkol sa personal na buhay niya dahil hindi naman rin siya noon nagkukwento. Hindi kami madalas mag-usap. Talagang binabantayan lang niya ako at sinisiguro ang kaligtasan ko. He talks less. Kapag may tinatanong ako, tango at iling lang ang nakukuha ko na sagot mula sa kanya.Pero hindi ako non naap
Lumabas ako ng silid na bago na muli ang kasuotan. May ayos rin ang aking mukha dahil nilagyan ko ng kaunting blush on ang magkabilang pisngi ko at naglagay rin ako ng lipgloss. Kinulot ko rin ang dulo ng buhok ko.Nang makita ko si Elijah na naghihintay sa labas ng kwarto ko habang nakasandal at nakahalukipkip ay naalala ko ang sinabi niya kanina.He only say that dahil alam niya na hindi rin magugustuhan ng ama ko kung magtatagal dito si Gael. Dad wanted to know if I have someone I like, pero alam ko na hindi niya gusto na may ipinapakilala si Lolo ng ganito.He also felt that I am not interested."Nasaan sila, Eli?" tanong ko habang nauuna na maglakad.Nakasimangot siya. Palagi naman na masama ang mukha niya pero iba ang ngayon dahil parang wala talaga siya sa mood."Your visitor is in the dining room, princess. Wala ang lolo mo at kaaalis lang. Iniwan ang lalake doon," sagot niya.Kahit gusto ko na tumigil sa paglalakad at lingunin siya ay hindi ko na ginawa dahil nga matagal na r
It sounded wrong for me. Pero tingin ko naman ay walang ibang gagawin si Gael. Lalo na at narito siya sa loob ng mansion namin. Wala akong dapat ikakaba dahil tiyak na kung may gagawin siya ay hindi siya makakatakas agad."I didn't know you want to meet me alone."Ngumisi naman siya at sumandal sa kaniyang upuan. Hindi niya ako inaalisan ng tingin simula pa kanina. I don't know what is the reason of that smile but he annoys me. Siguro rin kaya ayaw ni Elijah na umalis at iwan ako dito ay naramdaman niya na maaaring may gawin o sabihin na hindi maganda si Gael.But I think I can handle him."That's given, Pristine. Saan ka naman nakakita na lunch date, tapos may bodyguard?" he said.I don't like the way he talk to me. Wala rin siyang ingat sa mga salita niya at doon ako hindi sanay. Also, the way his eyes gaze at me bothers me. Pati na ang pagbasa ng kaniyang mga labi. I let out a deep sigh. Sinabi ko kay Elijah na sandali lang ang lunch na 'to at hindi maaaring magtagal dahil sigurado
“What did this asshole do, princess?" pagkalapit ay hinawakan ako ni Eli sa braso, sandali lang siya na nakatingin sa akin pagkatanong non dahil nilingon niya agad si Gael at masamang tiningnan."I-I'm alright, Elijah."Nang lumapit sa amin si Gael ay nakangiti ito sa 'kin. "Next time let's have lunch in my house, Pristine. Iyong hindi na lalamig ang mga pagkain," sabi niya at ibinigay kay Elijah ang cellphone ko."You came inside fast, bodyguard. That's good. You are your doing job right. Let's drink when we meet again next time and please..." tinapik niya pa si Eli sa balikat. Pero ako ay kinakabahan na dahil pakiramdam ko ay iigkas na ang kamay ni Elijah aa mukha ni Gael. "Protect my fiancee for me while I am not here. I heard about the threats."Napatanga ako doon. Hindi dahil sa mga banta sa buhay namin dahil sanay na ako, kung hindi dahil sa sinabi niyang 'fiancee'He was so confident when he said that!Wala pa ngang usapan sa kasal!"We're not even close so why would I drink